Friday, April 8, 2011
My Provincial Series (Part 14, Goodbye Gilbert)
Kamukha ni Gilbert
Pictures provided for comparison for better imagination. *wink
============================================
Pagkadilat ng mata ko ay puting kisame ang agad na nakita ko. Tahimik ang lugar. Agad akong lumingon sa kaliwa ko kung saan may natutulog sa braso ko. Agad kong nakita si Ivan. Inilibot ko ang mata ko at nakita kong may mga prutas at bulaklak sa katabing mesa. May mahabang bench na may mga bag at may cross sa uluhan ko. Nasa ospital ako.
Di ko matandaan kung anong nangyari sa akin. Di ko matandaan kung bakit ako andito. Di ko nga alam kung ilang araw akong natutulog.
Tiningnan ko si Ivan. Himbing na himbing ang tulog nito. Ginawang unan ang braso ko. Medyo nangalay ako kaya hinila ko ang braso ko. Nagising agad siya. Yun pala nakahawak ang kamay niya sa kamay ko.
Pupungas-pungas pa siya ng mata ng makitang nakatingin ako sa kanya. Agad siyang ngumiti ng pagkatamis-tamis at agad ding binawi ang kamay niya. Tumakbo agad ito palabas. Narinig ko pang tinawag nito sina Mama at Papa na nasa labas lang pala.
Agad pumasok ang mga ito at may kasamang doctor at dalawang nurse at ilan pa naming kamag-anakan. Andun din si Kuya Jorey, Glenn pati na rin si Gilbert. Si Gilbert ay hindi makatingin sa akin. Nahihiya. Pero di ko alam kung bakit.
"Ma, bakit ako andito?" agad kong tanong sa Mama ko.
"Nawalan ka ng malay tatlong araw na ang nakakaraan. Nakita ka ni Gilbert na walang malay malapit sa bahay. Agad ka niyang binuhat at dinala sa amin." PAliwanag agad ni Mama.
"Mabuti na lang kamo at nakita ka kaagad ni Gilbert. Malapit ka pa naman daw sa tabi ng daan." sabi pa ni Tita Josie.
Tiningnan ko si Gilbert. Nakatingin na ito sa akin. Bigla nitong nilagay ang hintuturo sa bibig na sumisenyas na wag maingay.
Saka ko lang naalala ang nangyari. Napangiti pa ako.
"Nagkaroon ka kasi ng Haematochezia o pagdurugo galing sa puwet na marahil ay dulot ng sobrang pagpipilit na mailabas ang dumi. Pero tinitingnan pa namin kung ang sugat sa puwet mo ay hanggang saan dahil kapag ang sugat ay meron din sa large intestine mo. Baka ibang sanhi na iyon." Paliwanag pa ng doctor.
Kumunot ang noo ko. Kunwari ay di ko naiintindihan.
"Iho, nung umaga bang iyon ay napalakas ang paglabas mo ng dumi?" tanong agad ni Tita Josie.
Tumango ako.
"Masakit talaga ang tiyan ko kasi ilang araw na akong di nakakapaglabas ng dumi e kaya pinilit ko. Naramdaman ko na lang na may parang napunit sa loob ko. Sa sobrang sakit ay nanghina agad ang tuhod ko. Anlaki ng natae ko. Sobrang tigas pa." pagsisinungaling ko. Sinakyan ko na lang ang iniisip nila para di nila maisip na kaya ako dinugo dahil kinantot ako ni Gilbert sa puwet.
Tahimik lang silang lahat. Nakikinig sa akin. Si Gilbert naman ay pinipilit na huwag tumawa.
"Nang mailabas ko na ay nakita kong andaming dugong lumabas sa puwet ko. Hinintay ko munang matigil ang pagdudugo nito bago ako lumabas ng banyo. Kaso parang naiinitan ako nung panahong iyon kaya sabi ko maglalakad-lakad muna ako. Huli kong naalala ay yung nanilim ang paningin ko." pagpapatuloy ko pa. Pinilit kong wag magmukhang sinungaling. Kunwari ay inaalala ko ang mga nangyari.
Buti na lang at naniwala naman silang lahat. Isa-isang hinawakan ako parang nakisimpatya. Nagsulat naman agad ang doctor sa kanyang chart.
"Sige. Hintayin na lang natin ang findings ng lab test para masiguro natin na okay ka na. Mamayang hapon ay isasailalim ka namin sa colonoscopy para masiguro nating walang ibang nasugatan sa loob ng bituka mo." sabi ng doctor sabay sumunod ang dalawang nurse palabas.
Nagsiupuan na ang mga kamag-anakan namin at sina Mama at Papa naman ay tumayo sa likod ni Ivan.
"Iho, mabuti siguro umuwi ka na. Tatlong araw ka nang di umuuwi e. Kami na muna magbabantay dito tutal nagising naman na si Angelo." sabi pa ni Papa kay Ivan.
Tiningnan lang ako ni Ivan. Parang nagtatanong sa akin kung kailangan ko pa ba siya dito.
"Sige po. Uuwi muna ako. Babalik na lang po ako mamayang gabi para palitan kayo." sabi pa nito.
"Sabay na rin kami." sabi naman ng ilang kamag-anak namin.
Nagpaalam na ito sa akin at nagpasalamat ako sa kanila sa pagbabantay at pagdala ng mga prutas. Si Gilbert naman ay nagpaiwan.
Mga isang oras din kaming nag-usap nina Mama at Papa bago sila nagpaalam sa akin na bibili muna nga almusal. Alas-otso na pala ng umaga. Nakiusap naman sila kay Gilbert kung pwedeng bantayan muna ako. Umoo naman si Gilbert. Pagkalabas nina Mama at Papa sa pinto ay agad na umupo sa tabi ko si Gilbert. Hinawakan pa ako sa pisngi.
"Gago ka talaga." panimula pa nito.
"Ako pa ang gago? E ako na nga ang naospital e." biro ko naman.
"Nasaktan ka na pala e di mo pa sinabi sa akin. Sana pinigilan mo ako kung alam mong di mo kaya." sabi pa nito.
"Ginusto ko rin naman ito e. Pero di ko naman alam na aabot sa pagkaospital ko ang nangyari sa atin. Laki kasi nang sa iyo e." biniro ko siya ulit. Pinapakalma ko siya dahil alam kong worried na worried siya kasi siya nga naman ang dahilan nito.
"E paano kung namatay ka? Ipagpapalit natin ang buhay mo sa libog natin?"
"Wag ka nang mangsisi. Ginusto ko yung ginawa kong iyon. Gusto ko rin kasing maramdaman ang alaga mo sa loob ko e. Parang mag-asawa kasi ang feeling ko kapag ganoong nakapasok ka na sa loob ko." saka ngumiti ulit ako.
"Mag-asawa? E hindi naman ako ang mahal mo e. Kung gagawin mo ang ganun kahit ganoon kasakit dapat sa taong mahal mo din. Tulad ni Ivan."
Natahimik ako sa sinabi niya. Naguguluhan na ang utak ko. Kasi nung magsex kami ay parang wala akong naisip kundi si Gilbert lang. Di man lang pumasok sa isip ko si IVan. Pero kaninang nakita ko si Ivan ay alam kong mahal ko pa rin siya. Pero ngayong andito si Gilbert e bakit feeling ko siya ang mahal ko.
"Naguguluhan ka lang. Siguraduhin mo muna kung sino ang mahal mo." dagdag pa ni Gilbert.
Mahabang katahimikan ang sumunod.
"Gilbert may naalala pala ako." sabi ko sa kanya.
"Ano yun?"
"Naalala mo nung nasa kubo tayo ay tinanong kita kung bakit mo ako hinalikan? Ang sabi mo ay saka mo sasagutin pagkatapos nating magsex?"
Hindi siya sumagot. Kaya ako na lang uli ang nagsalita.
"Ano yung nararamdaman mo sa akin nung time na iyon kaya mo ako hinalikan ng ganun sa labi?" inulit ko yung tanong ko.
Di pa rin siya nakasagot.
"Mahal mo ba ako?" Diniretso ko na siya. Tutal parang wala akong makukuhang sagot sa kaniya e.
Tumingin siya sa akin ng matagal. Medyo may lungkot sa mata niya. Natakot ako sa sasabihin niya.
Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil ito.
"Naalala mo ba ang kinuwento mo sa akin dun sa bangin nung una mo akong nakilala?" bigla niyang naaitanong.
Tumango ako.
"Naalala mo ba ang dahilan kung bakit ka malungkot? Malungkot ka dahil natututunan mo nang mahalin si Ivan at alam mo ding mahal ka niya pero di dapat." pagpapatuloy pa nito.
Di ako nagsalita. Hinayaan ko na lang siyang magpatuloy.
"Yun din ang nararamdaman ko sa iyo dun sa kubo hanggang ngayon. I learned to appreciate your personality. I learned to be happy with you. Kung pwede nga lang na palagi kitang kasama e. Don't get me wrong pero di ako bading pero di ko mapigilan ang sarili ko na mahulog sa iyo. And that made me question ang sarili ko. Natakot ako na baka pag nagpatuloy pa ako sa pagtingin ko sa iyo ay maging bading na din ako at alam mo naman na hindi pwedeng mangyari iyon. Maraming magbabago sa akin at di ko kayang panagutan iyon." paliwanag ni Gilbert.
Tumahimik lang ako. Kahit papaano ay nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko. Nasasaktan ako sa sinasabi niya.
"Promise, nag-enjoy ako sa nangyari as atin. Naging masaya ako simula nung makilala ka. Kahit walang sex siguro maiinlove pa rin ako sa iyo. Pero nung magsex tayo at binigay mo nang buong buo ang katawan mo sa akin. Kahit na nasaktan ka na. Dun ko naisip na di kita kayang iwan at ibigay sa iba. Pero nang makita ko kung gaano ka-concerned ang pamilya mo sa iyo, lalong lalo na si Ivan, dun ko narealize na di kita mapapanindigan sa kanila. Di kita pwedeng agawin sa taong mahal mo."
Agad na umiyak ito.
"Gilbert, di mo ba ako kayang ipaglaban sa kanila?" bigla kong sinabi habang umiiyak.
Umiling siya. Alam ko kaya siya nakayuko dahil di niya ako kayang tingnan ng diretso sa mata.
"Okay lang iyon. Salamat na rin sa pagmamahal mo. Naiintindihan kita." yun na lang ang nasabi ko. Binawi ako ang kamay ko sa pagkakahawak niya at tumingin na lang sa bintana. Pinikit ko ang mga mata ko para wag lumabas ang mga luha ko.
Maya-maya pa ay dumating na sina Mama at Papa. Narinig kong nag-usap sila ni Gilbert pero di ko marinig. Maya-maya pa ay narinig kong nagpaalam na siya kina Mama at Papa. Pero para sa akin, nagpapaalam na siya habambuhay.
================================================
Reminder:
!!!Not for reposting!!! Please? This is a personal story. Not fiction so please do not re-post as your own. Thank you.
Don't forget to follow.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment