Tuesday, June 14, 2011
My Seminary Series (Part 28, Letting Go, Letting Him Live, Letting Him Leave)
========================================
I always believe in the cliché: "Kapag nawala na sa iyo ang isang tao, doon mo lang mapapatunayan kung gaano siya kahalaga sayo. Pero doon mo rin maiisip na sana ginawa mo ang lahat ng puwede mong gawin para lang sana di na siya nawala."
Ganito ang naiisip ko ngayong sinusulat ko ang nalalapit na pagtatapos ng seryeng ito. Pilit kong iniisip kung ano nga ba ang dapat na natutunan ko na sa lahat ng mga nangyari sa akin.
Si Jan, minahal ko pero pinakiusapan ko na maging magkaibigan lang kami para di na kami mawala sa isa't isa kapag nalaman ng mga magulang niya na kami. Pero dahil sa labis na pagmamahal namin sa isa't isa at gusto man niyang panindigan ang nararamdaman niya sa akin, mas lalo pang nasira nang tuluyan ang pagsasamahan namin.
Si Ivan, muntikan ko nang mahalin. Hinayaan kong malupig ng kaguwapuhan at kabaitan niya pero sa huli ay lumabas ang kasamaan ng ugali nito na nagdulot ng pagkawala sa akin ng lahat ng mahal ko sa buhay lalo na si Jan.
Si Ralph, na sa una mang pagkakataon ay alam ko nang gustong-gusto ko na. Nagkaaway man ay nagkaayos pa rin at kalaunan ay naging isang tunay na pag-ibig. Di man ako sigurado kung minahal man talaga niya ako o hindi, isa lang ang alam ko, totoo ang mga naiparamdam ko sa kaniya. Pero sadyang malupit ang panahon. Kung kelan ko siya pinabayaan, saka nangyari ang di dapat mangyari. Sa pagiging seloso ko, na dapat sana kahit papaano ay nabantayan ko ang bawat kilos niya at di ko siya pinabayaan, di sin sana ay magkasama pa kami ngayon. Pero dahil sa kaartehan ko, di ko man inasahan, pero mas malala ang paglalayo namin.
Heto na ako, tatlong araw matapos umalis si Ralph ay nakahilata pa rin sa klinika ng seminaryo. Ang aking kalagayan ay lumala pa dahil sa sobrang depresyon. Sabi nga ng doktor ay depresyon nga ang dahilan nito. Sa pagkaalala ko noong bata ako ay meron na akong ganitong kalagayan. Kapag akoý nalulungkot lalo na kapag pinapagalitan ako ay nanghihina at nahihimatay ako. Minana ko daw ito sa Mama ko. Ngayon, ayoko munang dumilat. Di lang dahil sa masakit ang mata ko pero dahil ayokong dumilat sa katotohanan na wala na ang pangalawang taong minahal ko.
Araw-araw ay binibisita ako ng mga kaibigan ko sa seminaryo. Wala ni isang araw na di nila ako dinadalaw at kinukumusta. Natutuwa man ako kapag nakikita ko sina Jayson at Hikes dahil kahit papaano ay naaalala ko ang masasayang araw namin ni Ralph. Pero dahil din doon ay nalulungkot ako. Naiinggit. Kung sana naging mas mabuti pa akong kaibigan di nangyari iyon.
Si Kuya naman ay mga tatlong beses sa isang araw dumalaw. Palagi niya akong kinakausap kahit di ko dinidilat ang mga mata ko.
"Siyangapala, kinuha ko na ang number ng Kuya Gilbert mo kay Father Ric. Nasa contact person mo daw yun sa file natin. Umuwi daw siya sa probinsiya nila sa Dumarao kaya pupuntahan ka na lang niya kapag nandito na siya." pagbabalita pa ni Kuya Dan.
Tumango lang ako.
Si Kuya Michael naman ay minsan lang dumalaw pero matagal. Dahil wala na siyang ginagawa sa oras sana na magkasama kaming tumutugtog sa music room ng organ.
"Kumusta ka na?" bungad nito isang araw.
"Heto. Naghihintay na mamatay." walang halong biro kong sabi.
"Tsk. Gel, wag ka namang ganyan. Di magandang biro yan." sabi pa nito. Halatang inis na.
"Alam ko. Di naman yun biro e. Sana nga magkatotoo na." diin ko pa.
"Wala ka bang pagpapahalaga sa buhay mo?"
"Bakit ikaw Kuya? May pagpapahalaga ka ba sa buhay ko?" balik ko pa sa kanya.
"Oo naman. Para nga kitang nakababatang kapatid di ba?"
"Sabi mo e." sarkastiko kong sagot.
Nasasaktan ako sa sinasabi ko sa kanya. Kahit papaano ay ayokong sabihin ang mga salitang iyon pero ayoko munang andiyan si Kuya Michael palagi sa tabi ko. Simula nang mawala si Ralph ay palagi kong iniisip ang sinabi nito.
"May gusto si Kuya Michael sa iyo."
Sa kaguwapuhan ni Kuya Michael dapat ay parang humahaba na ang buhok ko noon. Pero anong magagawa ko kung hetong parang biniyak na buko ang puso ko. May karapatan pa ba akong magmahal? What if pinayagan kong andito palagi si Kuya Michael? Tapos mainlove na naman ako sa kanya dahil nauna ko siyang nagustuhan kesa kay Ralph. Tapos? Anong mangyayari? Mawawala din siya gaya ni Ralph? Mahahawa na naman siya sa kamalasan ng tulad ko?
Tama na ang kamalasan na naidudulot ko sa mga tao. Tama na.
"Bakit ba ganyan ka na sa akin? Di ba close naman tayo dati?" inis na na sabi pa nito.
"Di naman e." pang-iinis ko pa.
"Sinasabi mo lang yan pero alam ko na alam mo na may namamagitan sa atin noon."
Na-shock ako sa tinuran nito.
"Namamagitan??" halos papiyok kong tanong.
"Wag ka magmaang-maangan. DI porke di mo naibubukas ang mata mo ngayon ay sarado na rin pati ang puso mo." galit na ang boses nito.
Mabuti na lang di ako dumidilat at least di ko nakikita ang mukha niyang galit.
"Alam ko na noong una tayong nagkita sa Music Room ay may gusto ka sa akin." dugtong pa nito.
Napatawa ako ng sarkastiko.
"Ang hangin naman dito." sabi ko.
Tumahimik muna siya saglit. Naramdaman ko na lang na umupo siya sa gilid ng kama ko.
"Ano'ng ginawa mo sa kaibigan ko?" sabi niya.
Pinakinggan kong mabuti ang boses niya. Bakit ganoon parang nag-iba.
"Di ka naman dating ganyan a. Dahil lang ba sa isang lalaki ay magkakaganyan ka?" sabi pa nito.
Dun ko napagtanto na umiiyak na siya. Kaya pala parang may bumabara sa lalamunan niya.
Gusto kong idilat ang mata ko para tingnan siya pero ayokong makita siyang umiiyak. Gusto kong panindigan iyon para lumayo na siya sa akin.
"Gel, bumalik ka na please? Ayokong ganito ka. Gusto ko yung masayahin na Angelo na kaibigan ko. Yung tanging galit at lungkot niya ay sa pagtugtog na lang niya nilalabas. Yun ang Angelo na gusto ko." papiyok-piyok pa nitong sabi habang umiiyak.
"Kuya... sorry." natibag din ang bato kong puso.
"Gel... please? Stop this. Wag kang ganyan. Marami kaming nagpapahalaga sayo. Kahit na sa konting time lang na magkakilala tayo ay napalapit ka na sa amin. Sana alalahanin mo na may mga kaibigan kang andito para sa iyo."
"Kuya Michael..."
Unti-unting tumulo ang luha sa mata ko.
Naramdaman ko ang kamay niya na pinunasan iyon.
"Gel... hayaan kong punan ko si Ralph sa buhay mo." sabi pa nito.
Kumunot ang noo ko. Di ko maintindihan ang ibig niyang sabihin.
"Kuya, anong sinasabi mo?" tanong ko sa kanya.
"Hayaan mong ako muna si Ralph." ulit pa nito.
Sandaling katahimikan ang bumalot sa kuwarto.
Maya-maya ay narinig kong naglalakad na siya palabas.
Agad ay naguluhan ako sa sinabi at inasta niya. Mas lalong sumakit ang ulo ko kaya nakatulog na naman ako. O nahimatay yata ako. Di ko na alam kung alin doon.
=================================================
2 more chapters to go for My Seminary Series then My Freshmen Series na. I decided to change the title kasi masyadong mahaba kapag buong high school iyon. Meron pa naman in between years hehehe.
May magbabalik... sino kaya?
=================================================
Reminder:
!!!Not for reposting!!! Please? This is a personal story. Not fiction so please do not re-post as your own. Thank you.
Don't forget to follow.'
For suggestions or comments, please feel free to message me at 09213450145 or 09068151127. Thank you.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
intriguing namn ang last part...hehehe...
ReplyDeletenaks . .
ReplyDeletebaka si Jan?
o kaya si Kuya Gilbert pala , galing sa probinsiya ? :D LOL
Nice Author! Keep it Up!
sino nga kaya?
ReplyDeleteang ganda talaga!!
ang labo naman ni micheal..tsk3!
ReplyDeletesinu kaya ung unexpected na nakita mo sa pagbukaqs ng mga mata mo? hmmmm...