Copyright

myfreecopyright.com registered & protected

Wednesday, June 8, 2011

My Seminary Series (Part 25, An Unexpected Closure)


Ralph's look-alike

Obviously, this will have a relevance to him.

==========================================

Nagising na lang ako na nasa clinic na ako. Nakaswero na ako. Agad kong tiningnan ang paligid ng clinic. Agad kong nakita si Kuya Michael at Kuya Dan na nasa baba ng kama ko at nag-uusap. Iaangat ko sana ang ulo ko pero agad na sumakit iyon. Napapikit ako sa sakit.

"Kuya..." ungol ko agad.

Dinig ko na lumapit silang dalawa.

"Gel... musta ka na?" alam ko si Kuya Michael iyon.

"Masakit po ang ulo ko." tanging nasagot ko.

"Kuya Dan, patawag naman ng doctor." pakisuyo ni Kuya Michael.

"Sige."

Agad kong narinig na tumakbo papalabas si Kuya Dan at kasama na ang doktor.

Naramdaman ko kaagad ang kamay ng doktor sa pulso ko at ang malamig na bakal na bilog na lumapat sa dibdib ko.

"Dok?" agad kong tawag.

"Yes, iho. Ano'ng nararamdaman mo ngayon?" agad nitong tanong.

"Masakit po ang ulo ko at ang mata ko. Di ko po kayang idilat." mangiyak-ngiyak kong sagot.

"Saan banda ng mata mo ang masakit?"

"Dito po." agad kong tinuro ang magkabilang gilid ng mga mata ko. Malapit sa tenga.

"E ang ulo mo. Saan sumasakit?"

"Dito po." hinimas ko ang bandang sentido. Hinimas ko rin ang nasa gawin batok ko.

"Para ka bang naduduwal?"

"Opo." tumulo na ang luha ko. Natatakot ako sa malalaman ko.

"Sige. Magpahinga ka muna. Kapag di na masyadong masakit ang ulo mo ay saka lang natin gagawin ang mga lab exams mo." sabi agad nito sabay tapik sa balikat ko.

"Doc, ano po ba ang nangyayari sa akin?" naiiyak ko nang tanong.

Naramdaman ko agad na may humawak sa pisngi ko at pinahid ang luha ko. Sa liit ng daliri noon alam ko kay Kuya Michael iyon.

"Di ko pa sigurado. Kaya isasailalim kita sa iba't ibang tests kapag di na masakit ang ulo mo. Sa ngayon magpahinga ka muna." rinig kong sabi ng doktor.

"Sige po, kami na ang bahala dito." rinig kong sabi ni Kuya Dan.

Pagkaalis ng doctor ay tuluyan na akong humagulgol. Inaalo ako ni Kuya Michael.

"Gel, it will be okay. Wag kang mag-alala. I'm sure na-over-fatigue ka lang." pagpapalakas pa ng loob ko ni Kuya Michael.

"Oo nga. Wag mo masyadong isipin iyon. Baka mapaano ka pa." dagdag pa ni Kuya Dan.

Sa kakaiyak ko ay napagod ako at nakatulog.

-------------------------------------

Pagkagising ko ay agad akong dumilat. Agad na sumakit ang mata ko. Napangiwi ako sa sakit.

Naramdaman ko kaagad na may humawak sa braso ko.

"Musta ka na? Okay ka na ba?" rinig kong tanong ni Hikes.

Umiling ako.

"Ano'ng oras na?" tangi kong naitanong.

"4:35 pa lang." sabi ni Hikes.

"Pinakiusapan namin si Father Ric na kung pwede ay dito muna kami today at magbabantay sa'yo. Okay lang daw." si Jayson.

"Salamat ha?" tumulo ang luha ko ulit.

Agad na may humimas ng noo ko.

"Wag kang mag-alala, sabi ng doktor kanina nung tulog ka, mga dalawang araw lang daw at makakalabas ka na dito." si Hikes.

"Sana nga." sabi ko.

"Ano ka ba? Ipagdadasal ka namin." sabi naman ni Jayson.

---------------------------------------

Mga dalawang araw na ang nakalipas at unti-unting nawawala ang sakit ng ulo ko. Sabi ng doktor ay wag ko raw bubuksan muna ang mata ko pansamantala. Nilagyan din ng benda ang mata ko para di masyadong maliwanag. Para akong bagong operang bulag.

Ganoon lang ang nangyayari sa araw-araw, bumibisita si Kuya Dan tuwing umaga. Si Kuya Joseph naman at Kuya Romeo ay salitang nagbabantay sa gabi. Sina Hikes at Jayson naman ay sinasamahan ako tuwing tanghali at hapon. Si Kuya Michael naman ay pumunta at tinutugtugan ako sa oras na dapat ay nageensayo kami ng piano.

Pero sa dami nang mga nag-aalala at nagbibisita sa akin, tanging si Ralph lang ang hindi pumunta. Nagtaka man ako pero di ako nagtanong sa kanila.

Di ko alam na ang tanong ko pala ay malapit nang masagot.

------------------------------------------

Nagising ako kinabukasan dahil may narinig akong nagbubulungan sa tabi ko. Alam ko sina Jayson at Hikes yun.

"Ikaw na magsabi sa kanya pagkagising niya ha?" si Jayson.

"Bakit ako?" si Hikes.

"Basta, ayokong sabihin sa kanya e." si Jayson ulit.

"Ang alin?" agad kong tanong sa kanila.

Natigilan sila nang malamang gising na pala ako at narinig ko sila.

"Ano yun?" ulit ko pa.

Di pa rin sila sumasagot.

"Jayson, Hikes. Please? Kung may gusto kayong sabihin sa akin, please sabihin niyo na. Maawa na kayo please?" pagmamakaawa ko sa kanila. Masama ang kutob ko.

"Ahhmmmm... Gel... Wag ka sanang mabibigla huh?" panimula ni Jayson.

"Sabihin mo na, please?" pamimilit ko pa. Pero halos mamamatay na ako sa kaba.

"GAnito kasi, si Ralph kasi." si Jayson, halatang kinabkabahan.

"Bakit? Ano'ng nangyari sa kanya?" gulat at kaba kong tanong.

"Pinaaalis na siya ng seminaryo." si Hikes na ang tumuloy.

"ANO?!!" napasigaw ako sa sinabi ni Hikes.

"Bakit? Ano'ng nangyari? Bakit siya pinaaalis ng seminaryo?" bumangon na ako sa pagkakahiga ko.

"Gel, wag ka munang bumangon. Baka mapaano ka." agad na dulhog ni Hikes, hinawakan ako sa balikat para humiga/

"Okay lang ako. Please Hikes, bakit pinaaalis si Ralph sa seminaryo?" pagmamakaawa kong tanong.

"Nahuli kasi siya na may ka-sex na babae sa CR ng kumbento kagabi. Isa daw yun sa mga kasama sa sagala sa santacruzan. Nahuli daw sila ng isang Lay Minister. Agad daw silang sinumbong kay Father Alex at Father Ric. Di daw katanggap-tanggap ang ginawang iyon ni Ralph kaya pinaaalis na siya ngayong araw na'to." pagkukuwento ni Hikes.

"Di totoo yan. Di pwedeng mangyari to. Saan si Ralph? Gusto ko siyang makausap. Gusto kong marinig sa kanyang hindi totoo ito." naghihisterical ko nang sabi. Gusto ko nang sumigaw pero pinigil ko iyon.

"Totoo iyon."

Natigil ako sa narinig kong boses. Si Ralph. Agad na nawala ang galit ko sa kanya. Napalitan ng awa at lungkot.

"Pwede niyo ba kaming iwan muna?" tanong nito na alam ko patungkol kina Hikes at Jayson.

Narinig kong lumabas sina Jayson at Hikes at isinara ang pinto.

"Musta ka na?" agad na bungad nito.

"Ano ba sa tingin mo?" pabalang ko pang sagot.

"Galit ka ba sa akin?"

"Kanina, oo. Pero ngayon hindi na." agad na pumatak ang luha ko.

Naramdaman ko na lumapit siya at umupo sa tabi ko. Hinawakan ang pisngi ko at pinahid ang luha ko.

"Totoo ba ang sinabi nina Hikes at Jayson? Na aalis ka na?" halos di ko masabi ang tanong ko.

"Oo e." tipid nitong sagot.

"Bakit mo ginawa 'yon?" tanong ko pa.

Natahimik siya. Di makasagot.

"Mahal mo ba siya?" agad kong tanong kahit na ayaw kong malaman ang sagot.

"Hindi." agad niyang sagot.

"E bakit mo ginawa sa kanya?"

"Natukso lang ako. Alam mo namang wala pa akong karanasan sa babae di ba?" sabi pa nito.

"Akala ko ba ako ang mahal mo?" halos mangiyak-ngiyak kong tanong.

"Sabi ko di ko pa alam di ba?"

Bumuhos agad ang luha ko sa sinabi niya.

"Pero hindi mo talaga siya mahal?" pagkukumpirma ko pa.

"Hindi nga." inis na sabi pa nito.

"E sino ang mas mahal mo sa amin?"

"Ikaw... siguro ikaw." pautal-utal nitong sagot.

"Hindi ako." matigas kong sabi.

"Huh?"

"Hindi ako ang mahal mo. Dahil hindi mo gagawin sa iba iyon. Tsaka nadala ka lang sa mga pangyayari. Siguro nadala ka noon sa libog mo, at dahil sa sobrang close natin. Pero ngayon ko naisip na di mo pala talaga ako mahal maliban sa kaibigan."

Ako din ang nasaktan sa sinabi ko. May kung anong kirot akong naramdaman sa dibdib ko. Masakit man ang sinabi ko pero iyon ang totoo. Ngayon ko lang napagtanto. Isa lang siyang kahibangan na kailangan ko nang kalimutan.

"Baka nga." iyon lang ang nasabi niya.

Parang punyal na tumarak sa dibdib ko ang sinabi niya. Kahit ako mismo ang nagsabi noon masakit pa ring marinig na sumasang-ayon siya.

Tumulo lang ang mga luha ko. Hinayaan ko lang ito.

Hinawakan niya ako sa pisngi at naramdaman kong dumampi ang labi niya sa labi ko.


=================================================


Reminder:

!!!Not for reposting!!! Please? This is a personal story. Not fiction so please do not re-post as your own. Thank you.

Don't forget to follow.'

For suggestions or comments, please feel free to message me at 09213450145. Thank you.

1 comment:

  1. i dont like the character of ralph dito...but i dont want to be judgemental..putol pa kc ang kwento..

    ReplyDelete