Kamukha ni Ralph.
====================================
Alam niyo ba ang feeling ng taong nakakita ng isang bagay na alam niyang hindi niya makikita kahit kelan o kung gusto man niyang makita pero ayaw niya dahil sa isang matinding dahilan? Ganyan ang pakiramdam ko ng mga sandaling iyon.
Kahit na nagbibigay lilim ang mga dahon ng puno sa taas namin at nakukubli kami ng maraming halaman ay pinagpawisan ako. Sobrang pinagpawisan ako.
Si Ralph, nasa harap ko, agad na hinubad ang suot na t-shirt. Tumambad na naman sa harapan ko ang kanyang katawan na noong una ko pa lang nakita ay halos maubos na ang laway ko paglalaway. Para pang nanunukso ang kaniyang mga mata na hinahagod ang kanyang katawan.
"Ano ba yang regalo mo? Magsasayaw kang naka-shorts sa harap ko?" kunwari ay palusot ko.
Nagtatalo ang katawan ko laban sa isip at puso ko. Sinasabi ng katawan ko na sige ito na ang pinakahihintay mo. Nakalatag na sa harap mo ang pagkain.
Samantalang ang isip ko ay nagsasabing wag gawin iyon dahil baka niloloko lang ako nito, baka may makahuli, baka masira ang pagkakaibigan namin.
Pero ang sinasabi ng puso ko ay wag gawin iyon dahil mahal ko siya. Dapat kong irespeto ang mahal ko.
Agad siyang lumapit sa akin. Di ko alam kung nangungusap ang mata. Di ko alam kong nangtutukso. Basta ang alam ko, napakaguwapo niya. Isa siya sa mga guwapong anghel na bumaba sa langit para ibigay sa akin ang isang napakasarap na regalo sa aking kaarawan. Pero ang regalong iyon ay mapanukso.
Dahan-dahan ang paglapit niya sa akin at tumigil na lang siya nang ang mukha niya ay dalawang pulgada na lang ang layo sa mukha ko. Ang mga ilong namin ay halos magtama na.
Kinuha niya ang dalawang kamay ko at ipinatong sa dibdib niya. Hinagod ang mga iyon pababa sa dalawang utong niya.
Pagkadampi ng dalawang palad ko sa mga utong niya ay halos siritan ako ng kuryente sa buong katawan ko.
Nagkakatitigan ang mga mata namin. Walang nagsasalita. Naaamoy ko na ang mainit niyang hininga. Ako naman ay halos hindi makahinga sa mga nangyayari.
Agad na ibinaba niya ang kanang kamay ko papunta sa tiyan niya. Pinaikot niya ito doon. Doon ko lang naramdaman kung gaano kakinis at katigas ang tiyan niya. Nadadala na ako ng pinapagawa niya. Wala na ako sa tamang katinuan.
Naramdaman ko pa na binaba na niya ang kamay ko at alam ko kung saan pupunta iyon. Dahan-dahan, naramdaman ko nang dumaan ang kamay ko sa garter ng shorts niya. Dahan-dahan ding lumalapit pa ang mukha niya sa mukha ko.
Agad kong hinila ang kamay ko.
"Ralph..." sabay alis ng mukha ko sa pagkakatingin sa mukha niya. Naramdaman ko na dumampi ang labi niya sa pisngi ko. Dapat sana ay sa labi ko iyon.
Hinawakan niya ang baba ko.
"O, bakit? Ayaw mo ba ng regalo ko sa iyo?" masuyo niyang tanong.
"Ano ba kasi ang ireregalo mo?" di pa rin ako nakatingin sa kanya.
"Alam mo na yun."
"Di ko alam." matigas kong sagot.
Bumuntung-hininga pa siya bago nagsalita.
"Gel, alam kong gusto mo ako. Unang kita mo pa lang sa akin ay alam ko nang gusto mo ako. Gusto din kita. Dahil mabait ka sa akin at ngayon ay bestfriend na kita. Pero alam kong hindi lang kaibigan ang gusto mo sa akin. Higit pa." sabi pa nito.
Habang nagsasalita siya sa akin ay halos matunaw na ako. Huling-huli na pala niya ako. Pero palagi, di dapat magtiwala. Baka nanghuhuli lang ito.
"Ano'ng pinagsasabi mo diyan?" sumimangot pa ako.
Bumuntung-hininga muna siya. Mas malalim.
"Gel, pwede ba? Magpakatotoo ka. Wala naman sa akin yun e. Tanggap ko kung ano ka. Matagal na. Simula pa lang noong una kitang nakita alam ko na kung ano ka base dun sa kung paano mo ako tinitigan. Akala mo rin ba ay hindi ko ramdam na umiinit ang katawan mo kapag inaakbayan kita? Alam ko lahat iyon. Pero balewala sa akin iyon. Alam mo kung bakit?"
Tumigil muna ito sa pagsasalita. Hinihintay ang isasagot ko. Pero nanatili pa rin akong tahimik.
"Dahil alam kong mahal mo ako. At dahil mahal mo ako, di ka kahit kelan man nag-take advantage.
Ilang beses kitang binigyan ng test alam mo ba?" pagpapatuloy nito.
Kumunot lang ang noo ko sa sinabi niya.
"Naalala mo nung inaya kitang maligo noong unang araw nating magkasama?" tanong niya sabay lapit ng ulo niya sa noo ko. Hinagkan ang noo ko saka inilayo uli ang ulo para makaharap ako.
"Doon ko napatunayan na hindi ka katulad ng ibang bakla. Di ka mapagsamantala. Puwede ka naman sanang sumabay sa akin sa paliligo e. Natingnan mo na sana ang lahat sa akin. Pero di ka sumabay. Dun ako humanga sa iyo. Kaya alam ko na di lang katawan ko ang habol mo."
Ngumiti na ako. Nagulat man sa mga sinasabi niya pero kailangan ko na ring magpakatotoo. Besides, kung talagang kaibigan ko siya, matatanggap niya ako.
"Tapos yung kanina. Kung akala mo test iyon. Hindi." masuyong sabi pa nito.
"Huh?" medyo taka ako sa huli niyang sinabi.
"Di na test iyon. Gusto ko talagang ibigay sa iyo kahit isang araw lang ang katawan ko." sabi pa nito.
Pumanting talaga ang tenga ko. Ibigay ang katawan niya?
"Di kita maintindihan." utal-utal kong sabi.
"Iyon ang regalo ko sa iyo. Alam kong di man iyon ang hilingin mo pero alam ko iyon ang magpapaligaya sa iyo." sabi pa nito.
Biglang tumulo ang luha ko. Di ako makapaniwala sa sinasabi niya.
"Ralph. Sige magpapakatotoo ako sa iyo. Mahal kita. Unang beses pa lang kitang nakita, alam ko nang mahal kita. Kaya nga noong nag-away tayo ay halos iyak lang ako ng iyak. Kaya ko rin sinabi sa iyo lahat ng iyon dahil ayoko nang tumagal pa iyon. Ayokong tuluyang mainlove sa iyo. Noong inaway mo ako, nakahanap ako ng chance na di mahulog sa iyo. Pero di ko kaya."
Tuloy-tuloy lang ang pagsasalita ko. Hinawakan niya ang ulo ko at hinilig sa ulo niya.
"Pero mahal kita Ralph. Kaso ayokong masira ang pagkakaibigan natin. Kaya minabuti ko na lang na maging kaibigan ka na lang kesa sabihin ang nasa puso ko dahil ayokong masira ang pagkakaibigan natin. Mas gugustuhin ko na lang na habambuhay nakatago ang nararamdaman ko kesa mawala ka sa akin."
Umiyak na ako ng malakas. Tuloy-tuloy ang pagdaloy ng luha ko.
"Alam ko iyon." sabi niya habang hinihimas ang likod ko. Pinapatahan ako.
"Sorry." sabi ko pa.
"Shhh... wala kang dapat isorry. Naiintindihan ko naman ang lahat e. Naiintindihan kita. Alam kong mahal mo ako at nirespeto mo ako. Higit sa lahat, pinahalagahan mo ang pagkakaibigan natin."
Inilayo niya ako sa dibdib niya. Tiningnan ako sa mga mata ko.
"Kaya nga gusto kong ipaubaya ang katawan ko sa iyo. Birthday gift ko sa iyo. Pero ang isa pang dahilan ay..."
Di niya naituloy ang sinasabi niya. Tumigil muna siya. Yumuko saglit at huminga ng malalim.
"Ang totoo kasi ay..."
=================================================
Reminder:
!!!Not for reposting!!! Please? This is a personal story. Not fiction so please do not re-post as your own. Thank you.
Don't forget to follow.'
For suggestions or comments, please feel free to message me at 09213450145. Thank you.
No comments:
Post a Comment