MERRY CHRISTMAS TO YOU ALL!!! I LOVE YOU. I CAN'T THINK OF ANY GIFT THAT I CAN GIVE ALL OF YOU BUT TO POST TODAY.
Anyway... I am posting while waiting for my recipes to finish hehee. I am cooking for my boyfriend and our family kasi nasa simbahan pa sila. 10:00-11:00PM ang Christmas Mass sa Chapel e.
Anyway... sorry if I was not able to post lately masyadong busy pamimili ng regalo at paghahanda sa pasko e.
Sa lahat ng naggreet na sa akin ng Merry Christmas kina Peejee, Arden, Leonard, Ed, Shun, Vash, Mark and Matt... thank you. To all Have a wonderful Christmas time.
To all SMP o Samahang Malamig ang Pasko... don't be upset. It's not time to think about being single dahil hindi naman Valentine's Day. This is the time to remember how our Savior Jesus Christ was born to save us all.
============================
Natameme ako sa sinabi ni Kuya Bon. Ganoon na ba ako ka-obvious na bading para agad niyang malaman.
Uminit na ang ulo ko.
"Okay fine. Bading ako. Pero may choice ba ako. Di naman ako pinanganak at bigla ko na lang naisipan na maging bading e. Naramdaman ko na lang ito e. Anong magagawa ko?" inis na sabi ko dito.
"Wala naman akong sinabi na gawin mo ah. Ang sinasabi ko lang e magpakatotoo ka. Di yung niloko mo pa ako para matikman mo. Nanyansing ka pa. Iyan ang hirap sa inyong mga bading e. Palaging nangunguna sa inyo libog. Ang makatikim lang ng titi." Dire-diretso siya sa pagsasalita.
Di ko namalayan na gumalaw ang kamay ko at nasuntok ko siya sa panga. Konting gumewang ang kotse bago niya ito ipinara sa gilid ng kalye.
"Kanina bading ka ngayon naisipan mo namang maging boksidor (boxer sa Ingles)." sabi nito habang hinihimas ang panga.
Hinawakan ko ang kamay ko dahil kumikirot ito. Feeling ko mas nasaktan ako kesa sa kanya e. Namanhid ang kamao ko.
Maya-maya ay hinawakan niya ang kamay ko ay tiningnan ito. Unti-unti nang namumula ang mga duluhan ng buto ng mga daliri ko.
"Iyan kasi e. Pwede ka namang gumanti ng salita din ah. Bakit suntok ang isinagot mo?"
"E napikon ako e. Ano'ng magagawa ko?" sagot ko na medyo kumalma ang pakiramdam ko. Ansarap palang manuntok.
"Bakit ka napipikon? Dahil totoo?"
"E gago ka pala e. Napipikon ang tao dahil ayaw niya nv naririnig niya. Dahil mali ang paratang sa kanya. Di lahat ng tao porke bading ay titi na ang hanap. Iba ang pagiging bading sa pagiging manyak. Tandaan mo yan. Di kita tinyansingan. Alalahanin mo ikaw ang naunang nagpakita ng motibo... ng opening kaya ko ginawa yun. May matino bang taong maghuhubad at magpapakita ng ari niya sa iba?"
"Ganun kami ng mga kaibigan ko sa probinsiya pero walang sumubo ng titi ng iba." pagdadahilan nito.
"Sa probinsiya niyo yun. Di to probinsiya na ang tao e walang masyadong malisya at kahalayan sa pag-iisip. Kaya kung ayaw mong mamis-interpret ang ginagawa mo, ayusin mo. Para di biglang maisubo ng iba ang ari mo."
Matagal na katahimikan. Wala kaming imikan hanggang sa makarating sa bahay.
Wala ako sa mood buong gabi hanggang sa makatulog ako.
Kinabukasan maaga akong nagising at nag-exercise maglakad hanggang sa tuluyang nawala ang kirot sa bawat paghakbang ko.
Nang pumasok si Kuya Bon para paliguan ako e nagulat siya dahil nagbibihis na ako at naghahanda na ng mga gamit ko. Nilingon ko lang siya. Di na siya tumuloy pumasok at tumalilis na siya paalis.
Naisip ko... di ko kailangang magkunwari para lang matikman siya. Di ako desperado.
Nang mag-almusal kami ay natuwa si Mama Tony dahil nakakapaglakad ako mag-isa.
"Kaso pag napagod na ang paa mo at di mo na kayang maglakad e magpahinga ka na lang at mag-wheelchair ka uli. Masamang pilitin." paalala pa ni Mama Tony.
Hanggang sa pag-alis namin papuntang school ay wala kaming imikan ni Kuya Bon.
Pagdating sa harap ng school e sinabihan ko siyang sa labas na lang ng school mag-park. Di ko na kako kailangan mag-wheelchair.
Tumango lang siya.
Naging maayos ang klase ko noong araw na iyon dahil nakakapag-usap kami nina James at Rod na wala si Kuya Bon. Kahit mga teacher namin ay di ko alam kung natuwa na nakakapaglakad na ako o nalungkot dahil wala si Kuya Bon. Halatang-halata kasi nagtatanong kung saan si Kuya Bon.
Pagdating ng lunch ay sinabihan ko siyang sabay na kami nina Rod at James kumain.
Kinahapunan ay kinausap uli ako ni Rachel bago lumabas ng gate. Nangumusta lang siya.
"Teka may promise ako sayo di ba? Sabi ko kung makapaglakad ako e ipapasyal kita."
Namula siya at napangiti.
So paano? Sabado?" nasabi ko lang.
Tumango siya.
" Sige. Alis na ako.See you soon." saka siya kumaripas ng takbo.
Pagpasok ko ng kotse ay muling nagsalita si Kuya Bon.
"Ano na naman iyon?" bati niyo sakin.
"Wala. Nagusap lang kami. Masama yun?" inis kong sagot.
"Ano bang balak mo sa kanya?"
"Nonobyahin ko. Di pwede?"
wow ito ang Christmas gift mo s min ah.. hay, kso bitin peo naiintndihan ko kc busy kah dn ngaun. =) Merry Christmas uli Gel!
ReplyDeleteWOW so short!
ReplyDeleteMerry Xmas
buti n rin at meron kesa wala. HAHAHA
sorry guys... naputol... updated already
ReplyDeleteyes! dinagdagan p nya..
ReplyDeletetlgang nonobyahin huh?! let's see kung anu ang mga susunod n mangyayari..
Merry Christmas and Happy new Year to daark angel.. Pero nabiting ako haa. More update please.
ReplyDelete