Sunday, December 11, 2011
My SJV Series (Chapter 6... Lovey-Dovey in St. Joseph Seminary)
Eto na naman tayo... Hahahaha.
==================================================
Maya-maya ay bumalik si Kuya Bon sa kuwarto. May dalang wheel chair.
"Kuya, saan galing yan?" sabi ko kasi taka ako na may wheelchair agad para sa akin.
"Ah eto?" sabay lapag niya nito sa sahig at pinunasan ang konting alikabok. "Kay Mama Tony ito. Ginamit niya dati noong naospital siya dahil sa rayuma niya. Pero di na niya ginagamit. Gamitin mo daw para di mahirap sa iyo ang maglakad."
Ngumiti ako.
Binuhat niya ako at inilagay sa wheelchair.
"Thank you." sabi ko.
Ngumiti lang siya.
Iginiya niya ako papunta sa hagdan. Binuhat uli ako pababa ng hagdan at inilapag sa sofa saka kinuha ang wheelchair sa taas at isinakay sa van. Maya-maya ay bumaba na rin si Mama Tony at sumakay ng van. Binuhat uli ako ni Kuya Bon pasakay ng van. Naghihintay na sa loob sina Kuya Mario at Ate Linda. Kinumusta lang ako ni Ate Linda. Si Kuya Mario naman ay hindi umiimik. Napag-alaman ko kay Kuya Bon na sinisisi niya ang sarili niya dahil sa nangyari kung di sana daw niya ako pinayagang lumabas o kaya ay binantayan. Ngumiti lang ako sa kanya. Tumango siya.
Nagdrive na si Kuya Bon. Pagdating sa St. Joseph Seminary ay inilapag ni Kuya Bon ang wheelchair at binuhat ako paupo dito. Saka siya din ang nag-wheel sa akin papasok ng simbahan.
Agad kong nakita si Ian at ang tantiya ko ay pamilya niya.
Agad na lumapit ang isang lalaki sa palagay ko ay Daddy niya.
"Hi... Ikaw siguro si Angelo." bati nito sa akin sabay tapik sa balikat ko. "Tony?" sabay baling nito kay Mama Tony. "Pasensiya na talaga sa nangyari. I apologize for my son."
Tinapik siya ni Mama Tony sa balikat.
"Nothing to apologize Rodrigo. After it was all an accident. Your son has made a lot of apology as well. I think that would suffice." sabi ni Mama Tony. Nahalata ko kaagad sa kanya ang pagiging sopistikada.
Tumango si Tito Rodrigo. Lumapit din ang isang babae.
"Hi Angelo. I'm Ian's mom. You can call me Tita Lanie." bati nito. "I've heard my son has made a good new friend. Which is bihira namang mangyari."
Namula si Ian.
"Po?" tanong ko.
"What I mean is bihira siya nakikisalamuha sa mga tao dito sa village. So I guess you're special." sabi pa nito.
Ngumiti lang ako kahit di ko halos maintindihan ang sinasabi niya.
Tumabi sa akin si Ian.
"Well, I guess you met my parents." sabi nito.
Tumango ako.
"... and binuko na ako." sabi nito.
Ngumiti lang ako sa kanya.
Agad ay kinausap ni Ian si Kuya Bon kung pwede siya na daw ang mag-wheel sa akin. Dahil nga naka-wheelchair ako, nasa gilid lang ako. Katabi ko si Ian. Habang nagmimisa ay paminsa-minsan ay lumilingon siya sa akin at ngumingiti. Pagdating ng Our Father ay naghawak-kamay kami. Ipokrito ako kung di ko aaminin na nag-iinit ang katawan ko sa hawak niya. Kasalanan man iyon dahil nasa simbahan ako pero iyon ang nararamdaman ko.
Pagkatapos ng Our Father ay medyo matagal bago niya nabitawan ang kamay ko. Nang Peace be With You na ay saka lang niya ito binitawan. Mabuti na lang at nasa gilid kami kaya walang nakakita.
"Peace be with you." sabi nito sa akin.
"Peace be with you." Nakangiting sagot ko.
Ngumiti lang siya. Saka ko lang nalaman na ang guwapo niya sa suot nyang damit. Bagay sa kanya ang formal. Lumalabas ang tsinito niyang mata at ang manipis at pinkish niyang labi.
Nang matapos ang misa ay ini-wheel niya ako papunta sa loob ng seminaryo.
"Teka, saan tayo pupunta?" tanong ko.
"Relax. Ganito talaga pagkatapos ng misa. May banquet sa inner yard ng seminaryo." sabi nito.
Nakita ko nang halos lahat ng tao ay papunta sa inner yard ng seminaryo.
"Ahhh.. Sensya na." sabi ko.
"No worries."
Pagdating namin sa inner yard ay may mga pagkain na naka-buffet. Ini-wheel lang ako ni Ian sa mesa at siya na ang kumuha ng pagkain ko.
Nakita kong sina Mama Tony at mga magulang ni Ian ay may mga kausap na hindi man sa pagmamayabang o pang-didiskrimina ay parang hindi taga-village dahil sa medyo naiiba talaga ang pananamit ng mga ito kumpara sa mga taga-village.
"Gel... Here's your food." sabi ni Ian pagkabalik ng pagkain ko.
"Thank you." sabi ko.
Biglang may naupong dalawang lalaki mas matanda kay Ian, parehong guwapo. Ang isa nakaglasses medyo payat. Ang isa ay medyo maganda ang katawan pero moreno din. Umupo din ang isang babaeng mas bata sa akin. Siguro nasa elementary lang.
"Hi.... ANgelo right?" bati ng mas malaki. Sabay kinamayan ako. "Sid." pagpapakilala nito.
"Isaac." pagpapakilala ng isa sabay kamusta sa akin. "And here's our little girl, Illiane"
Napangiti ako.
"Ian, Isaac, Illiane... puro kayo I di ba? Bakit si Sid iba?" puna ko.
"Good logic" sabi sa akin ni Kuya Isaac. Di naman Sid name niya e... Isidro." sabay tawa ni Kuya Isaac.
"Ahhh..." sabi ko.
"Wag niyo nga sabihin ang buong Isidro. Ampangit pakinggan." inis na sabi ni Kuya Sid.
Tumawa si Ian. Tumingin sa akin.
"Wala namang masama sa Isidro ah. Magandang pangalan yun ah. Lalaking lalaki." sabi ko.
Kumindat si Kuya Sid sa akin.
"Ian, gusto yang kaibigan mo. Okay kami. Sabi ko. Wag ka mag-alala Gel inggit lang ang mga iyan lalong-lalo na itong si Isaac kasi ako pwede kong putulin pangalan ko, maganda pakinggan. Si Ian pag pinutol mo "Yan" parang nagtuturo ka lang. E si Isaac, pag pinutol mo? "Sac" parang ball sac o suck e." sabay tawa nito.
Tawanan kaming apat.
"Kuya, what's ball sac and suck?" tanong ni Illiane kay Ian.
Nagkatinginan kaming lahat.
"Guys. parental guidance." sabi ni Kuya Isaac.
"Don't mind that okay? Those are for old people only." paliwanag ni Ian.
Agad kong napansin ang pagiging malambing nito sa kapatid na babae. Iyon ang reason kaya nahalata ko kaagad na parang kauri ko si Ian. Di siya straight kumbaga.
Nang kumakain kami ay ngumiti sa akin si Ian. Ngumiti ako sa kanya. Nang matapos kami ay lumapit siya sa akin.
"Gusto mo bang ipasyal kita dito sa seminaryo?" alok nito.
"OKay lang." sagot ko. "Basta ba walang aso eh."
Napatawa siya ng mahina.
"Wag ka mag-alala. Walang aso. Kung meron man sisiguruhin kong ako ang unang kakagatin at hindi ikaw."
Namula ako sa sinabi niya.
"Besides, I'm sure, di ka kayang habulin ng aso sa bilis ng wheelchair mo." biro pa nito.
Sinuntok ko siya ng mahina sa tiyan. Napatigil ako dahil nahawakan ko ang matigas niyang tiyan.
Doon lang at naconscious na ako.
Natahimik ako. Naiilang. Tuloy lang siya sa pagkwento.
Maya-maya ay tumatakbong sinundo kami ni Kuya Bon. Aalis na daw kami papunta sa doktor.
Nagpaalam si Ian kay Mama Tony kung pwede daw siyang sumama sa amin sa doktor. Um-okay naman si Mama Tony. Okay lang din sa mga magulang ni Ian tutal Linggo naman.
Nasa La Paz daw ang clinic ng doktor ni Mama Tony kaya medyo mahaba-habang biyahe din. Konti lang ang kuwentuhan namin ni Ian dahil palagi siyang inaagaw ni Mama Tony.
Pagdating sa clinic ay agad na ininspeksiyon ang braso ko. Isinailalim ako sa x-ray at pinabalik kami ng hapon para sa resulta nito. Dahil nasa La Paz naman na kami ay naisipan naming pumunta muna ng Gaizano City at mag-shopping para pamatay-oras.
Binilhan ako ng Mama Tony ng ilang t-shirt at sapatos. Pagkatapos noon ay kumain kami sa KFC.
Siyempre magkatabi kami ni Ian. Medyo nagkakatuwaan na kami nang tumayo ang balahibo ko sa batok. Sa kaliwa namin, mga apat na mesa pa ang pagitan ay nakita ko si....
--------------------------------------------------
Reminder:
!!!Not for reposting!!! Please? This is a personal story. Not fiction so please do not re-post as your own. Thank you.
Don't forget to follow.'
For suggestions or comments, please feel free to message me at 09175863989. Thank you.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
wow nakakabitin talaga dark angel ahhh. More update please hindi pinapalampas ang iyong mga kwento dark angell.More power to you
ReplyDeletehanep bilis talaga mag update ni dark angel...hehhee...ahm matagal mo na ako reader..hhehehe mula pa sa elementary series ..hehhe mis ko na nga si JAn...asan na ba sya.....
ReplyDeleteWaaaaaah! Super bitin!
ReplyDeletelovie dovie agad?? :)) hahaha!! hilig mo po talaga mangbitin ah :))
ReplyDeletewaaahhhh!
ReplyDeletenambitin n nman s'ya oh.
excited 4 d nxt post. @ mas exciting kun c Jan ung nkita mo.. hehehe.
Oo nga sana magkita nakau ni jan, gel este dark angel
ReplyDelete