Copyright

myfreecopyright.com registered & protected

Tuesday, December 13, 2011

My SJV Series (Chapter 7... Why?)


Well, I guessed everyone already guessed who I will meet again. You're all so cruel. You really wanted me to see Jan again... Huhuhu... I did

Sorry.... late posting... I had a date with my bestfriend yesterday.

==================================================

Palagay ko tumigil ang mundo ko. Ilang buwan ko nang inaasam araw-araw na makita ko ulit si Jan. Yun nga lang ilang buwan ko ring iniisip kung kumusta na siya. Gusto kong makita uli ang mukha niya. Gusto kong mahawakan ang katawan niya, mahalikan at mayakap siya. Ilang buwan akong umiiyak nang walang dahilan kapag nag-iisa, kapag may nakikita akong nagyayakapan, naglalambingan, nagsusubuan.

Ilang beses din akong nag-practice sa harap ng salamin kung ano magiging reaksiyon ko kung sakaling makita ko siya. Hinahanda ko ang sarili ko sa nag-iisang taong gustong-gusto ko makita more than anyone else.

Pero hindi pa ako handa. At ngayon andito na siya, ang dalawang mata ay nakatingin sa akin. Guwapo pa rin. Napako ang tingin ko sa kanya. Nakatingin din siya sa akin. Walang may reaksiyon sa aming dalawa.

Bigla siyang tumayo. Nakatitig sa akin. Dahan-dahan ay naglakad siya papalapit sa akin. Unti-unti ay iginulong ko ang wheelchair ko. Nagulat si Ian at lumingon siya sa tinitingnan ko. Hinawakan niya ako sa balikat.

"Bakit?" rinig kong sabi niya. Pero parang wala akong narinig. Parang walang ibang tao sa paligid ko.

Biglang may kamay na humawak sa kamay ni Jan. Tiningnan ko ito, ang daddy niya. Nakatingin ng masama ito sa akin. Si Jan naman ay nakatitig din sa akin. Hinila ni Tito si Jan at mabilis na kinuha nila ang mga gamit nila at hinila siya nito palabas ng restaurant.

Parang bumagsak ang buong mundo sa ulo ko. Biglang bumigat ang pakiramdam ko. Di ko na napigilan, biglang tumulo ang mga luha ko hanggang sa tuluyan na akong humagulgol. Wala na akong pakialam kung anong iisipin ng lahat. Sobrang sakit ang nararamdaman ko ng mga sandaling iyon.

Gusto kong humabol kaso nakatali ang katawan ko sa wheelchair na ito. Gusto ko siyang yakapin pero nauna nang humawak ang kamay ng Daddy niya sa kanya at hinila na siya palayo sa akin. Gusto kong madama uli ang labi niya sa labi ko. Gusto kong maramdaman uli ang pagmamahal niya na kahit kelan ay hindi ko pa naramdaman kahit kanino.

Agad na dinaluhan ako ni Ian at hinawakan ang balikat ko.

"Gel, bakit?" sabi nito.

Agad na lumapit si Mama Tony at tinatanong kung okay lang ako. Wala na akong naalala dahil biglang dumilim na ang paningin ko at narinig ko ang mahina nilang sigawan.



Nagising ako na nasa clinic na ako ng doctor namin. Nasa paligid ko sina Mama Tony at Ian. Si Kuya Bon ay nakaupo malapit sa dingding.

"Angelo... ano'ng nangyari? Bakit ka hinimatay kanina?" tanong ni Mama Tony.

Di ko siya pinansin. Masyadong mabigat ang dinaramdam ko. Tumingin ako sa kaliwa ko at andun si Ian. Nakatitig sa akin. Biglang napalitan ang mukha niya ng mukha ni Ian. Napapikit lang ako at napaluha. Humagulgol ulit.

Naririnig kong nag-uusap sina Mama Tony at and doctor.

"Doc, bakit nagiging ganito ang apo ko. Okay naman siya kanina ah." sabi ni Mama Tony.

"Maaaring dahil ito sa aksidente niya. Maaaring nagkaroon ng emotional trauma sa pag-iisip niya dahil sa nangyari sa kanya. Kadalasan, ang trauma na ito ay nakakapagpabago sa emotional na kalagayan ng pasyente. Pero mga ilang araw lang ay mawawala na rin ito sa tulong ng mga kaibigan at pamilya niya pero nasa pasyente pa rin ito. Just don't let him have more sad experiences." sabi ng doctor.

Ulit ay nawalan na naman ako ng malay.

Nagising ako na nasa kuwarto ko na ako. Nasa tabi ko nakaupo si Ian.

"Ano'ng oras na?" tanong ko.

"Alas-nuwebe na." sabi nito.

"Huh? Ilang oras akong tulog?" tanong ko.

"Mga anim na oras lang pagkatapos mo makatulog uli." sabi nito.

Bigla akong bumangon pero napabagsak ng higa dahil sumakit ang ulo ko.

Hinawakan ako ni Ian sa kamay.

"wag ka muna bumangon. Masama daw iyon sabi ng doctor." sabi nito.

Lumingon ako sa kanya.

"Ano daw sabi ng doctor?"

"Sabi sa braso mo ay mayroong calicification. Kailangan lang muna daanin sa gamot at after 3 days pag di nawala ay balik uli doon. Ang sugat mo naman daw sa paa ay hindi infected ng tetanus or rabies. So for now, kailangan mo lang magpagaling." sabi nito.

Ngumiti ako sa kanya.

"Pero... kailangan ka daw wag masyadong ma-stress. Makakasama daw sa iyo yan. Mayroon ka daw emotional trauma dahil sa nangyari. Kaya daw wag ka daw masyadong mag-isip ng malulungkot na bagay." sabi nito sabay pisil pa sa kamay.

Tumahimik lang ako.

Naalala ko na naman si Jan. Paanong di ako mag-iisip ng malungkot e kung ang taong pinakaminahal ko sa buong buhay ko ay mawala... ulit... sa akin. Ang masama man lang ay hindi kami nakapag-usap ni magkahawak man lang.

Agad na tumulo ang luha ko.

Agad din pinunasan iyon ni Ian sabay pisil sa pisngi ko.

"Oh, sabi nang wag kang malulungkot e. Andito naman ako e. Papasayahin na lang kita" sabi pa nito.

Hinawakan ko ang kamay niya at pinisil. Idiniin ko pa ito sa pisngi ko.

Hinawakan pa ng isang kamay niya ang kamay ko.

"Ian, bakit ba ang bait mo sa akin?" tanong ko.

"Wala lang. Di ba pwedeng maging mabait sa isang tao?"

"Kung nagi-guilty ka dahil sa nangyari sa akin kaya mo ginagawa ito, wag na lang. Okay na okay ako. Di kita sinisisi." Sabay bitaw ko sa kamay niya.

Agad niyang kinuha ang kamay ko at hinawakan ng madiin.

"Kung sasabihin ko ba ang dahilan ay maniniwala ka?"

Nagkibit-balikat na lang ako.

"Di ko alam. Depende kung kapani-paniwala." biro ko pa.

Sandaling nanahimik kami.

"Ian, anong oras na? Di ka ba hinahanap sa inyo?" tanong ko.

"Sige. Tutal ayaw mo yata akong andito e." sabay biglang tayo nito.

"Ian..." hinawakan ko ang kamay niya.

Lumingon lang siya at ngumiti.

"Dalawin mo naman ako pag di ka busy." sabi ko.

Tumango siya. Lalabas na sana siya ng pinto pero patakbong bumalik at hinalikan ako sa noo.

Napatigil ako.

"Bakit?" takang tanong ko.

"Basta sorry talaga." sabi pa nito.

"Ian..." malambing na tawag ko sa kanya.

Ibinaba niya ang labi niya at hinalikan ako sa ilong. Inangat niya ang ulo niya at tinitigan ako ng matagal. Dahan-dahan ay inilapit niya ang labi niya sa labi ko. Di ako pumalag at hinintay ang pagdampi ng labi niya sa akin.

Mariin niya akong hinalikan hawak hawak ang magkabilang gilid ng ulo.

Biglang nakita ko ang mukha ni Jan.

Agad kong binawi ang labi ko sa pamamagitan ng paglingon sa kanan.

Napaiyak ako.

"Angelo... sorry" sabay takbo nito papalabas.

Iniwan niya akong humahagulgol.

Iyon lang nakatulog na naman ako.

--------------------------------------------------

Stop muna. Maikli muna to.. Masakit mag-alaala. =(

--------------------------------------------------

Reminder:

!!!Not for reposting!!! Please? This is a personal story. Not fiction so please do not re-post as your own. Thank you.

Don't forget to follow.'

For suggestions or comments, please feel free to message me at 09175863989. Thank you.

2 comments:

  1. ayy.. omg.. sarap sana balikan ang nakaraan.. pero kung ganito rin ulit at mangungulila ang kua namin.. wag na oi.. noh.. si daddy kc ehh.. haha.. nacarried away bah ang drama ko.. its okk.. we'll wait poh kami sa inyo kua.. until ur ready again..! always remember.. we're here for you.. ingat poh..!

    ReplyDelete
  2. I thought it was a happy reunion w/ Jan, but its not. I'm sorry Gel, he its been really hard on your part to reminisce that kind of memories. wish you'll be soon...

    ReplyDelete