Kamukha ni Ralph
Well, nilagay ko lang si Ralph dito and not Michael dahil kay Ralph din ang chapter na ito.
======================================
Iyon na nga ang napagkasunduan. Every time na leisure hour namin ay pumupunta kami sa kalapit na simbahan kung saan ang Kura-Paroko ay ang ninong kong si Father Alex. Tuwang-tuwa ito kahit papaano dahil araw-araw kaming nagkikita. Dagdag pa doon ay alam niya na magaling ako sa Art at malaki ang maitutulong ko sa pagpapaganda ng Activity Center kung saan idadaos ang coronation ng Reyna Elena at ang mga design sa Arko para sa sagala.
Ginawa nga akong lider ng ninong ko sa decoration committee at ang mga tumutulong sa paghahanda ay sa akin nagtatanong kung ano ang gagawin. May 3 pa lang iyon, dalawang araw bago ang birthday ko. Ang Reyna Elena nila ay gagawin sa May 20 pa naman. Matagal pa para sa akin iyon pero ang sabi ni Father Alex, puspusan daw ang preparasyon at minsan umaabot ng buwan iyon. kaya kung tutuusin daw ay gahol na sa oras.
Ginawa ko ang lahat para ninong ko. Ang akala ko ay makakapagbonding kaming tatlo nina Ralph at Kuya Michael pero hindi pala. Puspusan ang trabaho naming tatlo. Hiniling pa nga ni Father Alex kay Father Ric na kung pwede ay mag-extend pa kami ng isang oras kasi kulang ang isang oras na ginugugol namin doon. At dahil oras ng hapunan ang kinain ng oras namin doon, pinaghahanda na lang kami nina Father Alex sa kumbento ng simbahan para diretso ang trabaho namin doon.
Para sa akin ay okay lang iyon dahil nakakatulong ako. Sina Ralph at Kuya Michael naman ay di naman nagrereklamo pero sila ang may maraming ginagawa dahil ako ay halos puro isip lang ang pinapagana.
Pero humahaba ang buhok ko lalo na kapag nilalapitan ako ni Ralph at minamasahe sa ulo.
"Dapat kasi wag mo masyadong ginagamit ang utak mo. Baka mahilo ka na sa pagod niyan." sabi pa niya habang minamasahe ang ulo ko.
"Di okay lang ako. Kaya ko pa. Pag hindi naman ay sasabihin ko naman e. Gusto ko lang talaga makatulong dito. Alam ko namang kaya ko e." sabi ko naman sa kaniya sabay ngiti sa kabaitan niya.
Kapag dumadating naman kami sa seminaryo ay panay ang pag-aalaga nito sa akin. Nariyang minamasahe niya ang likod ko o ang kamay ko. Nariyang ipagtimpla ako ng gatas kapag di ko kayang magtimpla dahil sa pagod. Ang pinakanagustuhan ko sa kanya ay iyong minamasahe niya ako para makatulog bago siya makatulog.
---------------------------------------
Araw ng kaarawan ko. Ginising niya ako ng maaga. Pagdilat ko ng mata ko ay nasa gilid ng kama ko sina Ralph, Kuya Joseph, Kuya Romeo, Hikes, Jayson, Kuya Michael at Kuya Dan. Si Ralph ay may hawak ng puting kandila at pinaihip sa akin. Tawanan sila dahil kandila lang at walang cake daw.
Pero may iniabot silang lahat sa akin pero wala nang balot lahat. Si Ralph ay may binigay sa akin na bracelet na may nakalagay na dalawang letra, A at R.
"A - R?" basa ko sa letra.
Ngumiti lang siya.
"A, as in Angelo. R, as in Ralph. Bestfriends tayo e. Meron din ako niyan." Saka niya itinaas ang bracelet niya.
Napangiti ako.
"Thank you." sabi ko.
"No problem." sabay kindat sa akin.
Si Jayson naman ay binigay sa akin ang paborito niyang damit na palagi kong sinasabing gusto ko. Si Hikes naman ay binigay sa akin ang original niyang sunglasses. Si Kuya Joseph ay may binigay sa akin na maliit na Bible. Pero natawa ako sa binigay ni Kuya Romeo... shampoo na menthol. Naalala ko tuloy noong ginamit niya iyong shampoo na iyon nung tinira niya ako nung nagkaroon kami ng Midnight quickie. Napangiti lang siya dahil kami lang ang nakakaalam noon.
Si Kuya Michael naman ay may binigay na casette tape sa akin.
"Pakinggan mo na lang iyan kapag wala kang ginagawa." sabi pa nito.
Tiningnan ko ang casette tape. Halatang recorded na tape iyon. May hinala na ako pero di ko na lang sinabi. Baka sabihin niya di ako nasurprise.
"Thank you Kuya. Pakikinggan ko ito." sabi ko sa kanya sabay ngiti.
Ngumiti lang din siya. Hay... ang guwapo din niya.
Si Kuya Dan naman ay binigyan ako ng Libro. Di ko na masyadong maalala pero parang 'How to Live the Life You Love" ang title noon.
Pagkatapos noon ay umalis na sila. Maghahanda na para sa Morning Rosary at mass. Nagsipilyo lang ako at naghilamos dahil gahol na sa oras.
Pagkatapos ng misa at paliligo ay pumunta na kami ng reflectory. Nagulat ako dahil di kami sa mismong reflectory pumunta pero sa isang kuwarto na katabi ng reflectory. Pagkapasok ko sa kuwarto ay may nakasulat na: "HAPPY BIRTHDAY ANGELO"
Sa gitna ng kuwarto ay ang mahabang mesa at ilang handa. Konti lang pero alam kong pinaghandaan nila iyon.
Habang kumukuha kami ng pagkain ay sinasabi ni Ralph kung paano nila pinaghandaan iyon.
"Si Kuya Dan ang nagpasimuno nito. Dahil daw parang kapatid ka na niya. Sina Jayson at Hikes ang nag-ayos dito kagabi habang nasa simbahan tayong tatlo. Sina Kuya Romeo at Kuya Joseph ang namili ng mga niluto dito. Pero nag-ambagan kami." paliwanag niya.
Tumango lang ako. Di mapigil ang ngiti.
"Si Kuya Michael walang tinulong." biglang dugtong pa niya.
Napalingon si Kuya Michael dahil sa distansiya namin ay alam kong narinig niya iyon at alam kong sinadya ni Ralph na iparinig iyon.
"Uy, umambag din ako ha? Nasa simbahan kaya tayong tatlo kagabi. Paano ako tutulong?" agad na pagtatanggol nito sa sarili.
Natawa ako dahil parang batang nagsasalita si Kuya Michael.
"Hindi. Joke lang. Inaasar lang kita." sabay ngiti sa kanya ni Ralph.
Agad naman ngumiti si Kuya Michael. Tinuro si Ralph.
"Ikaw talaga. Akala ko pa naman di na naman tayo bati e." sabi pa ni Kuya Michael.
"Di ah. Okay na tayo e. Di ba Angelo?" paniniguro ni Ralph.
Natawa ako sa kaniya. Alam kong ginawa niya iyon para mapasaya ako. Ang maipakitang bati na sila ni Kuya Michael na mahalaga din sa akin.
Pagkatapos naming kumain ay agad na nagsalita si Ralph.
"Iwan niyo na lang diyan ang mga ginamit niyong plato at kami na ni Kuya Michael ang magliligpit." agad na sabi nito.
Tumango lang si Kuya Michael.
"Asus! Bumabawi ka lang e." sabi naman ni ni Kuya Romeo.
Tawanan silang lahat.
Tumawa din si Ralph.
Iyon na nga ang ginawa nila ni Kuya Michael at Ralph. Silang dalawa ang nagligpit ng mga pinagkainan naming lahat at naghugas na rin.
Diretso na kami sa kaniya-kaniya naming mga klase. Pagkalabas namin sa kuwarto ay nasa pinto si Ralph. Agad akong hinila pagkakita sa akin.
"Ralph. Saan tayo pupunta?" sabi ko habang tumatakbo kami at hila-hila niya ang braso ko.
"Basta. Sumunod ka na lang." sabi lang niya.
Dumiretso kami sa garden sa likod ng seminaryo. Tago ang lugar na ito dahil napapalibutan ito ng mga puno.
Pagkapasok namin sa garden ay dumiretso kami sa bandang gitna nito.
"Ano'ng gagawin natin dito?" agad kong tanong sa kanya.
"Dito ko ibibigay ang pinakamagandang regalo ko sa iyo." sabi nito.
"E di ba may regalo ka na kanina?" sabay angat ko ng braso ko na may bracelet niya.
"Hindi iba ito. Mas mahalaga pa kesa diyan." sabi agad nito.
"Ano ba yan? Kakain na tayo e." sabi ko sa sobrang excited.
Nagulat ako sa mga sumunod na nangyari.
=================================================
Reminder:
!!!Not for reposting!!! Please? This is a personal story. Not fiction so please do not re-post as your own. Thank you.
Don't forget to follow.'
For suggestions or comments, please feel free to message me at 09213450145. Thank you.
No comments:
Post a Comment