Copyright

myfreecopyright.com registered & protected

Miyerkules, Abril 13, 2011

My Provincial Series (Part 20, Jan... A Happy...)




If I look at him closely, he really does look like Jan. Hay...

===================================

Maaga pa ay ginising na ako ng halik sa labi ni Jan. Pagmulat ng mata ko ay ang gwapo kong bestfriend ang nasa tapat ng mukha ko at ang labi niya ang nakadampi sa bibig ko.

Agad kong binawi ito.

"Jan, magtoothbrush ka muna." agad kong sabi sa kanya.

Bigla din siyang bawi at inamoy ang hininga.

"Di naman e." sabay palo sa hita ko.

"Joke lang. Halika nga dito." saka hinila ko uli siya para halikan ako.

Maya-maya pa ay may kumatok sa pinto. Mabilis na tinungo ni Jan iyon at binuksan. Pumasok ang nurse at sumunod ang doktor.

"Iho, how are you feeling?" agad na bati ng doktor.

Ngumiti lang ako.

Agad siyang tumingin sa nurse at ang nurse ay agad na lumabas.

"Well, pumunta lang ako dito just to inform you na bukas ay makakalabas ka na. Negative naman ang results ng colonoscopy mo. Wala kaming nakitang ibang sugat sa bituka mo. Since medyo sumara na rin naman ang sugat sa anal lining mo ay pwede ka nang umuwi bukas at sa bahay niyo na lang magpagaling." paliwanag ng doktor.

Tsaka siya lumingon kay Jan. First time niya nakita ito kaya tiningnan niya ng matagal. Tsaka siya ngumiti. Tsaka lumingon sa akin.

"Actually, I myself have other theories." medyo nakangiti pa ito.

"Iho, I for one know exactly what happened. Alam ko ang dahilan kung bakit ka dinugo pero of course I cannot make a report out of intuition. Can you honestly tell me na iba ang dahilan ng pagkasugat ng anal lining mo? I will listen. Mas madali kitang mabibigyan ng payong medikal kung sasabihin mo sa akin ang totoo."

Pinakakampante ng doktor ang pakiramdam ko. Feeling ko gustong-gusto ko magshare sa kanya pero nakakaasiwa.

Parang nabasa niya ang nasa isip ko. Agad niyang tinaas ang daliri niya at tinuro si Jan.

"Siya ba ang dahilan niyan?" sabay nguso sa gitnang bahagi ng katawan ko.

"Di ah." agad na tanggi ni Jan.

Natawa ako sa biglaang sagot nito.

Umiling ako. Saka ko kinuwento sa kanya. Si Jan naman ay napapangiti sa kuwento ko.

Pagkatapos ko magkuwento ay siya namang pagbuntung-hininga ng doktor.

"Hay. Sabi ko na nga ba e. You kids these days." saka sumeryoso ang mukha ng doktor at hinawakan ako sa kamay. Tumingin din kay Jan

"Take it easy okay? Mag-ingat kayo ha. Be sure na alam niyo kung ano ang ginagawa niyo. And always be careful. Always practice safe sex." dugtong pa ng doktor.

Pagkalabas ng doktor ay agad na tumawa si Jan.

"Sabi ko na nga ba e. Tinira ka sa pwet e." saka uli tumawa ng malakas.

Binato ko siya ng unan sa mukha. Sinalo niya ito at nilagay sa likod ko. Agad ay hinalikan niya ako sa labi.

"I love you." sabi pa nito sa akin.

"I love you too." sabi ko naman sa kanya.

Agad na nagliwanag ang mukha niya.

"Talaga?" parang batang nakakita ng regalo sa pasko ang mukha niya.

Tumango ako.

"Talaga? Mahal mo pa rin ako? Ibig sabihin pwede na kitang maging boyfriend?" ulit pa nito.

Ngumiti ako at tumango uli.

"Yahoo!" sigaw pa nito. Saka nagtatalon sa tuwa.

Lumapit uli sa akin at hinawakan ako sa kamay.

"Gel, gusto ko pareho ang school natin okay? Mamaya sasabihin ko kina Mommy na i-enroll ka rin sa WVSU para magkasama tayo. Kayang-kaya naman nila na bayaran ang tuition mo e. Gusto din nila yun at least magkakasama tayo di ba?" tuwang-tuwa na itong nagpaplano.

Wala akong masagot kundi tango na lang. Natutuwa din ako na nakaya ko nang tanggapin ang pagmamahal niya.

Niyakap niya uli ako ng mahigpit.

"Diyan ka lang ha? Tatawagan ko sina Mommy at Daddy. Sasabihin ko na payag ka nang sumama sa akin sa WVSU. Okay?" sabi pa nito at dumiretso sa pinto.

Pagkalabas nito ay di pa rin matanggal ang ngiti ko. Napapailing ako sa kanya. Labis ang tuwa sa mukha ni Jan. Pero parang may kung anong kumirot sa puso ko. Kinakabahan ako. Di ko alam kung bakit.

Wala pang isang oras nang tumawag si Jan ay agad ding dumating sina Tita Anna at Tito Edward. Agad akong hinalikan ni Tita Anna sa noo.

"Gel, thank you sa pagpayag na sumama sa anak ko. Alam namin na this will be too much to ask from you kaso alam namin na ikaw lang ang makakapagpatino sa anak namin. You are a very good influence kay Jan." bungad pa ng Mommy niya. Halatang tuwang-tuwa din.

Si Tito Ed naman ay tatango-tanog lang na nakangiti.

"Well, since makakalabas ka na sa ospital bukas, we better pay the bill." sabi pa ni Tito Ed.

"Naku Tito. Wag na po. Kaya na po nina Mama yan." agad kong pigil sa kanila. Nahihiya ako sa gagawin nila.

"No, iho. That's the least we could do. After all, parang anak ka na rin namin di ba?" sabi pa ni Tita Anna, sabay haplos sa ulo ko.

Di na ako tumutol dahil alam kong gagawin talaga nila iyon kahit anong gawin ko.

Mga isang oras bago pa sila nakabalik at pagkabalik nila ay maydala pa silang pagkain galing McDonalds. As usual alam nila na iyon ang paborito kong fastfood.

Parang one big happy family na naman kaming kumakain. Nang gabing iyon ay napag-desisyunan nina Tito at Tita na wag nang tumuloy sa hotel. Dun na sila nagpalipas ng gabi sa hospital. Buong gabing naglilista si Tita Anna ng bibilhin namin pagdating sa Iloilo. Dapat daw maghanda na kami para sa pasukan tutal malapit na ang June.

Andaming nilista ni Tita Anna pero wala man lang akong sinabi. Si Jan ang nagsabi ng kung anu-anong bibilhin para sa amin. Nakangiti lang akong tinitingnan silang tatlo na nagpaplano para sa amin.

Late na kami nakatulog dahil sa pagkukuwentuhan namin at kahit na nahirapan sina Tito at Tita na matulog sa bench ay tiniis nila iyon. Pero sa huli ay napagpasyahan pa rin nilang bumalik sa hotel. Mga alas-dyes na ng umuwi sila at pagkabalik ni Jan galing sa paghahatid sa kanila ay agad na ngumiti na naman ito.

Alam ko na ang nasa isip nito.

Agad na nilock na naman niya ang pinto. Kasabay noon ay ang mabilis niyang pagtakbo papunta sa kama ko at pagsiil sa akin ng halik. Mabilis na hinubad nito ulit ang mga kasuotan namin at walang pigil kaming nagtalik ng gabing iyon.

=================================================


Reminder:

!!!Not for reposting!!! Please? This is a personal story. Not fiction so please do not re-post as your own. Thank you.

Don't forget to follow.'

For suggestions or comments, please feel free to message me at 09213450145 or 09266862505. Thank you.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento