Copyright

myfreecopyright.com registered & protected

Huwebes, Abril 14, 2011

My Provincial Series (part 21, Jan... Ivan... A Sad Finale)

Kamukha ni Jan

Kamukha ni Ivan

You judge as to who would be a better boyfriend. =) Anyway, this is the finale for the provincial series. I'm sorry if this will be a bit early but this is what happened so I can't do anything about it.

==============================================

Maaga pa nang dumating sina Mama at Papa para iligpit ang gamit ko. Lubos ang pasasalamat nina Mama at Papa kina Tito Ed at Tita ANna dahil sa pagbayad sa hospital bills ko. Sabay-sabay na kaming bumalik sa bahay ni Lola.

Kahit na ayaw nina Tita Anna at Tito Edward na pumunta doon dahil di naman sila kamo kaano-ano ay napilit pa rin sila nina Papa.

Madali namang nagkapalagayan ng loob si Papa at si Tito Ed. Sina Mama at Tita Anna ay nagkakilala na rin dati kaya para na kaming one big happy family na nag-uusap ang mga magulang. Naiisip ko na ikakasal na kami ni Jan. Habang nasa kotse naman kami ay nakaakbay lang si Jan. Parang ayaw niya akong mawala sa tabi niya.

Pagkadating namin sa bahay ay di na kinuha nina Tito Ed ang gamit nila sa kotse. Tutal sasaglit lang daw sila at uuwi na rin. Dumaan lang.

Agad na pumasok kami at nakisalamuha sa mga bisita. Si Jan naman ay di matanggal-tanggal ang pagkakaakbay sa akin. Di matanggal ang ngiti sa mukha nito. Agad namang napansin iyon ni Ivan pagkapasok namin. Isang matalim na tingin ang pinukol sa amin ni Ivan. Inirapan ko na lang siya at tumalikod.

Habang nasa bahay kami at umiistima sa mga bisita at nakikilamay ay di humihiwalay si Jan.

"Jan, diyan ka lang ba palagi sa tabi ko?" biro ko pa dito.

"Siyempre." agad namang sagot nito. "Baka kasi malingat ako e andun ka na naman sa Ivan na yun."

Napangiti ako sa sinabi niya. Natatakot pala itong maagaw ako. Mas guwapo nga si Ivan sa kanya pero mas malalim naman ang pinagsamahan namin kaya di siya dapat mag-alala.

"Ano ka ba? Di mo ba alam na di kita ipagpapalit dun? Ngayon pang alam kong ikaw talaga ang mahal ko at wala nang iba." bulong ko sa kanya.

Abot hanggang tenga ang ngiti na binigay niya sa akin.

Maya-maya pa ay bumaba na kami sa balkonahe ng bahay at doon nakita ko sina Kuya Jorey at Glenn na nag-iinuman. Agad kaming tinawag ng mga ito at lumapit naman kami. Tinagayan nila kami ni Jan at agad naman silang nagkapalagayan ng loob.

Maya-maya pa ay dumaan sa tabi namin si Ivan at umupo sa harap ko katabi ni Glenn. Matalim pa rin ang tingin sa amin ni Jan pero di nagsasalita.

Tuloy lang kami sa pag-iinuman. Nang dalawang oras na kaming nag-iinuman ay parang tinatamaan na kaming lahat. Nagiging madaldal na si Ivan pero si Jan ay seryoso lang at palaging ako ang inaatupag.

"Alam mo bagay kayong dalawa." sabay sabi naman ni Kuya Jorey. Tinuturo kami ni Jan.

"Gago ka talaga Kuya." saway ko naman dito.

"Bakit? Bagay naman talaga kayo. Di ba?" sabay siko nito kay Ivan.

Matalim na tingin lang ang binalik sa kanya ni Ivan.

"Oops. May nagseselos yata dito." biro naman ni Kuya Jorey.

"Tumigil ka nga." sabay tulak kay Kuya Jorey.

Agad namang napikon si Kuya Jorey dahil nalaglag siya sa upuan sa pagkakatulak ni Ivan. Agad na tumayo ito at sinuntok si Ivan. Tinamaan si Ivan sa mukha at napabagsak. Nasama si Glenn sa bagsak kasi nasa likod niya ito.

Agad naman kaming napatayo ni Jan. Inawat ko si Kuya Jorey. Pinilit namang patayuin ni Jan si Glenn at Ivan. Kinuha ni Glenn ang kamay ni Jan at tumayo ito. TInabig naman ni Ivan ang kamay ni Jan

Agad namang dumating sina Mama at Papa at iba pa naming kamag-anakan dahil sa ingay namin. Pati sina Tita ANna at Tito Ed ay andun.

Agad na nilapitan ni Tita Josie si Ivan.

"Ano bang nangyayari sa inyo? Kayu-kayong magpipinsan e nag-aaway pa."sabi pa nioto habang tinutulungang tumayo si Ivan. Nahihirapan itong tumayo dahil lasing na.

"E gago kasi iyan e. Pikon. Di marunong tumanggap ng biro." si Kuya Jorey habang dinuduro si Ivan.

"Ano ba kasi yang biruan niyo?" tanong naman ni Papa.

"E yang gago mong anak. Makati." sigaw agad ni Ivan. Dinuduro ako. Namula ako sa sinabi niya Di ko inexpect na sasabihin niya ito sa akin at lalong di ko alam na kaya niyang sabihin iyon sa harap ng maraming tao.

"Hoy. Ayusin mo yang pananalita mo Ivan. Nakakahiya sa mga tao." saway naman ni Mama.

"Bakit? Nahihiya kayo sa sinasabi ko? Bakit akala niyo ba e anghel ang anak niyo. Pwe! Di bagay sa kanya ang pangalan niya dahil reyna ng kati ang anak niyo." patuloy pa nito.

Namumula na ako sa hiya at takot. Agad tinakpan ni Jan ang dalawang tenga ko. Ayaw na niyang marinig ko ang mga sinasabi ni Ivan.

"Yan, kampihan mo yan. Tutal bagay naman kayo e. Di ba Angelo? Pagkatapos mong gamitin ang katawan ko e binalikan mo yang hayop na lalaking yan? E mas guwapo naman ako diyan e. Bakit mas malaki ba titi niya sa akin." mas lumalakas pa ang boses nito.

Agad na sinugod ni Papa si Ivan at sinuntok sa tiyan.

"Sige, suntukin mo ako. Okay lang. Wala akong pakialam. Ang importante malaman mo. Bakla ang anak mo. Bakla! BAkla! BAkla! Bakla!" paulit-ulit pa nitong sigaw sa akin.

Naririnig ko na nagbubulungan na ang mga tao. Di makapaniwala si Papa. Matalim na tingin lang ang ipinukol sa akin.

"At yan!" duro pa ni Ivan kay Jan. "Akala niyo magkaibigan ang dalawang iyan? Mag-syota yan. Araw-araw pa ngang nagkakantutan at nagtsutsupaan ang dalawang iyan e."

Halos matunaw na ako sa hiya. Agad akong kumawala sa pagkakahawak ni Jan at patakbong pumunta sa kuwarto. Agad kong nilock iyon at humagulgol. Di ako makapaniwala sa nangyari. Di ako makapaniwala na magagawa ni Ivan iyon.

Ilang oras na walang nagtangkang kumatok sa kuwarto. Siguro mga dalawang oras na akong nag-iiyak sa kuwarto nang dumilim ang paningin ko.

Nagising na lang ako na nakahiga at nakapalibot sa akin si Kuya Jorey, Glenn at Tita Josie. Siguro mga madaling araw na rin iyon.

Agad kong kinuha ang unan at tinakip sa mukha ko. Muli umiyak ako.

"Gel, wag ka nang umiyak. Di naman sinasadya ni Ivan ang ginawa niya. Sorry na. Ako naman may kasalanan kaya nangyari iyon e." sabi pa ni Kuya Jorey.

Matagal bago uli ako natigil sa kakaiyak. Agad akong pinainom ng tubig ni Glenn. Hinaplos pa ang likod ko.

"Nasaan sina Papa?" tanong ko kay Kuya Jorey.

"Nasa baba lang." seryosong sabi pa ni Kuya Jorey.

"Si... Sina Jan?" atubili kong tanong kay Kuya Jorey.

Nagtinginan muna sina Tita Josie at Kuya Jorey.

"Umuwi na sila." medyo mahinang sabi ni Ate Josie.

"B...bA.. kit di man lang sila nagpaalam?"

"Galit na galit ang Daddy ni Jan sa nangyari. Nakakahiya daw. Nag-away pa nga ang mag-ama e. Kasi gusto kang sundan ni Jan dito kaso pinigilan siya ng Daddy niya. Tinanong naman siya ng Daddy niya kung totoo ang sinabi ni Ivan, ang sabi naman ni Jan ay totoo ngang mag-boyfriend kayo." tumigil si Tita Josie. Ayaw magpatuloy sa pagkuwento.

Si Glenn ang nagtuloy.

"Sinuntok siya ng Daddy niya at agad na hinila papunta sa kotse nila. Di man lang sila nagpaalam o nagsalita kahit kanino. Agad silang umalis." kuwento ni Glenn.

Yun lang at tuluyan na akong umiyak. Di ko inaasahan na magagawang suntukin ni Tito Ed si Jan dahil sa akin. Ang masama pa noon ay ang pagiging masaya namin ni Jan ay mapapalitan lang ng galit nila sa isa't isa at malaman sa akin na rin. Pinahiya ko sila sa harap ng maraming tao. Pati magulang ko ay napahiya din dahil sa bwisit na pagiging bakla ko.

Agad akong bumangon at kinuha ang bag ko. Pinasok ko lahat ng damit ko at ilang gamit. Sinubukan akong pigilan ni Tita Josie pero di ako nagpapapigil. Galit na galit ako sa sarili ko. Kaya mas mabuti pang umalis ako dito.

Kahit na nagpipigil sina Kuya Jorey at Tita Josie ay di nila nakayanang pigilan ako pababa ng hagdan. Pagkakita sa akin nina Papa at Mama ay tinakpan nila ng dalawang kamay ang mukha nila. Kinakahiya na nila ako.

Wala na akong pakialam, naisip ko. Dali-dali akong lumabas ng bahay nina Lola at kahit maraming tao ang nakatingin ay wala na akong pakialam. Gusto kong mawala na dito. Ayokong makita kahit sino sa kanila. Sila na naging dahilan kung bakit mawawala sa akin ang taong mahal ko.

Wala akong pakialam kahit malayo ang Capiz sa Iloilo City. Gusto kong umalis sa lugar na ito. Kung ano man mangyayari sa akin ay di ko alam.




=================================================


Reminder:

!!!Not for reposting!!! Please? This is a personal story. Not fiction so please do not re-post as your own. Thank you.

Don't forget to follow.'

For suggestions or comments, please feel free to message me at 09213450145 or 09266862505. Thank you.

10 komento:

  1. Nabitin ako dun ah..pero dis is ur real life. At d ntin alam kung anu yung mangya2ri kinabukasan. Besides dis happens 8 years ago ryt? At marami narin naganap na maganda xa life u..GOD BLESS YOU and Gud luck 4 da nxt episode.

    TumugonBurahin
  2. kahit past mo to, i hope na maging maayos ang future mo. :) take good care of yourself. dama ko ang sobrang sakit sa pagsulat mo nito.

    TumugonBurahin
  3. My heart was broken after reading this... Kasubo gd ah... Nainit ko kay Ivan - Nami lampusan sang silya!

    TumugonBurahin
  4. takti nakakahighblood nyang lalaking yan hindi nya alam kung anong pinagdaanan ni gil, bago magingsila ni jan ang lakas ng loob mong sirain buhay nila masyado kang pakialamiro, bat pa kasi sinimulang ni jery yan yan tuloy ginatungan ni Ivan(//_@)!!!! add nyo nalng ako sa fb shun gonzales yan name ko!!!!!!

    TumugonBurahin
  5. dark angel sabihan mo ko sa fb kung my bago kang storya huh!!!! shun gonzales name ko don!!! fan reader mo kc ako eh!!!

    TumugonBurahin
  6. shet! kung ako sayo sinaksak ko sarili ko sa harap ni ivan!

    TumugonBurahin
  7. Hello po kuya Gel. I'm a new reader and a fan of yours. I just finished reading all of your series for now. Mali pala ang ginawa ko, dapat sinimulan ko na lang sa umpisa till the end, nag simula kasi ako sa seminary part up to paolo part then elementary series up to this series.

    Nalungkot talaga ako nang husto sa part na to, naiyak ako sa shock. Di ko maimagine kung anong grabeng sakit ang naranasan mo. Nadadala tuloy ung mood ko :(.

    Gusto ko pa naman si Ivan eh walang kasing gago pala siya. Dahil sa kanya kaya nasira tuloy buhay mo. Naniniwala akong walang sikreto ang hindi nabubunyag pero sobrang sama nang tyempo sayo. Mapahiya sa lahat kayo ng pamilya mo at sina Jan? Sobra sobra na yon. Kung sakin siguro nangyari yon eh nagpakamatay na ako... siguro lang. Malaman nga lang ng nanay ko na hinipuan ko ang kapatid ko ay gumuho na ako at nag layas ng 2 days. Grabe talaga.

    Babasahin ko na lang ulet yung seminary series habang hinihintay ang next part ng paolo series mo para mahimasmasan ako.

    Napakatapang at napakamatatag mo kuya Gel dahil after all those happenings ay strong ka pa din, kaya hangang hanga ako sayo eh. God Bless you always and more power!

    Ang fan at reader mo,
    Saranghae

    TumugonBurahin
  8. Ngayon ko lang nabasa 'tong part na 'to. In fairness, ang dami palang nangyari sa province haha.

    Actually Kuya Gel, agree ako kay Ivan dito. Medyo may pagka-makati ka nga noon! Hahaha! Hindi ko na masyado matandaan yung details ng story mo, pero sa pagkakaalam ko eh medyo bata ka pa nung time na 'to. First time mo tigasan eh! Lol. Ang landi mo na nga noon pa lang. Ang dami mo nang experience, samantalang ako 18 na eh wala pa din. Mahirap kasi situation ko eh. Hindi ko pa nga sigurado kung sa boys o sa girls ba ang gusto ko. Haha. Anyways, team Jan pa rin ako. Kahit alam ko na ang nangyari kay Jan, kasi nabasa ko na ung latest mo. Ang cute niyo kasi dun sa Elementary Series eh! :))

    Nicolo

    P.S. Alam mo, I think your story is a tad unrealistic. Sometimes meron akong nababasang mga inconsistencies, though hindi ko alam kong typo lang ba or naguluhan ka lang talaga. Saka I can't quite imagine someone having so many sexual partners, at that age! Kaya minsan naiisip ko na fiction lang itong story mo eh. Na gawa-gawa mo lang. Pero sabi mo real story 'to. So I guess I'll take your word for it.

    If your story's really legit, sana one day eh mapansin mo ako. Kasi, I really want to be friends with someone like you. Someone who had experienced so much. I need advice, and I think you're capable of giving it. Kaya sana sa latest update mo, give me a shout out! Please? :)

    P.P.S. My name's not really Nicolo. Nakuha ko lang yun sa character sa Be Careful With My Heart. Si Marlo Mortel, crush ko kasi yun eh. Kaso mas gwapo ko sa kanya haha. Wooh, hangin! XD

    TumugonBurahin