Copyright

myfreecopyright.com registered & protected

Friday, April 15, 2011

My Seminary Series (Part 2, The Director)


The third series on this blog.

=========================================

Mag-isa lang akong pumasok sa malaking pinto sa dulo ng hallway na iyon. Pagkapasok ko pa lang ay narinig ko na agad ang musika galing sa piano. Sinundan ko agad kung saan nanggagaling ang tunog na 'yon.

Pagkadaan ko sa reception area ng kuwarto ay kumanan ako papasok sa isang kuwarto na walang pintuan. Magagara ang mga muwebles na andun. Magaganda ang mga malalaking painting ng mga sa wari ko ay mga naunang director ng seminaryong iyon. May isa pang pintuan sa dulo noon at may nakalagay na sign ng 'director' sa taas.

Kakatok sana ako pero nakasiwang na ng konti ang pinto kaya binuksan ko na lang ito. Nakita ko kaagad ang isang lalaking naka-abito na nasa harap ng piano. Tumigil ito sa pagtugtog. Hinarap ako.

"Sensya na po kayo. Nakabukas na po kasi ang pinto. Pinapunta po ako dito ni Father Alex. Kakausapin niyo daw po ako?" bungad ko naman dito na medyo nakayuko.

"A, oo. Halika dito, iho. Maupo ka." sabay turo nito sa sofa na nasa gilid lang ng piano. Nakaharap ito sa kanya.

"Thank you po." agad naman akong umupo sa tinuro niyang sofa.

Tiningnan niya muna ako mula ulo hanggang baba at saka ngumiti.

"Canon po yung tinutugtog niyo di ba?" di ko mapigilang tanungin.

Mas lumaki pa ang ngiti niya.

"Oo. Canon nga. Alam mo iyon?" tuwa naman niyang tanong sakin.

"Opo, tinutugtog ko po iyon. Kaso ang paborito ko talaga ay ang Canon on D." dugtong ko pa dito.

"Talaga?" medyo tumango pa siya.

"Opo." saka ako ngumiti. Iyon kasi ang paborito kong tugtugin sa piano nina Jan kapag walang tao. Nahihiya akong iparinig yun kasi yun lang yata ang alam na alam kong tugtugin.

"Pwede mo bang iparinig sa akin?" tanong naman agad ng director.

Ngumiti lang ako at tumango at umupo sa tabi niya. Dahan dahan kong tinugtog ang Canon on D. Dahil madali lang naman ang tipa ng kanta, dagdagan pa ng malambot na piano at tahimik na lugar, mas lalong gumanda ang tunog ng pagtugtog ko.

Tiningnan ko sandali ang katabi ko kung nagugustuhan ba niya ang pagtugtog ko. Nakapikit lang ito at nakangiti. Nag-eenjoy kahit papaano sa pagtugtog ko.

Matapos ang pagtugtog ko ay pumalakpak pa ito ng sandali. Tumayo naman ako at bumalik sa sofa.

"Kahit bata ka pa, magaling ka na tumugtog." papuri pa nito.

"Iyon lang po alam kong tugtugin e. Masarap kasi sa tenga." sabi ko pa.

"A. Ganun ba? Hmmm. Sinabi pala sa akin ni Father Alex na kailangan mo daw ng matutuluyan kahit sandali lang." panimula pa nito.

"Opo." mahina kong sagot. Medyo nahihiya pa ako.

"Pero ang sabi niya sa akin ay may isang malalim na dahilan kung bakit ka umalis sa inyo. Tama ba?"

"Opo." Sagot ko pa uli.

"Ang sabi din niya sa akin ay payag kang dito tumira pero tutulong ka sa mga gawain dito."

Tumango na lang ako.

"Pero ang sabi ko sa kanya, 'Di Pwqede.' " sabi nito.

AGad akong nagulat at di makapaniwala sa narinig ko.

"Po? Bakit po?" medyo gulat kong tanong.

"Iho. Bata ka pa. Alam kong may pinag-aralan ka. Valedictorian ka pa nga daw sabi ni Father ALex at magaling ka din daw magdrawing pati pagkanta at pagsayaw. Ngayon nakita ko pang may potensyal ka sa pagtugtog. Sa tingin mo ba e papayag ako na ang isang katulad mo ay maging katulong dito sa seminaryo ko?" dugtong pa nito.

Natahimik ako. Di ko maintindihan kung saan pupunta ang sinasabi niya.

"Kaya ang sabi ko sa kanya. Papayag akong andito ka pero di bilang katulong. Papayagan kitang dumito muna bilang seminarista."

Nagulat ako sa sinabi niya.

"Seminarista? Ako po?" Di ako makapaniwala sa aking narinig. Ang alam ko ang mga pumapasok sa seminaryo ay yung mga anak ng mayaman na may kaya lang at yung mga sinusupurtahan ng mga simbahan. Pero bakit ako?

"Oo. Siguro natatakot ka sa gastusin ano?"

Di ako sumagot. Di lang yon ang nasa isip ko.

"Tutal bakasyon naman ngayon at tuwing bakasyon ay may mga andito sa seminaryo na kagaya mo. Mga kagagraduate lang sa elementary o di kaya ay high school. Kasi ang seminaryong ito ay napipili ng gustong maging pari pagkatapos nilang gumraduate sa high school o college. Yung iba nga ito na ang high school nila. Tuwing bakasyon, may tinatawag kaming search in. Ginagawa namin ito bago ang talagang pasukan. Para mahanda ang mga bata sa buhay dito sa seminaryo at para naman malaman nila kung ito ba talaga ang buhay na gusto nila." pagpapaliwanag ng director.

Nakikinig lang ako. Nagpatuloy ito.

"Ngayon ang search in namin ay nagsimula na ng isang linggo pero pwede ka namang humabol. Ang sabi ni Father Alex sa akin ay mahilig ka din daw magbasa ng bible so madali kang makakahabol. Kung sa bayad lang ay wala ka nang aalahanin. Ako na mismo ang sasagot sa bayad mo dito." dugtong pa nito.

"Naku nakakahiya po. Okay lang po sa akin kahit maging katulong po ako dito." agad ko naman tanggi. Nahihiya naman ako na ngayon lang ako nakilala ng director e magagastusan pa siya.

"Hindi ako papayag diyan, iho. Ano nga bang pangalan mo?" naalala nitong di pa pala kami magkakilala.

"Angelo po." sagot ko naman.

"Hmmm. Isang anghel ang pangalan mo." papuri pa nito.

"Actually po kinuha siya ng Mama ko sa pangalan ni St. Angelo na may feast day sa birthday ko." pagpapaliwanag ko pa.

"Hmmm. Magaling. Ako nga pala si Father Ric (Di niya totoong pangalan). Ako ang director nitong seminaryong ito." pagpapakilala pa nito sabay ngiti.

Ngumiti lang ako dahil di ko alam ang isasagot ko.

"Ngayon? As I was saying. Pumapayag ka ba na dumito muna at sumama sa search in namin?" alok uli nito.

Matagal bago ako sumagot. Maraming tumatakbo sa isip ko. Di ko alam kung ano ang papasukan ko. Kaso natanggap ko na nga sa sarili ko na maging katulong dito. Ngayon pang di ako magiging katulong e di pa ako papayag?

"Sige po. Salamat po." ngumiti uli ako.

Ngumiti din si Father Ric.

"Sige. At habang andito ka, kung may kailangan ka, sabihin mo lang sa akin. Kaibigan ko si Father ALex na ninong mo kaya isipin mo na ako din siya. Wag ka mahihiyang lumapit sa akin ha?" sabay tayo pa nito.

"O siya, anong oras na pala. Tamang-tama ang dating mo. Malapit na kaming maghapunan. Halika na Angelo at ihahatid na kita sa kuwarto mo at para masama na kita sa reflectory." aya niya.

"Reflectory?" ang nasa isip ko ay para sa reflection o yung parang adoration chapel.

Natawa siya.

"Oo nga pala. Ngayon mo lang marahil narinig yan. Ang reflectory ay ang kainan namin dito sa seminaryo."

"A okay po." nangiti ako.

Nauna na siyang lumabas ng kuwarto at nasa likod naman niya ako. Sinalubong na kami ni Father Alex at Gilbert.

"O, kamusta naman ang pag-uusap niyo?" bati naman ni Ninong kay Father Ric.

"Natutuwa naman ako dito sa inaanak mo Father Alex. Magalang, matalino at magaling pa tumugtog ng piano." papuri uli sa akin ni Father Ric.

"O, di ba sabi ko sa iyo? Iba talaga ang inaanak ko." saka inakbayan pa ako ni Ninong.

Si Gilbert naman ay nakangiti pero parang nag-aalala.

"O, kamusta naman? Pumayag ka ba na sumama sa search-in nila dito?" baling sa akin ni Ninong.

"Opo." mahina kong sagot. Tiningnan ko si Gilbert. Di naintidihan ang pinag-uusapan namin.

Nakita din ni Ninong ang mukha niya kaya siya na lang ang nagpaliwanag dito habang dala-dala namin ang mga bagahe ko paakyat sa 3rd floor kung saan andun daw ang kuwarto ko.

Habang naglalakad kami ay panay ang kuwento ni Father Ric tungkol sa seminaryo. Kung gaano na katagal ito. Kung gaano na karaming pari ang mga nanggaling dito at yung iba ay mga naging obispo pa. Pinapaliwanag pa nya ang mga ibang rules dito.

Tumigil kami sa harap ng kwarto malapit sa common CR. Binuksan agad ni Father Ric iyon at nakita kong anima na kama ang andun. Ang malaking aparador ay nagsisilbing divider ng kuwarto na naghihiwalay sa anim na kama. Tatlo sa kabilang side at tatlo sa kabila. Ang dalawang kama ay malapit sa pinto. tig-iisang kama sa magkabilang dingding at may dalawang kama naman nakadikit sa bintana. Ang bintana ay nakaharap sa gitna ng seminaryo. Malamig ang kuwarto kahit bentilador lang. Naipaliwanag na ni Father Ric kanina na mas magandang mas simple ang pamumuhay dito kaya walang aircon.

Agad na ipinasok ko ang mga bagahe ko. Binuksan ni Father Ric ang isang bakanteng aparador. Agad ko namang nilagay doon ang mga bag ko.

"Tara. Mamaya mo na ayusin yan. Huli na tayo sa hapunan." sabay akbay na sa akin.

"Okay ka na ba dito?" alalang tanong ni Gilbert.

Tumango ako.

"Siyempre. Andito naman si Father Ric e. Bibisitahin ko rin si Angelo paminsan-minsan." sagot naman ni Ninong.

"Siyangapala, tutal gabi na rin sumama na rin kayo sa reflectory. Dun na kayo maghapunan." alok ni Father Ric.

Wala namang tumanggi sa amin. Nakakahiya naman kasi tumanggi. Nauna sina Father Ric at Ninong sa amin. May mga pinag-uusapan. Ako naman ay kasabay ni Gilbert. Halatang alalang-alala sa akin.

Hinawakan ko siya sa braso.

"Wag ka mag-alala. Seminaryo naman ito e. Walang mangyayaring masama sa akin." sabi ko pa dito.

"Yun na nga e. Seminaryo ito. Puro mga lalaki ang andito. Paano'ng di ako mag-alala?" seryosong baling sa akin.

Doon ko lang napagtanto. Tama nga pala siya. Seminaryo ito. Puro mga lalaki andito. Natakot ako bigla. Lapitin pa naman ako ng mga tukso. Lalo na sa lalaki.

Sa naisip kong yun para akong binuhusan ng malamig na tubig. Ano na naman kayang gulo ang susunod sa akin dito?

=================================================


Reminder:

!!!Not for reposting!!! Please? This is a personal story. Not fiction so please do not re-post as your own. Thank you.

Don't forget to follow.'

For suggestions or comments, please feel free to message me at 09213450145 or 09266862505. Thank you.

1 comment: