Copyright

myfreecopyright.com registered & protected

Huwebes, Abril 26, 2012

My Paolo Series... (Chapter 20... Luke...)


Luke's look-alike... Hayy... hayyy... hayyyy... Why do memories need to return... hay... Nakakainis
=======================================

Hinila ko ang kamay ko.

"Gago ka ba Luke?" galit na galit kong tanong sa kanya.

Natigagal siya dahil galit na ako.



"Gusto mo bang sirain ang buhay mo? Gago ka ah!" halos pasigaw kong sabi sa kanya.

"Ano bang masama sa sinabi ko? E gusto ko lang sabihin sa iyo ang nararamdaman ko e.  Masama ba yun?" mahinang sagot nito.

"Masama! Alam mo bakit? Libog lang yang nararamdaman mo.  Kung gusto mo ng taong magpapalabas ng libog mo sa katawan, payag ako.  Pero wag mo sabihin sa akin na gusto mo ako.  Nabibigla ka lang.  Nadadala ka di sa pintig ng puso mo kundi pintig ng bayag mo.  Kaya tigilan mo yang kalokohan iyan." nakasimangot na ako sa harap niya.

"Gel..." hinawakan ako nito sa kamay.

"Luke... please? Don't do this.  Kaibigan kita.  Wag mong sirain ang pagkakaibigan natin.  Wag kang ganyan please?" halos mangiyak-iyak ako/  Di ko alam kung bakit ako nagagalit.

Lumapit na siya sa akin.  Niyakap ako.  Doon na ako umiyak sa balikat niya.

"Gel... sorry.  I thought gusto mo ako.  Akala ko matutuwa ka kapag sinabi ko sa iyo to." sabi nito.

Patuloy lang ako sa pag-iyak sa balikat nito.

"Gel... tama na... Bez... please? Sorry na.  Akala ko type mo rin ako kaya naglakas na ako ng loob na sabihin sa iyo.  Sabi mo pag nag-ayos ako e baka magustuhan mo na ako di ba? Sabi mo baka ligawan mo pa nga ako e.  Kala ko seryoso ka dun." pag-aalo nito sa akin.

"Luke... please? Di mo alam ang pinapasok mong gulo? Kapag pumatol ka sa akin, magiging bading ka na rin.  Di madali ang maging bading Luke.  Sinasabi ko sa iyo.  Kaya habang maaga pa lang ay pigilan mo ang sarili mo.  Kung maaari ay wag na.  Ako mismo ang nagsasabi sa iyo.  Lahat ng nangyari sa akin simula nang inamin ko sa sarili kong bading ako ay di maganda.  Daming problema.  I care for you Luke.  Importante ka sa akin.  Swerte ng taong magiging girlfriend mo o asawa mo.  Kaya wag mong sayangin iyon." masakit para sa akin pero di ko alam kung bakit iyon ang sinabi ko.

"Ayaw mo ba sa akin Gel?" bulong nito.

Di ko siya masagot.

"Gel... ayaw mo ba akong maging boyfriend?" ulit nito.

Kinagat ko ang labi ko dahil ayokong sumagot.

"Sige na.  Di na kita kukulitin. Wag ka nang umiyak." sabi nito sabay layo sa akin.

Pinunasan nito ang mata ko.

"Sorry Gel." sabi pa nito

Kinuha nito ang ulo ko at hinila papunta sa dibdib niya.

"Sorry..." ulit pa nito.

Maya-maya pa ay humiwalay na rin ako sa pagkakayakap nito.

"Okay ka na?" tanong nito.

Tumango ako at ngumiti.

"Luke... bakit mo pala nasabi na gusto mo ako?" seryosong tanong ko sa kanya.

"K..kasi... unang kita ko pa lang sa iyo e parang gusto na kita.  Kaya nga inaway kita agad para naman mapansin mo rin ako.  Kaso pangit pala nun.  Mabuti na lang at nagkabati tayo.  Pero habang tumatagal e nahuhulog ang loob ko sa iyo." paliwanag nito.

"Paano ka naman nakakasiguro na di pagkakaibigan ang nararamdaman mo?"

"May kaibigan bang gusto mong yakapin at halikan?" kunot-noo nitong tanong sa akin.

Ngumiti ako sa kanya.

"Gusto mo akong yakapin at halikan?" balik ko sa kanya.

Tumango siya.

"Gusto mo ba?" ulit kong tanong.

"Sobra... pinipigilan ko lang sarili ko. Kapag nag-uusap tayo minsan napapatitig ako sa labi mo, parang gusto ko na lang dambahin ka at halikan kaso siyempre di ko magagawa iyon" nahihiya nitong sabi.

Ngumiti ako.

"Sa totoo lang Luke, ako din e.  Gusto kita." pagtatapat ko dito.

"Talaga?" nanlaki ang mata nito ngumiti pa.

"Kaya kung napapansin mo ayokong magpaakbay o magpahawak sayo dahil nako-conscious ako. Gusto din kita kahit di ka pa nag-aayos nun.  Sa totoo lang namimiss ko ang Luke na yun.  Iyon kasi ang Luke na nahulugan ng loob ko e." pagpapatulo ko.

"P..pero bakit ayaW mo maging tayo? Bakit pilit mo akong tinutulak palayo?"

"Kasi may boyfriend ako.  Magkasama kami sa bahay.  Siya yung dating naghahatid-sundo sa akin.  Kaso ngayon may problema siya kaya ang driver na lang namin naghahatid-sundo sa akin." sabi ko.

Nalungkot siya.

"Sorry Luke huh? Special ka rin sa akin kaso ayoko namang maging salawahan? Gugustuhin mo ba akong maging boyfriend kung alam mong habang may iba ako ay sinagot kita? Gusto mo ba ng two-timer? Di ba hindi?" tanong ko dito sabay hawak sa mukha niya.

Ngumiti siya.

"Wala pala talaga akong pag-asa." sabi pa nito.

"Sa akin oo. Wala. Kasi may boyfriend ako. Pero sa ibang babae malaki ang chance mo.  Ikaw pa e ang pogi mo.  Bolero ka pa at sweet. Naku, madali mo akong mapapalitan." sabi ko.

"What if ayoko ng iba.  Gusto ko ikaw?" malungkot ang boses nito.

"Wag... ayokong maghintay ka." sabi ko.

"Mahal mo ba talaga siya?"

Tumango ako.

"Mahal ko si Kuya Paolo." sabi ko kahit alam ko na masasaktan si Luke.

Tumahimik ito.

Umupo sa kama.

"Sorry Gel.  Hindi na kita guguluhin kahit kelan.  Let's just stay friends then." sabi na lang nito.

Umupo ako sa tabi niya.

"Sorry Luke... sana di magbago ang pagsasamahan natin dahil dito." hinawakan ko kamay niya.

Hinawakan niya rin ang kamay ko. Pinisil.  INiangat ito papunta sa bibig niya.  Hinalikan ako.

"Luke..." tawag ko sa kanya.

Humarap siya sa akin.

"Gel... pwede ba kitang halikan?" tanong nito bigla.

Tinitigan ko siya sa mata.  Kitang-kita ko ang kalungkutan niya sa mata.

Tumango ako.

Ngumiti siya.

Ngumiti din ako.

Dahan-dahan ay hinawakan niya ang pisngi ko.  Hinimas iyon.

Ngumiti ulit.

Dahan-dahan ay inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko.  Nagdampi ang mga ilong namin.  Iniwas niya doon at nagdampi ang mga labi namin.  Malambot ang mga labi ni Luke.  Mahina ang dampi nito.

HInawakan ko ang likod ng ulo niya. Hinila ko ang ulo niya para mas lalong dumiin sa pagkakahalik niya.

Hindi siya marunong humalik.

Ibinuka ko ang bibig niya gamit ang dila ko.  GInalugad ng dila ko ang loob nun.

Maya-maya ay lumalaban na rin ang dila niya.  Sinasalubong na ang dila ko.  Nagsisipsipan na kami ng dila.

Naramdaman ko na ang mga kamay niya ay gumagalaw na at pinipilit tanggalin ang t-shirt ko.

Hinawakan ko ang kamay niya.

"Luke..." sabi ko.

"Gel... please? Ngayon lang. After nito di na kita guguluhin.  Walang makakaalam" pamimilit nito.

"Luke... di ito tama."

"Alam ko... pero sana intindihin mo ako. Ano sa palagay mo mararamdaman mo kung ang lalaking unang minahal mo ay hindi pala magiging iyo dahil may mahal nang iba? Sa tingin mo ba hindi masakit?"

Tiningnan ko ang galit nitong mukha.

"Kapag ginawa ba natin ito mawawala ang galit mo?"

"hindi naman. Pero kahit papaano e maramdaman ko kahit minsan lang na mahal mo ako kahit pilit na sex lang itong gagawin natin.  Iyon lang." seryoso ang mukha nito.

Ngumiti ako sa kanya.

"Sige.  Kung iyon ang gusto mo." sabi ko.

Hinawakan ko ang laylayan. Ako na mismo ang naghubad ng damit niya.

Hinubad niya rin ang sa akin.  Sinunod namin ang mga pantalon namin.  Nang brief na lang ang natitira e humiga na kami sa kama.

"Thank you Gel." sabi nito bago kami naghalikan uli.

-----------------------------------

Reminder:

!!!Not for reposting!!! Please? This is a personal story. Not fiction so please do not re-post as your own. Thank you.

Don't forget to follow.

Please message me for your comments at 09167719273.  Thank you.

4 (na) komento:

  1. oh kawawang luke parang ako lang manglilimos ng pag ibig.... sana ako magkarun dn ako ng lakas ng loob lyk luke para makahinge ng last chance to be with him kht one day lng...

    TumugonBurahin
  2. ang pogi ni luke ^^ haha.. kuya gel sana kayo na lang.. mukha naman syang mabait eh.. tsaka maxado nang maraming binigay na sakit sayo si paolo..

    ^^ galingan nio pa po.. dito lang kami lagi ^^ haha

    TumugonBurahin
  3. Oh. Pity luke. You dont deserve that kind of love. Anu yon? Pinatikim lang? Haha. Wait ka lang. Magbibreak din yan. Lol.

    Sorry. I really like luke for you mr. author eh. :P

    TumugonBurahin
  4. Awww. Sakit naman. Pero hanga ako kay luke ha. Sana sya na lang :)

    TumugonBurahin