Copyright

myfreecopyright.com registered & protected

Miyerkules, Abril 11, 2012

True Gay Stories... Jed... Part 2



Second Part of Jed's Story
===================================
"John." sabi nito sabay taas ng kamay para makipagkamay.

"Jed." sabi ko sabay kuha ng kamay niya.

Nagtagpo ang kamay namin.  Hinawakan niya ito ng matagal.  Itinaas niya ito palapit sa mukha niya.  Hinalikan niya ang kamay ko.

Nanginig ang buong katawan ko sa paghalik nito.



Binawi ko ang kamay ko.

"Wag..." sabi ko.

"Bakit?" tanong nito.

"Don't.  Wag mo akong paglaruan." sabi ko.

Tinitigan niya ako.

"Di kita maintindihan." sabi nito.

Tumawa ako.

"Bakit mo naman hahalikan ang kamay ko?" sabi ko sa kanya. "Alam ko ginagawa mo lang yan sa taong gusto mo dapat e."

Natawa din siya.

"Ikaw na mismo ang sumagot sa tanong mo.  Hinalikan ko ang kamay mo dahil gusto kita e.  Di pa ba halata yun?" sagot naman nito.

"Bakit mo naman ako magugustuhan?" taka kong tanong.

"Nagpapatawa ka ba? Ang gwapo mo kaya.  GUsto kita e." sagot nito.

Napatawa ako ng mahina.

"Ano na naman?" sabi nito.

"Gwapo? Hay naku.  Bolero ka talaga.  Alam ko naman kung ano ako at kung ano ang hindi ako." sabi ko dito.

"Tsk." sabay akbay nito sa balikat ko.  Niyugyog ako.  Nagulat ako nang bigla niya akong hinalikan sa pisngi.

Hinawakan ko ang pisngi ko.

"Para saan yun?" tanong ko.

"Para malaman mo na gusto kita."

"You need to do more than that to prove if you really love me." sagot ko sa kanya.

Tinanggal niya ang kamay niya sa pagkakaakbay at nagulat ako nang hinawakan niya ang harapan ng pantalon ko.

"Eto ba gusto mo?" tanong nito.

Pinabayaan ko ang kamay niya.  Hinimas niya ang bukol ng ari ko.

"Anlaki naman nito kahit di pa matigas." bulong nito.

Ngumiti lang ako. Pinabayaan ko siya sa paghimas ng ari ko.

Inilapit niya ang mga labi niya sa labi ko.  Sinalubong ko rin siya ng halik.  Niyakap niya ako.  Gumanti din ako ng yakap.

Ibinaba niya ang labi niya sa leeg ko. Pagkatapos ay itinaas niya ang t-shirt ko at hinimas ang katawan ko.

"Ang sexy mo." sabi nito.

"Ikaw din naman e." sagot ko.

Ngumiti siya. Kinuha niya ang kama ko at ipinasok sa t-shirt niya.  Nakapa ko ang magandang hubog ng dibdib at tiyan niya.  Halatang active ito dahil wala

masyadong taba sa katawan.

"Ano? Sexy ba?" tanong nito.

Tumango ako.

Ngumiti siya.

Pinagpatuloy niya ang paghalik sa dibdib ko.  Sinipsip niya ang utong ko.  Napapaliyad ako sa sarap.  Mabuti na lang at medyo maluwag ang espasyo ng mga

upuan kaya naidiretso ko ang mga binti ko.  Masarap si John.  Magaling ang mga labi nito.

Maya-maya ay may tumabi sa aking medyo may katandaan.  Una ay nakinuod lang ito.  Maya-maya ay hinimas nito ang katawan ko.  Dali-daling hinawakan ni John

ang kamay nun at inilayo.

"Maghanap ka na lang ng sa iyo. Kita mong taken na e. Makikisalo ka pa." galit na ang boses ni John.

"Hindi naman ikaw ang hinahawakan ko ah." sagot ng isang lalaki.

"Kahit na. Tanungin mo nga tong kasama ko kung gusto niya magpahawak sa iyo." si John uli.

Tumingin sa akin ang lalaki.

Ngumiti ako.  Ngumiti din ito.

"Sorry huh? Mag-boyfriend kami e. Bawal ang third party." sabi ko.

Sapat na iyon para lumayo ang lalaki.

Tumigil si John sa pagyakap sa akin.

"Talaga? Boyfriend na kita?" tanong nito.

"Ano ka ba? Sinabi ko lang iyon para lumayo na yung lalaki. Di ko naman kasi siya type e." sabi ko.

"E ako type mo?" tanong nito.

"Magpapahalik at magpaparomansa ba ako sa iyo kung hindi?"

Ngumiti ito.

"Gusto mo bang ipagpatuloy natin sa motel? Para walang asungot?" tanong nito.

"Saan naman? AT magkano?"

"May alam ko di aircon, 150 lang 3 hours.  Pero yung may aircon, 200 ang 3 hours." sabi nito.

"Parang maraming alam ah?"

"Hindi naman. Nadadaanan naman kasi e. Saan mo gusto?" tanong nito.

"Hmmmm... AYoko nang hindi aircon e.  Baka kasi mainit kapag nasa kainitan na tau." sabi ko.

"Sige sa may aircon tayo." sabi nito.

"Wala akong extrang pera e." sabi ko naman.

"Okay lang sagot ko." alok nito.

Ngumiti ako.

"Sige. Ikaw bahala." simpleng sagot ko.

Inayos ko ang damit ko at tumayo kami.  Hinawakan na naman niya ang kamay ko pagkatayo namin.  Gusto ko sanang hilahin ang kamay ko kaso nanaig na ang kilig.

 Sino ba ang niloloko ko? Gwapo itong kasama ko tapos papakipot pa ako.  Baka naman mapikon na ito mamay at iiwan ako. Hinayaan ko siyang humawak.

Hinigpitan ko rin ang hawak sa kamay niya.

Natigilan siya.  Niyakap ako.

"Promise ko, di ka magsisisi sa akin." sabi nito.

Nang bumitiw na siya ay magkahawak-kamay kaming magkasunod na bumaba.  Mas mataas ako sa kanya kaya ako ang umakbay.  Marami kaming mga bading na nadaanang

pagkalabas namin ng balcony section ng sinehan.  Maraming mga bading sa hagdan at sa harap ng labasan ng  orchestra section ang titig na titig sa amin.

Proud na proud ako sa kaakbay ko. Gwapo na, mabango pa.  Siyempre taas na taas ang tingin ko sa sarili ko.

"Aaaaaaaayyyyy... magjowa!" rinig ko pang sigaw ng ibang bading.

Nagngitian lang kami ni John.

Nang lumabas na kami ng sinehan ay doon na kami nagbitiw.  Siyempre iba na ang mundo pagkalabas ng sinehan e.  Maeeskandalo ang ibang tao.

Sunod-sunuran lang ako sa kanya. Nagulat ako nang bigla siyang pumasok sa Isetan (sa may kanto ng Recto).  Sumunod na lang ako.  Nang makapasok ako ay tumabi

na siya sa akin.

"Bakit tayo andito?" tanong ko.

"Bakit? Gusto mo ba sex na agad?" balik-tanong nito.

Tumaas ang kilay ko.

"Anlabo mo." sabi ko.

Tumawa na namn ito.

"Kapag ba nanliligaw ka dapat sex agad?" tanong uli nito.

Kumunot ang noo ko.

"Nililigawan mo ba ako?" medyo taka kong tanong.

"Oo nga." sabay hawak nito ng kamay ko.

Ngumiti ako.  Aaminin ko kinilig na naman ako.

"E ano gagawin natin dito?" tanong ko na lang.

"Basta." sabay kindat nito.

Ngumiti ako dahil mas cute nga ito sa maliwanag.

Umakyat kami ng 4th floor.  Pumasok kami sa may arcade doon.  Bumili siya ng limang token.

"Tara?" tanong nito.

Kahit di ko alam kung saan kami pupunta ay tumango ako.

Dumiretso siya at pumasok sa isa sa mga Videoke rooms.  Sumunod naman ako.  Nagsimula na siyang maghanap ng kanta na nakadikit sa dingding at nang makapili

na ay pumindot na ng numero sa videoke machine.

Nakita ko ang kanta.  "Shower me With Your Love."

Napangiti ako.  Di ko alam ang kanta pero sa pangalan ng singer ay alam kong luma ito.  Baduy huh, sa isip ko.

Nakaupo lang ako malapit sa dingding.  Tumabi siya sa akin habang kinakanta niya ang mga unang parte ng kanta.  Nang magchorus na ay tumayo ito.  Tumalikod

siya sa videoke at kumanta paharap sa kin.  Napangiti ako sa ginawa nito.  Napapapikit-pikit pa siya habang kumakanta.  Baduy man sa umpisa pero habang

tumatagal ang pagkanta niya ay lumalakas ang kabog ng dibdib ko sa kanya.  Kinikilig ako sa boses niya.  At kapag hinahawakan niya ang mukha ko ay tumatayo

ang balahibo ko.

Nang matapos ang kanta ay 96 ang score niya.

"Ano ba yan? Ang baba." biro ko.

Ngumiti siya.

"Kapag ba naging 100 ang score ko ay boyfriend na kita?" seryosong tanong nito.

Napatawa ako.

"OA mo naman.  Hindi naman ganun kadali yun e.  Tsaka tama na nga yang pambobola mo." sabi ko sa kanya.

Tumigil nga siya.  Medyo nalungkot ako nang nagsimula na naman siyang kumanta dahil nakaharap na naman ito sa videoke at kumanta ng "Flying Without Wings" ng

Westlife.  Tinititigan ko ang likod nito.  Hindi talaga siya mukhang bading.  Ang ganda ng porma niya, anlinis ng batok niya.  Mabango.

Lumingon ito sa akin nang mag-chorus uli.  Kumindat.  Hinawakan pa ang kamay ko.

Kinilig na naman ako siyempre.  Habang instrumental ay nagsalita ito ng walang boses.  Sa pagbasa ko ng mga bibig niya ay "I love you" ang sinabi nito.

Natapos ang kanta. 96 pa rin ang score niya.

"Wala namang pagbabago e." biro ko.

"Wala kasi akong encouragement e.  Kung umoo ka na kasi para maging 100 na score ko." sabi nito.

Ngumiti ako.  Bolero talaga.  Pero tinatamaan ako ha.

"Hmmm... sige na nga." biglang sabi ko

"Yes!" sabi nito.  Napapikit pa nang nag-yes ito.

Tumayo siya at pumunta sa dingding naghanap ng kanta saka inilagay sa videoke ang numero.

"This is the Moment" ang title ng kanta.

Napangiti ako.  Medyo mataas to ah.  Kaya kaya niya?

Nagsimula na siyang kumanta.  Di na siya umupo.  Sa totoo lang na-impress na ako sa kanya. Antaas at malamig ang boses niya.  Tinititigan ko siya habang

kumakanta.  Iniisip ko nang yakapin siya.  Pero pinigilan ko sarili ko.  Gusto ko siya mangunang gumalaw.

Nang matapos ang kanta... inabangan namin ang score.  Ayun... naging 100 ang score.

"Hala. Daya naman nun." agad na sabi ko.

"Ayun!!! 100 hahahaha... Boyfriend mo na ako Jed." sabi nito.

"Andaya naman. Hmp." simangot ako pero kinikilig sa loob.

Akala siguro niya e ayaw ko. Umupo ito sa tabi ko.

"Sige... kung ayaw mo talaga. Di na kita pipilitin." sabi nito.

Medyo na-guilty ako sa naging reaksiyon nito.  Tumahimik bigla ang videoke room.

Hinawakan ko sa braso si John.

"Johnnn...." tawag ko sa kanya.

Ngumiti lang siya pero alam ko plastik na ngiti iyon.

Na-guilty talaga ako.  Tumayo ako.  Naghanap ng kanta.  Kinuha ko ang token sa kanya at pumindot sa videoke machine.

"Say that You Love me" ang pinili kong kanta.

"John... kapag 100 ito ibig sabihin mahal kita." sabi ko sa microphone.

Umangat ang ulo niya mula sa pagkakayuko.  Tumitig sa akin. Tahimik lang.

Nagsimula na ang kanta.  Alam na alam ko ang kantang ito dahil kinanta na namin ito sa choir noong high school.  Nakaharap ako sa kanya buong kanta.

Nakatitig din ito sa akin.  Kinindatan ko siya nang matapos ang kanta.

Nang matapos ang kanta ay humarap kami sa screen.  Hinintay ang score.  Biglang... 96 ang score ko.

Inilapag ko ang microphone.  Nagulat ako nang bigla siyang tumayo at niyakap ako.  Sumubsob sa dibdib ko.

"Jed..." tawag nito sa pangalan ko.

"Di ako 100. Sorry John" malungkot na sabi ko.

Bumitaw siya sa pagkakayakap.

"Wala akong pakialam kung ano ang score mo.  Naramdaman ko naman sa kanta mo na mahal mo din ako.  Sapat na iyon." nangingilid ang luha nito.

Hinawakan ko ang mata niya. Pinunasan ang di pa pumapatak na luha.

"Uy... bakit ka umiiyak? Di ba dapat matuwa ka dahil mahal na rin kita?" nakangiti kong tanong dito.

Tumango siya.

"So boyfriend mo na ako?" tanong uli nito.

"Hay... ang kulit..." hinila ko siya at hinalikan nang matagal.

Nakayakap ang dalawang kamay niya sa baywang ko habang hinahalikan ko siya.

Nang maghiwalay ang mga labi namin ay napangiti siya.

"Ano? Di ba may gagawin pa tayo?" paalala ko sa kanya.

Nakangiti siyang tumango.

Kahit na may isa pa kaming token ay lumabas na kami ng videoke. Di kailangan ng limang kanta. Apat pa lang ay napasagot na ako. Lumabas na kami ng Isetan at

dumiretso sa Nice Hotel na katabi ng LRT2 Recto Station.

(To be continued)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento