Monday, June 20, 2011
My Seminary Series (Part 29, Closure for Everything)
I'm really sorry if I wasn't able to post this week. Right now I am in Bacolod and I am posting in one of the internet cafes here. I hope you will not get tired of waiting for me to post. Thank you all mwah.
===================================================
Sa lahat ng nangyayari sa akin sa bandang ito ng buhay ko, di ko na alam kung ano ang gagawin ko. Lahat na lang ng mahal ko sa buhay ay nawawala na sa akin. I may be smart but not smart enough para maintindihan ng maayos ang buhay ko.
Kaya ako pumunta kay Kuya Dan, my mentor and guide.
Tanghali ng Sabado nang kumatok ako sa pinto ng kuwarto niya.
Agad kong narinig na may naglalakad papunta sa pinto at bumukas iyon. Si Kuya Dan. Sabay ngiti sa akin.
"Gusto mo na ba ng makakausap?" agad na bungad nito sa akin.
Tumango lang ako. Nagulat ako nang biglang ang katawan ko ay yumakap sa kanya. Doon ay agad na akong humagulgol habang nakayakap sa dibdib niya. INalo niya ang ulo ko at hinila ako papasok ng kuwarto saka niya sinara ang pinto.
Dahan-dahan ay iniupo niya ako sa gilid ng kama niya. Hinawakan niya ang balikat ko at iniangat ang ulo ko. TIningnan ako ng mabuti sa mata at ngumiti uli.
"Sige lang. Sabihin mo na sa kuya mo." utos naman niya.
Pinunasan ko muna ang mata ko ng mga luhang dumaloy doon. Saka ako nagsimulang magkuwento. Sinabi ko sa kanya lahat ng nagpapabagabag sa utak ko.
Mataman siyang nakinig sa mga sinasabi ko. Tumango-tango lang siya, iiling-iling paminsan-minsan, ngingiti at magmumukhang makungkot din. Nakikita kong pinapakinggan niya talaga ang bawat salitang nagmumula sa bibig ko.
Pagkatapos kong magkuwento ay bumuntung-hininga muna siya at nag-isip sandali bago nagsalita.
"Gel, I will be honest with you." panimula pa niya.
"Sige po." pagsasang-ayon ko sa kanya.
"Okay. Siguro naman alam mo na I am here as your mentor and counsellor di ba?" sabi pa nito.
Tumango na lang ako.
"THerefore, I am here to give you advice and counselling sa kung ano ang tamang gagawin. Pero di ako pwedeng magbigay sa iyo ng advice na kukunsintihin ko ang pagiging bading mo. I understand that you are gay dahil ako din ganoon. Kaso what you should know is how to control it. Di porke masaya dahil may nagmamahal o minamahal ka ay okay na. You have to think of the consequences, you see?" paliwanag pa nito.
Di muna ako sumagot. Hinayaan ko siyang magsalita.
"Una, alam naman natin na sa mata ng Diyos at mata ng tao ay mali ang maging bading. Pero kung ganito man tayo pinanganak, di natin pwedeng ipagkaila o magkunwari na hindi tayo ganoon. Pero hindi ko sinasabing hayaan mong pangunahan ka ng emosyon at pag-iisip mo na dulot ng pagiging bading natin. We are very prone to temptation. Dahil ang lalaki at babae ay di madali dahil nabubuntis ang babae sa huli. Pero tayong mga bading, kaya nating gawin ang gusto natin at magpakasasa sa kamunduhan dahil walang mangyayari. Walang mabubuntis at walang panagutan. Ang mahirap ay yung isagawa mo ang pagiging bading mo." mahabang litanya nito.
Wala pa rin akong sagot sa kanya.
"Simple lang ang gusto kong sabihin. Okay lang maging bading dahil ganoon tayo pinanganak pero ang magpadala ka o pagpalukob sa ugali, isipin at emosyong pangbading ay siyang kasalanan. Tayo pa rin ang may-ari ng puso at isip natin kaya tayo dapat ang nagdidikta ng dapat isipin ng ating puso, itibok ng ating puso at gawin ng ating katawan."
Saka lang siya tumahimik. Tinitigan ko siya sa mga mata niya at nakita ko ang concern at pagkaseryoso niya sa sinasabi niya. Saka ako napangiti.
"O bakit?" takang sabi nito.
"Wala po. Nagpapasalamat lang ako na may katulad mong nagbibigay ng advice sa kagaya ko." sabi ko sa kanya. Saka ako yumakap uli sa kanya.
Habang nakayakap ako ay siya namang himas niya ng likod ko.
"Kaya mo yan. I know you can. Pareho tayo ng pinagdaanan kaya kung ako nga nagawa iyon, dapat ikaw din." sabi pa niya.
"Opo, salamat."
Pagkatapos ng pag-uusap namin, kahit medyo mabigat pa ang loob ko ay kahit papaano ay nagkaroon ng liwanag ang isipan ko. Kahit sa isipan kong bata ay naging maliwanag sa akin ang mali sa ginawa ko.
----------------------------------------------------------
Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Kuya Dan ay bumalik na ang dating sigla ko. Balik na ako sa dati kong gawain. Ang schedule na matagal kong hindi nasusunod ay siya namang aking ginagawa. Ang pinagkaiba lang ay kapag magkasama na kami nina Jayson at Hikes sa gawain ay di na kami nagsi-sex. Sinabihan ko sila na kung gagawin man nila iyon ay sila na lang tutal sila naman ang magnobyo at napakasama na tingnan pag nakisawsaw pa ako sa relasyon nila, mapa-sekswal man.
Natuwa din si Kuya Michael nang unang sumulpot ako sa Music Room para sa practice namin. Dahil sa nangyari kay Ralph ay di na kami hinayaan na lumabas ng seminaryo ni Father Ric. Naintindihan naman iyon ng Ninong kong si Father Alex.
Naging casual lang ang pagsasamahan namin ni Kuya Michael. Di ko na masyadong binibigyan ng puwang ang kung anumang ibang nararamdaman ko para sa kanya.
Okay lang naman sa kanya na kahit papaano ay nanumbalik na ang dating sigla ko. Naging mas mabilis na ang pagkatuto ko sa pagtugtog.
---------------------------------------------------------
Isang linggo pagkatapos ng misa sa chapel ay agad naman kaming tinipon ni Father Ric.
"Isang linggo na lang at matatapos na ang search-in nating ito. At sa mga hindi pa nakakaalam ay tuwing last night ng search-in ay nagkakaroon tayo ng parang graduation ceremony. Siyempre kapag ganoon ay meron dapat tayong pagtatanghal na gagawin. So, maglalagay ako ng sign-up sheet sa bulletin board natin sa 1st floor at kung sino man ang may gustong magpakita ng kanilang talento sa kahit anuman ay pwede na kayong magsulat sa sign-up sheet. Okay?"
Iyon lang at tumalima na si Father Ric.
Agad ay nakita kong ngumiti sa akin si Kuya Michael.
Pagkagabi ay nalaman ko rin ang ngiting iyon.
"Gusto mo bang tumugtog tayo sa graduation natin?" agad na tanong nito habang nasa kalagitnaan kami ng pag-eensayo.
Nagkibit-balikat na lang ako.
"Ayaw mo bang ipakita sa lahat ang resulta ng pagpapractice natin?" pilit pa nito.
"Di ko lang alam. Di ba dapat kapag tumutugtog tayo ay may inspirasyon tayo?" sabi ko sa kanya.
"Mas maganda nga iyon. Pero wala ka bang inspirasyon ngayon?" parang may halong tanong nito.
Umiling ako.
Bigla siyang tumahimik.
"Gel, pwede bang kahit isang linggo lang ay maging ako muna ang inspirasyon mo?" agad na sabi nito.
Natigilan ako sa kalagitnaan ng pagtitipa ko. Saka ko siya hinarap.
"Kuya MIchael, I appreciate na tinutulungan mo ako at tinuturuan. I am thankful na naging kaibigan kita pero wag mo namang iparamdam sa akin na desperado ako na kailangan mo pang ipagpilitan sa sarili mo na maging inspirasyon kita just to make me okay." medyo inis kong sabi sa kanya.
Napayuko siya sa sinabi ko. Doon ko na-realize na medyo masama pala ang naging tono ng pagkakasabi ko sa kanya.
"I'm sorry Kuya." agad kong paghingi ng paumanhin.
Siya naman ang tumingin sa akin.
"Di naman iyon ang gusto kong sabihin e." sabi pa nito.
"E ano po?" medyo taka at curious kong tanong.
"Alam ko na hanggang ngayon ay si Ralph pa rin ang nasa isip mo. Isang linggo na lang at magkakahiwalay na tayo. Di ko alam if after nito ay magkikita pa tayo o magkakasama pa tayo. Gusto ko habang magkasama pa tayo dito ay maramdaman ko ang naramdaman ni Ralph habang magkasama tayo." paliwanag pa nito.
"Hindi pa rin kita maintindihan Kuya." sabi ko sa kanya.
Tumahimik muna siya.
"Gel, gusto ko kahit isang linggo lang ay maging tayo." sabi nito.
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Saka ako napapikit at napayuko. Bigla na lang pumatak ang luha sa mata ko.
"Akala mo ba ganoon lang ang pagmamahal Kuya Michael? Akala mo ba laro lang ito na pwede ka na lang bastang sumali? Akala mo ba laruan to na pwede mo lang sabihin kung hanggang kelan mo lang panghahawakan at kapag nagsawa ka na ay pwede ka nang umayaw? Napakababaw naman ng pagtingin mo sa akin." medyo inis kong asik sa kanya.
"Di naman iyon ang gusto kong sabihin e." sabi nito ng mahinahon.
"So ano? Sabihin mo para naman maintindihan ko at maliwanagan ako." medyo tumataas na ang boses ko. Nawawala na rin ang paggalang ko.
"Alam ko naman kasi na hindi mo ako mahal at si Ralph ang mahal mo. Gusto ko sanang maging boyfriend mo kahit isang linggo lang para maipadama ko sa iyo kung paano ako magmahal. At pagkatapos ng isang linggong iyon kapag di mo talaga ako kayang mahalin, nasa sa iyo na iyon. Ang importante kahit sa sandaling panahon ay naipadama ko sa iyo ang nais kong ipadama sa iyo." medyo malungkot nitong sabi.
Natahimik ako nang maintindihan ko siya.
Matagal na katahimikan ang namagitan sa akin.
Saka lang iniangat ko ang ulo niya at pinatingin ng diretso sa akin.
"Sige. Pero sana wag ka masyadong umasa." seryosong sabi ko sa kanya.
"Alam ko na iyon."malungkot pa rin niyang sabi.
Ngumiti na lang ako sa kanya. Ngumiti din siya at niyakap ako. Gumanti lang din ako ng yakap sa kanya.
Saka kami bumalik sa pag-eensayo. Medyo naging mas malambing na siya at may panaka-nakang akbay din siya.
Kahit papaano ay naapektuhan noon ang emosyon ng pagtugtog ko.
"Kuya..." tawag ko sa kanya.
"Anong Kuya? Boyfriend mo na ako e. Mike na lang." paalala pa nito.
Napangiti ako.
"Sensya na. Di pa sanay. Sige. MIke... di ba tinanong mo ako kanina?" sabi ko sa kanya
"Yung alin?" takang tanong nito.
"Di ba tinatanong mo ako kung gusto kong tumugtog sa graduation?" sabi ko habang tumutugtog ako.
Parang lumiwanag ang mukha niya ng nilingon ko.
"Sige, tutugtog ako." sabi ko sa kanya.
Agad siyang ngumiti at niyakap ako. Hinalikan pa ako sa pisngi.
"Pero sa isang kondisyon." sabi ko pa.
"Ano yon?" tanong pa niya.
"Gusto ko sabay tayong tutugtog."
=================================================
1 more chapter to go for My Seminary Series then My Freshmen Series na. I decided to change the title kasi masyadong mahaba kapag buong high school iyon. Meron pa naman in between years hehehe.
May magbabalik... sino kaya?
=================================================
Reminder:
!!!Not for reposting!!! Please? This is a personal story. Not fiction so please do not re-post as your own. Thank you.
Don't forget to follow.'
For suggestions or comments, please feel free to message me at 09213450145 or 09068151127. Thank you.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
excited ako! hehehe...gel, please walang bitin ha...heheheh..ingat and more power....
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeletekalungkot story . . although tama na ma-realize ni Gel ang lahat . . parang ang hirap naman yun sa side ni Kuya Michael . .
ReplyDeletehayy . . kalungkot naman ng buhay nya . . . T_T . . . i love kuya michael . . . sayang naman , , kung di rin pala sila magkakatuluyan . . .
T_T
malapit na matapos ang seminary experience mo...siguro naging worthy ang pagpunta mo sa seminaryo...totoo pala na may mga nagaganap na ganyan sa seminaryo at ang nakakatuwa doon ay hindi ka nila hinamak dahil sa pagkatao mo...kundi tinanggap ka nila at tinulungan...ang ganda ng halos lahat ng sinabi ni Dan although may mga ilan points na against ako..hehehe...
ReplyDeleteWAIT! hindi coherent ang 28 at 29! diba? biglang tumalon ang narration..
ReplyDeleteOo nga po...kasi nung nasa clinic si gel, dapat may nakita siyang nilalang.
ReplyDeleteBaka, tumalon nalang ang narration to keep us in excitement.
Hahaha
nakakabitin :D pero sobrang ganda po ng story niyo . kahit po nasa school ako e eto ang nasa isip ko . hindi ko alam kung bakit . excited ako lagi umuwi para mapagpatuloy ang pagbabasa ko. halos pagalitan na ko ng mama ko sa tagal ko sa computer pero hindi niya alam ung binabasa ko . nililipat ko kagad sa ibang tab. haha, nalungkot talaga ko nung nalaman ng parents mo na bading ka . at nagkalayo kayo ni jan . tumigil kagad ako sa pagbabasa ko nun . tapos maya maya ay binasa ko na ulit . grabe po ung feeling ng ganun . nakakatuwa po talaga . sana makilala ko kayo in person kuya GELO .. 1st year pa lang po ako . haha . tapos napunta ako sa blog niyo sa paghahanap ng mga storya. sana po talaga makilala ko kayo .
ReplyDelete