Kamukha ng lalaking naikuwento ko sa baba.
Wala nang masyadong nagko-comment at nagbabasa huhuhu.
=======================================
Araw ng exhibit namin. Syempre inimbita ko sina Ian, James at Rod para dumalo.
Dalawang oras bago pa ang exhibit ay pumunta na kami dun para gawin ang final touches sa decorations namin. Maaga pa ay marami nang mga pumunta.
Nagulat ako nang makita ko ang art teacher ko nung elementary na si Miss Rivas (matandang dalaga na pinsan ng Math teacher namin sa Grade 6). DUmating din ang Grade 3 adviser namin na si Mrs. Dominguez (siya din ang nagbayad ng enrollment ko nung Grade 4 ako dahil paborito nga niya ako) at ang librarian namin na si Mrs. Lee. Magkakasabay silang dumating at nilapitan ako.
"Hi Angelo. Di mo man lang kami inimbitahan ha?" sabi ni Maam Rivas.
Ngumiti ako.
"Sorry po talaga Maam kasi sobrang busy po kami recently e. Tsaka bakasyon po e di ko po alam kung saan ko kayo hahagilapin." pagdadahilan ko na lang.
"Mabuti na lang at pinsan namin ang isa sa mga organizers kaya nabigyan kami ng invitation." si Maam Dominguez.
"Di pa sana kami pupunta dahil busy din kami magprepare ng lesson plan para sa pasukan." si Maam Rivas ulit.
"Kaso nakita namin ang pangalan mo sa program bilang isa sa mga exhibitor. Kaya dumalo kami." si Maam Dominguez.
Ngumiti ako.
Kinurot ako ni Mrs. Lee sa pisngi. Kilala niya ako dahil ako ang 3 times na nanalo sa Poster Making para sa Book Month, ako nagpaint ng isang wall nila sa library at palagi ako humihiram ng libro. Minsan nga e binibigyan pa niya ako ng mga libro e. Niregaluhan din ako nito nung gumraduate ako sa elementary.
"Balita namin isa ka daw sa pinakamagaling dito ah." sabi nito.
"Naku di naman po." sagot ko agad.
"Asus... anyway, to see is to believe kaya mamaya ha? Iikot mo kami at ituro mo ang mga gawa mo." si Maam Rivas uli.
"Sige po Maam. Bilhin niyo din po ha? Bidding po yun." biro ko.
"Dapat first come first serve na lang dahil kung bidding baka naman umabot ng ten thousand ang painting mo e maubos naman sahod ko." si Maam Dominguez.
Tumawa ako.
"Naku Maam. Pang-professional lang po ganung presyo." sabi ko.
"Asus... pahumble pa. Parang di ka namin nakita simula nung Grade 2 ka a." si Maam Rivas na naging coach ko sa mga drawing contests.
Ngumiti ako.
"Pinsan..." rinig kong tawag ni Sir Matt kay Maam DOminguez. Pagkatapos noon ay hinila silang umupo sa reserved na seats.
"Sige... Mamaya ha?" paalala ni Maam Rivas sa akin.
Maya-maya ay sinenyasan na kami ni Sir BRyan na umupo na. Magkatabi kami ni Luke sa upuan para sa mga workshoppers. Sina Ian, Kuya Bon, James, Rod, Rachel at mama nito ay nasa upuan para sa mga bisita. May mga bata, pari at madre din galing Asilo de Molo. Maraming taong dumalo. Inikot-ikot ko ang mata ko. Hinanap ko si Kuya Paolo at Mama Tony kunwari ay darating sila. Kaso syempre dahil imposible namang andun sila ay di ko sila nakita.
Kaso may humuli ng atensyon ko. May lalaking nakapolo na puti na nakatingin sa akin. Nang magtama ang aming mga mata ay umiwas siya ng tingin. Maganda ang height nito kahit di masyadong matangkad pero proportion sa body type nito. Maganda din ang morening balat nito at ang tsinitong mata niya. Maganda din ang patubong bigote nito.
Di ako mapakali. Paminsan-minsan ay tinitigan ko siya dahil cute talaga siya at mahilig talaga ako sa medyo slim, moreno at chinito. Minsan ay tinitingnan din niya ako pero umiiwas din siya.
Maya-maya ay umalis na ito sa puwesto niya. Para akong nalungkot pero di ko alam kung bakit.
Nag-concentrate ako sa pagsisimula ng program. Maya-maya ay tinawag na kami para bigyang nga certificate.
Pagkatapos ng message ni Sir Bryan ay ang pari na naman galing Asilo de Molo ang nagpasalamat sa amin. Binigyan din kami ng Certificate of Appreciation mula sa ASilo de Molo.
Pagkatapos ng speech niya ay nagpalakpakan ang mga tao.
"Okay... Our buffet is open. Let's have our lunch before we proceed with the exhibit and bidding." sabi nito. "But before that let's start a prayer by Fr. *****"
Pagkatapos noon ay nagsabi ng prayer si Fr. *****. Tapos ay nagsimula na kami sa pagkain.
Tumulong kami ni Luke sa pagbibigay ng pagkain sa buffet table. Kumain lang kami nung kumakain na ang lahat. Mga 20 minutes pagkatapos ng pagkain ay umakyat na uli si Sir Bryan sa stage.
"Okay po ba ang food natin?" tanong nito.
"Okay!" sigaw ng iba.
"Ayun. Now, let's start with the exhibit portion. We will be giving each and everyone of you the list of the paintings, which includes the names of the artists, the name starting bid price and the description of the painting including materials made. This list will be used later on during the bidding." sabi nito.
Tumango-tango ang iba.
"If you don't have any questions, we'll start the exhibit. The artists will be standing near their paintings and you ask questions to them." sabi nito.
Hudyat na iyon at tumayo kami. Tinanggal ang mga puting telang nakatakip sa mga paintings namin. Tumabi para sa mga titingin.
Natutuwa naman ako at maraming nagkainteres sa mga painting ko, tinatanong nila ang style at materials na ginamit, kung ano ba daw ang nasa isip ko nung ginagawa iyon, kung matagal na ba daw akong nagpaint, kung akin nga ba daw gawa yun, atbp.
Maya-maya nakita ko ang lalaking kanina ko pa tinitingnan. Lumapit ito ng konti at tiningnan ang mga paintings ko. Kakausapin ko sana siya kaso bigla din siya tumalikod at umalis.
Nalungkot ako na di ko alam bakit. Siguro gusto ko siya makilala o makausap.
Mga isa't kalahating oras din ang pagpapaliwanag ko sa mga tao ng gawa ko. Pero sa huli ako na yata ang may pinakamatagal na may kausap.
Nang umupo ako... nilapitan ako ni Luke.
"Parang andami mong fans Angelo ah." bulong nito.
"Hahaha... ikaw naman... curious lang sila." sabi ko.
"Asus..." sabay siko nito sa akin.
Umakyat uli si Sir Bryan sa stage.
"OKay... Let's start with the bidding..." panimula nito.
Alphabetical ang pag-bid ng mga paintings. Dahil A ang pangalan ko e akin ang pangalawang binid dahil si Aaron, isa pa naming kasama ang nauna.
Nang sa akin na ay marami ang mga nagbid. Lumaki ang mga mata ko na ang dalawang painting ko ay binili ng isang matandang babae sa halagang 7000 hanggang 8000 bawat isa. Pero ang pinakaikinagulat nang lahat e nung ang painting ko ng mga bata sa orphanage e na-bid nito nang 15000 kahit ang huling nagbid ay 6000 lang. Pinakyaw nito lahat ng painting ko maliban sa painting ko kay Kuya Paolo na di ko binibenta.
Pagkatapos ay ang ibang mga kasama ko naman ang mga binid ang painting. Pero sa kanila ay walang umabot ng 3000 man lang. Kay Luke yung mga malapit na sa 3000 na painting.
Nang matapos ang bidding ay hinanap ko ang matanda. Nakita ko ito na may kasamang lalaki na hawak-hawak ang painting ko. Nilapitan ko ito.
"Maam..." tawag ko dito.
Tumigil ito at hinarap ako.
"Yes... iho?" tanong nito.
"Siyanga po pala. Ako po ang gumawa ng mga painting na binili niyo." pagpapakilala ko.
"So ikaw si Angelo *******?" tanong nito.
"Opo." ngumiti ako.
"Iho... angganda ng mga paintings mo." papuri nito.
Ngumiti ako.
"Thank you po. Thank you din po sa pagbili po ng mga painting ko. DI ko akalain na ganun ang halaga ng mga ito." sabi ko.
"Naku iho. Art has no price. Talent is more priceless. You have that and you should be proud." sabi nito.
"Thank you po Maam." sabi ko.
Nagbukas ito ng wallet at kumuha ng pera. Ibinigay sa akin.
"Naku wag po. We are doing this for charity." sabi ko dito.
"That's correct. WHich means wala kang nakuha dito." sabi nito.
"MEron po. Masaya po kami na makatulong." sabi ko.
"It's okay. Just take this. Pambili mo ng mga gamit mo sa painting. Kahit yan lang naman ay maibalik ko sa iyo." hinawakan ang kamay ko at inilagay ang pera. "Take that and make more great paintings."
"Thank you po." sabi ko uli.
Ngumiti siya.
Hinatid ko sila ng tingin pero di ako nakatiis. Sinundan ko sila hanggang sa parking lot. Hanggang sa binuksan nila ang van nila at sumakay.
Matagal bago umalis ang van.
Maya-maya ay nakita ko ang isang lalaking papalapit sa van. Saka ko naaninag na ang lalaking iyon e yung nakita ko kanina. Yung crush ko. Yata. Lumapit ito sa van. Pagbukas nito ng pinto ay lumingon. Naramdaman yata niya na nakatingin ako sa kanya. Tumitig ito sa akin at kumaway. Ngumiti. Saka pumasok sa van.
Natigilan ako sa kinatatayuan ko.
Ano ang kinalaman niya sa babaeng bumili ng painting ko? At ano ang magiging papel niya sa buhay ko? Meron ba?
-----------------------------------
Reminder:
!!!Not for reposting!!! Please? This is a personal story. Not fiction so please do not re-post as your own. Thank you.
Don't forget to follow. DONT FORGET TO DONATE... Hehe
Please message me for your comments at 09167719273. Thank you.
XIA NA BA ANG BAGONG LOVE LIFE NI ANGELO?
ReplyDeletethumbs up for painting
ReplyDeleteGrabe ka, Gel! May nahumaling na naman sa'yo! hehehe
ReplyDeleted nga nagkamali ang mga taong umagapay sa kanya sa pag paint at dahil cguro sa inborn ang iyung talent. . . kaya mas lalu na poish un. . . cguro sya na cguro ang talagang magpupuno sa iyung lovelyf. .. GOODLUCK ANGELO
ReplyDeleteALAM NA! Haha. Excited for the new character. :)
ReplyDeleteKuya gel, pdy po magrequest? Patingin nman po ng mga paintings niyo, yung kayo po ang nagpaint.. :P