Copyright

myfreecopyright.com registered & protected

Tuesday, April 26, 2011

My Seminary Series (Part 6, Enter.... My Love Interest)

To make story-telling easy so that you will not need to think how Jason and Hikes look like, I have included pictures of boys who look similar as Jason and Hikes. Not totally similar but at least I tried to look for the most similar. Whew! I took long enough to look for pictures. I had to remember their faces first.

Here goes:

Kamukha halos ni Jason

Kamukha ni Hikes

Hmmmm.... I'm so excited to post already. Hahahah.

===========================================

Pagkatapos namin maghanda para sa 9:30AM to 11:30AM namin na schedule for morning lessons ay sabay na kaming pumunta ng 2nd floor kung saan andun lahat ng lecture rooms.

Dahil magkakaedad lang kami nina Jason at Hikes ay sabay-sabay na rin kami pumunta doon. Napansin ko na hindi masyadong magkasundo ang dalawa dahil mula kuwarto hanggang classroom namin ay nasa gitna nila ako at di sila nag-uusap. Kinakausap naman ako ni Hikes. KInakausap naman ako ni Jason. Pero di sila nag-uusap na dalawa. Weird. Kaso bago pa lang ako kaya naiilang naman ako na tanungin silang dalawa. Kaya hinayaan ko na lang sila.

Kahit nasa seminaryo kami ay ramdam ko pa rin na sa edad namin ay mga bata pa rin kami na kulang sa disiplina. Andiyan pa rin ang ibang nagbabatuhan ng nakabilot na papel, yung tawanan na malalakas, may nagkakantahan pa at mga nagpapasikat ng sayaw sa loob ng classroom.

Dahil medyo huli kami ng dating ay nasa banda huli na kami ng classroom nakaupo.

Maya-maya pa ay dumating na ang aming guro. Nagpakilala siya. Itago na lang natin siya sa pangalang Father Bong. Ang subject daw namin sa kanya ay Bible Studies. Old Testament lang daw ang ita-tackle namin. Magbibigay daw siya ng mga chapters na babasahin namin sa freetime namin at pagdating sa klase ay magtatanong-tanong na lang daw siya. Ayaw niya daw ng hindi prepared sa klase dahil bible naman daw iyon at dapat ay palaging binabasa.

Isa-isa kaming binigyan ng bible. Iyon daw ang bible na gagamitin namin kasi kahit daw may sarili kaming bible ay minsan nagkakaiba daw ang nakalagay sa bible depende sa uri nito. Di ko na matandaan ang ginamit niyang word. Basta iba-iba daw minsan ang bible. Kaya ngayon meron kaming prescribed na uniform na bible.

Agad pinabasa sa amin ng 5 minutes ang First 6 chapters ng Genesis. Dahil mahilig nga din ako magbasa ng bible nung bata ako ay mabilis kong natapos ang pagbabasa. Agad akong tumingin sa kinatatayuan ni Father Bong at agad niya akong napansin na nakatingin sa kanya. Sumenyas siya kung tapos na ba daw ako. Ngumiti lang ako at tumango. Ngumiti lang din siya.

Tumingin ako sa relos ng classroom. May 2 minutes pa palang natitira. Wala akong magawa kundi tumahimik na lang at hintaying matapos magbasa ang lahat. Mabagal man pero dumating din ang katapusan ng pagbabasa.

"Tapos na ba ang lahat?" tanong ni Father Bong.

"Di pa po." agad na sagot ng mga halos tatlong kaklase ko na nakataas pa ang mga kamay at halatang minamadali na ang pagbabasa dahil nagbabasa na sila gamit ang bibig.

Maya-maya ay natapos din sila. Nagulat kaming lahat ng may inilabas na mga papel si Father Bong.

"Now, let's just have an assessment test." bungad nito.

"Po?" halos sabay-sabay naming sabi.

"Wag kayong mag-alala. Assessment Test lang ito. 100 items. Madali lang. Titingnan ko lang kung gaano na kalawak ang kaalaman niyo sa bible." pagpapaliwanag pa nito.

"Lagot." naisip ko. Di pa naman ako masyado nagbabasa ng bible lately.

Pinasa-pasa na ang mga test questionnaires at agad ko itong binasa. Multiple choice, matching type, true or false at enumeration. Hmmm. Good. Walang identification. Hehehe.

Agad kong sinagutan ang mga iyon. Medyo natuwa naman ako dahil parang nabasa ko na halos lahat ng mga natanong dun. Meron kasi akong malaking libro dati na makapal siya na bible pero ginawang parang comics so mas mabilis kong nabasa. One hour lang ang binigay sa amin pero dahil sa palagi naman talaga akong mabilis sumagot sa mga exam ay may natitira pang 30 minutes.

"Hay... na naman." nasa isip ko. Minsan pinapagalitan ko ang sarili ko kasi parang nabobore ako sa mga exam lalo na kapag madali para sa akin. (Kapal ko no?) Pero totoo.

Agad ay nilapag ko ang ballpen ko sa taas ng questionnaire at humarap agad kay Father Bong. Di ko alam kung bakit pero sa akin pala siya nakatingin na parang alam na niya na ako ang mauunang makakatapos.

"Are you done?" agad niyang tanong sa akin.

"Yes." mahina kong sagot.

Sabay lingunan ang mga kaklase ko. Si Jason naman ay nakangiti lang sa akin. Si Hikes ay busy sa sinasagutan.

Lumapit sakin si Father Bong at kinuha ang questionnaire ko. Mabilis na tiningnan ang mga sagot ko. Saka ngumiti.

"If you finish early, you can go out of the classroom early. We will check this tomorrow." agad na sabi ni Father Bong saka bumalik sa desk niya.

Agad kong niligpit ang mga gamit ko. Dala-dala ang bago kong bible ay tumayo ako. Sumenyas na lang ako kina Hikes at Jason na hihintayin ko sila sa field. Tumango lang sila.

Nagpaalam din ako kay Father Bong at ngumiti lang ito sa akin.

Agad akong lumabas ng kuwarto at mag-isang naglalakad sa hallway. Sobrang tahimik ng hallway kaya kinontrol ko ang paglakad ko. Konting ingay lang kasi ay rinig na rinig sa buong hallway. Nagkaklase pa naman ang iba.

Tiningnan ko ang relos ng hagdan sa 2nd floor. 10:45AM pa lang pala. may 45 minutes pa akong libre. Nag-isip na lang ako ng magagawa. Naalala ko na sabi ni Father Ric ay may music room sa 1st floor. Tutal nasa 1st floor naman iyon at wala namang nagkaklase doon siguro ay pwede akong tumugtog ng piano.

Agad akong bumaba ng hagdan at hinanap ang music room. Nasa medyo dulo na pala ito ng kaliwang wing ng ground floor.

Kumatok ako saglit sa music room pero walang sumasagot. Binuksan ko ang pinto at wala ngang tao sa loob. Agad akong pumasok at nilapag ang bag ko sa bakanteng upuan. Binuksan ko ang piano pero sira ang isang tipa nito. Naisip ko wag na lang iyong piano kasi baka tuluyang masira iyon.

Tinungo ko na lang ang organ. Sinet ko iyon sa mababang volume para hindi masyadong maingay. Naghanap ako ng piyesa na matutugtog. Nakita ko ang Hallelujah ni Handel. Medyo mahirap iyon tingin ko pero alam ko maganda yun.

Pinasadahan ko ang melody lang muna yung mga nasa G Staff muna kasi hindi ko pa kayang magsabay agad sa G at F staff. (For those na hindi masyadong maalam sa music, ang G staff ang nasa limguhit na may G clef at yung F staff ay yung nasa limguhit sa baba na may F clef... hahaha malalim pa rin.) Basta in short yung melody muna.

Habang tinutugtog ko ito ay naaalala ko na na narinig ko na pala ito dati. Dahil dun ay mas napabilis ang pagkuha ko ng melody. Agad kong pinag-aralan ang iba pang mga nota.

Natuwa naman ako dahil halos kumpleto at pulido agad ang tunog nito. Natigilan ako nang may marinig akong palakpak mula sa likod ko.

"Galing naman."

Bigla akong natigilan sa narinig ko. May nakikinig pala sa akin. Dahil di ko kilala ang boses noon ay agad akong lumingon.

Nagulat ako sa nakatingin sa akin. Isang guwapong lalaki na may malaanghel na mukha. Nakangiti pa ito ng sobrang tamis at napakaganda. Halos mahulog ako sa upuan ko sa aking nakit.

Maya-maya pa ay lumapit na siya at nakataas ang kanang kamay. Halatang makikipagkamay.

"Hi. Ako nga pala si Brother Michael. Ako ang nagbabantay ng Music Room at leader ng Choir dito sa Seminaryo." pagpapakilala pa nito.

Halos matunaw ako sa tingin niya. At nang hinawakan ko ang kamay niya para makipagkilala ay halos mahimatay talaga ako. Ang lambot at ang puti ng kamay niya. Ang gwapo pa ng mukha niya. Halos mawalan na ako ng ulirat sa pagkakahawak namin ng kamay.

Ambilis ng tibok ng puso ko. Ito na yata ang pinakaguwapong nakita ko sa seminaryo. Kahit magulo ang buhok niya ay bagay na bagay sa sobrang puti niyang mukha at napakaganda niyang balat. Pati ang ilong at labi niya ay napakaperfect para sa isang tao. Inlove na naman ba ako?



===============================================

Reminder:

!!!Not for reposting!!! Please? This is a personal story. Not fiction so please do not re-post as your own. Thank you.

Don't forget to follow.'

For suggestions or comments, please feel free to message me at 09213450145 or 09266862505. Thank you.

2 comments:

  1. "Halos mawalan na ako ng ulirat sa pagkakahawak namin ng kamay."

    grabe ha.. hehe. at mukahang K-pop si brother michael..XD

    ReplyDelete