Friday, July 1, 2011
My Freshman Series (Part 1... A Fresh Start)
At last.... nasimulan din... whew!
========================================
Sa tagal kong panahon na di siya nakita akala ko ay hinding hindi ko na makikita pa ang mukha niya. Natulala ako nang makita ko siya. Akala ko tuloy ay nananaginip lang ako. Agad kong binuksan ang pinto at sumugod ng yakap sa kaniya.
"KUYA!!!!" halos pabulalas kong sigaw sa kanya. Di ko napigilang umiyak.
Halos ilang taon ko na ring di nakikita ang kapatid ko. Palibhasa ay sa lola namin siya nakatira kaya bihira ko siya makita. Ilang taon ko na ring di nalalaman kung ano na ang nangyayari sa kaniya. Palibhasa, gusto nina Mama at Papa na kami ang pumunta doon pero simula noong nagkaroon sila ng alitan dahil nga gusto nina Mama at Papa na pauwiin na si Kuya, sobrang nagalit sina Lola. Dahil nga sa ayaw na nila ng gulo, hinayaan muna nila si Kuya na pansamantalang doon. Bini-bisita din nila ito paminsan-minsan.
Ang tanong, bakit di nila ako sinasama. Kasi natatakot sila na baka pati ako ay pagka-interesahan nina Lola.
Ang kapatid ng Lola ko ay tumatakbong Governor ng Iloilo. Kasalukuyan ay Vice-Governor pa lang siya. Mahilig sila magpakita sa mga tao na may mga apo silang magagaling sa iba't ibang larangan. Ang kuya ko palibhasa ay magaling sa pagpinta at pagkanta ay di naman gaanong biniyayaan ng talino at sipag sa pag-aaral. Pero dahil nga kailangan ng Lola ko ng mga apong magaling sa iba't ibang larangan, ay kinupkop din si Kuya at pinapalabas sa mga tao na apo iyon ng kapatid niya.
Hay...
Sa kadahilanang ayaw ng mga magulang ko na pati ako ay kunin dahil kung tutuusin sa lahat ng mga apo at kaanak nila, lahat yata ng larangan ay kinakitaan ako husay. (Sorry if I sound too proud... pero yun po kasi ang explanation... *wink) Mas posible na ako ay kukunin din. Ang mas malala pa doon ay ang kuwento daw ng Mama at Papa ko ay mahina daw ang pag-iisip ko at katawan kaya di pwedeng palaging ibiyahe. Di ko tuloy alam kung kinakahiya ako o pinuprotektahan e.
Pero ang kuya ko ay halos limang taon ko nang hindi nakikita. Magsisimula pa lang ako sa high school samantalang siya ay magtatapos na sa taong ito.
Huli ko siyang nakita ay noong pumunta kami ng family reunion noong nasa Grade 2 ako. Sabi ng mga magulang ko ay wag daw ako makipag-usap kahit kanina kaya nasa sulok lang ako at kumakain. TAuloy napanindigan ako na merong sira sa pag-iisip. Doon ko huling nakausap ang kuya ko. Pero saglit lang dahil inagaw agad ng lola ko. Ang sabi ng Mama ko takot daw ang lola ko na mahawa ang Kuya ko sa pag-iisip ko. Huhuhu.
Pero ngayon heto siya sa harap ko. Di na siya yung batang naalala ko. Mas lalo na siyang tumangkad. Moreno man ang kulay niya pero halatang nag-mature na siya at mas pumogi.
Siguro nasa 5'9 na siya ngayon at medyo may hubog na ang katawan niya. Ramdam ko sa yakap niya parang ang tigas na ng katawan niya.
Nang tumahan na ako sa kakaiyak ay inilayo niya ng konti ang katawa ko at tinitingan ako mula ulo hanggang paa.
Saka ngumiti.
"Anlaki mo na ah. Di na kita kilala o." sabi agad nito.
Habang pinupunasan niya ang luha ko sa mata ay tinitigan ko siya. Kahit di kami masyadong naging close dahil malayo siya sa akin ay ramdam ko pa rin na magkapatid kami at kahit anong mangyari ay merong connection sa aming dalawa.
"Namiss ko talaga ang kapatid ko." sabay yakap uli ng kuya ko sa akin.
"Namiss din naman kita e." malambing kong sabi sa kanya.
Agad na pumasok na kami sa kotse. Lumipat siya sa likod para naman makapagkuwentuhan kami. Nagmukha tuloy driver si Kuya Gilbert.
"Paano ka palang andito?" bungad ko.
Tumingin muna siya kay Kuya Gilbert. KIta kong sumulyap din si Kuya Gilbert sa rearview mirror. Saka humarap sa akin si Kuya Jay seryoso ang mukha.
"Alam ko kung ano ang nangyari sa inyo nina Mama at Papa at kung ano ang nangyari sa Capiz. Nakuwento sa akin ng mga pinsan natin ang nangyari. Mabuti na lang at alam ni Gilbert kung saan ka." tsaka tumingin uli siya kay Kuya Gilbert.
Nagtaka ako bakit parang kilala nila ang isa't isa.
"Magkakilala kayo?" agad kong tanong.
Lumingon sa amin si Kuya Gilbert at ngumiti.
"Si Gilbert ay dati ko nang kaibigan. Ang Daddy niya ay tumatakbo din sa pulitika di ba? Isang partido lang sila ni Lolo. Dati ko na siya nakakausap at naikuwento din niya sa akin ang detalye."tumingin uli siya kay Kuya Gilbert.
Bigla akong natakot. Ano ang mga naikuwento ni Kuya Gilbert sa kanya?
"Naikuwento din niya na sa kanila ka daw titira?" tanong nito.
Tumango ako.
"Tsk. Akala mo naman papayag ako?" agad na sabi nito.
Seryoso ang mukha niya.
"E alangan naman umuwi ako sa atin? E di nabugbog pa ako ni Papa." sabi ko naman.
"Oo nga e. Galit pa siya sa iyo ngayon e."
Natahimik ako.
"Pero hindi naman ako papayag na doon ka kina Gilbert titira. Lalo na at may ugnayan kayong dalawa." sabi pa nito.
Nanlaki ang mata ko. Napatingin ako kay Kuya Gilbert. Tahimik lang siya.
"Wala a." agad kong depensa
"Yung totoo?" paniniguro ng kapatid ko.
"Wala. Magkaibigan lang kami." diin ko pa.
"Walang nangyari sa inyo?" agad na tanong ng kuya ko.
Natigilan ako. Napalagok. Lagot ako, halatang pati iyon ay ikinuwento na ni Kuya Gilbert sa kanya.
Sandaling katahimikan ang bumalot sa loob ng kotse.
"Pero di ako magagalit. Bata ka pa at nasa stage ka pa ng pag-uunawa sa sarili mo. Siguro nga kung bading ka, wala na tayong magagawa doon. Aaminin ko sa una ay na-shock ako. Pero kung pati ako ay tatalikuran ka dahil lamang doon, wala nang matitira sa iyo." pahayag pa nito.
Bumuntung-hininga muna siya saka nagpatuloy.
"Aaminin ko naisip ko rin na kahit papaano ay kasalanan namin iyon. Walang lalaking nag-guide sa iyo. Alam ko si Papa at Mama palaging wala. Ako naman ay wala din sa bahay. Sino ba naman ang mga kaclose mo kundi ang mga teachers mo. Siguro... baka lang... naisip ko... naghahanap ka lang ng kalinga at pagmamahal ng isang tatay o kuya na hindi namin naibigay sa iyo." sabi pa nito.
Natigilan ako sa sinabi niya. Naisip ko, di kaya posible iyon. Dahil palagi ko rin naman naiisip na parang kapatid o tatay ko ang mga lalaki na naging malapit sa akin.
Tumingin ako ka Kuya Gilbert. Parang kuya ko nga siya. Sina Jan, Ralph, Hikes at Jayson para ko ring mga kapatid kahit na may mga nangyari sa amin. Di kaya tama ang sinasabi ng kapatid ko.
"Naisip mo rin ba iyon?"
Napatango ako sa sinabi ng kapatid ko.
"Well, siguro nga. Pero ang problema natin ngayon ay kung saan ka mamamalagi." agad na baling ni Kuya Jay.
"Pwede naman siya sa akin e." sabi agad ni Kuya Gilbert.
Agad na sumimangot ang kuya ko.
"Pagkatapos niyang maospital dahil sa ginawa niyo? May balak ka pang ulitin yun?" asik ni Kuya Jay kay Kuya Gilbert.
"Tapos na sa amin yun. Nagkaintindihan na kami ni Angelo. Parang magkapatid na ang turingan namin. So kung ang turing niya sa akin ay parang ikaw, sa tingin mo ba ay may mangyayari ulit sa amin? At saka naman may isang salita ako. Di na mauulit iyon. Kapatid ang turing ko diyan. Yun lang." diin pa ni Kuya Gilbert.
Parang may dumiin sa dibdib ko sa sinabi ni Kuya Gilbert. Medyo nasaktan yata ako at nadis-appoint.
Tumahimik si Kuya Jay. Nag-iisip.
"Sige... pansamantala lang ay doon ka. Oras na may nalaman akong kakaibang nangyayari sa inyo, mananagot ka sa akin, Gilbert." seryosong babala ng kuya ko.
Dumukot si Kuya Jay sa bag niya. Binigay niya sa akin ang isang envelope. Agad kong binuksan iyon. Passbook.
Kumunot ang noo ko sa nakita ko.
"Kuya, para saan ito?" agad kong tanong sa kuya ko.
"Ipon ko yan. Yung iba naman ay hiningi ko kina lola. Sinabi ko na kailangan mo ng tulong ko. Di naman sila makahindi. Gamitin mo muna para di naman lahat ay sagot ni Gilbert."
Tiningnan ko ang laman ng passbook. Nagulat ako na may nakalagay doon na P30,000.00.
"Kuya, anlaki nito." sabi ko sa kanya. Ibabalik ko sana pero pinigilan niya ang kamay ko.
"Malaki yan para sa iyo. Pero balang araw maiintindihan mo na maliit pa yan sa mga pagkukulang namin sa iyo." sabi pa nito.
Nagtaka ako sa sinabi niya.
May kinuha pa siyang sobre sa bag niya. Medyo makapal. Ibinigay kay Gilbert.
"Gilbert o. Panggastos niyo. Para di maging pabigat sa iyo si Angelo." sabi ng kapatid ko habang ibinibigay ang sobre kay kuya Gilbert.
"Wag na. Kaya ko pa naman e. Kahit di mo ako bigyan ay aalagaan ko si Angelo." tangging-tugon ni Kuya Gilbert.
Di nakinig ang kapatid ko. Nilapag pa rin sa tabi ni Kuya Gilbert ang sobreng may pera.
Habang nagbabiyahe kami papunta sa tinitirhan ni Kuya Gilbert ay nagkuwentuhan kami ni Kuya Jay. Kinuwento niya kung paanong palagi siyang sinasama ni Lolo sa mga out of town nito. Pinapakanta pa siya sa harap ng mga constituents nito, sa mga plaza, sa provincial capitol. Palagi din daw siya pinagyayabang ng lolo namin. Sa katunayan daw ay meron siyang limang paintings na nilagay ni Lolo sa opisina nito sa kapitol. May mga mahigit tatlong dosenang painting din daw siya na nai-donate ni Lola kung hindi man sa mga simbahan ay sa mga paaralan.
Alam naman daw niya na para lang siyang ginagamit ng lolo ko sa pangangampanya nito pero okay naman daw kasi di naman siya napapabayaan. Kaso daw bihira lang talaga sila umalis ng bahay. Hatid-sundo pa sa school nito. Wala din daw siyang ibang kaibigan maliban sa mga anak at apo ng kapartido ng lolo ko sa pulitika.
Maya-maya pa ay bumagal at tumigil na ang kotse.
"Dito na tayo." sabi ni Kuya Gilbert.
Agad akong dumungaw sa bintana at tiningnan ang katabi namin.
Isa itong bahay na may dalawang palapag. Medyo maganda ang istruktura ng bahay. May garden pa.
Agad akong bumaba ng kotse. Ibinaba na rin ni Kuya Gilbert ang bagahe ko.
"Kuya, ang ganda naman ng bahay mo." agad na sabi ko sa kanya.
" Buti naman at nagustuhan mo." sabi ni Kuya Gilbert.
"Home sweet home." bati pa nito sa akin.
Agad ay pumasok na kami sa gate padaan sa maliit na garden tapos papasok sa bahay nila. Medyo maaliwalas ang loob ng bahay. Dinama ko ang presensya ko sa loob ng sala nila. Pinakiramdaman mabuti ang sofa. Ito ang magiging bahay ko... di ko lang alam kung hanggang kelan.
=================================================
Reminder:
!!!Not for reposting!!! Please? This is a personal story. Not fiction so please do not re-post as your own. Thank you.
Don't forget to follow.'
For suggestions or comments, please feel free to message me at 09213450145 or 09068151127. Thank you.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Haha. Akala nila si jan, di pala.
ReplyDeleteKuya Gel, an' swerte mo sa kuya mo. ^_^
Salamat at nakapag-post pokayo nayon!
Kompleto na agad ang araw ko.
GodBless!
This comment has been removed by the author.
ReplyDeletehaha :D akala ko po si jan . kinabahan ako . salamat po sa pagpopost . ang tagal ko din tong hinintay. magkikita pa po ba kayo ni jan ? sana naging kayo na lang . si ivan kasi e . goodluck po .
ReplyDeleteOo nga! May point po kayo dun! Kasalanan tong lahat ni Ivan!
ReplyDeletePero. Kung di rin dahol sa kanya, hindi makikilala ni Angelo sina, Ralph,Hikes,Jason,Romeo,Dan at Michael.
Grabe, bilib talaga ako, sa isang summer naka-sampung lalaki si Angelo.
Idol talaga!
:-D
NICE kua gel . .
ReplyDeletenadagdagan tuloy curiosity ko sa mga susunod pang mangyayari . .
I Luv u kua Gel!
[FLYING KISS]
oo nga @batang 14 :D agree agree :) haha . astig ni KUYA GEL no >:) ang cool ng story kahit na medyo may xrated ang dating ng ibang words ayos lang . haha :D sana talaga kayo na lang ni JAN :) mas nauna siya sayo . . .
ReplyDeleteGuys... thanks for liking ha... anyways... napansin ko may nagkakadevelopan sa mga readers ko ha.... si batang14 o.... uyyy..... may loveteam na...
ReplyDelete@Kuya Potz, oo nga e, lakas talaga siguro ng sex appeal ng batang angelo na yan. Hahaha, kutob ko nga eh, may mangyayari sa kanila ni gilbert sa bahay nito. Hahaha. >:]
ReplyDelete@darkangel, Hala?!
Anung nagkadevelopan? Wala PA ah!
Hahaha, si Angelo ang gusto ko. :-P
@batang14 :D yeah . PARANG . magkasama sa bahay e . malakas pa naman ang tukso kay kuya gel :DD haha /
ReplyDelete- - - - -
lol. KUYA GEL . haha .