Guys... sorry sa tagal ng update ha? I was really busy.
James... I received your email... Just keep it a secret okay?
Rein... hope things turn out well between you and Keith
Liam, John, JC, Stephen, Andre, Bryan Paul, Rexcer, Migz, thanks sa mga message niyo.
Raymond and Paul, thanks for following and welcome to my Blog.
=======================================
Kinagabihan nang tulog na ang lahat ng tao ay dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng kuwarto. Dahan-dahan ding bumaba sa hagdan at di gumawa ng kahit anong ingay. Dumiretso ako sa kuwarto nina Feljan at Rey. Dahan-dahan ko ring binuksan ang doorknob ng kwarto nila. Naka-lock. Kinuha ko ang spare key na binigay ni Feljan sa akin at ipinasok iyon sa doorknob. Nang matanggal na ang lock ay pinihot ko ang doorknob.
Walang ingay na pumasok ako sa kwarto nila. Lumapit ako sa kama nila. Hinubad ko ang damit ko at wala tinira kahit brief. Umakyat ako sa kama at tumabi kay Feljan. Yumakap ako sa kanya.