Copyright

myfreecopyright.com registered & protected

Miyerkules, Mayo 2, 2012

My Paolo Series... (Chapter 23... Truth Happily (For Me) Revealed)



Thank you sa lahat ng nag-comment sa last chapter.  I was overwhelmed with your comments guys. I can't express how happy I was with all of your great comments.

May 5 is my birthday... 2 days to go and I am turning 26... hay... gift ko guys huh?

Jan Carlo.. welcome sa blog ko.
=======================================

1:40PM

"CATALINAAAAAAAAAAAAAAA!!!" malakas na sigaw ng papa ni Cat.

Abot-tenga ang ngiti ko.  Tumingin ako kay Mama Tony. Noon ko lang nakita ang pinakamagandang ngiti nito.  Pinisil ni Kuya Paolo ang kamay ko.  Tiningnan ko siya.  Ngumiti siya sa akin.

Mabilis na lumabas ang papa ni Catalina sa kuwarto niya at bago pa makapagsalita si Cat ay nasampal na ito ng papa niya.



Sa sobrang lakas ng sampal ay napaupo si Cat.  Kitang-kita namin na nasa loob ng nakakuyom na palad nito ay ang ebidensiyang hinahanap ng pulis, ang ebidensiyang alam kong mahahanap namin na makakapagpatunay na mali ang paratang nina Catalina kay Kuya Paolo.

"Ano'ng ibig sabihin nito?" galit na galit ang boses ng papa ni Cat.  Itinaas ang kamay nito.

"Pa..." nanginginig ang boses ni Cat.

Bago pa makasagot si Cat ay itinapon sa mukha nito ang hawak ng papa niya.

---------------------------------

7:30AM

"Ma, good morning." bati namin kay Mama Tony nang bumaba ito.

Tumigil muna si Mama Tony bago lumapit sa amin.

"You both seem tired. Di ba kayo natulog?" bati nito sa amin bago lumapit sa mesa at umupo. "Coffee nga Bon."

"Ma, did you have a good night sleep?" tanong ni Kuya Paolo.

"I think so.  You?" takang tanong nito sa amin.

"Nope... didn't sleep at all." sagot ko naman.

Tumawa si Kuya Paolo.

"Tama na nga yan, Angelo." sabay baling nito kay Mama Tony. "Ma, what do you think is this?"

Kinuha ni Kuya Paolo ang seat cover ng isa sa mga foan sa mga upuan sa sala at ibinigay kay Mama Tony.

"I'm definitely sure this is blood stain." sabi ni Mama Tony.

"And do you know what particular bloodstain that is?" tanong ni Kuya Paolo.

"Not really sure, but by the looks of it, it's..." bago pa matapos ni Mama Tony ang sinasabi niya ay nanlaki ang mata nito.

"When did you find out about this?" agad na tanong nito.

"Angelo found out about that last night... I mean kaninang madaling araw.  Ang makulit kong kinakapatid ay di daw makatulog kaya tumambay sa sala.  And that's where he found that." nakangiting sabi ni Kuya Paolo na nakaakbay sa akin.

"I just changed the seatcovers yesterday afternoon... Oh shit!" saka mabilis na tumakbo ito paakyat ng kuwarto niya.

----------------------------------

2:00 PM

Nakaupo kami ulit lahat sa sala.  Iyak nang iyak si Cat na nakayakap sa mama niya.  Galit na galit naman ang tingin ng papa niya dito.

Kami na lang ang andun dahil pinaalis na namin ang mga pulis.

"So, I assure that we both came to a conclusion on this?" panimula ni Mama Tony pagkatapos ng mahabang katahimikan.

"I'm really sorry about this mess. I will take full responsibility on this.  I will make sure this never happens again." sabi ng papa ni Cat.

"Oh, I'm already steps ahead of you." Kinuha ni Mama Tony ang nakatuping papel sa bag nito at ibinigay sa papa ni Cat.

Binasa ng papa niya ito.

"That is an indefinite restraining order for your daughter.  It states there that your daughter cannot be within 2 kilometers near Paolo, Angelo and me and our village.  You are also given a sanction of our village to never let you or any member of your family enter our village.  Any violation of that... you're intelligent, you know what I mean." diretsong sabi ni Mama Tony.

Aaminin ko nung panahon na yun, di ko maintinidihan lahat ng sinasabi nila pero alam ko na sa mukha nina Catalina at mga magulang nito.  Alam kong di maganda para sa kanila ang sinasabi ni Mama Tony.

-----------------------------------

1:45 PM

"Ano 'yan?" sigaw ulit ng Papa niya.

"Pa... I can explain..." nauutal na sabi ni Cat.

"Pa... baka planted lang iyan." sagot naman ng mama ni Cat.

"Planted? Magkasabay lang kami pumasok ng pulis. Kitang-kita ko na naghalungkat siya ng basurahan mo.  Alam na alam niya ang hinahanap niya.  At alam ko kung bakit.  Walang kahirap-hirap na nakita niya yang gamit na napkin mo." pasigaw na sabi ng papa ni Cat.

"Pa..." tawag pa ulit ni Cat.

"SHUT UP!" sigaw ng papa niya.  "Shut up with your lies.  You bitch!"

"PA!" tawag ng asawa nito. "Watch your mouth."

"No! That's what she is.  Ang nakakahiya pa nito ay idinawit pa niya tayo sa pagsisinungaling niya.  Pinaniwala niya tayong buntis siya.  Pati abugado natin nadamay sa kagagahan niya." pagpapatuloy ng papa nito.

"Pa... I just did it because I love Paolo so much. I can't live without him." sabay titig ni Cat kay Paolo.

"So pinlano mong itali ang apo ko sa kagagahan mo?" asik ni Mama Tony. "Do you really think we will let you through with your plans? And do you really think we will sit idly and see my grandson get married to an obsessed psycho like you? You've underestimated us darling.  You are out of your league. I should press charges on you for this."

"We don't need to reach that." huminahon ang boses ng papa ni Cat.

"Yes, yes. We don't have to." seryosong sagot ni Mama Tony.

"Ma'am, ano na po ang gagawin natin dito sa mga ebidensiya?" tanong ng pulis.

Nasa loob pa ng plastic ang underwear ni Cat na sinuot yata kahapon na may konting mantsa din ng dugo.

"It's up to you.  Keep it as evidence.  Baka kasi ano na naman maisipan ng babaeng ito." mando ni Mama Tony sa babaeng pulis.

"Yes po, Ma'am" sang-ayon lang ng pulis.

"Kung tapos na kayo ay pwede na kayong umuwi.  I don't think we will be needing your help from hereon.  I will just contact you in case some problems arise." si Mama Tony ulit.

"Sige po Ma'am." tapos bumaling sa Papa ni Cat ang pulis. "Sir, pa-sign na lang po bilang witness sa paghalughog namin kanina sa kwarto."

Walang tutol na pumirma ang papa ni Cat sa papel na hawak ng pulis.

"Thank you po, Sir. Aalis na po kami." paalam ng isa pang pulis.

"Sige, Josie.." tawag nito sa katulong. "...samahan mo na sila sa labas." medyo huminahon ang boses nito.

Sunod naman lumabas na ang mga pulis.  Tapos ay pinaupo na kami ng Papa ni Cat sa sala.

Ilang minuto din kaming titigan nang titigan.  Walang may balak magsalita ng una.

-----------------------------------

Reminder:

!!!Not for reposting!!! Please? This is a personal story. Not fiction so please do not re-post as your own. Thank you.

Don't forget to follow.

Please message me for your comments at 09167719273.  Thank you.

11 komento:

  1. Holy mother of ****! wohooo! Ang ganda ng bangayan, pang-teleserye! HAHAHA! Go Gel!

    TumugonBurahin
  2. May nabasa akong meme sa isang linya ni Mama Tony.
    You know what I mean.
    https://encrypted-tbn1.google.com/images?q=tbn:ANd9GcTTvW9Cve-pqjH3xVK7k6AvyorfZs90LMdU6soT1XOarTcaNdjA

    Happy Birthday! Angelo. Ano gusto mong matanggap na regalo?

    TumugonBurahin
  3. wala na ako masabi pa saiyo kuya gel... binubusog mo ang katawang lupa ko hehehehehe

    HAPPY BIRTHDAY!!! KUYA GEL

    TumugonBurahin
  4. nice action! happy bday. more happy moments to come.

    TumugonBurahin
  5. yey!

    buti nalang walang sapilitang kasalan!!

    feliz cumpleaños!

    TumugonBurahin
  6. Happy birthday angelo by the way im james.

    TumugonBurahin
  7. Salamat sa pag welcome mo sa ANGELO./.haist ang ganda talaga ng kwento mo kakaiingit ka ih,..,pero may isang tao akong namimiss sa kwento ,.,si JAN..san na ba sya.,.,

    TumugonBurahin
  8. Hm. EPIC FAIL si "miss cati" Haha. Boo!.. :P
    Keep up the nice flow. :D
    Thanks sa update..

    HAPPY BIRTHDAY! Wish you all the best. God Bless you always. :P

    --kean :]

    TumugonBurahin
  9. HAPPI BIRTHDAY!!!! ganda nang gawa mo SUPER :)

    TumugonBurahin
  10. yan sa sobrang kalandian tagos tagusan ang kasamaan :)

    http://www.youtube.com/watch?v=geCZlIX0noo

    pa advertise naman

    TumugonBurahin