Copyright

myfreecopyright.com registered & protected

Lunes, Setyembre 8, 2014

My Jalandoni Series... (Chapter 9... Unravelling Mac)




Yehey, nakapagpost ulit sa wakas.

So sad, wala man lang nagcomment sa past 2 posts ko huhuhu. Well, kung ayaw niyo na basahin, okay lang...

=======================================

Tiningnan ko ang mukha ni Mac.  Familiar nga siya. Naaalala ko na kung saan ko siya nakita.

Bago pa ako makapagsalita, may isa pang painting na nakatawag sa pansin ko.  Painting ng isang matandang babae.

Siya yung matandang babae na bumili ng paintings ko.  At si Mac ang lalaking kasama nito noon.  Yung kumaway sa akin sa parking lot nung sinundan ko ang matandang bumili ng mga paintings ko.

Tatlo sa mga paintings ko e nasa sala nila.

"So naaalala mo na ako?" biglang tanong ni Mac.