Ralph's look alike
Michael's look alike
======================================
Pagkatapos ng morning class namin ay lumabas na kami nina Jayson at Hikes. Ang pag-uusap namin ay naputol nang biglang may umakbay sa akin paglabas ko.
Si Ralph. Ang ganda ng ngiti nito.
"Pwede bang akin muna siya?" pagpapaalam ni Ralph kina Jayson at Hikes.
Ngumiti lang sina Hikes at Jayson dahil kahit papaano ay naging maayos na rin kami ni Ralph. Nawala na ang tensiyon sa kuwarto.
Nauna na sina Jayson at Hikes habang kami ni Ralph ay magkaakbay sa likod nila. Makuwento si Ralph. Lahat ng nangyari sa klase nila ay kinukuwento niya. Nag-iba na talaga ang mood niya. Balik sa unang Ralph na nakilala ko.
Pagkapasok namin sa reflectory ay di pa rin siya bumibitiw sa pagkakaakbay.
"Gel!"
Lumingon ako sa tumawag. Si Kuya Michael, nakangiti sa akin. Ngumiti din ako. Nagulat ako nang biglang kumunot ang noo ni Kuya Michael. Agad kong tiningnan ang tinitingnan niya. Si Ralph pala nakasimangot sa kanya.
"Ahem." tawag-pansin ko sa kanya.
Binaling niya ang tingin niya sa akin.
"Sorry." parang napahiya siya na maalala na nagiging selfish na naman siya.
Lumakad na kami papunta sa upuan namin.
"Mabuti naman at bati na ang lovers." biro ni Kuya Romeo.
Ngumiti lang din si Kuya Joseph.
Nagtinginan lang kami ni Ralph. Ayaw naming sirain ang magandang mood naming dalawa. Habang kumakain ay sa akin lang ang atensiyon ni Ralph. Mabuti naman at kapag kinakausap ako nina Jayson at Hikes ay hindi na siya nagagalit o naiinis. Pero di pa rin siya sumasali sa usapan.
-----------------------
Simula nung araw na iyon ay naging close na talaga kami ni Ralph. Di na kami mapaghiwalay maliban na lang pag klase. Sabay halos namin ginagawa lahat. Isa lang ang nakakapagpasira ng samahan namin. Nung isang araw na pinagbawalan na niya akong pumunta sa piano lesson namin ni Kuya Michael.
"Di ka ba pwedend maghanap ng ibang gagawin sa leisure hour mo?" nagulat akong tanong nito habang magkatabi kami sa kama. Dino-drawing ko ang mukha niya. Siya naman ay naka-steady lang.
"Ralph..." agad kong tawag ng pangalan niya para maiwasan ang diskusyon na naman namin.
"E kasi di talaga ako palagay na kayo lang dalawa ni Kuya Michael doon sa Music Room."
"Wala naman kaming ginagawang masama e. Tinuturuan lang niya ako. At isa pa, nakabukas naman ang pinto ng Music Room, di namin nila-lock." paliwanag ko pa.
"Oo nga. Kaso pag nagtuturo siya sa iyo ay magkadikit kayo at hinahawakan pa niya ang kamay mo."
"Hinahawakan lang niya kapag mali ang tinitipa ko." giit ko pa. Medyo naiinis na naman ako.
"E di ayusin mo para di ka niya hawakan pa."
Natawa ako. Dun na niya ako tiningnan ng seryoso.
"Anong nakakatawa doon?" taka niyang tanong.
"Ralph, di naman ako perpekto e. Di pa ako magaling tumugtog. Alangan naman di ako magkamali. Kapag di na ako magkamali, e di sana di na ako nagpapaturo." nakangiti ko pang sabi.
"Pilosopo mo naman."
Iyon lang at tumayo na siya at umalis ng kuwarto. Ito na naman kami. Palagi niyang ginagawa ito kapag naiinis siya kapag di siya nasusunod. Mabait siyang kaibigan pero may mga times talaga na nagiging isip bata siya. Gusto niya siya ang masusunod. Kapag di siya nasunod ay aalis siya.
Dahil mag-bestfriend kami ay naiintindihan ko siya dahil ganoon na siya. Mahigit isang linggo na rin ang nakalilipas nang maging magkaibigan kami. Kahit papaano ay nasanay na ako sa mga pag-walk-out niya.
Di siya nagpakita sa akin hanggang sa pumunta na ako ng Music Room. Nagulat ako nang makita ko siyang andun at nakaupo na sa isang stool.
Sumunod naman na pumasok si Kuya Michael. Nagtaka din siya nang makita doon si Ralph.
"Yes? How may I help you?" agad nitong tanong kay Ralph.
"Wala. I'm okay. Sinamahan ko lang si Angelo." nakangisi pang sagot ni Ralph.
Tiningnan ako ni Kuya Michael. Ngumiti lang ako sa kanya. Saka siya pumunta sa upuan sa harap ng piano.
Natigilan siya.
Tiningnan ko kung saan nakatingin ang mata niya. Nagulat din ako.
Ang mahabang upuan na pang-piano ay wala na sa harap ng piano. Bagkus, may pumalit na dalawang magkahiwalay na upuan.
Agad kong tiningnan si Ralph. Nakuha ko kaagad na siya ang may pakana nito. Parang nahulaan ko rin ang nasa isip ni Kuya Michael na alam na din niya pero wala siyang sinabi. Umupo na kami at nagpa-piano.
Kapag may mali ako ay hinahawakan pa ni Kuya Michael ang kamay at daliri ko para mailagay sa maayos na tipa.
"Ahem..."
Lumingon kami ni Kuya Michael dahil napakalakas na pagtikhim ang ginawa ni Ralph. Halatang may gustong iparating.
"Yes?" kalmadong sabi ni Kuya Michael.
"Wala lang. Palagay ko pwede mo namang sabihin kay Angelo kung ano ang dapat gawin imbes na hahawakan mo ang kamay niya kapag may mali siya." nakangiti pang sabi ni Ralph.
"I'm sorry. Pero ganyan ako mabilis na tinuruan ng Piano Teacher ko kaya ko ginagawa ito. Pero kung gusto mo ikaw na magturo." naiinis na si Kuya Michael, dinadaan sa ngiti.
"Kung magaling lang ako, why not? Kaso ikaw lang naman ang 'MAGALING' dito e." diniinan pa ang salitang magaling.
"Oo, magaling talaga ako. Tanggap ko iyan. Pero di ko tanggap na pakikialaman mo kung paano ko tuturuan si Angelo." saka bumaling sa piano ang mata ni Kuya Michael.
"Iba kasi ang hawak mo e. Parang may ibang gustong iparating." dugtong pa ni Ralph.
Isang matalim na ngiti ang ipinukol ko kay Ralph." Agad namang tumayo si Kuya Michael.
"Bro, kung ikaw ay malisyosong tao, wag mo kaming idamay na dalawa. Matino ang ginagawa namin. Bakit? Nagseselos ka?" parang tumataas na ang boses ni Kuya Michael.
"Oo, nagseselos ako dahil bestfriend ko yan." lumalapit na si Ralph sa kinaroroonan namin ni Kuya Michael.
"Bestfriend? Parang di naman nagiging ganoon ang bestfriend e." si Kuya Michael
"Anong ibig mong sabihin?" lumapit pa si Ralph.
"Akala mo di ko alam. Palagi kitang nahuhuli, nakatitig ka kay Angelo. Masyado kang protective at possessive. Wala kang ibang binubuntutan kundi si Angelo. Siguro ikaw ang may pagnanasa sa kanya."
Di na nakatiis si Ralph. Sinugod si Kuya Michael. Dahil mas malaki ang katawan niya kesa kay Kuya Michael ay di na nakailag iyon sa suntok ni Ralph.
Mabilis na bumagsak sa tabi ng piano si Kuya Michael. Putok ang labi.
Agad kong tinulak si Ralph palayo. Inalalayan ko patayo si Kuya Michael.
"Kuya, tara. Punta tayo sa clinic para matingnan ang labi mo." agad kong duhog dito.
Bago pa kami makalabas ng Music Room ay tinapunan ko ng isang matalim na tingin si Ralph. Umiling-iling pa ako. Nakita kong napayuko siya sa ginawa niya.
Pagkatapos namin sa clinic ay nagpaalam na si Kuya Michael na pupunta na ng kuwarto niya para magpahinga. Pumunta na rin ako sa reflectory para kumain. Nahuli na ako kaya wala na akong kasabay kumain.
Pagkapasok ko ng kuwarto ay sinalubong agad ako ni Ralph. Umiling lang ako sa kanya at pumasok na ng kwarto. Dumiretso ako sa kama at humiga.
"Bro..." tawag ni Ralph sakin.
Di ko siya nilingon.
"Bestfriend..." tawag uli niya.
Di pa rin ako lumingon.
"Gel... Sorry na." sabay yugyog sa akin.
Dun na ako lumingon.
"Ralph, matulog na tayo. Masama pa loob ko sa iyo. Kaya wag mo akong inisin baka matuluyan akong magalit sa iyo. Di ako natuwa sa ginawa mo kaya bigyan mo muna ako ng space." sabi ko naman. Saka bumalik sa pagkakapikit at natulog na.
--------------------------------------
Nagising ako kinabukasan dahil niyuyugyog ako ni Kuya Joseph. Pinapatawag daw ni Father Ric kaming dalawa ni Ralph.
Magkasabay kaming naglalakad papunta sa kuwarto ni Father Ric pero walang nagsasalita sa amin.
Pagkapasok namin sa kuwarto ni Father Ric ay nakaupo na doon si Kuya Michael. May bandage ang labi at namamaga ang gilid pa nito.
Alam ko na agad kung bakit kami pinatawag.
"Maupo kayo." sumenyas si Father Ric paturo sa sofang kaharap nila ni Kuya Michael.
Tahimik lang kaming umupo ni Ralph. Tumikhim muna si Father Ric bago nagpatuloy.
"Siguro naman alam niyo na kung bakit ko kayo pinatawag dito." panimula pa nito.
Tumango ako. Walang sagot si Ralph. Nakayuko pa rin.
"Unang-una, Ralph kailangan mong humingi ng tawad dito sa Senior niyo dahil sa ginawa mo." si Father Ric ulit.
Di pa rin gumalaw si Ralph.
"Pangalawa, kailangan niyong ikuwento sa akin at idetalye ang nangyari para maintindihan ko." sabi pa ni Father Ric.
Tumingin ako kay Ralph. Nakatingin din ito sa akin. Tiningnan ko si Kuya Michael, ganoon din. sa akin sila nakatingin para magkuwento.
Saka ko kinuwento ang buong pangyayari.
Tumahimik muna si Father Ric bago nagpatuloy.
"Hmmmm. Ralph, alam mong may mali ka dito." sabi ni Father Ric.
Tiningnan ni Ralph si Father Ric at tumango.
"Michael, ikaw din. May kasalanan ka dito." baling nito kay Kuya Michael.
"Bilang parusa sa inyong dalawa, kailangan niyong mag-volunteer para sa Santacruzan sa katapusan. Ang Santacruzan ng simbahan ay dapat niyong tutukan. Bukas na bukas din ay magdadagdag kayo ng dalawang oras kada gabi para sa paghahanda sa Santacruzan. Kayo ang mamamahala ng decoration doon." dagdag pa ni Father Ric.
Nagkatinginan kaming tatlo.
"Ibig niyo pong sabihin Father e magsasama kami sa gawain." nakanguso kay Ralph si Kuya Michael.
"Oo, para maturuan niyong magin mabait sa isat isa.
"Pero..." sabi pa ni Ralph.
"Walang pero..." pagpuputol ni Father Ric
"So, silang dalawa po ay tutulong sa decoration di po ba?" paninigurado ko.
"Kung pwede sana samahan mo sila. Baka kasi kung anong gawin na naman ng dalawang ito doon." sabi ni Father Ric.
"Sige po. I will." sa isip ko e mas mabuti na ito para at least kasama ko ang dalawang mahal ko na crush ko.
Iyon lang at pinalabas na kami ng kuwarto.
Habang pabalik ng kuwarto ay mas lalo akong naging excited. Ibig sabihin, palagi kong makakasama ang dalawang crush na mahal ko.
=================================================
Reminder:
!!!Not for reposting!!! Please? This is a personal story. Not fiction so please do not re-post as your own. Thank you.
Don't forget to follow.'
For suggestions or comments, please feel free to message me at 09213450145. Thank you.
Gel, Dami mo nang fans. :) more power.
ReplyDeleteuhm... bat lahat po ng naencounter mo merong look alike pic... panu naman po ikaw??? hahaha
ReplyDelete@Ryan... thanks... Di pa nga e... pero okay na yun...
ReplyDelete@Mark... lahat may hinanapan ko ng kamukha para madaling maimagine... yung sa akin wag na... baka madisappoint kau hahaha
grabe yung commotion na nangyari sa kanila.. kinabahan ako nung pinatawag kayo..
ReplyDelete