Guys... sorry ha? Sa mga nagrequest ng picture ng painting ko. Sorry guys... I don't have any picture of my old paintings because I don't have any picture with me from my life in Iloilo.... any. Soon you'll know why.
=======================================
Nang bumalik ako sa loob ng mall ay masaya kaming nagkukuwentuhan nina Luke. Nagpasalamat naman sina Sir Bryan sa aming mga workshoppers dahil umabot ang perang nakolekta namin sa 100,000 pesos. Ibig sabihin halos 1/4 nun e galing sa mga painting ko.
"Saan ka galing Gel?" tanong ni Luke.
"HInabol ko lang yung bumili ng painting ko." sabi ko.
"Huh? Bakit?" takang tanong nito.
"Nagpasalamat lang. Tinanong ko rin kung bakit ganun kamahal ang bid niya sa mga painting ko."
"Ano naman sabi sa'yo?"
"Wala daw price ang art... at priceless daw ang talent." pag-uulit ko sa sinabi ng matanda.
"Wow! Angganda quote naman iyon." sabi ni Luke.
Ngumiti ako.
"Siyangapala... may nakita akong lalaki kanina." panimula ko.
Kumunot ang noo ni Luke.
"Tapos?"
"Ayun... kanina pa kami nagkakatitigan nung program." sabi ko.
"Parang may nakita din akong cute na lalaking lumapit sa painting mo kanina... Yung maporma?" tanong ni Luke.
Tumango ako.
"Oo... may tsura nga iyon. Crush mo?" nakangising tanong nito.
Sumimangot ako.
"Agad? Landi lang?" biro ko.
Tumawa si Luke.
"O... siya... ano naman yung tungkol sa lalaking iyon?"
"Hmmmm... kasama siya nung matandang babae e..." pagpapatuloy ko.
"What? Seryoso? Nakita mo?" tanong nito. Gulat na gulat. Halatang interesado na.
"Di ko silang nakitang magkasama pero pagkatapos naming mag-usap nung matanda sinundan ko siya sa parking lot." pagkukuwento ko.
Nanlaki ang mga mata ni Luke.
"Seryoso? Ginawa mo yun?" mabilis na tanong nito.
"Na-curious lang kasi ako e. Kaya ko siya sinundan."
"Tapos?" si Luke.
"Tapos nang makasakay na siya sa van nila... maya-maya ay nakita ko yung lalaking kanina ko pa nakita e sumakay ng mismong van pero bago pa siya sumakay ay lumingon siya at nakita ako na nakatingin sa kanya. Bago siya sumakay ay ngumiti siya sa akin." medyo kinilig ako nung pagkasabi nito.
Siniko niya ako.
"So kinikilig ka na niyan?" panunukso pa ni Luke.
Kumunot ang noo ko.
"Ano ka ba? Wala yun." pagdedeny ko.
Maya-maya ay nag-uwian na ang ibang mga bisita.
Nang umuwi na ang ibang mga nanuod ay sinabihan kami na wag muna umuwi dahil meron pa daw kaming recognition program maya-maya.
"Ayos!!!" sigaw naming lahat.
Tinulungan muna namin ang mga staff na magligpit ng mga ginamit sa exhibit gaya ng mga glass cabinets, mga upuan at mga decoration. Nakakatuwa lang na lahat ng painting namin ay nabili maliban sa painting ng mukha ni Kuya Paolo na hindi ko talaga pinabenta.
Di rin muna umuwi sina James, Rod, Ian, at Rachel at gusto ding umatted ng recognition program namin.
Mga bandang alas-siyete ay nagsimula na ang recognition Program namin. Siyempre doon pa rin sa gitna ng Mary Mart Mall dahil nakareserve na rin naman sa amin iyon buong araw e.
Mga tatlong oras din ang program at binigyan ako ng apat na medal at isang trophy bilang most outstanding artist. SI Luke ay may dalawang medal at trophy din bilang most improved artist.
Nang bumaba si Luke pagkatapos kunin ang certificate niya ay binulungan ko siya.
"Most improved ah. Papaanong di ka iimprove e sobrang inspired ka sa teacher natin." sabay tawa ko pa.
Binatukan ako nito. Tapos nagtawanan kami.
Binigyan din ako ni Sir Bryan ng Certificate of Appreciation dahil ako daw ang may pinakamataas na na-contribute sa charity.
"Thank you for sharing your talent with us and hope we can see you again next year." sabi ni Sir Bryan sa aming lahat bago kami naghiwalay para uwian.
Pagkatapos noon ay may kainan uli. Ginamit namin iyon para mag-usap-usap kasama ang mga organizers, staff at mga kaklase namin sa workshop. Marami ding lumapit sa akin para mag-congratulate.
"See you again sa mga poster-making contest ha?" sabi pa ni Yvette. Isang kaklase namin na halos kaedad ko rin.
"Next year uli ha? Para naman maturuan mo rin ako ng mga style mo." si Rea, mas matanda sa amin ni Luke.
"Sige po." sagot ko naman.
Mga 10PM na kami natapos.
"Bez... mauna na lang kayo ha?" sabi ni Luke.
"Hindi ka na sasabay sa amin?" tanong ko dito.
"Di eh. Nagpaalam na ako na di muna uuwi ngayong gabi."
"Saan ka matutulog?"
"Hmmm... may pupuntahan daw kami ni Sir Bryan e. Siguro kami na lang magkasama mamaya." sabi nito.
"Hmmmm... may naamoy ako... parang may magiging masaya mamaya. Parang may tatayo na naman." tumawa agad ako.
Kinurot ako nito sa tagiliran.
"Sama ng ugali mo." sabi pa nito.
"Asus... gusto mo naman e. Kilala kita e. Malibog ka rin e. Kaibigan kaya kita." sabi ko.
Tumawa lang siya.
"Oo na. Oo na. Okay?" sabi nito.
"Haha... Tawagan mo ako palagi ha?" sabi ko.
"Siyempre no. Bibisitahin pa kita kapag di ako busy." sabi din nito.
"Promise?" tanong ko.
"Promise." sabay yakap nito sa akin.
Ihahatid namin nina Kuya Bon sina James, Rod at Rachel sa kani-kanilang bahay at si Ian ay kasabay namin pauwi.
"Congrats uli Gel ha?" sabi nito sabay hawak ng kamay ko.
"Thank you Ian." sabi ko.
Pagkahatid namin kay Ian ay umuwi na rin kami sa bahay. Nakita kong nakabukas ang ilaw ng sala namin. Baka andiyan na si Mama Tony sabi ko.
Dali-dali akong pumasok sa pinto ng sala.
"Mama Tony?!" pasigaw kong pasok sa bahay.
Pagkapasok ko sa sala ay lumingon ako sa nakita kong nakaupo sa sala.
Nanlaki ang mga mata ko. Tinitigan ko ng mabuti kung totoo nga ba ang taong nakaupo na kausap nina Feljan at Rey.
Hindi pwedeng mangyari na andito siya sa harap ko.
"A...Ano'ng ginagawa mo di... dito?" nag-aalangan kong sabi.
Tumayo siya.
Naglakad papalapit sa akin.
Dahan-dahang lumapit sa akin at bigla akong niyakap.
"Kamusta ka na... Angelo?" tanong nito.
"J... Jan?" utal kong sagot bago ko siya niyakap pabalik.
Wala na akong nakita kundi ang mga luha ko nagmamadaling umagos sa mga mata ko.
-----------------------------------
Reminder:
!!!Not for reposting!!! Please? This is a personal story. Not fiction so please do not re-post as your own. Thank you.
Don't forget to follow. DONT FORGET TO DONATE... Hehe
Please message me for your comments at 09167719273. Thank you.
Welcome back, Jan.
ReplyDeletewhhaaaaaaaa si JAN.,,bumalik na.,.,excited na ako sa next na chapter.,.,.,
ReplyDeleteJaaaaan!. Atlast, Hehe. Yiiieh, suuuper saya na nman ng ating bida. :D
ReplyDeleteHm. Ah. Ayos lang po kahit wala. Problema ba yun? Edi gumawa? Jooooke!. Hehe.
jan!!! hahahahaha.. magiging masaya kana mr. angelo. jejejejeje
ReplyDeleteim happy for you? mwuah.
hopefully for good na sana, para sumaya aman c angelo.
ReplyDelete