Copyright

myfreecopyright.com registered & protected

Friday, July 1, 2011

My Seminary Series (Part 30, The Ending and A New Beginning)


The most-awaited final chapter of the Seminary Series

===========================================

Sorry, ngayon lang ako nagkaroon ng time. Super busy these past few weeks. Ganyan talaga pag seryoso sa trabaho. Hahaha. Love you all. Sorry kung pinaghintay ko kayo.

===========================================

Dumaan ang ilang araw. Dahil nga malapit nang matapos ang aming search-in sa seminaryo ay medyo maluwag na sa amin ang mga brothers at fathers. Nagko-concentrate na lang kami sa aming gagawin sa graduation at gaya nga ng napag-usapan namin ni Kuya Michael, sasama kami sa pagtatanghal. Tutugtog kaming dalawa.

Apat na oras sa isang araw ang iginugugol namin sa pag-eensayo. Ramdam ko na bawat araw ay malambing at masuyo si Kuya Michael sa akin. Medyo nahihiya nga lang siya sa tuwing nagkakabanggaan ang aming mga daliri habang tumitipa sa piano.

Kapag nagkakadampian ang aming mga braso ay napapatigil siya. Agad ay titingnan ko siya at kitang-kita sa napakaputi niyang mukha na medyo namumula siya.

Ako man ay natatawa na lang sa mga nagiging reaksyon niya. Alam at ramdam ko na may pagtingin talaga siya sa akin ngunit kahit na may usapan na kami na magiging kami kahit sa loob ng isang linggo, parang di rin naging seryoso ito. Kasi maliban sa araw na tinanong niya ako tungkol doon, di na niya muling inungkat pa.

Minsan habang nag-eensayo kami, dalawang araw bago ang graduation namin...

"Kuya Michael, pwede ba kitang tanungin?" panimula ko pa.

Iniangat niya ang mukha niya at tumingin sa akin ng seryoso.

"Oo naman. Tungkol saan?" malumanay na balik-tanong nito.

"Mahal mo ba ako?" diretsahan kong tanong.

Kitang-kita ko sa mata niya na nanlaki ito. Tumaas din ang Adam's apple niya ibig sabihin napalagok siya.

Yumuko muna siya saglit. Ibinuka ang bibig ngunit agad ding isinara. Iniangat niya ang ulo niya saka nagsalita.

"Sa totoo lang... hindi... na." Medyo paputol-putol niyang sagot.

Kumunot ang noo ko sa gulo ng sagot niya.

"Ang ibig kong sabihin... " bumuntong-hininga muna siya bago nagsalita. "...akala ko dati ay mahal kita. Pero noong sinabi ko sa iyo ang totoong nararamdaman ko sa iyo. Doon ko rin na-realize na hindi pala ako handa sa mga ganitong sitwasyon."

"Kaya ba hindi mo na inungkat ang usapang iyon?" pagkukumpirma ko pa.

Tumango siya.

Tiningnan ko siya saka ngumiti.

"Sa totoo lang, mas masaya ako kung maging magkaibigan na lang tayo. Mas kampante pa ako sa iyo kung ganoon na lang imbes na maging boyfriend kita. Ayoko rin na sa bandang huli ay tayong dalawa naman ang magkakasakitan. Mas gusto kong maging kaibigan kita."

Tumingin siya sa akin saka ngumiti.

Ngumiti din ako.

Agad niya akong niyakap. Tapos mas hinigpitan pa niya iyon.

Yumakap din ako ng mahigpit sa kanya. Hinagkan ko siya ng marahan sa pisngi. Ganun din ang ginawa niya sa akin.

Pagkatapos ng ilang sandali ay inilayo niya ang katawan niya sa akin. Hinalikan ako sa dulo ng aking ilong at ginulo ang buhok ko.

"Pero sayang. Kung sana naging babae ka lang baka mas napanindigan ko pa ang nararamdaman ko sa iyo."

Medyo natigilan ako sa sinabi niya pero bumalik na lang siya sa pagharap sa piano. Di ko na masyadong inungkat pa ang ibig niyang sabihin. Ang mahalaga sa akin ay okay na kami at kampante na kami sa isa't isa.

-------------------------

Araw ng graduation, busy kaming halos lahat. Iniimpake na rin namin ang aming mga gamit. Tumawag na si Kuya Gilbert nung isang araw at ang sabi niya ay sasabay na daw ako sa kanya pagkatapos ng graduation. Kaya ihanda ko na daw ang mga gamit ko para maisakay agad pagkatapos ng graduation.

Habang naliligo ang mga kasama ko sa kuwarto ay pumasok sa kuwarto si Kuya Dan. Ang gwapo niya sa suot niyang barong. Nakapulbo siya konti at nakaayos ang buhok.

Pagpasok niya sa pinto ay nakangiti siya sa akin. Agad niyang ibinuka ang braso niya senyales na gusto niyang yakapin ako.

Patakbo akong lumapit sa kanya at yumakap. Mahigpit na mahigpit ang yakap namin sa isa't isa. Ayaw pakawala.

"So paano ka na?" panimula nito.

"Eto. Medyo okay na rin. Nakakamove-on na sa sakit ng puso ko." tapat na sabi ko sa kanya.

Inakbayan ako at hinalikan sa buhok.

"Okay lang iyan. Ganyan talaga ang buhay. Di natin alam kung ano dapat kung ano ang mangyayari sa kinabukasan. Ang importante ay marunong tayong tumanggap ng kasawian at matuto dahil doon. Dahil pag ang kasawian mo ay dulot ng paulit-ulit na bagay, o anuman... katangahan na iyon."

Ngumiti ako sa sinabi niya.

"E, ikaw po Kuya Dan. Ano na ang gagawin mo ngayon? Heto ipagpapatuloy ang pagiging seminarista tutal isang taon na lang ay magiging pari na rin naman ngayon. Kaya mas mabuti na lang tapusin ko ito." pahayag pa niya.

Ngumiti lang ako uli.

"Sana kahit malayo ka na ay maalala mo pa rin ako at ang mga itinuro ko sa iyo." huling pahayag nito saka tumayo at lumabas na ng pinto.

Saka ako nagpatuloy sa pagligpit ng mga gamit ko.

------------------------------

Pagkadating namin sa loob ng simbahan ay dumiretso na kami sa aming mga upuan sa harap. Una ay ang misa, pagkatapos doon ay nagsalita na rin si Father Ric. Pinasalamatan niya ang mga fathers at mga brothers na naging aktibo sa search-in. Pinasalamatan din niya ang mga magulang, kaanak at mga kaibigan ng mga kasama sa search-in.

Pagkatapos noon ay pumunta kaming lahat sa harap at kinantahan sila ng dalawang Latin na mga kanta.

Pagkatapos noon ay isa-isang nagtanghal ang nga kasamahan ko sa search in.

Pagkadating sa amin ni Kuya Michael ay agad kaming umupo sa kama. Tinugtog namin sa piano ang Hallujah chorus. Medyo mahirap man ang tinugtog namin pero maganda naman ang kinalabasan.

Pagkatapos naming tumugtog ni Kuya Michael ay may 6 pang grupo para sa pagtatanghal.

Pagkatapos namin sa graduation ay agad na bumalik na ako sa kuwarto para ibaba ang gamit ko at hintayin na lang si Kuya Gilbert.

Agad akong umupo sa lobby ng seminaryo. Maraming tao dahil maraming naghihintay na mga magulang. Doon ko na lang hinintay si Kuya Gilbert.

Agad ay nakita ko na si Kuya Gilbert na papalapit sa akin. Nakangiti pa ito. Agad akong sinalubong ng yakap.

" Ang galing mo naman pala tumugtog." bati pa nito.

"Weh? Di nga?" biro ko sa kanya.

"Oo nga. Ramdam ko yung ganda ng melody nung kanta e." sabi pa nito.

"Di ah. Maganda lang talaga ang kanta." sabi ko.

Saka ko nakitang lumingon sa akin si Kuya Michael. Napangiti ako.

"... At tsaka magaling ang teacher ko e." agad kong bawi.

Hinila ko si Kuya Michael at ipinakilala kay Kuya Gilbert.

Agad naman silang nagkapalagayan ng loob.

Pagkalipas ng isang oras ay unti-unting umaalis ang mga tao at medyo konti na lang ang tao kaya inaya ko na si Kuya Gilbert na umalis.

Agad na kinuha niya ang bagahe ko.

Hinanap ko muna sina Jayson, Hikes, Kuya Romeo, Kuya Dan at Kuya Joseph. Nagpaalam ako ng mabilis sa kanila isa-isa. Kitang-kita ko sa mga mata nina Hikes at Jayson na nalulungkot sila. Pero alam ko na mas malulungkot ako dahil at least silang dalawa ay kasama nila ang mahal nila.

Nagpaalam na kami kay Kuya Michael. Niyakap ko pa siyang mabuti.

Napangiti lang si Kuya Michael sa akin. Naalala ko na naman ang unang araw naming magkakilala. Nainlove agad ako sa ngiti niya.

Habang papalayo na ako ay lingon pa rin ako ng lingon at kitang-kita ko na nakatitig pa rin siya.

Naglakad na kami ni Kuya Gilbert papunta sa kinaparadahan ng kotse niya. Medyo malayo-layo ang kotse dahil maraming mga nakapark sa bakuran ng seminaryo.

"So, kamusta naman ang experience mo dito?" agad na sabi pa niya.

" Okay naman po. Kahit na sobra akong nasaktan, marami pa rin akong natutunan" sabi ko naman.

"So, sa tingin mo... mami-maintain mo yun?" biro pa nito.

Siniko ko siya sa tagiliran.

"Wag muna iyon ang pag-usapan natin." agad na saway ko.

Hinawakan ko siya sa siko kaya siya napalingon at napatigil sa paglalakad.

"Kuya, okay lang ba sa iyo na doon ako sa bahay mo makikitira?" sabi ko.

"Hindi ka naman sa akin titira e." mabilis na sagot nito na medyo nakangisi.

"Huh?" gulat na tanong ko.

"Ibig sabihin sa akin ka titira."

Agad akong natigilan sa huling nagsalita. Sa isip ko parang familiar ang boses. Doon ko na lang naaninag na merong tao sa loob ng kotse ni Kuya Gilbert.

Agad na lumapit ako sa tao sa kotse. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.

"O? Remember me?" agad na bati ng tao sa kotse.

=======================================

Sino kaya ang taong nasa loob ng kotse? =)

Kasunod na nito ang My Freshmen Series. Please continue reading and following.

=======================================

=================================================


Reminder:

!!!Not for reposting!!! Please? This is a personal story. Not fiction so please do not re-post as your own. Thank you.

Don't forget to follow.'

For suggestions or comments, please feel free to message me at 09213450145 or 09068151127. Thank you.

3 comments:

  1. Yay.
    Freshman Series na!

    Haha, ayan na mga pipol ang pnaka-hihintay nyo.

    ReplyDelete
  2. . . . tulad ng sinabi mo kuya Gel . . .

    this is the most awaited-chapter . .


    sayang naman pala . . hindi nagkatuluyan si Kuya Michael tapos si Gel . . pero at least nagkaroon sila ng maayos na ending [kalungkot nga lang talaga :'( ]


    ahm, i guess ang nagbabalik ay si "Jan" . . .


    sana siya nga, miss ko na luv team nla . .



    Thanks for the update kua Gel . .


    LOVE YOU PO!

    ReplyDelete
  3. nakaka inspire umibig

    thanks sa story kuya gel, di talaga aku makatulog sa kakabasa nito. hehe

    ReplyDelete