Copyright

myfreecopyright.com registered & protected

Wednesday, May 25, 2011

My Seminary Series (Part 17, Pagtatapat)


Kamukha ni Kuya Gilbert
====================================

Pagkalapit ko kay Kuya Gilbert ay mahigpit niya akong niyakap. Hinimas-himas pa ang likod ko habang umiiyak ako sa dibdib niya. Ewan ko ba pero pakiramdam ko ay siya ang pinakaakmang tao sa sitwasyong ito. Ayokong dumilat kasi baka isa lang siyang panaginip. Palagi na lang siyang dumarating pag kailangang-kailangan ko ng karamay.

Mga ilang minuto din akong nakayakap sa kanya at umiiyak. Inaalo lang niya ako at hinihimas-himas ang ulo at likod ko.

"Sige lang. Ibuhos mo lang sa akin kung ano man ang nasa dibdib mo. Alam mo naman na andito lang ako para sa iyo di ba?" rinig ko pang sabi niya.

Imbes na mapatahan ako ay mas lalo pa akong umiyak.

Makalipas ang ilang minutong pag-iyak ko ay napatahan din niya ako kahit papaano. Umupo kami sa bench kung saan ako nakaupo at umiiyak kanina. Nakaakbay siya sa akin at nakahilig ako sa dibdib niya. Saka ko kinuwento ang nangyari sa amin ni Ralph.

Agad kong nakita sa mukha niya ang pilyong ngiti.

"O, bakit naman ganyan ang reaction mo?" tanong ko agad sa kanya.

"Wala. In-love na naman agad kasi ang baby brother ko. Dalawa pa." panunukso pa nito na di pa rin naaalis-alis ang ngiti.

"In love? At kelan pa ako naging baby brother mo?" medyo may halos inis at paglalambing kong sabi.

"Una, in love ka kasi kung makaiyak ka e parang nakipagbreak ka sa boyfriend mo. Naiiyak ka kasi di ka niya pinansin at nag-aaway kayo. Tapos dalawa pa sila. Pangalawa, baby brother kita kasi kahit alayo ka sa akin ay palagi kitang iniisip kapag di kita nakikita. Gusto ko palaging protektahan ka. Sa maniwala ka nga sa hindi e parang may nagsabi sa akin kanina na kailangan mo ako." sabay kindat pa nito.

"Asus! Oo na. Kailangan kita ngayon. Alam mo namang ikaw na lang yata ang nag-aalala sa akin e. Naku, baka in-love ka pa rin sa akin ha?" balik-tukso ko naman sa kanya.

"E kung sabihin kong 'Oo'? Ano'ng gagawin mo?" sabi pa nito.

"E di tayo na." sabay tawa ko ng malakas.

"Di pwede. Iba ang mahal mo e. Ay... Iba na pala ang mahal mo." panunukso pa nito.

"Heh! Di ko mahal iyon. Kung minahal ko man siya agad, past tense na iyon. Naiinis ako sa kanya." sabi ko pa na di ko mapigilang sumimangot.

"Alam mo ba na sabi nila, the more you hate the more you love?"

"Di mo nga kilala kung sino gumawa ng saying na yun e. Sige nga kung masabi mo kung sino ang nagpasimula niyan, maniniwala ako."

Napatigil si Kuya Gilbert.

Saka napangiti.

"Alam mo, kapatid talaga kita. Masyado tayong pareho e. Kaya kahit ganyan ka di ako naiinis sa iyo." sabay tawa.

Napangiti din ako sa sinabi niya.

"Kuya salamat ha? Andito ka ngayon. Kung wala ka di ko na alam gagawin ko." seryoso kong sabi.

"Ano ka ba?" sabay akbay at yugyog sa akin. "Kaya nga kuya mo ako e at baby brother kita dahil andito ako para sa iyo."

Ngumiti ako sa kanya. Saka pasimpleng hinalikan siya sa pisngi.

Hinawakan niya ang pisngi niya.

"Para saan iyon?" takang-tanong nito.

"Halik ng pasasalamat." sabi ko.

"Halik lang pala? Akala ko may iba pa e."

Kumunot ang noo ko.

"Wala. Wag mo nang isipin yun. Namimis ko lang kasi yung ginawa natin dati." sabay ngiti pa nito.

"Ganun ba? Wag ka mag-alala. Pagkatapos ng search-in na 'to, sa iyo ako tutuloy. Kahit araw-araw nating gagawin iyon." sabay kindat pa at pilyong ngiti ko sa kanya.

"Talaga?" nagliwanag ang mukha niya.

Tumango ako.

"Lika na. Tara na. Wag mo nang ipagpatuloy ito dito." biro pa niyang hila sa braso ko.

Natawa ako sa kanya.

"Wag kang atat, Kuya. Masyado kang napaghahalataang malibog." sabi ko sa kanya.

"Hindi. Joke lang. Wag ka mag-alala. Hihintayin kita."

Natahimik man kami pero alam namin na mas naging close na kami.

"O, paano? Medyo okay ka na naman na e. Uuwi na ako. Baka pagalitan pa ako dito e." sabay tayo na nito.

"Ganun? Kailangan mo na ba talagang umalis?" paglalambing ko sa kanya sabay hawak sa braso niya.

"Wag ka mag-alala. Palagi naman tayong magkakasama e. Palagi kang andito." sabay hawak pa niya sa sintido niya, tapos sa bandang puso niya, at sa harap ng alaga niya.

Natawa ako sa huling hinawakan niya.

"O, di ba? Tumatawa ka na. Tapos na ang role ko dito. Mauna na ako ha?" sabi pa niya.

"Sige po. Hatid na kita sa kotse mo." alok ko naman.

Naglakad kami papunta sa kotse niya na nakapark sa entrance ng seminaryo.

"O, paano? Mauna na ako?" pagpapaalam pa nito.

"Sige po. Hahalikan sana kita kaso baka may makakita e." sabi ko pa.

"Sige. Sa isip ko na lang na nakiss mo na ako." sabay kindat pa nito.

"Kuya Gilbert..." tawag ko sa kanya bago pa siya pumasok sa kotse niya.

"O?"

"Hmmm... Ingat ka ha? I love you Kuya." nahihiya kong sabi.

"I love you too baby bro." ngumiti lang ito.

Habang nagdadrive siya palabas ng gate ng seminaryo ay pilit kong iniisip na sana sumabay na lang ako sa kanya. Kaso, kailangan ko muna ng time para makapag-isip. Mabuti na lang talaga kahit papaano at nawala na ang inis ko kay Ralph. Salamat kay Kuya Gilbert.

Naglakad na ako papasok ng seminaryo.

Nakita kong nakasandal sa pinto si Kuya Dan. Nakangiti sa akin.

"Iyon ba yung Kuya Gilbert mo?" tanong agad nito.

"Opo."

"Hmmm... Nabisita ka niya.. " tanong pa nito.

"Ewan ko sa kanya. Naramdaman niya daw na kailangan ko siya." napangiti kong sabi.

"Ang sweet naman pala niya talaga."

Medyo nagtaka ako sa sinabi niya. Medyo nagka-idea ako pero di ko na lang pinahalata.

"Kung gusto mo po next time na bumisita siya e papakilala po kita." medyo nakangisi pa ako.

"Wag na. Anyway, bawal ang bisita dapat e. Pero this time papalampasin natin ito pero dapat sinabi mo sa kanya na di siya pwedeng basta-basta dumalaw."

Medyo nawala ang ngiti ko.

"Sensya po. Di ko po alam e."

Inakbayan pa niya ako.

"Don't worry. Di mo naman alam e. Papalampasin na lang natin ito." sabay kindat pa sa akin.

Saka kami naglakad papunta sa kuwarto.

"Mabuti naman at okay ka na." sabi pa nito bago umalis.

Pagkapasok ko sa kuwarto ay nakahiga na silang lahat. Nakita kong natutulog na rin si Ralph. Ewan ko ba pero parang gusto ko siyang lapitan at kausapin pero dumiretso na lang ako sa kama ko.

Nagulat ako ng pag-upo ko ay nasa kama ko ang libro ko na dapat ay nasa mesa ko. Kinuha ko agad ito. Nakita kong may nakaipit dito. Kinuha ko ang nakaipit na sulat dito. Taka man ay binuklat ko ito.

"I'm sorry. I like you."

Napangiti ako sa nakita ko pero agad kong naisip na si Ralph ang sumulat nito.

Tiningnan ko siya na natutulog. Pero feeling ko di naman talaga siya tulog e. Napangiti ako sa kanya at pabulong na nagsabi ng "Thank you." kahit walang sound.

Napahiga na rin ako ng may ngiti sa labi. Di dahil sa natutuwa ako sa ginawa ni Ralph pero dahil may namuong plano sa isip ko.

Bukas na lang.

=================================================


Reminder:

!!!Not for reposting!!! Please? This is a personal story. Not fiction so please do not re-post as your own. Thank you.

Don't forget to follow.'

For suggestions or comments, please feel free to message me at 09213450145. Thank you.

No comments:

Post a Comment