Copyright

myfreecopyright.com registered & protected

Tuesday, December 6, 2011

My Freshman Series (Chapter 30... Goodbye Kuya Gilbert) Ending


So this is it I guess...

=====================================

Gulat, takot, kaba, halo-halong emosyon ang nadatnan ko sa bahay ni Kuya Gilbert.

Nagkatitigan lang kaming lahat, mga magulang ko, kuya ko, mga kaibigan ko.

Inakbayan ako ni Rod.

"Gel, sino sila." bulong nito.

Di ko siya sinagot. Pumunta ako sa gilid ni Kuya Jay. Sumunod naman ang dalawa kong kaibigan.

"Kuya..." tawag ko sa kanya.

Di siya sumagot.

"Gel... pwede mo bang palabasin ang dalawang kaibigan mo?" sabi ni Kuya Jay.

"Ayoko... dito lang sila." panindigan ko.

"Gel... please lang... usapang pamilya to." tiim niyang sabi.

"Pamilya? Kuya naman, nagbibiro ka ba? Gaguhan to kung sabihin mong usapang-pamilya ito. Ang pagkakaalam ko wala na akong pamilya." malakas kong sabi sa kaniya pagkatapos ay tinapunan na ng matatalim na tingin ang mama at papa namin.

"GEL, PLEASE LANG!!!" sigaw ni Kuya Jay.

"AYOKO!" pasigaw ko ring sagot.

Tumayo si Kuya Jay at sinuntok ako sa tiyan.



Napaupo ako sa ginawa niya.

Nakatayo lang siya habang dinaluhan ako ng dalawang kaibigan ko.

Maya-maya pa ay tumayo uli ako.

"Pamilya nga kayo. Wala kayong pakialam sakin. Sanay na akong nasasaktan sa pamilyang ito." sagot ko uli sa kanya.

"Hindi ka ba nahihiya sa mga sinasabi mo?" dugtong na ng mama ko, napatayo na ito.

"Hiya? Bakit? SIno kayo para mahiya ako? Naubos na ang hiya ko nung napahiya ako at wala kayong ginawa para sa akin. Dahil lang sa nalaman niyong bading ako at may relasyon kami ng bestfriend ko ay ipinagkanulo niyo na ako bilang anak niyo? Anong klase kayong magulang?" sumbat ko sa kanila.

Tumayo din si Papa.

"Ikaw ang may kasalanan." sumbat din nito.

"Ah ganun? Oo, alam ko na iyon. Wag niyo nang ipaggitgitan. Kaya nga para di kayo mapahiya at ang hijo de putang pamilyang ito, umalis na ako di ba? Ngayon? Ano'ng ginagawa niyo dito? Tahimik na ang buhay ko. Wag niyo na akong guluhin. Maawa na kayo. Masaya na ako dito. Masaya na kami nina Kuya Gilbert." sabi ko.

Natahimik silang tatlo.

Napansin kong kumalma si Kuya Jay.

"Gel... iyon ang dahilan kaya kami andito." sabi nito.

"Bakit Kuya? Ano'ng meron? Ano'ng nangyari kay Kuya Gilbert?" tanong ko.

"Wala naman. Okay si Gilbert. Walang nangyari sa kanya." agad na sagot nito.

Lumapit ito sa akin at hinawakan ako sa balikat.

"Gel... nalaman nang mga magulang niya na may kasama siya dito sa bahay niya. Napansin nila na lumaki ang gastos nito at ang perang wini-withdraw nito sa ATM ay halos dumoble kaya napag-alaman nilang may kasama nga siya dito. Pina-surveillance kayo ng papa niya at nalaman nga na andito ka. Kaya siya pinauwi sa kanila. Tumawag sa akin si Gilbert at sinabi niya ito. Pinapunta niya ako dito para sana sabihin sayo kaso..." sabay tingin nito kina Mama at Papa.

"Kaso, nakwento na sa amin ito ng papa niya. Nauna kami dito at nagulat din kami nang dumating dito kanina na andito din ang kuya mo." si Papa

Matalim na tinginan ang sumunod kina Kuya at Papa.

Natahimik ako sa narinig ko. Kinakabahan ako.

"Ayun, hindi na pwedeng lumuwas si Gilbert dito. Pinagbabawalan na siya dahil naghihinala ang mga magulang niya lalo na ang papa niya na may relasyon kayo." tiim-bagang sabi ni Mama.

Di na ako nakapagsalita.

Para akong natunaw sa sinabi ni Mama. Di ko na makikita si Kuya Gilbert. Kaya pala ganun na lang ang kaba ko nung pinauwi siya.

Bumagsak ako sa sahig at tuluyan nang umiyak. Umupo sa tabi ko sina James at Rod para aluin ako.

"Jay, sabihin mo na." sabi ni Mama.

"Oo na..." rinig kong sagot din ni Kuya Jay.

"Gel... baka bukas abutan ka na ng Lolo dito. Kaya mabuti pa ngayon pa lang umalis ka na dito." si Kuya Jay.

"Saan ako pupunta?" umiiyak ko pang sabi.

"Ang nasa isip namin e sa Ninang nina Mama sa Jaro." sagot ni Kuya.

"Sa St. Joseph Village sila. Medyo malayo sa downtown kaya di ka madaling mahanap." si Mama.

"E hindi ko nga kilala yung mga iyon e." sabi ko.

"Wala na tayong panahon para pag-usapan pa ito. Bukas lang e andito na sigurado ang Lolo mo. Kaya mas mabuti pang ngayon pa lang ay umalis na tayo." sabi ni Papa.

"Sige... kukunin ko na mga gamit ko." sabi ko.

Agad kaming umakyat nina James at Rod sa kuwarto at mabilisan na inimpake ang mga gamit ko. Naiyak pa ako nang makita ko ang mga pictures namin ni Kuya Gilbert. Kinuha ko lahat iyon. Ayokong may maiwan dito sakaling dumating sina Lolo at baka mapaano pa si Kuya Gilbert. Halos humagulgol na ako nang makita ko ang mga gamit ni Kuya Gilbert. Maraming mga memories ito sa amin. Halos lahat ng damit niya na iyon ay nahubad ko na sa kanya.

Mabuti na lang at kasama ko sina James at Rod. Napabilis ang pag-impake ko.

Agad na ipinasok namin iyon sa kotse ni Kuya.

Agad ay nilock namin ang gate.

Tuluyan nang umandar ang van ni Kuya Jay. Hinawakan ko ang salamin sa bintana nito para magpaalam sa bahay ni Kuya Gilbert.

Si Kuya Jay ang nagda-drive. Sinadyang wag isama ang driver niya. Nasa harap din ako katabi niya. Sina Mama at Papa ay nasa gitnang upuan. Sina Rod at james ay nasa likuran.

Naalala ko, nangyari na ito dati. Almost 1 year ago. Bakit ba walang magawa ang mga magulang ko kundi guluhin ang kasiyahan ko, naisip ko.

Agad akong napatingin sa labas ng bintana. Ito lang ang nakakita nang pag-iyak ko.

Mga kalahating oras na biyahe ay nakarating na kami ng Jaro. Galing Jaro Plaza ay kumanan kami at binaybay patawid ng tulay. Nadaanan namin ang Angelicum School at kumanan kami papunta sa Balabago... Kaunting bagtas pa at kumanan uli kami papasok ng St. Joseph Village. Nasa bungad nito ang St. Joseph Seminary. Dinaanan lang namin ito at tuloy tuloy lang. Ilang kanto pa at kumaliwa kami. Si Papa ang nagsasabi kay Kuya kung saan pupunta.

Nang pinatigil ni Papa ang van ay agad kong tiningnan ang bahay na nasa tapat namin. Medyo di pa tapos ang bahay. Medyo malaki at may kalawakan pero maraming hayop sa labas ng bahay. May pabo pa akong nakita.

"Di yan." agad na sabi ni Mama.

Tinuro nila ang isang malaking bahay sa tawid. Maganda at malaki ang bahay. Halatang mayaman ang may-ari nito.

May hardin pa sa gilid at may itinatayong parang cottage. Kita kong hanggang sa likod bahay ang abot ng hardin.

Agad na nagbukas ang gate at sinalubong kami ng isang guwapong lalaki. Nakasando at shorts lang ito. Siguro nasa bente na ang edad nito.

"Kuya, kanina pa po kayo hinihintay ni Ate Tony sa sala." bungad nito. Saka kinuha ang mga bag ko.

Agad na pumasok sina Mama at Papa sa gate papasok sa pinto sa harapan. Sumunod naman kaming lahat.

Pagkabukas ng magandang pinto ay makikita mong ang sahig ay naka-purong marmol. May mamahaling sofa pa na gawa yata sa narra. Magaganda ang mga gamit lalo na ang aparador na halatang antique malapit sa hagdan. May altar pa na kaharap ng hagdan. Ang harap ng sofa ay isang magarang cabinet na puro mga figurine at plato ng kung anu-anong mga bansa.

Nakaupo sa isang sofa ang isang medyo may edad na babae na di ko kilala. Singkit ang mata nito at maikli ang buhok. Halata kahit sa simple nitong damit na may pagkasosyal ito.

Humalik sina Mama at Papa sa kanya. Itinaas naman niya ang kamay niya para magmano kami.

Nagmano si Kuya. Kasunod ako. Hinawakan niya ng sandali ang kamay ko at tinitigan ako.

"Ito ba si Angelo?" tanong nito.

"Ako nga po." sagot ko.

"Malaki ka na ah. Lumaki ka ring maganda ang mukha." sabi nito.

"Hindi naman po." sagot ko.

Lumingon ako kina Rod at James na tahimik lang sa tabi ng pinto.

"Mga kaibigan ko nga po pala. Sina James at Rod." pakilala ko.

Ngumiti lang ang mga ito.

"Hmmm... ke-gagwapong mga bata ito. Siyangapala, di mo pa siguro ako nakikilala. Medyo itinago ka kasi ng mga magulang mo. Mama Tony na lang ang itawag mo sa akin dahil inaanak ko ang mga magulang mo sa kasal pero ang isang anak kong si Tito mo Nonoy ay ninong mo naman sa binyag." pagpapatuloy nito.

"Talaga po?" tanong ko dahil di ko alam na may ninong pa pala akong di ko pa nakikita.

"Oo. Ang kuya mo ay inaanak ng pangalawa kong si Nene, ikaw inaanak ni Nonoy." paliwanag nito.

"Ang ganda naman ng palayaw ng mga ninong at ninang namin." puna ko.

Natawa siya.

"Di lang iyon. Ang panganay ko ay si Tata at bunso ko si Toto." natatawa pang sabi nito.

Napangiti uli ako.

"Pero lahat sila ay wala dito ngayon, ang tatlo ay nasa ibang bansa na at may mga pamilya. Ang bunso ko na lang ang andito. Kaso nasa negosyo niya ito palagi sa Davao. Bihira lang na nasa bahay iyon e." medyo malungkot na sabi nito.

"Maninay (Ninang sa Hiligaynon), baka po sandali lang siya dito. Wala lang kasi kaming maisip na paglagyan sa kanya ngayon e. Naintindihan niyo naman siguro ang sitwasyon." si Papa.

"Naku, wag kayong mag-alala. Wala naman na akong kasama dito. Mas mabuti na iyong may kasama ako sa bahay." sabi ni Mama Tony.

"Wala po kayong kasama dito?" tanong ko.

"Wala, meron akong isang katulong na babae, si Linda, tagaluto, tagalaba, tagahugas at lahat na gawaing pambahay. Ang asawa niya si Mario ay ang hardinero, tagalinis, tagaalaga ng lahat ng tanim ko. Magkasama sila sa isang quarter. Si Bon, may sariling quarter. Siya yung driver. Ayoko kasing isama sila sa iisang quarter e. Para naman may privacy ang mag-asawa." paliwanag nito.

Maya-maya pa ay lumabas na ng kusina ang babaeng katulong, si Ate Linda.

"Ate, saan po kayo kakain, dito sa baba o doon sa balkonahe?" tanong nito.

"Dalhin mo na lang iyon sa balkonahe, para naman makita nila ang maganda nating hardin at para sariwa ang hangin." sabi nito.

Tumalima na ang katulong at mga limang minuto ay tinawag na uli kami.

Sunod-sunod kaming umakyat. Nakaakbay sa akin si Mama Tony.

Pagkadating sa second floor ay nilampasan namin ang dalawang kwarto at lumabas sa balkonahe.

Tama nga si Mama Tony, maganda ang hangin sa balkonahe nila at kitang-kita ang maganda nilang hardin.

Marami pa kaming napagkuwentuhan hanggang sa tuluyan nang nagpaalam sina Mama at Papa, si Kuya at sina James at Rod.

Ihahatid na lang daw nina Kuya sina James at Rod.

Hindi naman pinag-usapan na aalis ako ng school dahil di naman daw alam ni Lolo iyon.

Nagpaalam ako kina James at Rod. Lumapit si Kuya, may isinuksok sa bulsa ko. Sobre na naman iyon.

Lumapit sina Mama at Papa sa akin, tumango lang.

Nasa isip ko. Hanggang ngayon pala ay hindi pa rin ako tanggap ng mga ito.

Pagkaalis ng van nila ay isinara ni Kuya Bon ang gate. Ngumiti lang ito sa akin at pumunta na ng likod-bahay.

Tumingin ako sa veranda. Nakatingin si Mama Tony. Ngumiti lang ako sa kanya.

Huming ako ng malalim bago pumasok sa bahay.

Tiningnan ko muna uli ang kagandahan at kalakihan ng bahay... mansiyon... na nasa harapan ko.

MAgsisimula na naman ang bagong chapter ng buhay ko. Sana....



=================================================

Reminder:

!!!Not for reposting!!! Please? This is a personal story. Not fiction so please do not re-post as your own. Thank you.

Don't forget to follow.'

For suggestions or comments, please feel free to message me at 09175863989. Thank you.

6 comments:

  1. Sana may karugtong ang kwento ng buhay mo.. inspiring talaga. Paano nlang ang lovelife>>>>> More update please and more power to you

    ReplyDelete
  2. "Agad na nagbukas ang gate at sinalubong kami ng isang guwapong lalaki. Nakasando at shorts lang ito. Siguro nasa bente na ang edad nito."

    -ibig sbihin may bagong kabanata nanaman si angelo saka yung bunsong nsa davao na minsan lang umuwi sa bahay nila. hmmmmm.......

    ReplyDelete
  3. Hahaha.... nice guess... but anyway, let's see

    ReplyDelete
  4. bumibigat ang kalooban ko sa mga pangyayari.. napapaisip ako.. napakahirap talagang maging kagaya natin. :(

    ReplyDelete
  5. Taga davao diay ka dark angel? do you still speak bisaya?

    ReplyDelete
  6. gel, pano si kuya gilbert? kamusta sya? :)

    ReplyDelete