Friday, December 9, 2011
My SJV Series (Chapter 3 ... You Left a Mark)
A picture of Ian's look-alike.
Picture from Yevgenny Dula
=====================================================
"Siyangapala, kailangan mong tawagan at pasunduin dito ang mga magulang mo. Kailangan din kasi nilang bayaran si Doc." sabi ng nurse nang matapos ang lahat ng ginawa sa akin.
"Wala po dito ang mga magulang ko e." sabi ko.
"E sino ba pwedeng kontakin sayo?" tanong nito.
"Siguro po yung guardian ko na lang po." sabi ko.
"Ah okay. Pakikontak naman." sabi ng nurse sabay turo ng telepono.
Agad na tumayo si Ian.
"Ako na lang tatawag sa bahay nina Mama Tony." Sabi nito.
"Huh? Yun nga problema e. Bago pa lang ako dun, di ko pa memorize ang number dun." sabi ko.
"Naku, ano ka ba? magkatabi lang ang bahay natin at lahat sa village e magkakasunod ang mga number. Kaya babaguhin ko lang ang huling numero ng telepono namin at matatawagan ko rin yun." sabi nito.
Napangiti ako sa kanya.
Lumapit siya sa telepono at tumawag. Dalawang beses lang niya itinaas ang receiver ng telepono at nakontak niya na sa palagay ko ay si Kuya Mario.
Lumapit agad ito sa akin pagkatapos niyang makausap si Kuya Mario.
"Paparating na daw sila." sabi ni Ian.
"Sila?" tanong ko kasi alam ko si Kuya Mario lang ang andun.
"Oo, nakausap ko si Kuya Mario at ibinigay niya ang telepono kay Mama Tony." sabi nito.
"Ano? Lagot ako!" sabi ko.
Mga 20 minutes lang ay dumating na sina Mama Tony sa clinic. Pero taliwas sa inaasahan ko ay patakbo itong pumasok sa clinic at niyakap ako.
"Ma, sorry po umalis ako ng bahay." agad na sabi ko.
"Shhhhh... Shhhh... nagpaalam ka daw sabi ni Mario. Wag ka mag-sorry aksidente ito." sabi nito.
"Tita..." agad na sabi ni Ian. "Sorry po, ako po ang may kasalanan."
Binitawan ako ni Mama Tony at hinarap si Ian.r
"Ian... Hmmmm... paano ba nangyari ito?" tanong nito.
Halata kong kinabahan si Ian.
Kinuwento nito ang pangyayari.
Nang sinabi niya ang tungkol sa pagkabagsak ko sa sidewalk, agad kong naalala na tumama pala ang siko ko sa semento kaya pala namamanhid ito.
"Sorry po talaga sa nangyari." huling sabi ni Ian.
"Doc..." tawag ko sa doctor.
Lumapit naman ito.
"Pwede niyo rin po ba icheck ang braso ko. Ngayon ko lang naalala na parang may masakit sa loob." sabi ko dito.
Agad na tiningnan niya ito.
"Naku, kailangang ma-X-ray ito. Para malaman natin. Namamaga e. Pero para sa maga, ito muna inumin mo." saka nagsulat ito ng reseta.
Agad ay binayaran ni Mama Tony ang bill sa clinic at sinakay kami sa van. Ayaw pa sanang sumama ni Ian at magba-bike na lang siya pero pinasakay na rin siya ni Mama Tony.
"Sumabay ka na sa amin. Baka ikaw naman ang makagat ng aso." sabi ni Mama Tony.
Sumabay na rin siya at tumabi sa akin.
Pagdating sa bahay ay agad na hinawakan ako ni Kuya Bon at binuhat papasok. Lumingon ako at kumaway na lang si Ian.
Ngumiti ako sa kanya. Naaawa ako sa kaniya dahil kitang-kita sa mukha niya na sobrang naaawa siya at nagso-sorry sa akin.
Pagkarating ko sa kuwarto ay inayos muna ni Kuya Bon ang kama at dinagdagan ang mga unan ko.
"Nagugutom ka ba?" tanong ni Mama Tony nang makaupo na ako sa kama.
"Medyo po. Parang nanghihina ako e." sabi ko.
"Sige, ako na lang po kukuha ng pagkain." si Kuya Bon.
Pagkaalis ni Kuya Bon ay umupo sa tabi ko si Mama Tony.
"Ma, sorry ha? Kabago-bago ko pa lang po dito ay problema at abala na agad ang ginawa ko." sabi ko.
"Hindi yun. OKay lang yun. Wala tayong dapat sisihin sa nangyari. Kundi yung aso." biro pa niya.
Napangiti ako.
Maya-maya ay dumating si Kuya Bon at may dalang pagkain.
"O sige, Bon, ikaw na muna bahala kay ANgelo ha? Tatawagan ko lang si Doctor Punsalan at magpapaschedule ako ng check-up mo bukas. Bon, ikaw muna dito huh?" sabi ni Mama Tony. Ngumiti sa akin at umalis.
"O, sige na kain ka na." si Kuya Bon.
"Kuya okay lang ako. Ako na lang po." sabi ko.
"Hindi ka okay. Alam ko na masakit ang braso mo." saka inagaw sa akin ang kutsara.
Nagpaubaya na lang ako at sinubuan niya ako.
Nahihiya man pero aaminin ko kinikilig ako nang sinusubuan niya ako.
Pagkatapos kong kumain ay tinulungan niya akong humiga. Ngumiti muna ako bago siya lumabas.
"Thank you, kuya." sabi ko.
Ewan ko kung narinig pa niya yun bago niya sinara ang pinto.
----------------------------------
Nagising ako bandang gabi nang hinatiran ako ni Kuya Bon ng pagkain. DI na ako nakipagtalo nang subuan niya ako.
Pagkatapos noon ay tumunog ang telepono. Sinagot ito ni Kuya Bon.
"Uhuh. sige." sabi ni Kuya Bon at binigay sakin.
"SIno naman to?" takang sabi ko.
"Si Ian." sabi nito sabay labas ng kwarto.
Napangiti ako bago kinausap si Ian.
"Oh?" tanong ko.
"Hi. Ian to." sabi nito.
"Oo, alam ko." sabi ko.
"Galit ka ba?" tanong nito.
"Hindi. Wag mo na nga itanong yan. Sa totoo lang gusto kitang yakapin ngayon dahil alam ko kung gaano ka kaguilty sa nangyari." sabi ko.
"Talaga?" medyo sumaya ang boses niya.
"Oo. Talaga." ulit ko pa.
Matagal na katahimikan.
"Ian, pupunta kami sa doctor bukas ni Mama Tony. Magpapacheck-up kami. Gusto mong sumama?" aya ko.
"Talaga? Gusto mo akong isama?"
"Oo. Kung gusto mo lang. Gusto lang kita makasama pa ulit. Naputol ang pasyal natin kahapon e." sabi ko.
"Sige, mga anong oras tayo?" tanong nito.
"Mga 9, okay?"
"Sige, andiyan ako bukas ng umaga." sabi nito.
"Thank you." sabi ko naman.
"Gel... nagsisisi ka ba na nakilala mo ako?"
Nagulat ako sa tanong niya.
"Ian naman. Bakit naman ganyan ang tanong mo? Di ba nag-enjoy naman tayo kaninang umaga, di ba?" sabi ko.
"Oo, nag-enjoy ako na nakayakap ka sa likod ko." sabi nito.
"Excuse me?" sabi ko
"Okay, nakahawak sa balikat ko." biro nito.
Tumawa na lang ako.
"Oo nga di ba? Nag-eenjoy kaya tayo habang nililibot mo ako sa village." sabi ko.
"Oo nga, masaya bago tayo hinabol ng aso, tumilapon ka sa sidewalk at nakagat ng aso." sabi nito.
"Ian? Ano ka ba? Ayaw mo nun? Kapag tumitingin ako sa binti at braso ko ay maaalala ko yung aso at maaalala kita." biro ko.
"So hindi mo ako makakalimutan?" malambing na tanong nito.
"Makakalimutan agad? Kakakakilala lang natin kanina ah." sabay tawa ako.
"Oo nga ano. Pero parang matagal na kitang nakilala." sabi nito.
"Huh?" sabi ko.
"Wala. Sige na, baka naman pagod ka na. Sige. Sleep ka na... Angelo" iba ang pagkakasabi niya ng pangalan ko. Ayokong mag-assume pero ang tunog noon ay Angel ko.
"Sige tulog ka na rin, bago kong friend." sabi ko.
"Talaga? Friends tayo?" tanong nito.
"Oo naman. Ikaw kaya nag-alaga sa akin kanina. Tsaka nakita ko kung gaano ka mag-alala sa akin." sabi ko.
Natahimik siya.
"Salamat kanina ha? Di ko nasabi sayo yun. Good night." sabi ko.
"Good night. See you tomorrow." sabi nito bago ibinaba ang telepono.
Nakangiti akong natulog. Excited para bukas.
=================================================
Reminder:
!!!Not for reposting!!! Please? This is a personal story. Not fiction so please do not re-post as your own. Thank you.
Don't forget to follow.'
For suggestions or comments, please feel free to message me at 09175863989. Thank you.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Grabe!! Lahat na lng ata ng lalaking nakikila ni Gelo, napapaibig sa kanya :)) sana sa akin din ;)
ReplyDeleteganyan talaga pagcute, di ba gel??!!!!
ReplyDeletehuwag na kayong kokontra kasi, cute talag ang mga kwento niya. at may values naman at paanu mo mag value ng isang tao diba.... More update and more power to you
ReplyDelete@chris... lalaki tlga? d po. dami lng po ngttago sa closet
ReplyDelete@ shun... thanks po sa commeny... really like ur comment =)
ReplyDeletehaha kua gel :p musta kada la m0h ko gid update.. Hambl gid m0 nice ah..
ReplyDeleteDmu tani update ba :p
@randolf... may number k n b sakin? parang wala p nmn a. patxt mo nmn ako. thanks
ReplyDelete