Guys... thank you to all who greeted us on our 3rd anniversary.
To all who donated on Paypal... thank you. Hope you continue supporting me.
Also I am posting this through my phone so walang picture.
Also.... I was about to post this chapter yesternight but my phone went off so everything was not saved so I have to start from scratch.
============================
Natatawa ako sa mga nangyayari pero sa isip ko lang ginagawa. Natatawa ako kung paano e parang yaya ko si Kuya Bon pag nag-asikaso sa akin. Natatawa ako kung paanong ang mga babae at bakla sa school namin ay nakatitig sa kakisigan ni Kuya Bon at kung paano sila nagbubulungan.
Sinubukan din nina Rod at James na i-wheel ako pero di pumayag si Kuya Bon. Kung anuman ang mangyari sa akin e mananagot siya kay Mama Tony.
Mabuti na rin at andun siya dahil may mga klase akong nasa second floor. Dahil wala namang halos pilay o lumpo sa school kaya walang ramp papunta sa ibang floor. Binubuhat ako ni Kuya Bon at sina James at Rod ay ang nagtulungan sa wheelchair.
Habang naglalunch naman kami sa canteen ay alagang-alaga ako ni Kuya Bon. Hindi naman nakalampas sa akin ang mga kinikilig na babae at bading doon. Tatawa-tawa lang kami ni Kuya Bon.
Nang kinahapunan naman ay walang unique na nangyari. Nagpaalam na lang ako sa choir na hindi muna ako makakapagpractice. Naintindihan naman nila. Siyempre nahuli kong nakatitig sa akin at kay Kuya Bon si Ryan.
Nang malapit na kami sa kotse ay may narinig akong tumawag sa akin.
"Gel..." tawag ng isang babae.
Paglingon ko ay nakita ko ang kaklase kong babaeng tumatakbo papalapit sa akin.
Alam ko na kaklase ko siya pero di ko alam pangalan niya.
"Di ba kaklase kita?" bati ko.
"Oo. Rachel." sabi niya. Obvious na di ko alam pangalan niya.
"Sorry. Di ko matandaan pangalan mo eh." sabi ko.
Napansin kong ngumiti si Kuya Bon at umiling-iling.
"Anyway..." pagpapatuloy ni Rachel at binigay sa akin ang isang nakabalot na box.
Tiningnan ko lang siya. Di ko alam kung bakit niya ako binibigyan ng regalo.
"Di ko naman birthday ah." ngingiti-ngiti kong sabi sa kanya.
Nakita kong namula siya. Nilapag ang regalo sa hita ko at mabilis na tumakbo papalayo.
Tumawa si Kuya Bon.
Tinitigan ko siya.
"Di mo sinabi malakas ka pala sa mga babae dito." biro nito.
Tiningnan ko lang siya.
"Di ko naman birthday ah." pag-uulit niya pa.
"E totoo naman e. Bakit niya ako bibigyan ng regalo?"sabi ko.
"Siguro crush ka niya." sabi nito.
Lumapit siyas akin at binuhat ako papasok ng kotse.
Pinasok niya ang wheelchair at saka nagdrive.
'Get well soon. Love, Rachel.' pagbabasa ko ng tag sa regalo.
"O ano? Get well soon gift lang ito o." pagtuturo ko kay Kuya Bon.
Tumawa uli siya.
"Naniwala ka naman. Ang get well soon na regalo binibigay sa kaibigan. E hindi mo nga alam pangalan nun e." biro uli nito.
"Ewan." sabi ko na lang.
"Saka sabi sa tag o. 'Love' Ibig sabihin nun e mahal ka niya.
"Magdrive ka na nga lang. Ako na naman kinukulit mo."
"Ligawan mo na lang kasi." dugtong pa nito.
"Ligaw agad? Niregaluhan lang ako liiligawan ko agad?"
"Naku. Kung ako sa iyo e liligawan ko iyon. Angganda, sexy, maliit pa lang ang boobs pero lalaki din yun." biro nito.
"Angbastos mo." yun lang at binago niya ang usapan.
Habang nasa biyahe ay iniisip ko pa rin si Jan. Iniisip ko kung naging babae ba ako e liligawan rin ba niya ako? Kung bibigyan ko rin ba siya ng regalo para mapansin ako.
"Ligaw agad? Niregaluhan lang ako liiligawan ko agad?"
ReplyDelete- hindi ba pwedeng textmate muna? ahahahahah
kakaaliw!