Copyright

myfreecopyright.com registered & protected

Friday, June 15, 2012

My Sophomore Series... (Chapter 4... Enrollment... No Gilbert... No Paolo)



Sorry for the very long wait.

Special mention si Keith and his bestfriend...

Also, guys I have posted a special story from one of my followers Ralph Kevin, so please read it.  I will post the next chapter next week.
=======================================

"Gising na... " sabay gising ko kina Feljan at Rey na nakayakap sa akin. "Mag-eenroll pa tayo."

Tinanggal ng dalawa ang pagkakayakap sa akin.  Nag-Good-Morning kiss sila sa isa't isa.



Bumangon ako.

"Punta na akong kuwarto.  Maliligo na ako." sabi ko sa kanila.

Nagbihis ako at iniwan ko sila sa kuwarto nila.  Pare-pareho pala kaming nakahubad na nakatulog kanina.  Masakit pa ang puwet ko dahil ilang beses nilang sabay na pinasok ang puwet ko.

Naligo na ako sa kuwarto.  Iniisip ko na habang mag-isa akong naliligo na naglulublob sa bathtub ay masayang naliligo ng sabay ang dalawa. Masaya na nagsasabunan ng katawan ang dalawa habang ako ay umaasang babalik pa si Kuya Paolo at siya ang magsasabon ng katawan ko.

Sobrang na-depress ako sa inisip ko.  Bumaba ako sa ilalim ng tubig.  Tiningnan ko ang kisame mula sa ilalim ng tubig.

Pag namatay kaya ako babalik siya? Naisip ko.  Matagal din akong naglublob sa ilalim ng tubig hanggang sa iniahon ko ang ulo ko dahil nawawalan ako ng hangin.

Ayoko palang malunod. Naisip ko. Natawa ako.

Kaagad din akong umahon at nagbihis.

Pinili ko ang mga bago kong damit na di ko pa nagagamit. Andami pa e.  Andaming mga pinamili sina Mama Tony at Kuya Paolo sa akin na di ko pa nagagamit.

Sa bihirang pagkakataon ay nag-ayos ako ng buhok ko. Naglagay pa ako ng konting pulbo at pabango.  Bihira ko lang ginagawa iyon pero di ko alam kung bakit ko ginagawa ngayon.

Pagbaba namin ay nakita namin si Mama Tony na maraming pinapasok na gamit sa kotse.

"Ma, alis ka na pala ngayon?" malungkot kong tanong sa kanya.

Lumapit siya sa akin at niyakap ako.

"Mabilis lang ako doon, wag ka mag-alala.  Saka nag-iwan na ako ng pera sa account mo at kapag may kailangan ka pang pera tawagan mo lang ako ha.  Saka pala, bahala na sila Bon sa inyo kaya wag kayo masyadong magpakakulit ha?" sabi nito.

"Oo naman po. DI naman me makulit e. Sina Feljan at Rey po makulit. Hehe." biro ko.

Kumunot-noo ng dalawa.  Dumila ako.

Isinakay na ni Kuya Bon ang mga bagahe ni Mama Tony sa kotse.  Sumakay na si Kuya Mario sa driver's seat.  Kumaway sa amin.

Sumunod na rin si Mama Tony na pumasok sa kotse.

Pagkatapos noon ay sumakay na rin kami sa kotse.  Si Kuya Bon ang maghahatid sa amin sa school para sa enrollment.

Nakakapanibago.  Dati ay si Kuya Gilbert ang kasama ko nung nag-enroll, ngayon ay si Kuya Bon at ang magnobyong sina Feljan at Rey.

Pagkarating sa school ay kaagad kong hinanap sina James at Rod.  Nagpasama ako para ipaenroll sina Feljan at Rey.  Mabuti naman at naintindihan ng registrar na galing ng ampunan ang dalawa at ang kanilang mga requirements ay pina-process pa lang ni Mama Tony.

Mag-second year na kami nina James at Rod, si Rey ay first year at si Feljan ay third year na.

Pagkatapos namin pumila ng pagkahaba-haba magbayad ng miscellaneous, walang kamatayang PTA, ID, school paper at kung anu-ano pa ay nakapagpahinga na rin kami.  Nakita ko rin ang iba naming kaklase at kasama mga magulang nila.  Natatawa nga kami dahil para silang mga nakataling pusa na hila-hila lang ng mga magulang nila.  Mabuti pa ako at ako lang nag-eenroll sa sarili ko.

Napaisip ako.  Mabuti nga ba ako? Ito ba ang gusto ko?

Natahimik ako.

Maya-maya ay nag-aya na na umuwi sina Feljan at Rey.

"Hep...hep.. hep..." sabi ni Kuya Bon sabay taas ng dalawang kamay. "Bibili pa tayo ng uniform niyo sa canteen."

"Sige po. Samahan ko na po kayo." sabi ni James nang makitang parang pagod na ako.

"Sige.  Salamat Feljan." sabay lingon sa akin ni Kuya Bon. "Dito ka na lang muna ha? Parang pagod na pagod ka na e."

"Sige po Kuya Bon, ako na lang sasama sa kanya." si Rod.

Napangiti ako. Sa isip ko, magmo-moment na naman ang loko.

Umalis na sina Kuya Bon.

"Okay ka lang?" sabay hawak ni Rod sa likod ko.

Humarap ako sa kanya.  Ngumiti.

"Mahal mo pa rin ba ako?" diretso kong tanong.

Kumunot noo niya saka ngumiti.

"Oo naman. Hindi naman nawawala yun e."

"Bakit hindi ka pa rin naghahanap ng iba?" seryoso kong tanong sa kanya.

"Ano ka ba? Hindi naman hinahanap ang pagmamahal e.  Kusang dumarating. Gaya nung sayo. Di ko naman hinanap pero dumating ka." paliwanag nito.

"Rod... sorry ha? Di ko man lang nasuklian pagmamahal mo." paumanhin ko sa kanya.

"OK lang.  Pinaranas mo naman sa akin ang ginagawa ng magnobyo e." nakangiting sabi nito.

"Wag ka mag-alala. Kapag wala tayong boyfriend o girlfriend kapag college na tayo, tayo na lang." sabi ko sa kanya.

Ngumiti siya.

"Wag kang magbiro ng ganyan." siniko ako. "Baka totohanin ko."

Ngumiti ako.

Sana nga ikaw na lang boyfriend ko. Naisip ko.

Humilig ako sa balikat niya.  Umidlip.

Nagising ako sa yugyog sa balikat ko.

"Gel... dito na sila." sabi ni Rod.

Umayos ako ng upo.

Dala-dala na nina Feljan at Rey ang mga uniform nila.  Todo-ngiti.

"Tara na?" si Kuya Bon.

"Saan naman Kuya?" tanong ko dito.

Kinuha ni Kuya Bon ang papel sa bulsa niya.  Binigay sa akin.

Nakita kong may mga nakasulat doon.

Schedule.

May **
- Enrollment (Hatid-sundo mo sina Angelo, Feljan at Rey sa school)
- Shopping (Gamitin ang Credit Card ko, may authorization letter kapag tinanong)
uniform - 3 Polo, 3 pants
bag
sapatos - 2 pairs each
Medyas - 6 pairs each
Sando - 5 (white)
School supplies - patulong kay Angelo
May ** (Next Day)
- pagupit ang tatlo

Napangiti ako.  Grabe talaga si Mama Tony.  Prepared talaga.

"So... shopping na tayo!" pasigaw kong sabi.

Napangiti silang lahat sa sigla ko.  Pero alam ko pinilit ko lang sumigla ang sarili ko.  Ampangit naman kung di pa ako magmumukhang masigla gayong bibilhan na kami ng mga gamit.

Sumakay na kami sa kotse. Sumabay na rin sina James at ROd dahil mamimili din sila ng mga gamit nila.

Siyempre pumunta kami sa may CitiSquare sa may Downtown dahil doon ang mga murang gamit. Katulad lang din ng mga nasa malls.

Para talaga kaming mga bata na tuwang-tuwang namili ng mga bibilhin namin.  Kanya-kanya kaming shopping cart.  Bahala na kaming mamili.

Halos mga dalawang oras din kaming namili.  Nahihiya pa sina Feljan at Rey kumuha kaya paminsan-minsan ay tinitingnan ko ang mga tinitingnan nila at kapag binalik nila sa rack ay pasimple kong kinuha.  Sinabi ko rin iyon kay Kuya Bon.

Pagkauwi namin ay hinatid ni Kuya Bon sina James at Rod sa kani-kanilang bahay.  Tapos ay kumain kami sa Shakey's sa SM Delgado.

Pagdating sa bahay ay excited akong naglatag ng mga pinamili ko sa sala.  Nakigaya din sina Rey at Feljan tutal wala naman si Mama Tony e.

Maya-maya ay hiniwalay ko ang mga binili ko para kina Feljan at Rey at binigay ko sa kanila.  Gulat na gulat sila pero nangiti.

Masaya kaming ninamnam ang mga pinamili namin.  Maya-maya ay kinuha ko ang isang polo shirt na binili ko at binigay kay Kuya Bon.  Binayaran ko yun galing sa pera ko.  Niyakap ako nito.

"Ikaw talaga." sabi nito.

Maya-maya ay tinawag na kami para kumain ng hapunan.  Tapos ay dumiretso na kami sa kanya-kanya naming kwarto.

Tuwang-tuwa akong inayos ang mga gamit ko sa bag.  Tumingin ako sa picture namin ni Kuya Paolo.

"Kuya... sana dito ka kasama ko namili... sana mas marami akong nabili." sabay tawa ko.  Binibiro ko pa si Kuya Paolo kahit sa picture lang.

Hinalikan ko ang picture niya.

"I miss you Pao." bulong ko dito.

Napaupo ako at napaiyak.

Matagal akong humagulgol.

Maya-maya ay kumatok si Kuya Bon.

"Gel.. pwedeng pumasok?" tanong nito.

"Sige po Kuya." sabay punas ko ng mga mata ko.

Lumapit sa akin ito at tumitig.

"Umiiyak ka na naman?" tanong nito.

Umiling ako.

"Wala ito Kuya. Wag mo akong alalahanin." sagot ko sa kanya.

"Tsk... Lika nga dito." sabay yakap nito sa akin.

Humilig ako sa dibdib niya.

Doon ay nagpakawala ako ng malakas na iyak.  Ngayon pwede akong umiyak at humagulgol dahil wala si Mama Tony at walang tao sa second floor kundi kami lang ni Kuya Bon.

Hinimas-himas nito ang likod ko para aluin ako.

"Sige lang.  Iiyak mo lang iyan. Andito lang ako." sabi niya.

Umiyak ako nang umiyak habang nakasubsob sa dibdib nito.

"Lika dito.  Humiga ka na para makatulog ka na." binitawan niya ako.

Pumunta siya sa kama at inayos iyon.  Inalis ang mga nakapatong sa kama ko.

Maya-maya ay inakay niya ako papunta sa kama.  Inihiga ako.  Humiga din siya at binuhat ang ulo ko at pinatong sa braso niya.  Hinila ang katawan ko paharap sa kanya.

Nakatulog akong umiiyak.

-----------------------------------

Reminder:

!!!Not for reposting!!! Please? This is a personal story. Not fiction so please do not re-post as your own. Thank you.

Don't forget to follow. DONT FORGET TO DONATE... Hehe

Please message me for your comments at 09167719273.  Thank you.

1 comment:

  1. LSS tuloy ako sa Sandalan.

    "...Sige lang
    Sandal ka lang
    At wag mong pipigilan
    Iiyak mo na ang lahat sa langit
    Iiyak mo lang ang lahat sa akin ..."

    ReplyDelete