Monday, April 11, 2011
My Provincial Series (Part 17, Ivan and the unexpected guests)
Kamukha ni Ivan...
The unexpected guest's look-alike picture is shown below... Don't peek
============================================
Di ko alam kung anong oras na ako nakatulog. Basta ang natatandaan ko na lang ay di ko tinigilan ang kakatingin sa mukha ni Ivan hanggang sa makatulog ako. Hinuhuli-huli pa nga niya ako e. Pag nahuli naman niya ako ay kikindat lang ito.
Nagising ako sa amoy ng mainit na gatas na pinapaamoy sa akin ni Ivan.
"Breakfast in bed para sa aking cute na boyfriend." bungad nito. Sabay lapag ng tray ng pagkain sa retractable tray sa gilid ng kama.
Medyo natahimik pa ako sa sinabi niya. Saka ko lang naalala na oo nga pala. Boyfriend nga naman na kami kasi siyempre sinabi ko mahal ko siya at siya ganun din. Saka may nangyari na nga sa amin e.
Ngumiti ako sa kaguwapuhang tumambad sa paggising ko.
"Mamamatay na ba ako?" kunwari ay bigla akong nalungkot.
"Huh? Bakit mo naman naitanong yan?" biglang kumunot ang noo niya.
"E kasi bakit pagdilat ko ay may nakita agad akong anghel?" sabay ngiti uli.
Tumawa pa siya ng malakas saka hinalikan ako sa labi.
"Corny mo pero mahal kita." sabi pa nito.
Ngumiti lang ako sa sinabi niya.
"Mahal, pwede bang subuan mo ako?" paglalambing ko sa kanya. Tutal kagabi ay sinubuan din niya ako.
"Hmmm. Ano bang gusto mong isubo?" tsaka kumindat at tumingin sa harapan ng shorts niya.
Hinampas ko siya ng marahan.
"Ano ba yan? Ambastos mo naman. Maaga pa e." biro ko rin.
Tumawa siya.
"Biro lang." saka kinuha ang kutsara at sinubuan ako ng meat loaf na matabang. Lutong hospital talaga oo.
Nakita niya na parang di ako nasarapan sa pagkain.
"Pangit ang lasa no? Gusto mo kunin ko yung dala kong pagkain sa ref?" sabi pa nito.
"Ano ka ba? Baka naman bawal ang ipakain mo sa akin e magalit pa ang doctor. Ayoko pa naman mapahamak ka dahil sa akin." paglalambing ko uli.
"Ang sweet naman. Buti na lang di ko nilagyan ng asukal ang gatas mo. Baka magka-diabetes ka na niyan."
Ngumiti lang ako sa ka-cornyhan niya at hinalikan uli niya ako.
"Mahal, seryoso ka na ba sa atin?" biglang seryoso kong tanong sa kanya.
"Anong ibig sabihin ng tanong mo?" kunot-noo niyang tanong habang binabalatan ang mangga.
"Kasi siyempre kung boyfriend kita, magbabago na pagtitinginan natin. Di natin maitatago na boyfriend kita. Kasi ikaw pa naman masyadong sweet e. Di pa nga tayo noon e tinutukso ka na ni kuya Jorey dahil sa sobrang sweet mo e. Paano pa kaya ngayong tayo na?"
"Wag kang mag-alala. Naglalambing lang ako dati para mainlove ka. Ngayong in-love ka na sa akin ay wala nang dahilan para lambingin kita ng ganoon." sabay tawa na naman.
"Hmmp." kunwariĆ½ inis ako. Sumimangot pa ako.
Niyakap agad ako nito.
"Ikaw naman. Wag ka na magsimangot diyan. Alam mo namang di magbabago yun. Magiging sweet pa rin ako sayo pero siyempre medyo limitahan ko. Pag tayong dalawa na lang saka ako magiging sobrang sweet."
Ngumiti ako sa sagot niya.
"Pero siyempre secret lang ang relasyon nating ito di ba?" medyo masakit sa loob kong tinanong sa kanya.
Tumango siya.
"Wala tayong magagawa. Pag nalaman nila ito, di ko lang alam kung ano mangyayari sa atin. Kung ako lang e wala sa akin yun kaso ang gagawin sayo ng mga magulang dahil sakin ay di ko matatanggap iyon."
Nalungkot ako sa sinabi niya. Pero pinilit kong ngumiti.
"Kunsabagay. Basta pag magkasama tayo at tayo lang, ipapakita ko rin sa iyo kung gaano kita kamahal." sabi ko naman sa kanya.
Ngumiti siya ng maloko. Nakuha ko kaagad ang nasa isip niya kaya ginulo ko ang buhok niya.
"Ikaw talaga. Anlibog mo na. Dati di ka naman ganyan a. Ngayon lahat ng sinasabi ko e kino-connect mo sa sex." saway ko pa sa kanya.
"E ikaw may kasalanan e. Pinatikim mo sa akin ang pinakamasarap na bagay sa buong mundo e. Alangan naman di ko hanapin iyon." sabay halik sa pisngi ko.
"Sige ka, pag puro ganyan gagawin natin, di ako makakalabas dito."
"Sige na nga, hintayin na lang natin pag lumabas ka na dito." seryoso na nitong sumagot.
"Nasaan na ba yung doktor? kailangan mo nang lumabas ngayon din." biglang dugtong na biro pa nito kaya natawa ako.
"Ikaw talaga puro ka kalokohan. Sige pag mamayang gabi at uuwi sina Mama at Papa, gagawin natin ulit." sabi ko naman sa kanya.
Yun lang at agad na lumiwanag ang mukha niya.
"YES!!!!" pasigaw pa nitong nasabi. Tumalon-talon pa sa baba ng kama.
Biglang bumukas ang pinto. Buti na lang at di kami magkadikit ni Ivan.
"Akala ko may isang maysakit dito." bigla kong narinig galing sa taong pumasok. Naalala ko ang boses na iyon at napalingon ako.
"JAN???!!!" pasigaw kong nasabi. Kung wala akong dextrose ay baka patalon akong pumunta agad sa pinto.
Patakbo siyang lumapit sa akin. Nilapag muna ang mga dala sa bench sa tabi ng dingding at agad na yumakap sa akin. Antagal naming nagyakap. natigil lang kami nang marinig naming tumikhim si Ivan.
"Ahem... Ahemm..." kunwari'y inuubo pa ito.
Saka lang namin siya nilingon.
"Jan, si Ivan pala, tito ko. Pero gusto niyang pinsan ang tawag sa kanya dahil ilang taon lang naman ang agwat namin." pakilala ko kay Ivan.
"Ivan, si Jan, bestfriend ko sa Iloilo." pakilala ko rin dito.
Agad na nilahad ni Jan ang kamay niya para makipagkamay kay Ivan. Tiningnan muna siya ng taas-baba ni Ivan saka nakipagkamay dito. Agad din nitong binitawan iyon. Halata kong selos na selos ito dahil sa ganda ng ngiti ko pagkakita ko kay Jan.
Agad na lumapit sa kama ko si Jan. Patalon pa itong humiga sa tabi ko.
"Musta na? Isang linggo kang nawala e. Namimiss ka na nina Mommy at Daddy e. Kaya nagpumilit na pumunta dito nang malamang naospital ka." sabi pa nito.
"Talaga? Namiss ko nga rin kayong lahat e. Ibig sabihin kasama mo sina Tito at Tita?" agad kong naalala sa sinabi niya.
"Siyempre naman!" bigla kong narinig galing sa pinto. Agad na pumasok sina Tito Edward at Tita Anna.
Nakangiting pumasok ang mga magulang ni Jan at agad akong niyakap. Nakita kong andami nilang dinala para sa akin. Nilapag agad iyon sa tabi ko.
"Buksan mo, kahapon namin binili yan para sa iyo bago kami pumunta dito. Get well soon gift namin yan." Si Tito Edward.
"Talaga po? Andami naman yata." gulat na gulat kong sabi. Lumapit din si Ivan para makita ang mga dala nina Jan. Pero kitang kita ko na ansama ng tingin niya kay Jan, selos na selos talaga. Kaya nang tumingin siya sa akin ay nagpasimple ako ng "I love you." para di siya magselos.
Yun lang at ngumiti na naman ito at umupo sa paanan ko.
Mas nauna pang buksan ni Jan ang mga regalo para sa akin. Halatang excited na excited ito.
Habang nagbubukas naman kami ng regalo ay nilagay ni Tita Anna ang mga dalang pagkain sa ref nang makitang kakakain ko lang pala.
"Tumawag na nga pala kami kina Mama at Papa mo. Sinabi namin ang plano naming magstay din sana hanggang gumaling ka kasi mga isang linggo ka pa raw yata dito sabi ng doktor e. Madami daw kasing dugo nawala sa iyo." sabi ni Tita Anna habang nag-aayos ng mga pagkain sa ref.
"Kaya kumuha na lang kami ng hotel na malapit dito. Ayaw nga sana ni Jan e. Kaso sabi ko di naman pwedeng dito kami mag-stay sa hospital. Di ka makapagpahinga niyan at hindi rin kami mapalagay dito." sabi ni tito Ed.
"Gusto ko nga sana e dito na lang ako palagi e." sabi pa ni Jan. Sabay tumingin kay Ivan. Saka ako binulungan."Bakit ganyan yan makatingin? Boyfriend mo ba iyan? Baka nagseselos sa akin ha?"
Hinampas ko siya sa balikat.
"Dun ka nga." biro ko sa kanya para umupo siya.
Kumukunot ang noo ni Ivan sa harutan namin ni Jan.
"Siyangapala. Nung tumawag kami kina Mama mo kanina, pinakisuyuan niya kami na sabihin sa iyo na di sila makakarating dito mamaya. Marami daw bisita e. Pero sabi ko naman di kami pwedeng dito matulog kasi di kami mapalagay e. Pero okay lang naman siguro kung dito si Jan para mabantayan ka ano?" si Tita Anna.
"Di na po. Okay lang po si Angelo. Kaya ko po siyang bantayan." sabi agad ni Ivan. Ayaw na hindi matuloy ang balak namin para mamayang gabi.
"Ay hindi pwede. Ako ang bestfriend niya. Siya palagi ang nag-aalaga sa akin pag maysakit ako. Siya ang palaging nagtatanggol sa akin kahit saan. Siya ang palaging kasama ko. Di pwedeng di ko siya samahan ngayong maysakit siya." agad namang sabi ni Jan. halatang iniinis si Ivan.
"Siyanga naman, iho." si Tito Ed na nakaharap kay Ivan. "...matagal na nagkahiwalay ang dalawang yan. Ngayon lang ang mga iyan nagkasama uli. Namimiss din ng anak namin ang bestfriend niya."
Walang magawa si Ivan kundi tumango na lang. Masyado siyang mahahalata kapag nagpumilit siya. Siguro sa isip niya, kaya naman yata niyang magtiis.
Buong araw na nag-stay sa ospital sina Jan at mga magulang niya. Andami naming pinag-usapan. Parang antagal naming di nagkita kahit isang linggo lang naman. Pero sumaya ako dahil nakita ko muli si Jan. Masaya din ako dahil andun si Ivan na mahal ko. Sigurado akong si Ivan ang mahal ko at di si Jan.
Tahimik lang si Ivan at sumasagot lang kapag tinatanong. Di umandar ang pagkaloko-loko nito. Pero kapag walang nakatingin ay nagsasabi ako ng "I Love You" sa kanya para mapanatag siya.
Mga alas-siyete nang magpaalam sina Tita Anna at Tito Ed na pupunta na ng hotel nila. Humalik muna sila sa akin bago kay Jan at nagpaalam na rin kay Ivan bago lumabas. Iniwan ng pera si Jan, just in case daw may kailangan kami.
Pagkasara ng pinto ay agad na nilock ni Jan iyon at humarap sa akin.
"Ngayong tayo na lang. May itatanong ako sa inyo. Wag na wag kayong magsisinungaling." seryosong sabi ni Jan.
=================================================
Ito ang kamukha ni Jan
=================================================
Reminder:
!!!Not for reposting!!! Please? This is a personal story. Not fiction so please do not re-post as your own. Thank you.
Don't forget to follow.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
OMG!!!! OMFG!!!!! wow.
ReplyDeleteAng pogi ni jan at Ivan may picture ka para naman maimagine ko bida nating mahaba ang hair :)
ReplyDelete