Copyright

myfreecopyright.com registered & protected

Sunday, April 10, 2011

My Provincial Series (Part 15, Ivan)


Kamukha ni Ivan

===========================================

Before 8PM ay dumating na ulit si Ivan. Nagulat nga sina Mama kung bakit siya lang bumalik.

"O, ikaw lang ba?" agad na bati ni Mama pagkapasok ni Ivan. May mga dala itong maraming pagkain at prutas. Ako man din ay nagulat kung paano niya nadala lahat iyon.

"Madami po kasing tao sa bahay kaya kailangan sila andun. Madami pong nakilamay e." paliwanag naman niya habang nagpupunas ng pawis sa mukha. Parang gusto kong kunin ang panyo at punasan ang pawis na tumutulo sa mala-anghel niyang mukha.

"A, ganun ba? Paano Ivan? Kaya mo na ba ditong mag-isa? Kailangan din kasi naming magpahinga e. Alam mo naman itong si Ate mo e hindi makatulog sa ospital." si Papa.

"Ok lang po ako dito. Gising naman na si Angelo e. Wala naman masyadong masakit sa kanya e siguro makakaya ko na rin alagaan ito." sabay tingin sa akin ng sobrang lambing.

Napangiti ako sa mukha niya. Ang guwapo talaga nito.

Agad na umalis sina Mama at Papa pagkatapos akong halikan sa pisngi. Ginulo pa ni Papa ang buhok ko. Ganun siya magsabi ng mag-ingat ako. Hahaha.

Pagkaalis nina Papa at Mama ay agad na umupo sa tabi ko si Ivan. Kinuha ang mga prutas sa tray at binalatan ang iba.

"Kain ka ha?" sabay subo pa sana sa akin ng mangga.

"Kaya ko na yan 'Van." sabi ko pa sa kanya. Medyo naaasiwa ako sa ginagawa niya. Di ko alam kung bakit. Dapat nga kinikilig ako dahil siya lang andito at nag-aalaga sa akin e.

Bigla na lang siyang tumahimik. Nilapag ang hawak na mangga.

"Bakit ba ganyan ka?" biglang sabi nito na di man lang nakatingin sa akin.

"Ano'ng ganito ako? Di kita maintindihan."

"Bakit ba ang hirap mong suyuin?" binago ang tanong.

"Suyuin? Bakit mo naman ako susuyuin? May kasalanan ka ba sa akin?" kunwari ay di ko alam.

"Kainis ka naman. Hmmp." agad na nagtampo ito. Nilapag ang pinggan ng mga prutas sa side table at pumunta sa bench malapit sa bintana at pinaandar ang TV.

Matagal din siyang nanuod. Pero di maalis-alis ang titig ko sa kanya. Alam niya sigurong tumititig ako sa kanya kaya di siya tumitingin sa akin. Alam ko kung ang gusto niyang gawin at sabihin pero mabuti na sigurong di ko siya hayaang gawin ang gusto niya kasi parang ang hirap talaga. Lalong-lalo na kakatapos lang ng sakit na dinulot sa akin ni Gilbert.

Sakit na emotional at physical. (*Smiling while typing.)

Iniwas ko na lang ang tingin ko at kinuha ang ilang books ko na dinala ni Mama para may basahin ako. Alam naman niya na di ako pwedeng umalis nang walang libro.

Nang ako naman ang nagbabasa ay nakikita ko sa gilid ng mata ko na siya naman ang nakatitig sa akin. Paminsan-minsan ay titingin ako sa kanya para hulihin ang mata niya kaso bigla din siyang iiwas ng tingin. Kaya napapangiti ako.

Maya-maya pa ay hinayaan ko muna siyang tumitig ng matagal. Pasimple kong kinuha ang unan at binato sa kanya kahit di ako nakatingin.

"Aray naman! Inaano ba kita?" painosente pa nitong tanong.

"Heh! Kanina ka pa kaya tumitingin sa akin. Naiilang ako. Alam mo bang tumatayo ang balahibo ko sa batok pay may tumititig sa akin?" sabi ko pa. Totoo naman iyon.

"Masama ba tumingin?" galit na sabi nito.

"Masama. Lalo na kapag di mo ako kinakausap." naglungkot-lungkutan pa ang mukha ko.

Parang tinamaan naman siya sa arte ko. Agad niyang pinatay ang TV at lumapit sa akin.

"Sige. Bati na tayo pero dapat pasubo ka sa akin ha?" lambing agad nito.

Napangiti ako. Di dahil sa paglalambing niya kundi sa bastos ng tunog ng sinabi niya. Hahahaha.

"Sige. Basta pasubo ka rin ha?" tanong ko rin. Pero iba ang nasa isip.

"Sige. Papasubo din ako sayo." simple pa nitong sagot.

Napangiti pa lalo ako. Pinigilan ko lang tumawa kahit ambastos na ng isip ko.

Ayun na nga at nagsubuan kami... ng prutas. Mga bastos ang isip niyo. Hahaha.

Pagkatapos namin kumain ay humilig ako sa balikat niya.

"Ivan, pwede mo ba akong kantahan?" malambing kong sabi sa kanya. Iyon ang hindi pa nagagawa ng isang tao sa akin. Maliban na lang sa kantang Happy Birthday.

"Huh? Naku di ako marunong kumanta." nabigla pa siya.

"Sige na. Please? Nalulungkot ako e."

"Nalulungkot ka? Bakit? Di ka ba masaya na kasama ako?"

"Di iyon. Masaya ako dahil andito ka. Masaya kang kasama e. Pero gusto ko lang marinig kang kumanta." mas sumiksik ako sa dibdib niya. Naglalambing.

"Sige na nga." saka tumikhim muna ng konti at kumanta ng My Heart Will Go On. Yun kasi ang pinakasikat na kanta noon dahil sa Titanic na movie. Kinanta niya yun Male Version.

Near, far, wherever you are
I believe that the heart does go on
Once more you open the door
And you're here in my heart
And my heart will go on and on


Parang may kung anong patama sa akin ang chorus ng kanta kaya tumulo ang luha ko. Naramdaman niya iyon dahil tumulo sa braso niya. Agad niyang inangat ang ulo ko at tiningnan ang mata ko. Nang makitang umiiyak ako ay agad na pinunasan ng kamay niya ang mga luha ko.

"Palagi ka na lang bang malungkot pag kasama kita?" bigla nitong naitanong.

"Nakakatouch lang kasi ang kanta mo e. Nakakainlove."

"E di mainlove ka." bigla naman nitong sabi.

Ngumit lang ako sa kanya.

"Kanino? Sa iyo?" painosente kong tanong.

"Pwede naman. Bakit hindi? Guwapo naman ako e. Di ba?" at bigla pang kumindat at nagpacute.

"Okay ka lang? E pareho naman tayong lalaki e." kunwari ay di ko alam na bading ako.

"Wala namang masama e. Kung mahal naman natin ang isa't isa bakit hindi?" nagliliwanag na ang mukha niya. Parang ineexpect niya na malapit na akong umoo.

"Bakit? Mahal mo ba ako?" tuloy sa pagkukunwari na walang alam.

"Ano ba sa tingin mo?" ayaw talagang sagutin ng diretso.

"Tanungin ba ako? Ayoko naman maging feeling no." sabi ko pa.

"Gusto mo talagang sabihin ko ano?"

Tumango ako.

Tumahimik muna siya saglit. Bigla niya ulit hinawakan ang baba ko at inangat ang ulo ko. Dahan-dahan niyang nilapit ang mukha niya sa mukha ko. Papalapit nang papalapit ang guwapo at mala-anghel niyang mukha sa akin. Feeling ko sinusundo na ako ng anghel ko.

Napapikit ako para maramdaman ang labi niya sa labi ko. Pero antagal kong nakapikit ay wala akong naramdamang halik kaya dumilat na lang ako.

Nakangiti lang ito.

"O, di ba mahal mo din ako?" bigla niyang sabi.

Tinapik ko ang kamay niya. Sumimangot ako dahil di natuloy ang halik niya.

"Ewan ko sa iyo."

"Ito naman di na mabiro. Tinitingnan ko lang kasi baka naman kasi napipilitan ka lang e. Natuwa naman ako at di ka umiwas." sabay ngiti pa nito ng pagkatamis-tamis.

Sige nga sisimangot pa ba ako sa mukha niyang iyon?

Muli niyang hinawakan ang baba ko at hinarap sa kanya. Dinilaan niya pa ang labi niya para bumasa. Nangiti na lang ako. Napakapalabiro talaga kahit kelan nito.

Iyon na nga at lumapit na ang mukha niya. Di na ako pumikit baka joke na naman e. Pero tuloy-tuloy siya sa paglapit sa mukha ko. Naramdaman ko na lang na lumapat ang bibig niya sa bibig ko. Dun na ako pumikit para maramdaman ng lubusan ang labi niya. Anlambot ng mga labi niya. INgat na ingat ang paghalik niya. Alalay na alalay talaga para di masyadong malakas o marahas.

Maya-maya ay kusa nang gumalaw ang mga kamay ko at humawak sa mukha niya para wag itigil nito ang ginagawa niya. Siya din ay niyakap ako at hinila pa papalapit sa kanya. Ngayon ko lang naramdaman ang katawan niya. Makinis ang balat nito. Malambot. Di macho pero iyon talaga ang gusto ko. Napakabango pa ng hininga niya.

Di namin alam kung ilang minuto ba kaming naghahalikan nang may kumatok sa pinto.

Agad kaming naghiwalay at pumunta ng pinto si Ivan. Binuksan ito at saka pumasok ang nurse.

Sandali lang andun ang nurse. Chineck lang ang dextrose ko. Nagtanong ng konti at saka umalis. Agad naman nilock ni Ivan ang pinto. Ayaw na niyang maistorbo kami.

Bumalik siya sa pagkakaupo sa tabi ko.

"Gel, mahal mo rin ba ako?" agad niyang natanong sa akin.

"Ikaw muna." sabi ko.

"Ako unang nagtanong e." balik din niya.

"E sino ba mas matanda sa atin?"

"A... Ako." nagdadalawang-isip pa niyang sagot.

"O di ba? Mas matanda ka sa akin at mas mataas ang dugo mo (Dahil pinsan nga siya nga Papa ko. So mas mataas ang dugo niya sa akin.). E di dapat ikaw mauna."

Nagkamot lang siya ng ulo sa nasabi ko.

"Okay. Sige na nga. Oo. Gusto ko. Matagal ko nang nararamdaman na bading ako. Pero di pa ako nagmahal ng lalaki. Dahil wala naman akong makitang pwedeng mahalin e. Nawiwili lang akong tumingin sa katawan ng mga lalaki pero di pa ako naiinlove kahit kelan. Sayo pa lang yata." mahabang sagot nito.

"Huh? Bading ka?!"kunwari'y nagulat ako.

Tumango lang ito. Parang nahiya.

"Okay lang. Mahal na rin naman kita e. Mga isang linggo na rin." agad kong sinabi sa kanya.

Bigla siyang tumingin sa akin at lumiwanag ang mukha niya. Kahit naman obvious na iyon sa halik ko kanina e parang nagulat pa rin talaga siya.

"Talaga?" pagkukumpirma pa nito.

Tumango ako.

"Mahal kita. Simula noong una pa lang kitang makita." pag-ulit ko pa.

Agad akong niyakap ni Ivan.

"So ibig sabihin mahal natin ang isa't isa?"

Natawa ako sa tanong niya.

"Siyempre." nakangiti kong sabi sabay yakap na rin. Mas mainit ang yakapan namin.

Agad ay siniil niya ako ng isang mahaba at mainit na halikan.

Wala na akong pakialam sa iniisip ng utak ko kundi ang sensasyon lang na hatid ng halik niya. Iyon lang. Masaya na ako.




=================================================


Reminder:

!!!Not for reposting!!! Please? This is a personal story. Not fiction so please do not re-post as your own. Thank you.

Don't forget to follow.

5 comments:

  1. I really like your story. :) can't stop reading.

    ReplyDelete
  2. Thanks for the nice comments.

    Since I have new follower, I will be posting 4 parts today. *wink.

    ReplyDelete
  3. kakakilig naman kahit lalki yan pwdede naman paglove di ba add nyo ko sa fb shun gonzales

    ReplyDelete