Wednesday, May 18, 2011
My Seminary Series (Part 13, The Music of My Love)
Picture ng ka-look-alike ni Kuya Michael
*Sorry if it took me longer to post again. I was just busy with my new job.
=========================================
Tumango lang ako sa tanong ni Kuya Michael.
Tumayo siya at may hinanap sa isang mesa malapit sa piano. May hinalungkat siyang mga papel at alam kong mga piyesa iyon. May kinuha siyang isang papel at bumalik sa kinauupuan namin.
Maliit lang ang upuan sa harap ng piano kaya nagkakadikit ang aming mga braso. Bawat dampi ng braso niya sa braso ko ay may kaakibat na init at kuryente. Feeling ko ay ilang minuto na lang ay matutunaw na ang upuan sa init ng nararamdaman ko sa kanya.
Inilapag niya sa taas ng piano ang piyesa ng "Gloria in Excelsis Deo". Kung titingnan ang kantang ito ay madali lang pero nang makita ko ang piyesa ay kitang-kita ko na mahirap itong tugtugin. Maliban sa mabilis ito ay andaming daliri ang kailangan tipahin ng sabay-sabay. Napatulala ako sa piyesa na kinuha niya.
"Kuya, parang ang hirap naman po yata niyan." di ko napigilang sabihin.
Napatawa siya sa sinabi ko.
"Wag kang mag-aalala. Kaya ko nilapag iyan sa harap mo dahil gusto ko bago matapos ang search-in na ito ay alam mo nang tugtugin iyan. Alam mo ba kung bakit?" simple lang niyang paliwanag.
Umiling ako.
"Dahil sa huling araw ng search-in ay may pagtatapos o graduation. Tuwing graduation, pinapakita din ang mga angking galing ng mga nag-search-in. Gusto ko tugtugin mo iyan." sabi nito sabay akbay sa akin.
Dapat sa pagkakataong ito ay mahihimatay na ako sa pagkakaakbay niya pero dahil sa sinabi niya na tutugtugin ko iyon sa loob ng ilang linggo na lang ay napakaimposible at kahit sinong malibog kagaya ko ay mawawala iyon sa sinabi ni Kuya Michael.
"Hindi ko po kaya 'yan." sabi ko sabay yuko.
Niyugyog niya ang balikat ko habang nakaakbay pa rin.
"Kaya mo 'yan. Alam mo namang tutulungan kita. Kahit hindi lang tuwing ganitong oras. Kung gusto mo talaga matuto kahit Sabado o Linggo ay tutulungan kita." nakangiti pa niyang sabi.
Ano pa nga ba? Makakatanggi pa ba ako doon? Siyempre ang taong gustong-gusto kong makasama palagi ang nagsasabi sa akin na magsasama kami palagi e di siyempre... "GO!" Hahaha.
Tumango ako sabay ngiti.
"Good. That's my boy!" pabiro pa niyang sabi.
Sa isip ko, inaangkin niya na ako. 'My' daw e. Ibig sabihin pag-aari na niya ako. Kinilig naman ako doon.
"Sige, para di ka mahirapan, uunahin natin ang mga mababagal na parte ng kanta." sabi pa nito.
Nagsimula na siyang tumipa.
Di ko napigilan na kumanta kasabay ng pagtipa niya.
Laudamus te
Benedicimus te
Adoramus te
Glorificamus te
Napalingon siya sa akin nang kumanta ako. Naalala ko. Soprano pala ang ginawa kong pagkanta. Noong nasa choir kasi ako nung bata ako e Soprano 1 pa ang boses ko. Di pa nadedevelop ang adam's apple at vocal folds ko.
(Note: Vocal folds daw at hindi vocal cords, yan ang sabi sa akin ng Music Director namin dati at ng mga Biology teacher ko. So, walang kokontra =) )
Kumunot ang noo niya. Namula ako. Baka sabihin niya bakla ako dahil babae ako kumanta.
"Sensiya na po. Bata pa kasi ako e. Sa choir kasi namin sa school, soprano ako. Pag high school na daw ako saka na magiging lalaki ang boses ko." mahaba kong pagpapaliwanag.
"Hindi, wag kang mag-alala. Di ako nagagalit o naiinis. Nagulat lang talaga ako kasi kung hindi ako nakatingin sa iyon iisipin ko talaga na babae ang kumakanta." nakangiti pa nitong sabi.
"Ngek. Ganun po ba?" namula ako sa papuri niya. Papuri iyon siyempre dahil di naman ako lalaki e.
"Okay lang sa akin kahit babae pa boses mo pag kumakanta. Ganyan naman talaga pag bata kasi e. Maganda naman ang boses mo e. Baka nga mas maganda pa iyan kesa pag naging lalaki na boses mo." dugtong pa nito.
Noong panahong iyon siguro mas malaki pa ang tenga ko kesa sa elepanteng si Dumbo.
"Kuya naman..." kunwari ay nahihiya ako sa sinasabi niya.
"Sige na nga. Balik na tayo sa ating ginagawa." sabi pa nito.
Tumipa siya uli pero di ako kumanta. Dire-diretso lang siya sa pagtipa. Kinakanta ko na lang iyon sa utak ko.
Laudamus te
Benedicimus te
Adoramus te
Glorificamus te
Natapos na niya ang parteng iyon.
"Sige, basahin mo muna ang mga nota diyan. Wag mong tipahin, sabihin mo lang kung do re mi and so on." utos niya.
Iyon din ang ginawa ko. Binasa ko ang mga nota. (Hmmm, wag bastos ang isip) Meron akong ilang mali na kinorek ko din naman agad.
"Good! At least marunong kang magbasa ng nota. Di na tayo mahihirapan. Sige try mo namang tipahin iyan dito sa piano." utos uli niya.
Kahit nangangatog na ang kamay ko sa kaba ay ginawa ko ang sinabi niya. Panaka-naka ay dumadampi ang braso ko sa braso niya na minsan ay nakaka-distract sa akin.
Kahit paminsan-minsan ay inuulit ko ang ibang parte dahil nagkakamali ako ay natapos ko rin ang part na pinapatugtog niya.
"Good! MAgaling ka nga a." papuri niya uli.
"Di naman po." pa-humble ko pang sabi.
"Sige. Ngayon naman ay pag-aralan mo ang nasa F-staff" sabay turo niya sa ibabang limguhit ng piyesa.
Ito yung mahirap para sa akin dahil ang mga nota sa F-staff ay hindi baba sa dalawang pinagsama. Minsan nga apat kaya mahirap iyon sa akin. Paminsan-minsan ay nagkakamali ako ng tipa dahil nga pag apat ang nota ay nalilito na ako. Kaya minsan ay hinahawakan niya ang mga daliri ko para ilagay sa tamang tipa.
Naglalaban ang utak ko. Magkukunwari ba akong nagkakamali para mahawakan niya ang daliri ko o hindi para isipin niyang magaling ako. Naglalaban na talaga ang utak ko. Siyempre, ang ending inayos ko ang pagtugtog para naman ma-impress siya.
"Hmmm. Medyo kulang ka sa timing e. Parang mali ka sa beat." sabi pa nito.
"Dapat kasi ang pagtipa ng piano ay hindi lang basta binabasa. Dapat ay dinadama mo sa puso mo ang pagdaloy ng mga nota."
Sabay pumikit ito at tinugtog ng tama ang nasa F-staff. Habang nakapikit siya ay nagkaroon ako ng time para titigan nang mabuti ang mukha niya. Napakakinis niya talaga. Kahit medyo gulo-gulo ang buhok niya e guwapo pa rin siya. Inimagine ko tuloy kung anong tsura ng buhok niya kapag nakaayos at nagupitan.
Natapos na niya ang tinutugtog niya at saka siya dumilat. Nahuli niya akong nakatitig sa kanya.
"Bakit?" kunot-noo lang niyang tanong. Di ko alam kung nagkukunwari siyang di alam e halata naman na tumititig ako.
"Hanga lang po ako sa inyo. Kahit nakapikit kayo ay natutugtog niyo po ng maayos." papuri ko pero para lang maiba ang usapan.
"Kasi nga dinadama ko siya dito." sabay hawak sa dibdib ko sa bandang puso.
"Sige po. Naiintindihan ko. Wala lang kasi akong inspiration e." kunwaring sabi ko.
"Ganun ba? Naku mahirap iyon. Pamilya mo o girlfriend?" sabi pa niya pero parang nag-alangan sa huling sinabi.
"Naku wala akong girlfriend. Sa pamilya naman... wag na nating pag-usapan muna iyon." pag-iiba ko ng usapan.
"Hmmm. E di ako na lang muna inspirasyon mo." sabay pang tumawa ng malakas sa biro niya.
Tumawa na rin ako.
"Sige po. Tutal magaling kayo e. Idol ko po kayo. Kayo na lang gagawin kong inspirasyon." kunwari ay ngayon ko lang naisip pero totoong siya nga ang inspirasyon ko.
"E di good. At least kapag naging magaling ka sa pagtugtog ay may naitulong ako. Di lang bilang teacher mo kundi inspirasyon na rin." inakbayan niya uli ako at niyugyog.
Wala sa isip ko na napahilig ako sa balikat niya. Di naman niya binawi ito.
Parang gusto kong wag nang matapos ang sandaling iyon. Baka kasi di na maulit.
Mga ilang minuto lang akong nakahilig nang ganoon saka binawi ang ulo ko.
Hinarap ko siya.
"Kuya Michael, may sasabihin po sana ako sa inyo." sabi ko agad.
Kumunot ang noo niya.
"Ano naman yun?"
"Hmmm... Thank you po sa pagturo sa akin ha? Marami pa siguro kayong pwedeng gawin maliban sa pagtuturo sa akin dito. Nasasayang tuloy ang oras niyo." pagpapaumanhin ko.
"Naku ito naman." inakbayan uli niya ako at hinigpitan pa. Niyugyog pa ng malakas.
"Okay lang iyon. Sabi ko nga sa iyo magaan ang loob ko sa iyo. Di ko alam kung dahil sa pareho tayong mahilig sa musika o dahil sa ang pangalan natin ay palaging magka-partner." sabi pa nito.
Saka ko naalala na oo nga pala. Michael siya at Angelo ako. Most of the time ay magkasama ang Michael Angelo.
Natawa ako dahil naisip niya talaga iyon.
"O siya. Tama na ang drama at malapit nang matapos ang oras natin." pagpupuna niya nang makita ang oras sa wall clock.
"Sige, tapusin mo muna ang apat na linyang iyan. Pagsamahin mo na ang G at F-staff" utos niya sabay turo sa tinugtog ko kanina.
Iyon din ang ginawa ko. Mas maganda nang pakinggan ngayong magkasama na ang dalawang staff. parang totoong musika na talaga siya.
Pagkatapos kong tumugtog ay pumalakpak siya ng mahina.
"Anggaling naman ng studyante ko." pagpupuri uli niya sabay gulo sa buhok ko.
"Siyempre magaling ang guwapo kong teacher e." sabi ko naman.
"Naks. Okay na sana ang magaling e kaso may gwapo pa e." nakangiti pa niyang sabi.
Ngumiti lang ako.
"Totoo naman po e."
Tumawa uli siya.
"Ganoon? Sige, bawal naman magsinungaling dito e kaya iisipin ko na lang na nagsasabi ka ng totoo." sabay tawa uli.
Tumawa na rin ako. Napakagaan ng loob ko sa taong ito.
"O siya. Sige na at 7:30PM na. Sabay na tayong pumunta ng reflectory." sabi nito sabay ligpit ng mga piyesa sa taas ng piano.
"Kuya Michael, thank you po talaga ha?" pagpapasalamat ko.
Lumingon siya sa akin ang ngumiti ng sobrang tamis.
"Wag ka nang mag-thank you. Isipin mo na magkaibigan na tayo."
"Sige po. Gusto naman kitang maging kaibigan e."
"Ako din." sabi pa nito.
Pagkaligpit niya ng mga piyesa ay inakbayan niya ako at sabay kaming naglakad papuntang reflectory. Kahit wala kaming pinag-uusapan habang naglalakad ay alam ko na may connection na sa aming dalawa.
Masaya ako kahit papaano at nakakalimutan ko na ang masaklap na nangyari sa akin wala pang dalawang araw ang nakakaraan.
=================================================
Reminder:
!!!Not for reposting!!! Please? This is a personal story. Not fiction so please do not re-post as your own. Thank you.
Don't forget to follow.'
For suggestions or comments, please feel free to message me at 09213450145. Thank you.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
exciting ..!! can't wait to read the next series.. marami akong lessons na nakukuha dito.. I'm looking forward for this.. thanks for sharing it and i do really appreciate it.. :)
ReplyDelete"Vocal folds daw at hindi vocal folds"?
ReplyDeletedo you mean "chords"?
la lang, no-bother lang ako..:)
@Frenzipe... thanks for reminding. Anyway it's Vocal Folds not Vocal Cords... edited na rin sa taas... Thanks a lot
ReplyDelete