Copyright

myfreecopyright.com registered & protected

Monday, April 4, 2011

My Provincial Series (Part 5, Ivan)

===============================
Nasa ganoong puwesto kami nang magising ako.  Tulog pa sina Kuya Jorey at Glenn.  Unang akala ko talaga ay si Jan ang katabi ko.  Kunsabagay, si Jan naman palagi ang katabi ko matulog nang mga ilang buwan din.

Nang magising ako at nagmulat ang mata ko, mukha ni Ivan ang una kong nakita..  Tulog na tulog pa silang lahat.  Kunsabagay, ako ang pinakamaagang natulog sa amin.

Pagkakita ko sa mata ni Ivan ay medyo matagal bago ko naalala na nasa probinsiya pala ako.  Kahit medyo nawala sa isip ko iyon, di pa rin nagbago ang paghanga ko sa kanya.  Paghanga na tulad kay Jan.  Di ko alam kung dahil sa guwapo at palangiti niyang mukha kaya ako nagkagusto sa kanya, pero ewan ko.  Gustong-gusto ko lang siyang titigan ngayon.   Napakaamo ng mukha niya.  Angganda talaga ng labi at mata niya.  Ngayon lang ako nakakita ng labing kasing-nipis at kasing-pink ng sa kanya.

Inangat ko ang kamay at dinama ng daliri ko ang labi niya.  Anlambot nito.

Bigla na lang niyang hinawakan ang kamay ko.  Nagulat ako.  Agad siyang dumilat at tumingin sa akin.  Huling-huli niyang hawak ko ang labi niya at nakatitig sa mga mata niya.  Wala na akong lusot nito.  Nadagdagan na naman ang kasalanan ko sa kanya.  Iisipin na niya na nanghihipo ako.

"Good morning." mahina niyang bati.  Saka ngumiti pa.  Nagulat na lang din ako ng bigla niyang hinalikan ang kamay ko na hawak niya.

"Ang aga mo naman yata nagising?" sabi pa niya.

"Aa... E... Maaga kasi ako natulog di ba?" paliwanag ko.  Medyo tuliro sa pangyayari.  "Baba muna ako.  Nagugutom na ako e."

Binitawan niya agad ang kamay ko at niyakap ako.

"Dito ka muna.  Wag ka munang umalis." bulong niya sa tenga ko habang mahigpit pa ring nakayakap.

Di na ako nagpumilit.  Ngumiti na lang ako ng palihim.  Saka sumiksik sa dibdib niya.

Sa lapit ng dibdib niya sa ulo ko, nararamdaman ko ang malakas na pintig nun.  Kinakabahan din pala siya.  Buti naman at di ako nag-iisa.

Mga kalahating oras din kami sa ganoong posisyon.  Maya-maya ay medyo lumiwanag na ng kaunti ang langit.

Inalis niya ang kamay niya sa pagkayakap nito.  Hinawakan naman ako sa kamay.

"Halika.  May ipapakita ako sa iyo." agad nitong sabi.  Agad itong bumangon sa kama.

Sumunod naman ako sa kanya.  Hinawakan ako sa braso at lumabas kami ng kuwarto. Dumiretso kami sa baba. Saka niya binitawan ang braso ko.

"Teka lang ha?  Diyan ka lang.  May kukunin lang ako." mabilis nitong paalam.  Di pa rin natatanggal ang mukha niyang nakangiti.

Mga tatlong minuto na siyang wala nang pumasok siya sa kusina.  Agad siyang lumabas na may dalang basket na may konting pagkain at alam ko may bote ng kung ano man iyon.

Hinawakan niya ako sa braso at hinila palabas ng bahay.  Natatawa ako sa sitwasyon ko.  Parang di na maghiwalay ang kamay niya sa braso ko.

Takbo lang kami ng takbo.  Pinapabayaan ko lang siya.  Gusto ko naman ang ganoong feeling.  Para kaming nagtatanan sa pelikula.

Maya-maya pa ay bumagal na ang takbo niya. Dun ko lang napansin na papunta pala kami sa isang bangin.  Mabuti na lang at di kami nagpatuloy sa pagtakbo.

"Dito na tayo." sabay lingon sa akin at ngiti na naman.

Binaba na niya ang dalang basket.  Kinuha ang mantel na nasa loob ng basket at nilatag sa damuhan.  Tsaka kinuha ang lama ng basket. Tinapay, palaman, gatas at mga prutas.

Sinenyasan niya ako na umupo sa tabi niya.  Umupo naman ako.  Sa liit ng mantel ay magkadikit na naman ang mga katawan natin.

"Maya-maya lang makikita mo ang pinakamagandang parte ng lugar na ito." bulong pa niya.

Kinuha niya ang tinapay at nilagyan ng cheese at ham.  Iyong ham e alam ko tira yun kagabi kasi ham ulam namin.  Binigay sakin ang ginawa niyang sandwich.  Gumawa din siya ng sarili niya at nilapag muna sandali. Kumuha siya ng tasa sa basket at nilagyan niya ng gatas mula sa bote.  Alam ko sariwang gatas ng baka iyon. Naglagay din siya sa sarili niyang baso.  Masaya kami habang kumakain.  Nakaharap kami sa dulo ng bangin na walang masyadong nakikita dahil medyo madilim pa.

Maya-maya pa ay naramdaman kong umangat ang kaliwang braso niya at inilapag iyon sa balikat ko.  Inakbayan niya ako.  Bumilis na naman ang tibok ng puso ko.

"Gel, paakbay ha?  Medyo malamig eh." pagpapaalam pa nito.

"Sige.  Okay lang.  Salamat pala sa masarap na almusal ha?" sabay ngiti din ako sa kanya.

"Okay lang.  Masarap ba?" tanong niya habang nakatitig sa mata ko.

Binawi ko ang tingin ko.

"Oo."

"Mabuti naman at nagustuhan mo.  Iba talaga pag may..." hindi niya tinuloy ang sinabi niya.  Binawi niya ang braso niya sa balikat ko at may tinuro sa harap namin.  Agad din naman akong tumingin.

"Ayan na!" excited nitong sigaw.

Tiningnan ko ang tinuturo ng daliri niya.  Sa harap ng bangin ay unti-unting nagliliwanag ang mga bagay.  Ang kinauupuan pala namin ay dulo ng isang bundok kaya nasisinagan na ang kabilang bundok at dahan-dahang lumalabas ang iba't ibang puno, bulaklak at mga ilog.

Tuwang-tuwa ako sa tanawing iyon kaya napatayo talaga ako.  Ngayon lang ako nakakita ng mala-engkantadong lugar.  Tutop yung kamay ko sa tuwa sa pinakita niyang iyon.  Agad din siyang tumayo para sabayan ako.

"Ang ganda no?" proud niyang sabi.

Tumango lang ako.

"Ito ang pinakapaborito kong lugar." pagpapatuloy niya.

Hinarap ko siya na nakangiti pa rin.  Kumindat lang siya.

"Ang ganda talaga!" walang tigil kong sabi.

"Para kang nasa langit no?" sabi pa nito.

Tumango ako.

"Bagay na bagay ka dito." Binawi niya ang tingin niya at humarap sa bundok. "Dahil ikaw ang anghel ko."

Parang nabingi ako sa narinig ko.  Di ko siya makuha.  Ayoko naman kasi isipin agad na bumabanat ito.  Una, tito ko siya kahit gusto niya akong tawaging pinsan, tito ko pa rin siya.  Kahit na di directly na kapatid ng Papa ko. Kahit na pinsan lang siya ni Papa, mas matanda pa rin ang dugo nila sa akin.  Di ko pwedeng isipin na may gusto ito sa akin.  Pinipilit ko lang isipin na nagiging mabait lang ito sa akin dahil ngayon niya lang ako nakita at natutuwa siya sa akin.

Ewan ko ba pero parang naglaban na naman ang utak at dibdib ko at ang nanalo na naman ang utak ko kaya sumakit ang dibdib ko.

Di ko na lang tiningnan si Ivan at umupo na ako.  Medyo nagliwanag na kaya kitang kita na namin ang buong lugar.

Pinagpatuloy ko ang pagkain.  Asikasong-asikaso ako ni Ivan.  Sa bawat inom ko ng gatas ay agad niya itong sasalinan mula sa bote.  Sa bawat kain ko ng sandwich ay susubuan niya ako ng hiniwang mangga.  Kung iisipin ko lang talaga, para na kaming magsyota pag may nakakita sa amin.

Ito ang maganda sa probinsiya, di mo masyadong nahahalata ang oras, kaya walang magsasabi na ano'ng oras na.  Kaya naman kahit ilang oras na kami doon ay di namin nahahalata.  Pero siyempre baka naman hanapin kami nina Mama at Papa.

"Ivan,  anong oras na kaya?  Di pa ba tayo uuwi?  Baka hinahanap na nila tayo." alalang-alala ako.

Ngumiti lang siya.

"Di iyan.  Nag-iwan naman ako ng note sa ref e.  Sabi ko ipapasyal ko lang sa paborito kong lugar ang pamangkin ko.  Kaya wag silang mag-alala." kampante lang nitong sabi.

Natuwa naman ako na naisip na niya pala iyon.

"Alam mo ang ganda-ganda ng lugar na ito.  Parang ang sarap na tumira dito." Sabi ko.

"Oo nga no.  Ansarap magtayo ng bahay dito kaso baka paggising mo ang bahay mo andun na sa ilalim ng bangin." biro na naman nito.  Saka tumawa ng malakas.  Gustong-gusto ko talaga ang tawa at ngiti niya.  Napaka-honest at nakakatuwa.

"Pero pwera biro.  Ito na yata ang pinakamagandang lugar na nakita ko." pagpapatuloy ko.

"Ako din.  Dati maganda na ito e.  Ngayon mas gumanda talaga." dagdag pa nito.

Humilig ako sa balikat niya sa tuwa.  Naramdaman ko rin naman na humilig ang ulo niya sa ulo ko.

Ansarap ng pakiramdam ng ganoon. Napaka-perfect.  Maganda ang lugar, masarap ang pagkain, mahalumigmig ang panahon, at guwapo ang nasa tabi ko.  Wala nang makakasira pa.

Maya-maya ay kinuha niya ang kamay ko.

"Gel, may sasabihin sana ako sa iyo." panimula niya.

Bigla akong kinabahan sa sinabi niyang iyon.

"Basta sana kahit ano man itong sabihin ko sa iyo, wag kang magalit ha?"

Di na magkamayaw ang tibok ng puso ko.  Natatakot ako sa susunod na sasabihin niya.  Alam ko namumutla na ako sa kaba.




================================================

Reminder:

!!!Not for reposting!!! Please? This is a personal story. Not fiction so please do not re-post as your own. Thank you.

7 comments:

  1. Nice story, iba tlaga na real story ang sinulat mo kc sunud2x yung mga exsena. Sarap basahin. Damo na gid ang mga ilonggo writers. Sana pgpatuloy mo pa.GUDLUCK

    ReplyDelete
  2. i can almost imagine the story... in ilonggo. hehe. im sure mas sweet basahin/pakinggan ang conversations.

    ReplyDelete
  3. @ modern.. yup... that's the advantage of it... kapag real story kasi madaling isulat kasi i just have to dig deeper in my memory. The disadvantage is that I don't have a choice on whatever may happen on the story because nangyari na siya... Are you an Ilonggo as well? Nice... I hope you can follow me

    ReplyDelete
  4. @Frenzipe... that's true... if it's in Ilonggo it would be sweeter to hear kaso Ivan is from Dumarao, Capiz so they use Karay-a or a harder and crispier version of Ilonggo

    ReplyDelete
  5. im familiar with karay-a. im actually an ilonggo myself, im from palawan. though dun sa min it's kind of a fusion na ng tagalog at ilonggo, wala nang tono at light ilonggo words nalang ang ginagamit.

    ReplyDelete
  6. wow... ganda naman ng mga stories dito.. and just by reading these i couldn't imagine how sad ur life was. i just couldn't understand there are such of parent like yours. i am also gay, but my parents accepted me with open arms..anyways, ganyan nga talaga ang tao di bah, we have certain differences that made us so special, and i know my reason kung bakit nagkaganun yung parents moh... and i just hope that you'll be much happier for the days to come..

    uu nga pala, i am an ilonggo also... its nice to hear that you'd mentioned the town of calinog here in your seminary series..

    don't get tired of writing your personal life author, coz if you do, many readers would be sad.. hahahaha.. baboosshhh...

    ReplyDelete
  7. dark angel ang galing mong writer interrelate ako sau keep it good job galing mo pa mas lala kong aabanga mga totoong estorya mo!!!

    ReplyDelete