Copyright

myfreecopyright.com registered & protected

Thursday, December 8, 2011

My SJV Series (Chapter 2 ... Fitting In)


Ito lang ang nakita kong picture na kamukha ni Kuya Bon. Sorry if di ko nailagay kahapon dahil naghanap pa ako. Kaya nga late na ako nakapagpost ngayon e.

==================================================================

Ang mga unang araw ko sa mansion ni Mama Tony ay hindi naging madali. Kahit na maganda ang naging buhay ko dun ay hindi iyon madali para sa akin. Palagi akong bahay at school lang. Guwardiya- sarado ako ni Kuya Bon. May mga panahon na nagpapaalam ako sa kanya na kakain lang kami sa labas nina Rod at James o kaya ay tatambay konti pero palagi niyang sinasabi na mapapagalitan daw siya ni Mama Tony kapag nahuli kami ng uwi.

Wala akong magawa dahil ayoko namang masira ako sa Ninang nina Mama na mabait. At tsaka wala naman akong pwedeng gawin kundi sumunod dahil ayoko naman bumiyahe mag-isa sa bahay. Una dahil di ko pa masyadong alam ang sasakyan papunta sa bahay. Pangalawa e may dadaanan kaming barangay na medyo delikado daw. Pangatlo e masarap kasama sa kotse si Kuya Bon. Makwento, makulit at palabiro.

Unang Sabado ko sa bahay ni Mama Tony. Maaga pa lang ay nagising ako sa katok ni Mama Tony. Saka ko binuksan ang pinto.

"Gel... aalis lang kami nina Linda at Bon. Pupunta lang kami sa La Paz market, mas mura ang mga tinda dun e." paalam nito.

"Sige po." sabi ko.

"Sa susunod na lang kita isasama. Parang pagod na pagod ka yata e." sabi nito.

"Oo nga po e. Medyo di pa ako sanay sa byahe galing sa school papunta dito araw-araw."

Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa balikat.

"Mama Tony, salamat po sa pagpapatuloy pala sa akin dito ha?" sabi ko sa kanya.

"Naku ano ka ba?" Sabay yakap niya sa akin. "Gusto ko ngang andito ka e. At gusto rin naman kita e."

Yumakap din ako sa kanya.

"Salamat po."

Maya-maya ay bumitaw na rin siya.

"Sige na. Magpahinga ka muna ngayong araw. Mga hapon na rin kami siguro makakabalik. May dadaanan rin kami pagkatapos namin mamalengke e." paalam nito.

Papalabas lang siya ng pinto nang mapansin ko ang suot niya. Medyo nagulat ako dahil kahit sino ay hindi magsasabing milyonarya siya. Milyonarya dahil naikuwento niya sa akin na ang bahay lang ay umabot na ng pitong milyon nung pinagawa niya, di pa kasama ang lupa at ang iba pang pinagawa dito. At saka wala na siyang negosyo. Lahat ng ginagamit niyang pera ay padala lang ng mga anak niya at ang mga interes ng deposito niya sa bangko.




Napangiti ako sa kanya. Iba talaga siya.

Narinig ko na bumukas ang gate at lumabas ang kotse ni Mama Tony.

Agad akong bumaba sa kusina at nakita kong may nakahandang almusal sa mesa. Siyempre, alangan naman kanino pa yun. Medyo may karamihan ang nakahanda sa mesa pero parang gutom na gutom ako at nakain ko lahat dahil ansarap ng pagkakaluto at pagkakahanda ng almusal ko. Masarap talaga magluto si Ate Linda.

Pagkatapos kong kumain ay umakyat ako ng balkonahe sa likuran ng bahay at nadungawan ko doon si Kuya Mario. Nakita niya ako at kumaway ako sa kanya pero parang di niya ako nakita. Nainis ako kaya pumunta na lang ako sa balkonahe sa harapan ng bahay. Umupo ako doon sa rocking chair ni Mama Tony. Natuwa ako sa marmol na baluster. Kaya naisipan kong umupo doon.

Mga ilang minuto din akong nakaupo doon nang may marinig akong sumigaw.

"Uy, delikado yan a." rinig kong sigaw ng boses.

Tumingin ako sa baba. Nakita kong may pumaradang bisikleta sa harap ng gate namin at nakasakay doon ang isang binatang sa tingin ko ay mga 16 years old na.

Ngumiti ako sa kanya kahit di ko makita ang mukha niya.

"Okay lang ako." sabi ko.

Ngumiti lang siya.

"Gusto mo bang mamasyal?" aya nito.

Sumenyas akong "Sandali"

Bumaba ako at lumabas sa gate dahil ayokong magsisigaw na lang. Lumapit ako sa kanya.

"Hi." bati nito.

Hinubad niya ang suot niyang sumbrero at nakita ko kung gaano kaganda ang mukha niya at ang katawan niya. Medyo moreno lang talaga siya pero makinis.

"Hi" bati ko na may sobrang ngiti at kilig. (Hahaha)

"Ngayon lang kita nakita dito ah." sabi nito.

"Ah... kakalipat ko lang dito e." sabi ko.

"Kaano-ano mo si Mama Tony?" sabi nito.

"Ahhh... Ninang siya ng Mama at Papa ko sa kasal."

"Ahhhh... kaya pala." sabi nito.

"Hmmm... kilala mo si Mama Tony?" tanong ko.

"Siyempre, diyan lang ako nakatira sa tabi niyo e." sabay turo nito ng magandang bahay sa tabi ng bahay ni Mama Tony.

"Angganda naman ng bahay niyo." puri ko pa.

"Naku, mas maganda naman di hamak ang bahay niyo no." sabi nito sabay turo ng mansion ni Mama Tony.

"Naku, di naman amin yan e. Nakikitira lang ako... pansamantala." dugtong ko.

"Pansamantala?" kunot-noong tanong nito.

"Oo, di ko lang alam kung gaano katagal pero nakikituloy muna ako."

"Ah okay..." sabi niya.

Matagal kaming nanahimik. Nakikiramdam kung ano ang pag-uusapan.

"Hmmmm... may dumaan na anghel." sabi niya.

Tawanan lang kami.

"Ako yun." sabi ko

"Huh?"

"Ako yung anghel. Angelo ang pangalan ko e." pagpapakilala ko.

"Ian tol. Angelo, gandang pangalan." sabi nito.

"Pangalan lang. Pero di ako ugaling-anghel." biro ko.

Tumawa siya.

"I hope not." sagot naman niya.

Kumunot ang noo ko sa sagot nito.

"Siyangapala, di mo pa sinasagot ang tanong ko kanina." dugtong nito.

"Tanong? Ano'ng tanong?"

"Kung sasama kang mamasyal sa village." pagpapaalala nito.

"Ahhh.. Yun pala. Hmmm... Diyan sa bike mo?"

"Oo naman. Dito ka sa likod ko. May apakan naman e. Kaso tayo ka nga lang." sabi nito.

"Ahhh... medyo takot ako diyan e. Di pa ako nakakaangkas sa bike e baka malaglag ako."

"Naku, di yan. Akong bahala sa'yo. Yumakap ka lang sa akin." sabi nito.

Kumunot ang noo ko.

"I mean, humawak sa balikat ko para di ka malaglag." pag-aayos nito.

"Ahhhh..."

Kunsabagay, paano naman ako yayakap sa kanya habang nakaangkas sa bike. Kung motor siguro pwede pero bike di pwede kahit gusto ko. Naisip ko.

"Saan naman tayo pupunta?" tanong ko.

"Iikot kita sa buong village. Nakaikot ka na ba dito?"

"Hindi pa. Ang alam ko lang dito ay yung bahay at ang seminaryo. Di pa ako nakakalabas e. Wala akong kasama." paliwanag ko.

"Bakit? Di ka ba sinasamahan ni Kuya Bon?"

"hindi e. Nahihiya ako." sabi ko.

"Naku, mabait iyon. Kaibigan ko nga yun e. Palagi kami naglalaro ng basketbol tuwing Linggo ng hapon."

"Ahhh.. Teka lang magpapaalam lang ako kay Kuya Mario." paalam ko saka pumasok ako sa gate at hinanap si Kuya Mario sa likod bahay. Medyo malayo ang inikot ko at nakita ko siyang nagpapakain ng baboy.

Oo nga pala, may dalawang baboy sa pigpen namin. Malapit iyon sa quarters nina Ate Linda at Kuya Mario.

"Kuya Mario." tawag ko.

Tumigil siya sa ginagawa niya at humarap sakin.

"Bakit po Sir?" bati nito.

"Sir? Angelo po pangalan ko. Di po ako ang amo niyo." sabi ko naman na may halong biro.

Ngumiti siya.

"Aalis lang po ako saglit. Ipapasyal daw po ako ni Ian. Yung taga-diyan sa katabing bahay." paalam ko.

"Sige."

Saka siya bumalik sa ginagawa niya.

"Magdoorbell ka na lang kung dumating ka na." pahabol nito habang papalayo ako.

"Sige po." Pasigaw ko namang sabi.

Binalikan ko si Ian at nakangiti itong nagpedal papalapit sa akin.

"Tara na?" aya nito.

"Sige."

Agad ay umakyat ako sa apakan ng huling gulong niya. Nang makapuwesto na ako ng maayos sa likod niya ay nagpedal na siya papaalis.

"Wooooh!" halos sabay pa naming sigaw nang nagbike na kami.

Habang nagbabike kami ay itinuturo niya ang mga bahay ng mga kakilala niya at ilang kilalang tao.

Nalaman ko na sobrang laki pala ng village na iyon. Halos hindi namin maubos libutin ang buong village. Nang nasa Phase 4 na kami ay may hump na hindi niya napansin kaya napatalon ang bike. Napataas ang talon kaya napayakap ako sa kanya.

Agad na nag-init ang katawan ko dahil naamoy ko ang masarap na amoy ng pawis niya. Agad akong lumayo at inayos ang pagsakay ko.

"Okay ka lang?" tanong nito.

"Oo. Okay lang." sabi ko.

"Sorry, di ko nakita ang hump e." paliwanag nito.

"Okay lang." sabi ko.

Okay na okay dahil nayakap kita at naramdaman ang ganda ng katawan mo. Nasa isip ko.

Nasa phase 3 kami nang biglang may humabol na aso at nagtatahol habang hinahabol kami. Binilisan ni Ian ang pagpedal pero may biglang hump sa unahan kaya napatalon uli ang bike. Sa bilis ng bike ay natapon ako sa sidewalk. Ang malala pa noon ay bigla akong sinakmal ng aso sa binti.

"Aaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!" malakas na sigaw ko.

Binato ni Ian ang aso at natamaan ito sa ulo. Napatakbo ito papalayo.

Patakbo itong pumunta sa akin at agad na itinaas ang pantalon ko. Kitang-kita ko ang pagtulo ng dugo sa apat na sugat na ginawa ng pangil ng aso. Naramdaman ko na nanghihina ang tuhod ko at di ko magalaw ang binti ko.

Agad akong binuhat ni Ian at ipinatong sa harap ng bike niya. Umiiyak ako sa sakit at sa dami ng dugong nakikita kong tumutulo sa daan. Nagpedal siya at maya-maya ay napunta kami sa labas ng Village at dire-diretso lang siya hanggang sa makarating kami sa isang clinic malapit sa Brgy. Hall.

Agad na binuhat ako ng isang lalaki na hindi ko na makita ang mukha dahil sa napapapikit ako sa sakit ng binti ko.

Inilapag ako nito sa higaan.

Maya-maya ay dumating na ang doktor at napangiwi ito sa dami ng dugo na kumalat na sa sahig niya bago pa man nalagyan ng towel ni Ian ang mga dugong umaagos.

"Tsk... anlalim nito ah. " puno nito. Sabay kuha ng alcohol para malinis ang gilid ng sugat.

"Aaaaahhhhhh!!!" sigaw ko ulit nang ibuhos ang alcohol sa sugat ko.

Hinawakan ako ni Ian sa magkabilang balikat at wala na akong magawa kundi hawakan na rin ang kamay niya na nasa balikat ko.

Nagulat ako at napataas ang kamay ko nang makita kong kumuha siya ng karayom at parang sinulid na manipis.

"T...teka lang Doc. Ano yan?" sabi ko.

"Tatahiin natin para masara ang sugat kung hindi ay mauubusan ka ng dugo." paliwanag nito.

"TTt...tahi? Ayoko!" halos pasigaw kong sabi.

"Di pwedeng di tahiin yan. Mukhang malalim ang sugat. Kapag hindi natahi baka may mga ugat na naputol at baka maapektuhan ang ibang parte ng paa mo." paliwanag nito.

"Doc, gawin niyo lang ang kailangan niyong gawin." sabi naman ni Ian.

"Ian!!" pasigaw ko sa kanya.

"Doktor siya. Mas alam niya ang ginagawa niya." sabi nito. Halos malambing at halos malapit na sa tenga ko.

Natahimik ako sa boses ni Ian at sa hininga niya.

Nang tuluyan nang mahugasan ang sugat ko ay tsineck nito kung gaano kalalim ang sugat.

"Di naman pala malalim e. Suwerte ka bata. Ayaw mo ba ng tahi?" tanong nito.

"Ayoko po." sabi ko.

"Pwede namang wag tahiin. Lagyan ng pressure para magsara ang mga sugat." paliwanag nito.

"Doc, e bakit andaming dugong lumalabas sa sugat niya." tanong ni Ian.

"Hmmm... dahil lang yan sa panic niya at dahil ibiniyahe mo pa siya dito gamit ang bike. Pero konting bandage lng yan at pressure ay wala pang ilang oras ay titigil na ang pagdaloy ng dugo diyan." paliwanag nito.

Iyon na nga ang ginawa niya.

Pagkatapos noon ay pinagpahinga ako at nakatulog ako.

Nagising ako nang tinapik ako ni Ian.

"Kukuhanan ka daw nila ng dugo." sabi nito.

"Kailangan kasing i-check ang dugo mo kasi baka may rabies ang aso baka ma-infect ang sugat mo. Pero kailangan ipacheck niyo sa guard niyo kung kaninong aso iyon at itanong kung may rabies shot na ito." sabi ng doctor habang kinukuhanan ako ng dugo sa kanang braso.

"Angelo... sorry talaga huh?" pagso-sorry ni Ian.

"Hmmm... di mo naman kasalaaan lahat e. Yung iba lang. Pero di kita sinisisi. Aksidente iyon." sabi ko.

Hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti.

=================================================

Hi pala kay Paul na bagong reader ko at kay Shun... thanks sa warm message.

Arden... wag na selos huh?

--------------------------------------------------

Reminder:

!!!Not for reposting!!! Please? This is a personal story. Not fiction so please do not re-post as your own. Thank you.

Don't forget to follow.'

For suggestions or comments, please feel free to message me at 09175863989. Thank you.

1 comment:

  1. sos wla un kaw pa idol kita gel, peo grabi nakagat narin ako ng aso peo di ganyan kalalim!!!! gel anong lastname ni paul?

    ReplyDelete