Ralph Kevin, yan
ang pangalan ng nagkukwento sa inyo ngayon. Ralph ang tawag sakin ng mga bago
kong kakilala at Kevin naman sa mga kaibigan ko na at nakakakilala sa
akin. Bente anyos at mukhang matured
tignan. 5’10” ang tindig at moreno, hindi naman super moreno kundi sakto lang.
Nasa average looks lang ako pero wag kang mag-alala, pambawi naman ang alaga
ko, wink ;)! Isa pa pala, chubby ako at saktong sakto lang din kasi matangkad
naman ako. Kung tutuusin e mali naman yung sinasabi nila na kung mataba na daw
ay maliit na ang burat? Agad agad? Di naman lahat, iba ako kasi matangkad naman
ako at malibog pa, di naman oras-oras, araw-araw lang. Konti lang ang
nakakaalam sa aking paligid na ganito ako, tatlo lang sa barkada ko ang may
alam. Ito ay TOTOONG KWENTO na nangyari sa akin last January this year na kahit
papano’y nakapagbigay kaligayahan sa akin.
Katatapos lang
ng putukan… pasukan na naman. Unang araw ng klase sa taon na ito at nakasanayan
na ng mga estudyante sa aming unibersidad ang hindi muna pagdalo sa unang klase
dahil nga may hang-over pa di umano sa nakalipas na Christmas vacation. Pero hindi
ako kabilang sa mga tinatamad pang mga estudyanteng. Aba, masipag kaya ako
lalung lalo na pagdating sa kama, gayunpaman pumasok pa rin ako kahit alam kong
kokonti lang kami at alam ko ang ugali ng mga guro na kahit wala pa sa kalahati
ang attendance ay magtuturo pa rin.
Gaya ng inaasahan,
boring ang unang araw ng klase. Agad akong umuwi sa boarding house at inaliw
ang aking sarili at naisipan kong mag-online sa PR o Planet Ralph (alam niyo na
siguro ang tinutukoy ko diyan). Sa aking paglilibot sa site, may nakachat ako
at napagpasyahan naming magtrip sa bahay nila kaso nga lang wala siyang face
pic at tanging hubad na larawan ng kanyang katawan ang nasa profile niya kaya
wala akong ka ide-ideya kung ano ang itsura ng mokong na ito pero nagbakasakali
pa rin ako, malay mo swertehin ako. Dahil may curfew ang boarding house at
super strikto ang landlord namin ay naki-usap ako na dun na lang matulog sa
kanila at pumayag naman ito.
Alas nuebe na ng
gabi at hinihintay ko na ang aking katrip. Halos 30 minuto na akong naghihintay
sa kanya, nag-aalangan na ako na umuwi na lang kaso sarado na ang gate kung
uuwi pa ako sa boarding house. Umaapaw ang libog ko ng panahon na iyon at gusto
ko ng makadilig ng uhaw na laman. Pinagdadasal ko na lang na sana dumating na
at kahit papano gwapo o kahit cute man lang ito para pantanggal bwisit man
lang. Dumating naman siya at kabaliktaran ng aking inaasahan, sabi niya di raw
siya halata pero halata naman at napag-alaman kong poser pala ito. Di naman sa
choosy ako kaso ayaw ko kasi yung sinungaling (hindi naman sa ayaw ko sa halata
kundi ayaw ko lang ng sinungaling at sinu ba naman ang may gusto nun) tsaka
kung balak mong makipagmeet ay maging presentable ka naman, late ka na nga di
pa maayos ang dala mo. Nasira na ata ang gabi ko, sa libog ko naman kasi ng
araw na yun kahit di ko pa nakikita gusto ko ng patusin, (pero di ibig sabihin
kahit sinu na pinapatus ko).
Pero dahil nga
wala na akong matutulugan ay nagpasya na lang ako na sumama at matulog sa
kanila. Nang dumating kami sa bahay nila ay pumunta muna siya sa kabilang
kwarto. Nakapagdesisyon na ako na wala ng sex na magaganap, pero ramdam ko pa
rin ang init na di ko pa nailalabas, nahiga ako, konti pa ay himas-himas ko na
ang aking alaga at agad naman itong tumigas. Binaba ko ang zipper ng aking
pantalon, pinasok ang nag-iinit kong kamay at kinapa ang tigas na tigas ko ng
burat. Dahil di na ako makapagpigil tinext ko na siya at pumayag na ako na
magpachupa sa kanya. Wala na sa isip ko ang kaninang pagka-umay ko sa kanya.
Pagdating niya sa kwarto, sinabi niya na wag ko daw siya itext ng ganun dahil
hiniram ng kasama niya sa bahay ang phone at nabasa niya ito, buti na lang at
bakla yung nakabasa at least hindi nay un bago sa kanya.
Inisip ko ang
pagkahiya kong iyun, nawalan na tuloy ako ng gana. Ng dahil dun ay natakpan ng
hiya ang kanina ko pa nararamdamang libog kaya minabuti kong huwag na lang
ituloy. Nakipagchat nalang ulit ako, after 5 minutes ay may nagyaya ulit sa
akin, siya si Jhov at mukhang inosente naman ito kaya pumayag ako sa anyaya
niya sa akin. (haha, libog ko talaga, pero dahilan na rin yun para makaalis na
ako sa kinaroroonan ko). Nakiusap na ako ko na kung pwede umuwi na ako dahil aatras
na ako sa naging usapan namin. Mukhang ayaw niya akong pagbigyan sa hiling kong
iyon at mahiga na raw kami kaso mapilit ako e, di rin naman siya masasarapan
kung pilit na sex ang mangyayari, alam ko nasaktan ko siya kaya humingi ako ng
paumanhin at napapayag rin na ihatid na ako sa labas. Naudlot ang una kong pakikipagtalik
sa bagong taon, ayus na rin yun, ayaw ko namang puro sinungaling ang dadaang
lalake/o mga lalaki sa buhay ko this year.
Tinetext ko na si
Jhov at papunta na ako sa boarding house niya. Habang binabaybay ko ang daan
patungo sa kanila, sinabi niya na meron daw siyang mga kasama, at dahil malibog
ang lolo niyo pumayag na lang ako na orgy kami, libog na libog na ako nun at
nagmamadaling pumunta sa kanila(no other choice again kase wala akong
mauuwian). Dumating na ako at pinatuloy naman ako. Pasok naman sa trip ko kahit
papano itong si Jhov, yung tipong ok na. Nag-usap muna kami ni Jhov sa sala at
nag-kukwentuhan din yung mga kasamahan niya sa kusina.
Nag-uusap kami
tungkol sa mga kasamahan niya ng may kumuha sa aking pansin isang boses na
galling sa kusina na masarap pakinggan. Yung parang may halong paglalambing ang
bawat pagkakabigkas niya. Yung tipong pag narinig mo ay makakabuo ka ng
konklusyon na cute ang taong ito, na sweet, na gwapo. Aaminin ko, nun ko lang
naranasan ang ganung feeling. Weird nga
e pero bawat salita niya e ang sarap pakinggan kahit di ko pa nakikita ang
mukha nito. Sa isip-isip ko sana bi o gay ito para maligawan ko o kahit maging
magkaibigan lang kami.
That time ‘Baby’
na ang tawag sa akin ni Jhov pero alam kong bola lang yun. Haha. Tumanggi ako
dun kasi di naman dapat pero sabi niya sweetheart na lang daw? Tumawa na lang
ako. Nag-uusap pa rin kami ni Jhov at may dumaan na isang lalaki, kahit
papano’y naaninag ko mukha nito at cute naman siya, maputi, maamo ang mukha
pero yun nga lang maliit siya na nasa 5’3” siguro at magmumukhang tatay ako
neto pag magkatabi kami. Nasabi ko na kay Jhov na ayaw ko ng makipagtrip kasi
napag-alaman ko na nasa parehas pala kaming university pero magkaiba nga lang
ng college. Ayus lang naman sa kanya yun pero yung mga kasamahan niya e
tinutukso nila kami na umpisahan na daw namin ang show at kung pwede manood
sila ng live. Klinaro ko naman na sa kanila na wag na kasi nakakahiya at
naintindihan naman nila ito, papatulugin na lang daw nila ako dun (alam nila na
wala na akong matutulugan that night).
Napansin ko na
kanina pa wala yung boses na gustung gusto kong marinig at yung
cute-na-maputing-lalake na lumabas kanina. Malakas ang kutob ko na ang may-ari
ng boses na yun ay si cute-na-maputing-lalake. Inaabangan ko talaga siya
hanggang sa dumating nga siya at grabe, narinig ko na naman boses niya at
confirmed na si cute-na-maputing-lalake ang may boses nito. Di ko magawang
tignan siya ng matagal, aminado ako na kung may gusto ako sa isang tao e
nagagawa ko itong titigan pero sa kanya di ko magawa pero alam ko naman na
gustong-gusto ko siya, ewan, hanggang sulyap lang ang nagagawa ko. Nasiyahan
naman ako kasi nakikipagkwentuhan siya sa akin at sa kanilang apat ay sa kanya
ako pinaka interesado. Sa isip-isip ko parang nakakahiya kay Jhov kasi siya
naman ang sadya ko dito at isa pa siya ang dahilan kung bakit nandito ako
ngayon. Nagpatuloy ang kwentuhan naming apat at nagyaya na ang mga ito na
pumunta na sa kwarto.
Malambing na
boses= cute-na-maputing-lalake= KEVIN. Tama, Kevin din ang pangalan niya,
laking tuwa ko talaga ng malaman na magkapangalan kami, sa tingin ko isa na
naman yung +point kasi we have already something in common at pangalan pa.
hehehe. Sa kwarto nina Jhov at
Carl(kasamahan ni Jhov) ako matutulog at unfortunately iba ang kwarto nina
Kevin at Mark(kasamahan ni Jhov). Subalit sinamahan muna kami ni Kevin sa
kwarto at nagkwentuhan muna kami, kung tutuusin parang kami na lang dalawa ang
magkausap at nakikinig na lang ang mga kasama namin. Naramdaman ko rin naman na
maasikaso itong si Kevin at binibigyan ako ng atensyon.
Marami kaming napagkwentuhan tungkol sa
school, syempre para mapaimpress e kwinento ko yung experience ko sa
iba’t-ibang kompetisyon at ganun din naman siya, running for cum laude pala
itong si Kevin pero ako disqualified na sa pagkakaroon ng latin honor kahit na
umabot pa ang GWA ko. Napag-alaman ko din na itong si Kevin ay Mr. SK din pala
sa kanilang bayan at proud na proud siya na 18 anyos pa lang siya. Laking tuwa
ko na naman nung nalaman kong parehas pala kaming nasa 4th year sa
iisang unibersidad pero magkaibang college.
Malambing nga
itong si Kevin at super cute talaga, matagal ang kwentuhan namin at tinutukso
pa ako na kung pwede manood daw siya sa live (pilyo din pala ito). At sabi ko
naman wala siyang mapapanood na sex, sabay tawa. Nagpasya siyang matutulog na
rin sa kwarto nina Jhov kaso wala siyang space kaya pumunta na lang siya sa
kwarto nila. Nawalan ako ng gana nung umalis na siya at nagpasyang matulog na
lang. habang nagpapaantok ako e may naisip ako,
“Jhov, pwedeng makuha number ni
Carl, Mark at Kevin? Para naman maging close tayo, hehe” pakiusap ko sa
inaantok na Jhov.
“Bukas na lang, inaantok na ako”
sabi nito.
“Sige na, baka makalimutan mo pa
bukas e”. pamimilit ko
“kunin mo na lang kay Carl”
suggestion nito.
“Carl, favor nga? Hingin ko nga
number ninyong tatlo nina Kevin at Mark?” Pangungulit ko kay Carl, binigay
naman niya ito. Sa totoo lang ang gusto lang makuha e yung kay Kevin, dinahilan
ko na lang na kunin lahat ng number nila para di halata. Tinext ko na nga si
Kevin at baka sakaling gising pa ito.
Tutal ‘Ralph
Kevin’ naman ang pangalan ko e ‘Ralph’ nalang name ko dito para di kayo malito.
“Hi!” sabi ko kay Kevin.
After a minute nagreply na ito.
Kevin: Hello! Hus dis?
Ralph: A, Si Ralph to, gawa mo?
Kevin: Aeh, di ka pa tulog. Music
lang, kaw?
Ralph: Nag-iisip. May tatanungin
ako ha, may bear kang yinayakap ngayon?
Kevin: Wala e, unan meron, ayoko
ng bear.
Ralph: A, pansin ko kasi kanina
na todo higpit ang yakap mo sa unan nung nagkukwentuhan pa tayo, baka kako
mahilig kang yumakap. Hehe.
Kevin: Ayaw ko ng bear, kung may
magreregalo man sa akin e mas gugustuhin ko pang unan na lang.
Ralph: A, ok. Ako na lang yakapin
mo pwede? Hehe.
Di siya agad nagreply, kaya tinxt
ko ulit to.
Ralph: May magagalit ba?
KEVIN: Meron.
RALPH: Matagal na kayo? Ayos lang
yan, di naman natin sasabihin e. hehehe. (pilyo kong sagot dito)
KEVIN: Kaw talaga, sinu naman
type mo diyan? (He means Jhov and Carlo na kasama ko sa kwarto)
RALPH: A, wala dito e.
KEVIN: Bat di mo pa sabihin? Di
ko sasabihin sa kanila. Haha.
RALPH: Wala nga dito.
KEVIN: E sinu nga?
RALPH: Ikaw.
KEVIN: Ok.
RALPH: ?
Kung tutuusin
parang hindi na ako nahihiya kay Kevin, mas lalo pang napagaan ang loob ko sa
kanya kaninang nagkuwentuhan kami and I can’t help myself thinking na sana
mabigyan niya ako ng chance, pero hindi pwede yun kasi may boyfriend na daw
siya. Pero ako na gago e ginusto ko pa rin na maging close sa kanya.
RALPH: Anu palang favorite color
mo? (parang High School lang no? hehe)
KEVIN: Blue, ikaw?
RALPH: A, ako green at blue. E
favorite song mo?
KEVIN: “When I met you”.
RALPH: Di ko alam un ha. Kaninung
kanta ba yun?
KEVIN: May version si Sarah G.
Search mo.
RALPH: Sige ba, isesearch ko yun.
(Kakantahin ko para sa’yo)
Nagpatuloy lang kami
sa tanungan at nabigla ako nung sinabi niyang may kasalanan daw siya sa akin.
Syempre nagtaka tuloy ako, kakikilala pa lang namin e may kasalanan na agad
siya sakin? Pero napaisip ako at naisip ko na baka hindi siya ang kausap ko at
malamang pinagtitripan lang ako ni Mark na karoom nito. Medyo kinabahan rin
kasi baka nga totoo yung naisip ko.
RALPH: Ano yun?
KEVIN: Ako yung kachat mo kanina.
RALPH: Anung ikaw? (paghingi ko
ng eksplanasyon sa kanya)
KEVIN: A e, yung kachat mo
kanina, yung akala mong si Jhov e ako yun, ginamit ko lang account niya.
RALPH: A, yun lang ba? Ayus lang,
at least sinabi mo na.
Technically
kasalanan yun kasi nagsinungaling siya pero sa loob-loob ko e di yun kasalanan
para sakin. Ewan ko pero imbes na magalit ako sa kanya dahil sa
pagsisinungaling nitoay mas napasaya ako kasi sa ginawa niyang yun ay napatibay
pa lalo ang pag-asa ko na gusto rin niya ako.
“Ako na lang i-hug mo?”
pangungulit ko sa kanya. Parang asiwa siya pero nung nagpaalam na ako na
matutulog na ay sinabi niyang papayag na raw siya.
RALPH: E paanu mo ako mahuhug e
nandiyan ka sa kwarto mo?
KEVIN: Labas tayo a, sa may sala.
RALPH: (Napangiti ako syempre)
Ok, ayus na sakin yung 5 minutes na hug?
KEVIN: 3 minutes.
RALPH: Okay, kesa naman yung di
mo ko mayakap? Hehehe.
Pumayag si Kevin
na yakapin ako? Kinikilig na ako ng mga oras na yun, di na talaga sumagi sa
isip ko ang libog na di ko pa nailalabas. Napagtanto ko na meron din naman pala
akong pag-asa sa kanya. Ang sama-sama ko no? Alam ko na may boyfriend yung tao
pero gusto ko pa rin itong patulan, but I can’t control myself kasi nung una pa
lang alam ko na gusto ko na siya at lumakas pa ito ng dahil sa pagpapakita niya
rin ng interes sa akin. Lumabas na nga ako at naghintay sa sala. Di ko alam
kung anong una kong gagawin kung lalapit na siya, ewan ko kasi kanina lang kami
nagkakilala pero alam mo yung feeling na parang ang tagal na naming magkakilala
at nananabik na ako sa kanya? Korny ko no? Pero yung ang totoo.
Nakaupo na ako
at narinig kong bumukas ang pintuan sa kwarto nila. Truly e nae-excite ako nuon,
at ayun nginitian ko na siya at nginitian niya din ako. Ang cute cute niya
talaga. Ang amo ng mukha idagdag mu pa ang pagkachinito nito, at may
konting-konting pagkachubby din kaya manggigigil ka sa kanya. Hinawakan ko ang
kamay niya at di naman siya pumalag, ewan ko sa sarili ko, parang kusa na lang
gumalaw ang kamay ko at hinila siya paupo sa hita ko, di naman siya pumalag
inayos ko yung pagkakaupo namin habang kandong ko siya. Nakiramdam ako sa
kanya, niyakap ko na ito. Sarap ng pakiramdam, daig pa naming ang magsyota.
Ralph: Gano na kayo katagal ng bf
mo?
Kevin: Di pa masyado, last month
lang ata?
Ralph: (Natawa ako) Di pa pala
matagal, mahina pa. hehehe.
Tinitigan niya ako.
Ralph: So, taga san siya?
Inusisa ko talaga ito at kahit
papano sinagot naman niya mga tanong ko.
Ralph: Anung gustong gusto mo sa
lalake?
Kevin: Sweet.
RALPH: Sweet naman ako a. (sabay
ngiti sa kanya), kaso baka madali kang magsawa?
KEVIN: Hindi naman, basta
palaging ganito.
RALPH: Bakit di ba sweet sayo ang
bf mo?
KEVIN: Hindi e.
Sa loob-loob ko nakaka score na
naman ako.
“E anu naman ang ayaw mo sa
lalake?” mas seryoso kong tanong sa kanya.
KEVIN: Ayaw ko yung di ako
pinapansin, gaya ng ginawa sakin nung ex ko. Yinaya ko siyang lumabas, sabi
niya nasa bahay daw siya, kaso nakita ko naman siya na nanonood na may kasamang
iba. Kaya ayun, hiniwalayan ko na.
RALPH: (may point din naman siya,
sinu ba naman ang may gusto nun?) A, kasi ako naman, ayaw ko yung nawawala na
lang bigla, ginawa rin sakin dati yun, nawala na lang bigla tapos tinanong ko
kung kami pa e oo naman ang sagot niya at pagkasabi niyang yun bigla na namang
nawala, kaya nagpasya ako na kalimutan na lang siya. Gusto ko kung may problema
e pag-usapan namin hindi yung iiwanan ako na clueless, lahat naman nadadaan sa
magandang usapan, ako kasi yung tipo na kahit alam kong masakit na e gusto ko
pa ring mag-usap kami para klaro ang lahat.
Sumang-ayon
naman si Kevin sa mga sinabi ko.
“Willing ako na hintayin ka”,
pagpapatuloy ko sa usapan naming na may halong paglalambing
Tinitigan lang niya ako at naghihintay
ng isasagot niya.
“Ayus lang sa akin na ganito tayo
basta huwag nating sabihin sa iba”, sagot ni Kevin sa sinabi ko, napangiti na
lang din ako.
“Kelan mo ba siya hihiwalayan?”,
pagbibiro ko sa kanya at pagbasag sa seryosong usapan.
Natawa lang ito.
Nagpatuloy ang aming usapan. Kasabay ng kasiyahang dulot ng gabing iyon ay ang
pagdampi ng aking mga labi sa kanyang braso, linanghap ang napaka preskong amoy
ng kanyang katawan, ubod ng bango na tila gusto ko ng matulog at ang katabi ay
tanging siya lang. Lumipat rin ang aking mga labi sa kanyang batok at tila
nakiliti ito. Madaming pumapasok sa isip ko pero bukod na nangingibabaw ang
kaligayahang dulot sa akin ng taong aking yakap-yakap ngayon. Haaay, para na
kaming magsyota. Di ko na talaga naisip na mali ang aming ginagawa, gusto ko
munang isantabi yun, ngayon lang ulit ako nakaramdam ng ganito at higit pa dun
ang nararamdaman ko sa ngayon. Walang libog na lumalabas sa aking katawan at
ang pagiging malambing lang ang kaya kong ibigay sa kanya, isa pa, kung
tutuusin hindi lahat nasa kanya ang katangiang gusto ko sa isang lalake na
dapat matangkad din gaya ko, yung medyo chubby pero lahat ng yun di ko na
inisip pa. Kung anung meron kay Kevin ay tama na para sa akin.
Nang tinignan ko
ang oras mag alas tres na pala ng medaling araw, yung tatlong minutong usapan
ay halos napunta sa mahigit dalawang oras. Sarap talagang kausap itong si
Kevin, madami kaming napagkwentuhan at gustu kong ulit ulitin yun.
Nagpasya na
kaming matulog dahil may pasok pa bukas. May ideya na siguro kayo na hindi ako
masyadong nakatulog, tama, di ako masyadong nakatulog at patuloy ko pa ring
iniisip ang mga nangyari sa araw na yun. Swerte nga naman, hindi ko inaasahan
na may ganitong mangyayari, meron na rin akong inibig kaso kay Kevin lang
talaga ang walang halong libog kaya grabe na lang ang naging kasiyahan ko.
Hanggang kelan kaya ako maghihintay sa kanya? Pag love talaga nagiging korny.
Naisip ko na di naman yun pwedeng love at first hear? Haha, wala namang ganun.
Sinabi rin sakin ni Kevin na nagkita na raw kami before sa PR gamit ang kanyang
real account kaso di ko raw siya masyadong pinansin nuon kaya mas lalong hindi
puwede ang love at first sight. Bahala na, bukod pa sa magkapangalan kami gusto
ko pang maging espesyal ang taong ito.
--------------------------------------------------------------
…Salamat po sa inyong
oras J,
marami pa pong mangyayari at kung gano po kaespesyal si Kevin ay ganun din po
kaespesyal ang kwentong ito.
--------------------------------------------------------------
Ralph Kevin, thank you for sharing your stories. Note: Ralph is not the Ralph in My Seminary Series ... hahaha
If you have any stories that you want to share, please email me at angelic.thoughts.1986@gmail.com and text me at 09167719273
Thanks Guys.
No comments:
Post a Comment