Friday, July 8, 2011
My Freshman Series (Part 2... Freshening up)
===============================================
"Di masyadong maayos ang bahay ko pasensiya na ha? Ako lang kasi mag-isa dito." pagpapaumanhin ni Kuya Gilbert.
Nilingon ko siya saka ngumiti.
"Di a. Ganda nga e. Anluwag at ang presko." papuri ko pa sa bahay niya.
Napangiti siya.
"Mabuti naman at nagustuhan mo ang munti kong bahay." sabay muwestra na nagbow at sumaludo.
Tumawa ako sa ginawa niya.
Bigla akong napalingon sa kuya ko na nakatingin pala sa akin. Nakasimangot ito. Alam ko na agad ang nasa isip nito.
Sumeryoso din ako bigla.
"Ilan ang kuwarto mo dito?" agad na tanong ng kuya ko.
Tumingin ako kay kuya Gilbert.
"Isa lang." sabi agad nito.
"Sige. Angelo, dito ka sa baba matutulog ha. Dito ka lang sa sofa. Kaya dapat maaga ka matulog palagi kasi nakakahiya naman kay Gilbert na gising na siya ikaw nakahilata pa." sabi agad ng kuya ko.
Napayuko lang ako.
"Naku wag na. Doon na lang kami sa kuwarto. Malaki naman ang kama ko e." pagpipilit ni Kuya Gilbert.
Agad na nanlisik ang mga mata ng kuya ko. Halos matunaw si Kuya Gilbert sa kinatatayuan niya.
"Sige. Kahit sa sahig na lang siya matulog doon. Kawawa naman siya kung dito siya sa baba. At least doon sa kuwarto komay aircon." pagpipilit ulit ni Kuya Gilbert.
"Hindi. Dito ka Angelo sa sofa. Okay? Mag-electric fan ka na lang." seryosong pahayag ng kuya ko.
"Wala naman akong electric fan e." sabay kamot ni Kuya Gilbert sa ulo niya.
Binuksan ng kuya ko ang bag niya. Kumuha uli ng pera doon saka binigay sa akin.
"Iyan, pambili mo ng electric fan, tsaka panghati mo sa kuryente dito." sabi agad nito sa akin.
Agad ko namang tinanggap ang perang inabot niya sa akin.
Umiling lang si Kuya Gilbert sa ginawa ng kuya ko.
Maya-maya ay may tumawag sa kanya. Base doon ay urgent and kailangang gawin. Agad ay nagmadaling nagpaalam si Kuya Jay sakin.
"O, kailangan na naman ako sa bahay e. O paano? Kapag may kailangan ka sa akin ay magpasabi ka lang kay Gilbert ha?" sabay halik sa noo ko.
Pero yumakap ako sa kanya. Kahit sabihin natin na strikto siya pero alam ko na mahal niya talaga ako at inaalala lang niya ako.
Naramdaman ko rin na gumanti siya ng yakap.
Maya-maya ay kumalas na rin ang kuya ko sa pagkakayakap ko. Tsaka hinarap si Kuya Gilbert.
"Gilbert, pinapaubaya ko sa iyo ang kapatid ko. Sa oras na maospital na naman yan dahil sa iyo at sa ano mo..." sabay turo sa harapan ni Kuya Gilbert. "... alam mo kung paano ka mananagot sa akin."
Namula bigla si Kuya Gilbert sa sinabi ng kapatid ko.
Pagkatapos noon ay nagpaalam na ang kuya ko. Nakita kong may sumundo sa kanyang kotse. Ibinaba niya ang salamin ng bintana at tumingin pa sa akin bago sila sumibad palayo.
Nakatingin pa rin ako sa nilikuan nila bago sila tuluyang mawala sa paningin ko.
Napakabilis na mawala ang kapatid ko sa akin. Parang ilang oras pa lang kaming magkasama pagkatapos ng ilang taong magkahiwalay.
Tumulo na lang basta ang luha ko sa lungkot ng pag-iisip na nawala na naman sa paningin ko ang kapatid ko.
Naramdaman ko bigla ang pag-akbay sa aking balikat ni Kuya Gilbert at masuyong ginulo ang buhok ko.
"Wag ka mag-alala di ba pinangako ko sa iyo na magiging kuya mo ako?" paalala nito.
Iniangat ko ang ulo ko at tiningnan ko siya. Ngumiti ako sa kanya na ginantihan niya rin ng ngiti.
Humilig pa ako sa dibdib niya saka tuluyang ibinuhos pa ang sama ng loob ko. Ipinapasok na lang niya ako sa bahay niya.
Nang medyo tumahan na ako ay pinaupo niya ako sa sofa.
"Okay. Since dito ka na titira sakin, let's make this clear." panimula ni Kuya Gilbert.
Tumitig lang ako sa kanya.
"Una, di ka pwedeng dito matulog sa sofa. Di ko papayagan iyon. Doon ka matulog sa kuwarto. Pero para sa ikapapanatag ng kalooban ni Jay, gagawin ko yung sinabi ko kanina, doon ako sa sahig matutulog." sabi pa nito.
"Kuya nakakahiya naman iyon." pagtututol ko."Ikaw ang may-ari ng bahay e ikaw pa yung mahihiga sa sahig?"
"Oo. Okay lang iyon. Importante ay wag tayong magtabi." sabi pa nito.
Umangat ang kilay ko.
"Bakit ba? Ano ba ang big deal pag magkatabi tayo? Inaalala mo pa ba na baka may mangyari sa akin at maospital ulit ako?" medyo inis kong tanong sa kanya.
Tumahimik muna siya.
"Kuya Gilbert naman. Kung ayaw niyo akong tabihan dahil natatakot kayong may mangyayari sa atin, sabihin niyo. Pero kung meron mang mangyayari sa atin, siguro in the future na natin pag-uusapan yan pero di ako papayag na sa sahig ka matutulog. Mas gugustuhin ko pang sa sofa na lang ako matulog kesa andito ako sa kuwarto mo pero nasa sahig ka naman." medyo galit at inis kong sabi.
Kitang-kita niya sa mukha ko na di ako nagbibiro.
Napakamot na lang siya ng ulo. Alam niyang napakatigas ng ulo ko para kumbinsihin niya ako ng ganun-ganun lang.
Maya-maya pa ay ngumiti na lang siya.
"You win." sabi pa nito.
"Alam ko." sabi ko pa. Saka ako yumakap sa kanya.
Niyakap din niya ako ng mahigpit at ginulo ang buhok ko. Hinalikan ko ang bandang dibdib niya.
"Thanks Kuya." sabi ko pa.
Tumayo na kami at binuhat na niya ang mga bagahe ko papunta sa kwarto niya sa second floor. Inilapag niya ang bag ko sa kama niya.
Pumunta siya sa aparador niya at inayos ito ng konti para magkaroon ng space para sa akin saka nagtanong kung aayusin ko na ba daw ang mga gamit ko.
"Sige Kuya ako na bahala. Thank you." sabi ko pa.
Saka ko mabilis na isinalansan ang mga gamit ko. Dahil di naman masyadong marami ang mga dala kong gamit at damit ay mabilis ko rin itong naiayos.
Napahiga ako sa sobrang pagod. Tumabi din si Kuya Gilbert sa akin sa paghiga.
Dahil sa sobrang pagod ay nakatulog na ako.
=================================================
Reminder:
!!!Not for reposting!!! Please? This is a personal story. Not fiction so please do not re-post as your own. Thank you.
Don't forget to follow.'
For suggestions or comments, please feel free to message me at 09213450145 or 09068151127. Thank you.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
wow nice. i can't help but wonder kung magko-cross ba sila ulet ng boundaries knowing na sila lang ang nasa bahay... nice chapter... can't wait for more!!!
ReplyDeletekeep writing!!
kua gel naman ee ... .!
ReplyDeletehaha . . nambibitin naman eee!
NICE kuya! . . IKAW NA! Lucky!
Thanks po sa update!
[FLYING KISS]
more mr. author!!!! hehehe...
ReplyDeleteWow, I have to say na grabe ang impact ng blog mo. Di ako mahilig magbasa ng tagalog, unless sa text. haha. in fact, first tagalog story to na nabasa ko. I'm not a blogger, either. Napadaan lang ako randomly sa blog mo kasi nabasa ko sa pinoy male stories na nakapost yung buong series mo dito. At napunta lang ako sa site na yun kasi naghahanap ako ng pictures ni Daniel matsunaga. wahaha. XD Akalain mo nga naman, ilang oras ako nakatunganga sa laptop ko since kahapon para basahin ang story mo from start to finish. Nalate ako sa pasok ko kaninang umaga dahil sa kakabasa kagabi tapos paguwi ko ngayon, tinapos ko yung natirang chapters.
ReplyDeleteI just have to say that what you're doing is really impressive. To lay out your life experiences like that for the world to read. (Or at least the Filipino world kasi it's in tagalog, haha). You're a talented writer. I'm no expert in literature so personal opinion ko lang yun pero kasi you're able to write down your emotions and make your readers feel all that you're going through. Kung masaya si Gel, nakangiti ako, nung mga break-up scenes, naiyak ako. And you write smut so well. haha.
Ah, basta. Sorry ha, ang haba ng comment ko. I just wanted you to know that there's someone here who's a new fan of yours. Keep posting, please. Nasa Favorites bar ka na sa browser ko. :D
-Drake
*Haha.. napagawa pa ko ng LJ account para lang mag comment. XD
@princedrake14... sorry if i was not able to reply to your comment right away. I am really thankful that you spent time expressing your thoughts regarding my blog. I'm so touched that you really like it. Thank you so much. You gave me an additional reason to continue writing. Mwah.
ReplyDeleteHEHEHE!
ReplyDelete[grin on my face]