Copyright

myfreecopyright.com registered & protected

Monday, December 19, 2011

My SJV Series (Chapter 10... Bitch... Ditch... Itch)

To my new followers... Rob, Ramy and Ponsy... this is for you guys... thank you for starting to follow my blog.

Arden... I hope you are okay. And also to all the victims of Typhoon Sendong... take care guys... don't lose hope... good things will always come even after the storm. To those who have lost someone... my condolences.

Anyway... to somehow divert us fron the problems that we have now... I posted this chapter... using my phone... so please be nice to me if mabitin kayo.
==========================

Kinabukasan ay inasahan ko ang sinabi ni Kuya Bon na magpapakita ng motibo si Rachel. Kaso nagtaka ako kung bakit pasulyap-sulyap lang ito at di ako kinikibo.

Pagdating ng recess ay tinawag ko siya pero nagbingi-bingihan lang ito. Weird. Naisip ko baka nahihiya siya sa ginawa niya kahapon.

Pagdating ng lunch ay sa canteen kami uli ni Kuya Bon. Nakita ko ring andun siya mga walong mesa ang agwat namin pero nakaharap sa akin ang pwesto niya. Ang mga kasama niya ay ang mga alam kong kasama niya rin sa folk dance.

Nasa kalagitnaan kami ng pagkain namin ni Kuya Bon nang may tumabi sa akin. Alam ko di ko siya kakilala dahil di ko siya nakikita sa klase namin. Ang tantiya ko e mas matanda siya sa akin ng ilang taon.

"Hi. Pwede makiupo?" panimula nito.

Ngumiti lang ako dahil nakaupo na rin naman ba siya.

"Sige." sagot ni Kuya Bon.

"Hi. I'm Ivy. I know you know me dahil isa ako sa mga 4th year side leaders ng mga majorettes." nakangiting sabi nito.

Umiling lang ako dahil di ko naman siya kilala.

"Di mo ako kilala? Weird." sabi nito.

Sa isip ko oo nga weird ka kasi akala mo lahat ng tao kilala ka.

"Sorry. First year pa lang ako at di ako nanunuod ng mga kahit anong performance kahit drum and lyre corp." pagpapaumanhin ko.

"Talaga? Boring mo naman." diretsong sabi nito.

Ngumiti lang uli ako dahil nahahanginan na ako sa kanya at gusto ko na siyang umalis.

"Anyway... lumapit lang ako dahil pinagtatalunan namin ng mga friends ko..." sabay turo sa grupo ng mga babae na nasa mesa dalawang mesa sa kanan namin. Kumaway naman ang mga ito. "...kung bakit ka naka-wheel chair at kung alalay mo siya." Sabay turo kay Kuya Bon.

Tiningnan ko su Kuya Bon dahil nahiya ako para sa kanya na sinabi ni Ivy na alalay siya.

"Hmmm. Siguro sasagutin na lang kita pag di na masama ang pagkakatanong mo." sabi ko. Saka iginulong ko ang wheelchair ko palayo ng mesa. Hinabol naman ako ni Kuya Bon at siya na ang nag-wheel sa akin.

"Ang bangis mo dun ah." biro ni Kuya Bon.

"Wala yun. Nainis lang ako. Ang hangin no?"

"Oo nga e. Pero sana sinabi mo na lang kung ano ako. Di ko naman ikinakahiya yun e." sabi nito.

"At sino naman nagsabi sa iyo na ikinakahiya ko ang trabaho mo kaya di ko sinabi. Ayoko lang ungkatin ang pribado kung buhay lalong lalo na sa mga walang kakwenta kwentang tao." inis na ako.

"Ahhhh. Sana sinabi mo at sinipa ko yung upuan nun. Para naman di ka na naiinis ngayon." biro nito.

"Okay lang yun. Bayaan mo siya." pagtatapos ko sa usapan.

Kahit maaga pa ay bumalik na kami sa kotse. Doon ay umidlip ako ng konti.

Maya-maya ay ginising ako ni Kuya Bon. Nakahilig na ako sa balikta niya. Mag-aala-una na daw.

Pagkatapos ng klase ay di ko inaasan na magkikita pa kami ni Ivy.

Naglalakad siya kasama ang apat niyang kaibigan palapit sa akin. Naisakay na ako ni Kuya Bon sa kotse nang nakita namin siya. Tinawag niya ako.

"Angelo!" tawag nito sa akin.

"Kuya bilisan mo." utos ko kay Kuya Bon.

Tumawa lang siya at pinasibad agad ang kotse. Natatawa pa kami nang makita namin ang mukha ng malditang Ivy.

Kahit papaano ay naging masaya ang ending ng araw ko nun.

Pagdating ko ng bahay ay sinalubong kami ni Mama Tony.

"Tumawag si Doc at pinapasabi na subukan mo daw galaw-galawin ang paa mo. At kung kaya mong tumayo at maglakad subukan mo para daw di ka na mag-wheel chair. Siguro daw by now e naghihilom na ang sugat mo." sabi nito.

Kahit papaano ay nalungkot ako dahil nag-eenjoy na ako sa wheelchair. Di nakakapagod maglakad.

"Sige po. Try ko mamaya." sabi ko.

Ngumiti lang siya at lumabas na ng gate para mag-jogging.

Pagkatapos akong buhatin ni Kuya Bon sa kama e sinubukan ko ang sinabi ni Mama Tony. Sinubukan kong tumayo. Sa umpisa ay nakakaya ko kaso parang nanghihina pa. Sinubukan kong maglakad kaso may konting pangingilo at kirot. Kaya inalalayan ako ni Kuya Bon. Nakabalot ang isa niyang braso sa baywang ko habang nakakapit ako sa braso niya.

Medyo romantic ang arrive nun sakin. Parang sa pelikula. Imbes na mag-improve ay parang mas nanghina Ng tuhod ko dahil sa higpit ng pagkayakap niya sa akin.

Paminsan minsan ay aksidenteng tumatama ang braso ko sa ari niya pero di siya naaasiwa. Paminsan-minsan naman ay napapayakap ako ng mahigpit sa kanya. Nararamdaman ko tuloy ang katigasan ng mga muscle niya. Naaamoy ko kahit papaano ang pawis niyang lalaking-lalaki.

Nang medyo mapagod na ako ay pinagpahinga niya lang ako.

Kinabukasan ay maaga pa ang gising na ako. Sinubukan kong maglakad-lakad sa kuwarto para masanay sa kirot.

Mga isang oras na akong naglalakad-lakad nang pumasok si Kuya Bon. Napangiti ito nang makita niyang nakapaglalakad ako kahit papaano.

Ganun uli. Hinubaran ako. Binuhat papunta sa banyo. Iniwan sa inodoro.

Nang pagbalik niyang nakahubad na e nagulat siya nang hinawakan ko ang ari niya.

Di naman siya umayaw kaya dahan-dhan ko itong hinimas.

"Bakit?" nakangiting sabi nito.

"Hmmm. Malapit na akong makapaglakad at makakilos agad mag-isa so wala ka nang dahilan para paliguan akong nakahubad. Kaya ngayon pa lang ay gawin na natin ang dapat ay gagawin natin nakaraang araw.

Tumingin lang siya sa akin.

...Saka ngumiti.

3 comments:

  1. tamang tama ang title ah... & mas tama dhil nka2bitin tlga... hehehe piz Gel.

    @ I conveyed d same message like Gel to those hu r victims of typhoon.

    ReplyDelete
  2. ayan na mangyayarina. peo sna magkta uli sla ni jan!!!

    ReplyDelete
  3. Gel! nakakabitin! ilang gabi ko to binasa sinceyung last na nabasa ko is nung july pa..nakakatuwa halo halong emotions. I can put my feet on your shoes. feeling ko ako yung nasaktan, umiyak, kinilig nainloveat nalibugan(Joke! hahaha!; Jokes are half meant =)) ) gusto kita makita siguro gwapo ka talaga..

    btw Kilala ko yung picture na ginamit mo kay Rod. He's my schoolmate. anywaykeep up the goodwork thank you for inspiring me and keeping me in love even i'm single. :)

    ReplyDelete