Monday, April 4, 2011
My Provincial Series (Part 6, Ivan, at isa pa)
==================================
Sa bilis ng tibok ng puso ko alam ko nararamdaman niya yun kasi nakahilig lang ako sa balikat niya.
"Gel, pwede ba kitang halikan?" malambing na tanong nito.
Di ako umimik. Mahirap na kung bigla akong sumang-ayon. Malay ko ba kung hinuhuli nito kung bading ako. Ayokong mapahiya sa pamilya ng Papa ko.
Binitiwan ko ang kamay niya. Kunwari ay nagets ko ang joke niya.
"Ano ka ba? Tumigil ka nga. Wag ka magbiro ng ganyan. Ano ka bading?" defensive mechanism ko na naman.
Natahimik siya sa reaction niya. Ang akala niya siguro ay oo ang isasagot ko. Parang nadisappoint siya sa naging reaction ko.
Agad niyang niligpit ang mga dala namin at walang sabi-sabing umalis. Di ko siya sinundan. Naawa ako sa kanya. Alam ko naman kung ano ang gusto niyang sabihin e pero siyempre umandar na naman ang pagiging defensive ko. Mahirap maging bading lalong-lalo na sa pamilya ng Papa ko. Imagine, lalaking anak niya ay bading pala. At kapag nabuko ako sa gitna ng pamilya nila, lalong nakakahiya iyon. Sobra na nga kung tutuusin ang nangyari sa amin ni Kuya Jorey na pinsan ko. Dapat nga hindi nangyari iyon dahil magpinsan kami. E kung kay Ivan na tito ko? Mas nakakahiya.
Agad akong sumalampak sa damuhan at umiyak. Naiinis ako sa sarili ko. Bakit ba palaging ang hirap maging bading. Ang hirap magmahal kapag bading ka. Wala kang kaligayahan. Ang una kong karanasan, si Rexie. Isang araw lang kami naging close at may nangyari agad sa amin kinagabihan. Todo buhos naman ako ng feelings ko sa ginawa namin at magigising ako na ayaw na agad niya. Parang ginamit lang ako sa sex.
Si Jan naman, ang naging bestfriend ko na. Halos higit pa sa magkapatid ang tingin namin sa isa't isa. Para na nga kaming mag-asawa na nagsasama sa isang bagay at araw-araw ginagawa ang kahit mga mag-asawa ay hindi pa ginagawa. Mas wild ang sex namin. Mas malalim ang pagtitinginan namin kaso di naman pwede dahil alam kong paghihiwalayin lang kami ng pamilya nila kapag nalaman na bading kaming pareho. Di pwede na ang unico hijo ni Tito Edward ay maging bading. Sayang na sayang lang talaga siya. Pero kailangan ko talaga siyang pakawalan.
Heto na naman ang pangatlo. Di naman ako tanga para di malaman na may nararamdaman si Ivan sa akin at alam ko na totoo ang nararamdaman niya. Nalulungkot lang ako dahil di talaga maaaring maging kami dahil maraming bawal. Di kami magtatagal dahil di din naman ako taga-rito. Hindi nga kami aabot ng isang buwan dito. Mas lalo lang kaming masasaktan kapag pinagpatuloy namin ito. Kaya habang maaga ay putulin ko na kung ano man ang magiging ugnayan namin.
Mga kalahating oras din yata akong umiiyak nang may marinig akong kaluskos. Saka ko lang naalala na nasa bundok pala ako at katabi namin ay gubat. Papalapit nang papalapit ang tunog. Parang hinahawi ang mga matataas na damo. Natakot na talaga ako pero di ako makaalis. Katapusan ko na yata, naisip ko. Sa laki ng kung anumang hayop na lalabas sa talahiban na iyan siguradong patay ako.
Nawala na lang ang kaba ko nang makita kong lalaki pala at may hawak na mga nakabalumbon na mga sanga ang lumabas. Sa wari ko ay edad 20 hanggang 25 na ito. Medyo moreno ang balat pero maganda ang katawan. Di ko pa nakikita ang mukha niya dahil natatakpan ng mga nakabalumbon na mga kahoy. Maya-maya ay lumingon siya sa direksiyon ko. Saka ko lang nakita ang mukha nito. Guwapo din kahit papaano. Guwapo kumpara sa mukha ng mga taga-probinsiya na palagi kong nakikita.
Agad siyang lumapit sa akin at ngumiti. Nilapag ang dala niyang kahoy sa tabi ng puno at lumapit sa akin.
"Ikaw pala yung umiiyak." panimula niya. "Akala ko kung anong hayop na yung andito e."
Pinahid ko ang luha ko. Nakakahiya naman na makita ako dito ng hindi ko kilala na umiiyak.
"Di ko naman alam na may tao e." pagpapaumanhin ko. "Sensya na kung nadistorbo ko ang pangangahoy ko." sabay tingin ko sa dala niya.
Nilingon niya rin ang tinitingnan kong bagay.
"A, yan ba? Di naman yan pambenta e. Kinukuha ko lang iyan para gawing pala-pala sa mga tanim naming kalabasa." pagpapaliwanag niya.
"Pala-pala?" agad kong sabi. Di ko kasi alam yun e.
"Alam mo yung kalabasa di ba? Di ba vine siya? Gumagapang. Yung pala-pala e yung dinadaanan niya para makagapang siya at hindi sa lupa." Pagpapaliwanag niya.
Napansin ko na ginamit niya ang vine kaya agad naisip ko na hindi pangkaraniwang probinsiyano ito.
Nangiti ako sa hinuha ko.
"O, bakit ka naman nangiti?" Taka nitong tanong.
"Wala. Napansin ko kasi na ginamit mo ang salitang vine. Di ka tubong-probinsiya ano?" agad kong tanong.
Natawa siya at umupo malapit sa akin.
"Anggaling mo manghula a. Oo, tama ka dun. Di naman ako dito lumaki e. Sa Iloilo talaga ako nag-aaral. Scholar ako sa UP Iloilo City campus. 2nd year college na ako. Sa pasukan ay 3rd year na ako."
"Talaga? UP ka? Galing mo naman. Sana pag-college ko dun din ako." sabi ko.
"Di naman magaling. Tsumamba lang. Pero sa city na talaga ako tumira simula nang high school ako. Sa UP High School din kasi ako nun e."
Nalungkot ako. Napansin naman agad niya.
"Oh, nalungkot ka na naman. Wag mong sabihin iiyak ka na naman diyan." biro pa niya.
"Hindi. Naiinggit lang kasi ako sa'yo."
"Bakit naman?" taka nitong tanong.
"Kasi gusto ko rin sana sa UP. Nakapasa na nga ako dun e. Nakapasa din ako sa Philippine Science sa Leganes, sa School for the Arts sa Mt. Makiling, sa Special Science sa La Paz, kahit pa nga sa WVSU e. Kaso sabi ng mama ko dapat daw sa public school ako mag-aral kasi daw mas maraming contest daw ako masasalihan pag dun ako nag-aral." paliwanag ko
"Tama nga naman sila. May point naman mama mo. Kasi sa mga public schools andaming opportunities e. Mas maganda din kung sasali ka sa maraming contest. So ibig sabihin matalino ka?" agad nitong bawi. Ngumiti pa.
Saka ko lang napansin na ang ganda ng mukha niya kahit moreno siya. Pero napansin ko na ang moreno niya ay pantay. Di dahil sa sunog sa araw.
"Di naman." sabay bawi ng ngiti ko.
Siniko niya ako ng marahan.
"Wag ka nang mahiya. Sige na kuwento mo." udyok pa nito.
"Di ako matalino. Mahilig lang ako sumali sa contest lalo na mga Poster-making contest. Pero sa quiz bee lumalaban din ako. Science at math ang gusto ko."
"Wow! Galing mo naman. Science at Math ang forte mo? Galing mo naman. Ako kasi mahina diyan e. Kaya nga management ang kinuha ko sa UP e. Kasi balang-araw gusto kong maging manager." kuwento din nito.
"E di magiging mayaman ka na balang araw." biro ko pa.
"Hmmm... Siguro. Bahala na." simple nitong sagot.
Medyo sandaling katahimikan.
"E matanong ko lang. Bakit ka nga pala umiiyak?" agad nitong tanong.
Di ako nakasagot agad. Bakit naman kasi ako magkukuwento dito? E di naman kami close.
"Sige na kuwento mo. Makikinig ako. Malay mo may maitutulong ako sa problema mo." udyok pa nito.
Di pa rin ako nagsalita.
Hinawakan niya ako sa balikat at pinisil pa doon.
"Alam mo ba? Sabi nila maganda daw magkuwento sa total stranger kasi mas masasabi mo ang gusto mong ilabas dahil di ka naman niya kilala." sabay ngiti pa nito.
"Kunsabagay. Tama ka. Kaso naman sa haba ng kuwento ko ay baka matagalan tayo dito."
"Okay lang yan. Paikliin mo lang konti." sabay tanggal ng kamay niya sa balikat ko.
Saka ako nagsimulang magkuwento sa estrangherong nasa tabi ko.
================================================
Reminder:
!!!Not for reposting!!! Please? This is a personal story. Not fiction so please do not re-post as your own. Thank you.
Don't forget to follow.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
ambilis ah.. sana meron agad mamaya..hehe
ReplyDeleteDahil malakas ka sa akin.. I will grant your wish... I will write two more episodes today. =)
ReplyDelete