Monday, May 2, 2011
My Seminary Series (Part 7, Moment)
Based on last Chapter, this is the look-alike of Brother Michael, I would say he was my first love interest in the Seminary, but as the title states, This is the Moment. hahaha
=====================================
Kung hindi pa binitiwan ni Brother Michael ang kamay ko ay hindi pa ako makakabalik sa aking huwisyo. Hay. Ang guwapo niya talaga. Hmmm. Parang hindi guwapo.. Siguro pogi ang pwedeng i-describe sa kanya. Napaka-angelic ng face niya at tama nga kayo mukha nga siyang K-Pop, kung anong dahilan ay malalaman niyo rin sa susunod na chapters as I get to know him better.
"So, gaano ka na katagal na tumutugtog?" panimulang tanong nito.
"Di naman po matagal. Libangan ko lang po ang pag-piano. Halata naman e. Di po ba? Na di ako marunong." mahiyain at naku-conscoious kong sabi.
"Naku, napaka-humble mo naman pala." sabay tawa pa nito. "Di ko nga alam na libangan mo lang ang pagtugtog e. Kala ko palagi mo nang ginagawa iyon."
Namula ako sa sinabi niya. Medyo nagblush talaga.
"Salamat po." ngumiti ako ng simple.
"Pero kung gusto mo talagang matuto, pwede kitang turuan dito. Pwede ko bang makita ang schedule mo?" alok agad nito.
Mabilis kong hinanap ang schedule ko sa bag ko. Di ko pwedeng palampasin ito. Nakangiting demonyo na ako ng pasimple. Nang makita ko ang schedule ko na nakaipit sa notebook ko ay agad ko itong binigay sa kanya. Tiningnan niya muna ito saglit.
"Hmmm. May freetime kayo ng 6:30 to 7:30PM. Pwede kitang turuan ng ganyang oras. Freetime ko rin yan e. Gusto mo bang turuan kita?" ulit pa nito.
"Opo." Agad kong sagot. Di ko napigilan na maging sobrang excited ang tunog ko. Pero ganoon talaga ang nararamdaman ko. Sobrang excited ako na makasama siya kahit isang oras lang iyon.
"Good. Siyangapala, bakit andito ka? Nakalagay sa schedule mo na may klase ka pa a."
"Maaga po akong pinalabas kasi pre-assessment test lang daw iyon." pagpapaliwanag ko naman.
"A, ganun ba?"
"Pwede ko po ba kayong marinig tumugtog?" walang pigil kong tanong. Gusto ko din kasi siyang marinig tumugtog.
"Sige."
Agad ay tumabi siya sa akin at magkatabi na kami sa harap ng organ.
"Ano'ng gusto mong tugtugin ko?" sabay ngiti nitong tanong sa akin.
"Di ko po alam e. Kayo na lang po bahala. Yung sa tingin niyo magugustuhan ko" pasweet ko pang sabi.
"Sige. Sana magustuhan mo ito."
Pagkatapos noon ay nagsimula na siyang tumugtog sa organ. Binago niya ang tunog sa organ. Ginawa niyang wind.
Sa umpisa ay hindi ko nalaman ang tinugtog niya. Maya-maya pa ay nakuha ko na ang kanta. Tinutugtog pala niya ang "Ikaw" ni Regine Velasquez. Mas maganda pala iyon kapag instrumental. Pakiramdam ko ay nasa reception ako ng kasal. Pinikit ko na ng tuluyan ang mga mata ko. Gusto kong ang tenga ko lang ang gumagana. Ina-absorb ng tenga ko ang bawat notang nanggagaling sa organ. Napaka-suwabe ni Michael tumugtog. Andaming mga larawan ang agad na dumaan-daan sa isip ko. Naaalala ko ang mga lambingan namin ni Jan. Ang masaya naming pagsasama sa bahay nila. Ang magaganda naming pangako sa isa't isa at ang mga plano namin. Nariyang ang mga pag-uusap namin ni Gilbert. Ang pag-aalala ni Ivan sa akin at pag-aalaga sa akin sa ospital. ANg masakit na nakaraan namin ni Rexie.
Di ko napigilan na tumulo ang luha ko. Tumigil ang pagtugtog ni Michael. Kahit nakapikit ako ay naramdaman ko ang kamay ni Michael na humawak sa ulo ko. Inihihilig niya ako sa balikat niya.
Ilang sandali din akong nakahilig sa balikat niya. Kahit medyo nahiya ako ay di ko magawang umalis sa balikat niya. Di lang dahil sa gusto ko ang ginagawa namin ngayon pero dahil masyadong mabigat na ang mga nasa dibdib ko.
Mga ilang sandali lang ay inalis ko na ang ulo ko sa balikat niya. Agad akong nag-sorry.
"Okay lang iyon." ika niya. "Kung kailangan mo ng masasandalan ay hanapin mo lang ako. Always open ang balikat ko para sa iyo."
Ngumiti pa ito ng sobrang tamis. Parang nabunot nito ang tinik sa dibdib ko.
"Wag na po. Nakakahiya. Di pa nga po tayo magkakilala e." sabi ko naman na medyo nahihiya pa.
"Wag kang mahiya. Andito kaming mga brothers niyo para i-guide kayo. Pero ang totoo nito ay parang magaan ang pakiramdam ko sa iyo. Feeling ko magkakasundo tayo." ngumiti pa ito lalo.
Sana nga, sa isip ko.
"Thanks po." mahina kong sabi.
Maya-maya ay narinig namin na medyo umingay na sa labas. Sa tahimik ng seminaryo ay alam na alam mo kung may mag-ingay.
"O, siya. Tapos na yata klase niyo e. Lunch na yata." agad na puna ni Michael.
"Oo nga po."
"Sige, see you sa reflectory ha?" sabi pa nito saka tumayo.
Pinatay ko agad ang organ at niligpit ang mga piyesang ginamit ko. Kinuha ko na ang bag ko at lalabas na sana ng music room.
"Angelo, wag mong kalimutan ha? Mamayang gabi. Punta ka dito ha?" ngumiti na naman ito.
Sa isip ko, pwede ko ba namang makalimutan iyon?
"Sige po. Thank you po." agad din akong lumabas ng music room.
Mabilis akong umakyat at hinanap sina Hikes at Jason. Agad ko rin silang nakita.
"Kanina ka pa namin hinahanap a." bungad ni Jason.
"Saan ka ba nanggaling?" si Hikes.
"Sa langit." di ko napigilang sabihin nang maalala ko si Michael. Para nga akong nasa langit kanina.
Kumunot lang ang noo nila pero di na sila nagtanong.
Sabay-sabay kaming umakyat sa kuwarto namin at iniwan ang mga gamit namin. Sumabay na rin kami kina Kuya Joseph at Kuya Romeo papunta ng reflectory.
Hinanap ko agad si Brother Michael pero di ko mahanap. Halos matanggal na ang ulo ko sa kakahanap sa kanya pero wala talaga.
Dismayado man ay kumain na lang ako.
Maya-maya pa ay sinisiko ako ni Jason.
"Angelo, may nakatingin sa iyo kanina pa." bulong nito saka nginuso ang kinaroroonan ng nakatitig kuno.
Tiningnan ko din iyon. Natuwa ako at lumukso ang puso ko ng makita si Brother Michael na nakatingin nga sa akin. Ngumiti pa ito. May sinasabi siya na di ko maintindihan. Kumunod ang noo ko.
Inulit niya. Naintindihan ko na ang sinasabi niya ay "Mamaya ha?"
Inisip ko na sana ang sinasabi niya ay "Mahal kita."
Napangiti ako at sinabi ko na lang na "Oo."
Sa isip ko, Oo, mahal din kita.
===============================================
Reminder:
!!!Not for reposting!!! Please? This is a personal story. Not fiction so please do not re-post as your own. Thank you.
Don't forget to follow.'
For suggestions or comments, please feel free to message me at 09213450145 or 09266862505. Thank you.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Sorry guys, maikli lang. Medyo nagmamadali e. Hahaha. Baka kasi pag hindi ako magpost ay may sampung tao na magtitext mamaya. Hahaha.
ReplyDeleteok lang basta ikaw reader mo ako!!!!
ReplyDeleteisa narin ako sa mga new readers mo gel. masarap na malungkot ang mga kwento mo......musta na kaya si jan, may update kaba? tanong lang?:)
ReplyDelete