Copyright

myfreecopyright.com registered & protected

Friday, June 10, 2011

My Seminary Series (Part 26, Letting Go)


Ralph's look-alike

==============================================

Matagal na naglapat ang mga labi namin. Umangat pa ang kamay niya at hinawakan ako sa batok. Masuyong hinagod niya ito. Punong-puno ng pagmamahal ang halik na iyon. Ramdam ko talaga na mahal niya ako dahil lang sa halik na iyon. Parang mapuputol ang hininga ko nang tumigil siya.

Matagal niya akong hinawakan sa magkabilang pisngi at alama kong tinitigan ako.

"Siguro naman di ka nagdududa na mahal kita." mahinang sabi pa nito. Nagulat ako nang may maramdaman akong pumatak sa braso ko. Alam ko luha iyon.

Kahit na nakatakip pa ang mga mata ko ay hinawakan ko ang pisngi niya. Andun pa ang bakas ng luhang kakatulo pa lamang. Pinahid ko iyon at hinalikan.

"Ralph, pwede mo ba akong tulungan?" malambing na sabi ko sa kanya.

"Saan?"

"Pwede mo bang tanggalin ang nakabenda sa mga mata ko?" pakiusap ko sa kanya.

"Teka lang. Pwede na ba? Baka naman pagalitan ka ng doktor. Baka lumala pa ang sakit mo." nag-aalangang sabi pa nito.

"Ralph, aalis ka na di ba? Gusto ko makita muna kita kahit sandali bago ka mawala sakin." umiyak ulit ako sa sinabi ko. Masakit na isipin na mawawala na ang taong minahal ko.

Sandali muna siyang natigilan bago ko naramdaman ang mga kamay niya na tinatanggal ang benda ng mata ko. Kahit nakapikit ako ay aninag ko na wala na ang benda sa mata ko. Dahan-dahan kong binuksan iyon. Nakakaramdam ako ng kirot. Napapangiwi ako.

Hinawakan ako ni Ralph sa kamay.

"Gel, wag mong pilitin. Baka mapaano ka niyan." pag-aalala pa nito.

"No, kaya ko to." pagmamatigas ko pa.

Pinilit ko ulit na buksan ang mata ko. Di ko ininda ang sakit ng mata at ulo ko kapag dinadahan-dahan kong buksan ang mga mata ko. Sa wakas ay naibuka ko rin ng konti ang mga mata ko. Malabo sa simula pero dahan-dahang lumilinaw ang mukha ni Ralph. Nakita ko na umiiyak pala ito.

"Ralph, wag kang umiyak please? Di ako galit sa iyo. Naiintindihan kita. Kahit man wala ka na dito o di na tayo magkikita, tandaan mo bestfriend mo pa rin ako."

Ngumiti siya sa sinabi ko pero lumakas ang daloy ng luha sa mga mata niya. Napayuko na siya dahil ayaw niyang makita kong umiiyak siya.

"Kung sana naging malakas lang ang loob ko. Kung sana wala tayo dito. Siguro mapapanindigan ko ang pagmamahal mo." nakayuko pa rin nitong sabi.

"Ralph, wag kang mag-aalala. Palagi kang andito sa puso mo. Malay mo, may dahilan pala kaya di naging tayo. At least alam mo na may puwang ang pagmamahal sa puso mo."

Pinipilit ko na tumahan siya. Ayoko siyang makikitang malungkot. Gusto ko na kung ngayon man ang huling pagkikita namin ay masaya ang mukha niyang maaalala ko.

"Gel, pwede bang humiling sa iyo ng pabor?" biglang tanong nito.

Medyo kinabahan man ako sa sasabihin dahil parang alam ko na kung ano iyon pero di ko kayang hindian ang huling hiling niya.

"Sige. Ano yun?" tanong ko.

"Ahmmm... Pwede bang..." natitigilan siya sa sasabihin niya.

"Ano nga?" pamimilit ko sa kanya.

"Ahmmmm... Pwede bang gawin uli natin yung ginawa natin nung birthday mo?"

Ngumiti ako dahil alam ko na iyon nga ang gusto niyang gawin.

Tumango ako.

"Siyempre naman. Ikaw pa e mahal kita." sabi ko naman.

Agad niya akong niyakap.

"Teka lang." tulak ko sa kanya ng marahan.

"Bakit?" takang tanong nito.

"Di pwede dito e. Mahuhuli tayo." saway ko sa kanya.

"E paano na?" dismayado ang mukha nito.

"Pwede sigurong ipagpaalam mo ako sa doktor at sabihin mong ipapasyal mo ako sa garden. Siguro naman pag sinabi mong last day mo na dito ay di ka na tututulan noon." sabi ko sa kanya.

Nagliwanag ang mukha niya. Abot-tenga ang ngiti.

"Sa garden? Yung lugar kung saan naging tayo?" biro pa nito.

"Hahaha. Naging tayo ka diyan. Di naman naging tayo e." sabi ko naman. Medyo masakit sa loob ko ang sinabi ko.

"Di ba sinagot kita noon?" pagpapaalala naman niya.

"Sinagot mo ako pero nagbago agad ang isip mo."

"Kahit na. Nagbago lang sinabi ko pero totoo naman ang sinabi ko noon. Mahal naman talaga kita e. kaya noong sinabi kong mahal kita, ibig sabihin tayo noon." pamimilit pa nito.

"O siya, siya. Kung iyon ang magpapasaya sa iyo, sige. Naging tayo na." sabi ko naman.

Napapangiti siya.

"Sige Gel, gawin natin doon ha?" excited na sabi niya.

"Pero pwede Ralph may favor din ako sa iyo?" sabi ko naman.

Natigilan din siya.

"Anong pabor?" medyo nagtataka at natatakot nitong tanong.

"Hmmm... Pwede bang pag nagsex tayo e iparamdam mo sa akin na boyfriend kita. Kahit ngayon lang." halos nagmamakaawa ang boses ko.

"Hindi e." sabi naman nito.

Kumunot ang noo ko sa sagot niya.

Ngumiti muna saglit bago nagpatuloy.

"Hindi lang ipaparamdam. Kung gusto mo ay maging tayo muna ngayong araw na ito." sabi naman nito.

Ngumiti ako.

"Sige. Mahal ko." sabi ko naman sa kanya.

"Sige mahal ko. Ano? Alis na tayo? Ipagpapaalam na kita sa doktor?" tanong naman nito.

"Sige. Alam kong excited ka na e." sabi ko sa kanya sabay hawak sa harapan niya.

Di nga ako nagkamali, kanina pa tigas na tigas ang ari niya.

Napangiti ako ganun din siya.

"Di ba? SAbi na sa iyo e. Mahal kita. Pati nga si junior ko e mahal ka rin e." biro pa nito.

"E mahal ko rin naman si junior mo e." biro ko rin.

Sumimangot siya.

"Joke lang." sabay hampas ng marahan sa pisngi niya. "Mas mahal kita no."

Yun lang at bumalik na naman ang ngiti niyang nagpatunaw ng puso ko dati.

"Miss mo na ba yan?" sabi naman nito sabay kindat sa akin.

"Hindi iyan. Ikaw."

Ngumiti lang siya.

"Ako din e. Miss kita." sabi naman nito. Niyakap niya uli ako.

"Tara na." pagpuputol ko. Alam ko kasing mas mahihirapan akong mag-let go mamaya kung mas napapalapit na naman siya sa akin.

Agad niyang kinuha ang wheelchair sa gilid ng kama. Inalalayan ako sa pagtayo at pag-upo sa wheelchair.

"Di mo namang kailangang gawin yan e. Di naman ako baldado e." biro ko pa sa kanya.

"Di ka nga baldado. Mahal naman kita. kaya ko ginagawa to." pagpapaliwanag pa niya.

Masarap sana marinig kung di ko lang alam na gaya ng sinabi niya ngayong araw lang ito.

Pagkaupo ko ng maayos sa wheelchair ay pumunta siya sa likod ng wheelchair at pinagulong ito palabas ng pinto. Agad na lumapit ang doktor sa amin.

"O, bakit nilabas mo siya?" agad na tanong ng doktor.

"Dok, sensiya na ha? Last day na kasi ng kaibigan kong ito. Gusto ko pa sanang ipasyal niya ako at magkuwentuhan muna kami bago siya umalis dito. Alam ko kasing mas gagaling ako dahil doon." pakiusap ko.

WariĆ½ naramdaman ni Dok ang sama ng loob ko kaya pumayag siya.

"Basta wag masyadong maaraw ha? At bumalik agad." paalala pa ni Doc.

Agad na pinagulong ni Ralph ang wheelchair. Mabilis ang pagpapagulong niya ng wheelchair dahil sobrang excited na siya sa mangyayari.

Pagdating namin sa garden ay agad niya akong inalalayan at iniupo sa bench. Nagulat ako nang makita kong kinuha niya ang kumot galing sa wheelchair.

"Teka lang? Saan mo kinuha iyan?" tanong ko sa kanya.

"Dinala ko na. Ayoko kasing nakatayo e. Gusto ko may mahigaan tayo para mas exciting." sabi pa nito. Sabay latag ng kumot sa damuhan.

Natawa ako sa pagiging boy scout niya.

Dahan-dahan niya akong inihiga sa kumot. Kasabay noon ay ang paghubad niya ng damit niya.

Tinitigan niya ako ng matagal... ngumiti muna.

"I love you." matamis pa nitong sabi.

=================================================


Reminder:

!!!Not for reposting!!! Please? This is a personal story. Not fiction so please do not re-post as your own. Thank you.

Don't forget to follow.'

For suggestions or comments, please feel free to message me at 09213450145. Thank you.

3 comments:

  1. Sweet nmn ni Ralph dito Gel kxo malibog talga kyo! hahahaah

    ReplyDelete
  2. @marvinkal ... Aray! Ansakit naman nun... hahaha... di naman masyado

    ReplyDelete
  3. anong di masyado??? masyado kaya!!! di joke lang ano baitchura ni gel bakit lapitin sya ???? paki post na pic nya kung akaling ganun ung itchura nya!!!!

    ReplyDelete