Copyright

myfreecopyright.com registered & protected

Lunes, Abril 30, 2012

My Paolo Series... (Chapter 22... Vengeance)



Intsik from Riyadh... thanks for the message from KSA again.

John... it's nice to have you back.
=======================================

3:00 AM

Di ako makatulog buong gabi sa kakaisip.  Ano'ng oras na rin umuwi si Kuya Paolo pero nauna pa siyang makatulog sa akin.  Ikot ako ng ikot sa sala sa kakaisip kung ano ang gagawin ko.

Umupo ako kanina sa inupuan ko.  Inaalala ko lahat ng sinabi at ginawa nila.  Tapos inaalala ko lahat ng pagkakasabi nila.

Saka lang parang tumama sa akin ang isang napakamagandang bagay. Nanlaki ang mata ko.  Ngumiti ako.  Mabilis akong tumakbo paakyat ng kuwarto. Ginising ko si Kuya Paolo.



"Gel... gabing-gabi na... di ka pa natutulog?" pupungas-pungas na sabi ko sa kanya.

"Kuya Pao... di ako makatulog pero kailangan mong sumama sa akin sa baba. May ipapakita ako sa iyo." sabi ko dito.

"Ano ba yun? Di ba pwede iyon bukas?" alanganing sabi nito.

"Basta.  Lika na. Matutuwa ka dito." sabi ko.

Kunot-noong sumama sa akin pababa ng bahay si Kuya Paolo.  Hinila ko siya papunta sa sala.

"O? Tapos?" tanong nito.

"Tingnan mo." sabay turo ko sa sinasabi ko sa kanya.

Noong una ay di pa niya nakita pero nang tinitigan niya ay naisip niya agad ang nasa isip ko.

Ngumiti siya sa akin.  Niyakap ako at binuhat.

"Gel.. I love you talaga.  Matutuwa si Mama Tony nito." tuwang-tuwang sabi nito.  Buhat-buhat ako.

Kaagad na tinago namin iyon.  Pumunta kami sa kuwarto at tuwang-tuwang magkayakap na natulog.  Maaga pa kami bukas para sa sorpresa namin kay Mama Tony.

----------------------
1:00PM (10 hours after)

"Sa wakas nagpakita ka na rin Paolo." bungad sa amin ni Catalina nang pumasok kami sa bahay nila.

"Kailangan na talaga kitang harapin e." sabi ni Kuya Paolo.

"So, have you decided to concede on what you did?" tanong ni Catalina. Palipat-lipat ang tingin sa amin ni Kuya Paolo.

"Yes. I admit. We had sex." nakangiting sabi ni Kuya Paolo.

Halos tumalon sa tuwa si Catalina at hinawakan ang mama niya sa kamay.

"I told you Ma, he'll concede." nakakabwisit na sabi nito.

Humarap sa akin.

"well little boy.  You're quite quiet today.  Cat got your tongue?" pang-iinis nito sa akin.

Ngumiti lang ako.

Sumimangot ito.

"I really don't like you." sabi nito sa akin.

Ngumiti pa rin ako.

"So, where do we go from here?" agad na tanong nito sa amin saka tumingin kay Mama Tony.

"Well, we decided that we will answer you with legal actions as well." sabi ni Mama Tony.

"What?!" gulat na tanong nina Catalina at mama niya.

"What do you mean?" sabad ng Papa nila.

"What I mean is that your daughter is a terrible liar and a manipulative pest." galit na dugtong ni Mama Tony.

Napangiti ako.  Parang ansarap sa tenga ng pagkasabi ni Mama Tony nun.  Walang masarap pakinggan kundi ang galit niya kay Catalina.

Napatigagal ang tatlo.

"Shocked, aren't you? Or you didn't know that your daughter has been lying to you as well.  If you knew then you will both be accomplices then.  If not, then now's the time for you to slap your daughter." sobrang seryoso na si Mama Tony.

Nagkatinginan ang tatlo.

"Cat... what's she saying?" tanong ng Papa ni Cat sa kanya.

"I don't know Ma, maybe they're bluffing..." kitang-kita ko sa mata ni Cat na nagagalit na siya.

"Ma... gawin mo na po. Gusto ko nang magshopping." sabi ko kay Mama Tony.

"Patience, iho. We might get the juice without squeezing the fruit." sagot ni Mama TOny.

Napasimangot ako sa sinabi niya. Masyadong malalim.

"Well? Still not budging a bit Cat?" pagbabaling sa kanya ni Mama Tony.

Tinginan lang ng tinginan ang tatlo.

"Okay, you said so." sabi ni Mama Tony.

Kinuha niya ang cellphone niya at tumayo.  Lumabas saglit.  Umupo uli sa gitna namin ni Kuya Paolo.

"Let's wait." sabi ni Mama Tony.

Siguro mga 10 minutes lang ay may narinig na kaming sirena ng police cars. Nakita namin sa labas na may pumaradang dalawang mobile.  Naglabasan agad ang mga pulis at nag-doorbell.

"Para saan ang mga pulis na yan?" seryosong tanong ng papa ni Cat sabay tayo.

"Why don't you try to find out. We'll just be here." sagot agad ni Mama Tony.

Tahimik lang kami ni Kuya Paolo.  Alam na namin ang mga gagawin ni Mama Tony.

-------------------------
11:00AM (8 hours after 3:00AM, 2 hours before 1:00PM)

"Attorney, hi.  Don't worry about what I asked you.  Okay na kami.  I just need you to do something different for me." rinig kong sabi ni Mama Tony sa telepono bago kami sumakay sa kotse.

Nag-dial ulit siya.

"Hi... Pare... how are you?" sabay tawa nito. Nagkamustahan pa sila sa telepono ng kausap niya. "Kumpadre... I have a favor to ask you... and consult you as well. I have a problem with my grandson's ex-girlfriend and I know this might get messier.  I was hoping that you can help me on this..." sabi pa nito.

--------------------------

1:30 PM (30 minutes after 1PM)

"Ate, may mga pulis po na naghahanap kay Ate Cat." sabi ng katulong nila pagkapasok sa pinto.

"Sige, papasukin mo." sabi ng papa ni Cat.

"PA..." tawag ng mama ni Cat sa asawa nito.

"What are you afraid of? We are the victim here." sabi nito.

Pagbalik ng katulong ay kasunod na nito ang apat na pulis. Magalang na bumati ang mga ito.

"Ano'ng meron mga boss?" bati ng papa ni Cat sa mga pulis.

"Good afternoon po. May search warrant po kami para sa bahay ninyo." sabi ng pulis.

"Search warrant? For what?" gulat na tanong ng mama ni Cat.

"May specific orders po sa amin na halughugin ang kwarto ni Miss Catalina ***** para sa ebidensiya laban sa isinampang kaso kay Mr. Paolo *******.  Medyo maselan ang nakalista dito sa searcg warrant namin kaya may isinama kaming dalawang babaeng kasamahan naming pulis na silang gagawa ng search." mahabang paliwanag ng pulis.

Kunot-noo ang tatlo pero kami alam na namin ang sinasabi ng pulis.

"No... you can't search our house." pasigaw na sabi ng mama ni Cat.

"Ma... stop it. We're not hiding anything.  They won't find anything." pagsisiguro ng papa ni Cat. "...chief... where do you want to start?"

"Sa room po ni Miss Catalina *****." diretsong sabi ng pulis. "Sumama po kayo para po maging saksi kayo sa paghahanap."

"Sige... this way..." pangunguna nito.

"Dad..." pahabol ni Catalina.

"Iha, stop." halos pasigaw na sabi ng papa nito.

Hinawakan ng mama niya si Catalina.

Dumiretso kami sa dulong kuwarto.  Kuwarto ni Catalina.

Isang pulis na babae lang ang pumasok sa kuwarto. Naiwan sa labas ang ibang mga pulis.  Kasama sa loob ang papa ni Cat.

Hindi na kami pumasok dahil alam namin na andun lang yung hinahanap namin.

Wala pang tatlong minuto at may narinig kaming sigaw ng papa ni Cat.

Ngumiti ako.

-----------------------------------

Reminder:

!!!Not for reposting!!! Please? This is a personal story. Not fiction so please do not re-post as your own. Thank you.

Don't forget to follow.

Please message me for your comments at 09167719273.  Thank you.

11 komento:

  1. sa aking palagay, ang sorpresang nabanggit ay ang bagay na tinago mo noon noong ika'y nasaktan.

    at sa tingin ko hindi naman talaga buntis si Cat,
    plano nya lang lahat iyon.

    ang ebidensya na maaaring nahanap ng mga pulis ay band-aid para sa kababaihan or pills

    TumugonBurahin
  2. ang ganda na nito mas lalo pa gumanda sana happy ending na ito...

    saakin parang gumagamit si Cat nang pills para mabuntis at nakita ito doon sa kuwarto..

    TumugonBurahin
  3. galing naman tlaga .... hahaha nakaka amaze tlaga bawat post mo gel...

    TumugonBurahin
  4. Now I know why a lot of people think this is not a true story. You know why? Because you have a gift of writing! OMG! As if I'm watching a CSI or something... binabasa ko sa loob ng isang coffee shop pero pinagpapawisan ako. hahaha! Gel, please keep it up! Don't mind what others think of your work. This is just plain brilliant!!!

    TumugonBurahin
  5. Bat ganon ang epekto nitong chapter nato sa akin? Kase kailangan ko pang basahin ang previous chapters para lang masagot din ang kanilang problema. Haha. Pero walang napala.
    Hm. Excited for the next chapter. :P

    TumugonBurahin
  6. may mense pa si cat?
    ang di ko ma gets ay kung ano yung ipinakita ni gel sa baba ng bahay. tinagusan ba sya sa upuan?

    TumugonBurahin
  7. wOw! this is more exciting than I expected huh... the best ka talaga at galing mo pa...
    kaninong underwear kaya yung ginamit na evidence nung cat?
    kaabang abang talaga ang susunod... =)

    TumugonBurahin
  8. oh shit parang CSI lang tae na kaka excite more more more.............

    TumugonBurahin
  9. Owwh :))

    wala akong naiisip kong ano yung ebidensya laban kay cat ... :)) pero mukhang pills

    TumugonBurahin
  10. like a guessing game ha. just be patience and w8t for the next chapter.

    TumugonBurahin