Copyright

myfreecopyright.com registered & protected

Monday, June 18, 2012

My Sophomore Series... (Chapter 5... Coping Up)



Nagpopost habang nasa office.

Super-stressed today... andito mga boss namin e... Huhuhu.

Guys... di ako makareply sira ang phone ko.  Wala pa pambili ng bago.
=======================================

Kinabukasan ay tanghali na kami nagising at dumiretso na kami para magpagupit.  Pumunta din agad ako sa Art Workshop namin.  Ilang araw na lang at matatapos na rin kami.  Kahit papaano ay bumalik na rin ang dating sigla ko sa pagdrawing.

"So, sa Sabado, be sure to bring your parents and your loved ones ha para sa exhibit natin.  Remember na meron tayong donation boxes para sa Asilo de Molo para sa mga orphans doon.  SO be sure na gandahan niyo ang mga artworks niyo because we're posting 5 of your artworks at kapag may bumili nun, the proceeds will go to Asilo de Molo... so makakatulong pa kayo." paliwanag ni Sir Bryan.



Tumingin ito sa akin at ngumiti.  DI ko alam kung may gustong ipatama sa akin yung sinabi niya pero tinamaan ko.  After all, isa ako sa magagaling na students daw niya kaso medyo naging dark ang mga mensahe ng mga artworks ko.

"Gel... okay ka na?" tanong ni Luke habang nagpi-paint kami.

Stain glass ngayon ang ginagawa namin.  Bale sa likod ng galss e may crumpled na foil para magkaroon ng effects ang color.

"Oo naman." sagot ko sa kanya.  Ngumiti pa ako para ma-convince siya.

"So hindi na dark ang theme ng drawing mo ha?"

"Yup.  Para masaya ka di ako gagamit ng black maliban sa outline ng mga drawing ko." sagot ko dito.

Ngumiti siya.

"Good naman kung ganun." sabi nito.

Kunsabagay, anghirap kaya magpantay ng kulay black sa stained glass.  Pangit.  Kaya mga light and bright colors ang mga ginamit ko.  Ang topic ng drawing ko e under the sea.  So parang ang stained glass e glass ng aquarium.  So ang concept nun e para akong nakatingin sa aquarium kaso ang mga nasa loob ng aquarium katulad ng mga isda e abstract ang form.

Naging bright naman ang aura ng painting ko, nakakatuwa kahit ako ang gumawa. Hahaha.  Puri pa ng puri si Luke after 6 hours na painting.

"Wow... okay ka na nga. Pang-professional na gawa mo ah." puna ni Luke.

"Oo nga e.  Pwede na talagang ibenta yan. Magkano mo ibibenta yan kung sakali?" tanong ni Sir Bryan.

Sumimangot ako.

"Sir Bryan naman e... Binobola mo na ako nyan e." ingos ko.

Inakbayan ako nito.

"Ano ka ba? seryoso ako.  Tanungin mo pa si Luke." sabi nito.

Tumango si Luke.

"Promise Gel... kung may pera ako bibilhin ko yan.  Kaso magkano muna yan?" tanong nito uli.

Nagkibit-balikat ako.

"Ewan.. di naman ako mahilig magpresyo sa gawa ko e." sabi ko.

"Hmmm... ang materials natin, umabot ng 300 yan... so plus ang effort mo, gawin mong 1000." si Luke.

Natawa ako.

"Mas mataas yata pwede." si Sir Bryan.

"A ewan ko sa inyo.  Kung gusto niyo mag-bidding na lang kayo." sabay-tawa ko.

Di tumawa ang dalawa. Nagkatitigan sila.

"Good idea actually. Di ko naisip yun ah." sabi ni Sir Bryan.

Tiningnan lang siya namin ni Luke. Pinaypayan ni Sir Bryan si Miss Mia na kasama niya sa seminar.

"Kasi kapag may presyo para naman suwapang tayo sa pera nun.  Pangit pa kapag di nabili ang mga painting niyo dahil mahal o namamahalan ang mga tao.  Mas maganda kung bidding na lang para at least, kung may kukuha pa ng mas mahal, e di mas malaki ang madodonate natin di ba?" paliwanag nito.

"Tama... mas maganda ang bidding." sang-ayon ni Miss Mia.

"Pero dapat magset naman tayo ng minimum bid kasi baka naman mura ang bid e wala nang tataas pa dun." si Sir Bryan uli.

"E di iset natin sa 300 para balik lang ang materials na ginamit. Kung tataas man dun ang bid e di mas okay." si Miss Mia.

Nagkatinginan lang kami ni Luke, hinahayaan namin sila tutal sila naman ang mga organizers.

Mabilis silang bumalik sa mga kasama nilang organizers.  Nag-usap-usap sila.  Kami naman ni Luke ay nangingiti lang sa tuwa at excitement nila.

Nang matapos ko na ang gawa ko ay inilagay agad iyon ni Sir Bryan sa ilalim ng mesa niya.  Baka daw kasi manakaw.

Haha.

Kinabukasan naman ay Still-Life on Oil kami.  Medyo ayoko pa naman ng oil paint dahil mabaho.  Pero kailangan e.  Nagdala kami ng sarili naming mga models for still-life.  Ang iba puro prutas at bulaklak.  Si Luke naman ay prutas, at bote ng alak at sinamahan pa ng wine glass na nilagyan ng laman na alam para daw Italian ang dating.  Sa akin naman ay nagdala ako ng orchid na pinutol ko pa sa garden ni Mama Tony (lagot), ilang mga batong neutral ang kulay.  Inilatag ko ang orchid sa batuhan na para bang nalaglag lang sa garden.  Tapos may candlestick sa medyo likuran at nakasindi ang kandila.  Titig na titig sa akin ang iba dahil may dala talaga akong kandila.

Hahaha.  Weird ng imagination ko pero maganda ang kinalabasan dahil inimagino ko na ang mga lugar na hindi abot ng sinag ng kandila e madilim at ang may sinag lang ng kandila ang maliwanag.  Anganda ng effect ng ginawa ko.  Yun nga lang sumimangot si Luke, bakit daw dark ang concept ko.

"Ano ka ba? Di yan dark, gabi lang talaga.  Kung dark yan bakit may kandila pa? Dapat wala na lang para dark talaga." pamimilosopo ko.

Ngumiti lang ito.

"Basta di yan dark ha?" paalala nito.

"Naku wag ka mag-alala, di na dark ang mga concepts ko. Promise." sabi ko sa kanya.

Kinabukasan uli ay tatlong 1/4 size na canvass kami nag-painting.  Bahala na daw kami kung ano ilalagay namin.  Siyempre ako, isang abstractm, dalawang realistic na concept ginawa ko.

Ang unang ginawa ko ay painting ng mga batang masayang naglalaro dahil iniisip ko e yung mga bata sa Asilo de Molo na mas swerte kesa sa mga bata na pinabayaan ng mga magulang nila na magkakalat sa kalye at di man lang magawang magsaya.  Oil paint din ginamit ko doon at tatlong oras kong ginawa.

Ang pangalawang canvass naman ay abstract about music.  Ginawa kong abstract ang mga musical instruments na alam kong tugtugin gaya ng flute, violin, at piano.  Marunong ako ng lyre kaso ampangit gawing abstract.  Sorry sa mga nagla-lyre. background nun e puro nota (musical notes ha... wag bastos)

Ang pangatlo naman ay painting ng mukha ni Kuya Paolo. Kahit na medyo masakit sa akin na i-paint siya pero wala namang ibang laman ang sarili ko kundi siya.  Kaya pinaint ko siya.  Nang matapos na at binigay ko kay Sir Bryan.

"Sir Bryan, not for sale po ito ha? Kung pwede lang... iuuwi ko po pagkatapos." sabi ko sa kanya.

"Okay lang.  Tutal naman mahal nating maibibenta ang ibang paintings mo e. Hahaha." malakas na tawa nito.

Pagkatapos noon ay naghanda na kami para bukas sa exhibit namin.

Umabot kami ng ala-una sa mall sa paghahanda at pagdedesign.  Natatawa ako dahil ang mga painting ko ay nakalagay talaga sa glass racks para daw di hawakan. Hahaha.

"Gel... sabay na tayo umuwi." sabi ni Luke sa akin.

"Sige... teka lang, ligpitin ko lang gamit ko." sabi ko.

Hinintay niya ako...  tapos ay nagpaalam na kami kay Sir Bryan.

"Wala bang susundo sa iyo?" tanong nito.

"Meron po... Tinawagan ko na si Kuya Bon.  Hintayin na lang namin ni Luke." sagot ko dito.

"Sige po Sir." sabi namin.

Tapos tumambay kami ni Luke sa Mcdo dahil maliwanag doon at may security sa gilid.

"Kumusta ka naman?" ulit na tanong ni Luke.

"Okay nga ako. Kulit mo." saka ko siya siniko.

"Musta lovelife mo?" tanong nito.

"Eto... di ko alam kung meron pa o wala na." sabay ngiti ko.

"Ah..." mahinang sagot niya.

"O bakit?" takang tanong ko sa sagot niya.

"Hmmm... may sasabihin sana ako sa iyo e." seryosong tanong nito. Nakatingin sa tawid ng kalsada.

"Ano naman yun?"

"Nahihiya ako e." sabi nito.

SIniko ko siya uli.

"Asus... nahiya ka pa sa akin." pangungulit ko dito.

Tumingin siya sa akin at bumulong.

-----------------------------------

Reminder:

!!!Not for reposting!!! Please? This is a personal story. Not fiction so please do not re-post as your own. Thank you.

Don't forget to follow. DONT FORGET TO DONATE... Hehe

Please message me for your comments at 09167719273.  Thank you.

3 comments:

  1. I agree with charmander. :P
    But cute. :P Thanks. :)

    ReplyDelete
  2. bitin ako sa part na e2.. huhuhuhuhu]

    mukha atang may girlfriend na c luke,.

    ReplyDelete