Wednesday, March 16, 2011
My Elementary Series (Part 6, Rexie)
Pagkatapos nung nangyari kay Rexie ay masyado akong na-depress. Palagi na lang mainitin ang ulo ko. Palagi na lang akong masungit kahit kanino.
Mabuti na lang at papatapos na ang school year kaya medyo I was looking forward na magbakasyon para makalimutan ko ang nangyari sa amin ni Rexie.
Siyempre pag malapit na ang finals e kaliwa't kanan ang mga pinapagawa sa amin ng mga teacher namin. Pa-project ng kung ano ano. Pag iniisip ko yun ngayon naiisip ko na pinapagawa kami kunwari ng mga teacher ng project pero alam ko na ngayon na para yun sa susunod na taon para di na sila gagawa ng visual aids.
March iyon at may isang project na pinapagawa sa amin sa Heograpiya, Kasaysayan at Sibika or HEKASI. As usual drawing na naman ito. Tama ako di ba? Pang-visual aids na naman ng teacher namin ito. Siyempre since drawing ako na naman ang lider dito dahil ako ang pinakamagaling sa school namin. Walang kokontra. Totoo ito.
Anyway, ganun na nga. Five members kami sa grupo naming ito. Since alphabetical ito kaya siyempre mga halos palagi ko ring ka-grupo ang mga kasama ko dito.
May isa akong kagrupo, si Jan, na ngayong taon lang namin naging kaklase kasi sa ilang taon na nasa section 1 ako, e siya ngayon lang at ang alam namin ay dahil sa Tita niya ang adviser namin. Uso na talaga yun kahit saan.
Anyway, since drawing ito sa 1-whole illustration board, obviously di namin matatapos ito kapag weekday kaya nagdecide kami na magkita kami sa weekend para gawin ito.
Dahilan ko rin ito para makahingi ng baon kahit Sabado.
Sabado ng umaga, gaya ng napag-usapan namin, magkikita kaming lima sa Gaizano City sa may bandang food court. Pinagdala ko rin sila ng pera para pambili ng materials at food. Ayoko ipagamit ang art materials ko kasi mauubos iyon at di ako mayaman. Dapat kung gagawa kami ay mag-ambag sila.
Alas-diyes nagbubukas ang mall kaya sabi ko alas-diyes kami nag-usap na magkita.
Siyempre bilang lider ay dumating ako ng 10:30AM. O di ba? Filipino time na ako bata pa lang. Wag niyo akong sisihin dahil traffic at ako ang pinakamalayo dun.
Pagdating ko dun, dahil late na ako ay hinanap ko sila.
Aba, 10:30AM na ako pa ang nauna. Anggaling talaga ng mga kaklase ko kahit kelan. Mabuti na lang at may dala akong extrang pera kaya kumain na lang muna ako para naman di ako magmukhang tanga sa food court. Ayoko pa naman ang magmukhang tambay.
Ayun na nga at kumain na ako.
Mga bandang 11:00AM ay dumating na si Jonadab. Mga after 5 minutes dumating si Rexie (Hurt!), at mga 11:30AM na dumating si Renzie.
O di ba? Anggaling talaga ng Filipino time.
Sabi ko sa kanila kumain muna sila.
Nagkuwenta ako ng art materials at sabi ko maghati-hati kami.
Ayun na nga since lahat ng materials ay umabot ng 300 pesos. Illustration board, tatlong pentel pen, cray-pas (favorite kong medium), lapis, eraser, plastic cover, scotch tape at meryenda namin. Malaki na ang 300 that time. 1986 lang ako pinanganak so wag kayong magsabi na matanda na ako.
actually 250 lang yun. Ginawa ko na lang na 300 dahil alam ko na ako naman ang magtatrabaho dahil mga walang kaalam-alam sa art ang mga diyaskeng groupmate ko.
Sabi ko sige bili na muna ako. Nangolekta ako ng tig-75 pesos. Sabi ko wag na namin isama sa Jan sa project. Bahala na siya kung bumagsak siya.
Tumayo na ako para bumili.
"Gel, samahan na kita." sabay tayo si Rexie.
Aba. Ano ito? Ano na naman ang binabalak ng damuhong na ito.
"Ok lang ako rex. Kaya ko." Sabay talikod na. Gusto ko pa sanang idagdag na di ko siya kailangan. May ganun? Bitter na bitter pa ako nun e.
Nakakalayo na ako nung may humawak sa braso ko. Humabol pala talaga si Rexie. Feeling ko di pa niya tapos ang kinakain niya.
"Samahan na kita." ulit niya.
"Ano pa nga bang magagawa ko e andiyan ka na." Sabay binilisan ko ang paglakad papunta sa National BookStore.
Nangunguha na ako ng mga gagamitin namin saka niya ako kinausap.
"Galit ka pa ba?" Tanong niya nung macorner niya ako para di ako makaalis.
Tinitigan ko siya sa mata at pinilit kong ngumiti.
"Hindi ako galit sa iyo. Okay?" Sabay bunggo sa katawan niya para umalis siya sa dinadaanan ko.
Pero matibay ang pagkakahawak niya sa estante ng mga notebook kaya di ako nakadaan.
"Pilit na pilit naman ang ngiti mo niyan." Nakangiti pa niyang tugon.
"Buti alam mo. Rexie, please lang nagmamadali ako. Padaanin mo na ako." Sabay pilit na inaalis ang kamay niya sa pagkakahawak sa istante.
"Aalis ako dito if kausapin mo ako ng matino." Seryoso na siya.
Tinitigan ko siya ng mabuti. Sumeryoso na rin ako. Alam ko na makulit siya at kahit anong gawin ko ay di siya aalis hangga't di niya nakukuha ang gusto niya.
"Okay. Seryoso na ako dito. Ano ba ang gusto mong malaman? Para makaalis na tayo."
"Gusto ko lang naman malaman if galit ka." sabay hawak sa balikat ko.
"A yun lang ba? Sige, I will be honest. Galit ako sa iyo. Binastos mo ako e. Pero alam ko mawawala na rin yun soon."
"Sana ngayon na mawala para okay na tayo."
"Rexie..." Sabay hawak sa kamay niya. "... okay naman tayo e. Wala na sa akin iyun. Naiintindihan ko if ginamit mo lang ako dahil manyak ka or kung anong nararamdaman mong kababuyan nung panahon na iyon. Wala na sa akin yun. Kung ito makakapagpasaya sa iyo sige pinapatawad na kita. Basta wag mo na uli akong gagahasain ha?" Sabay biro ko pa.
Tumawa siya sa huli kong tinuran. Pero bigla din siyang sumeryoso.
"Basta, di ako manyak. Pero di ko masisiguro na di na kita gagahasain."
Di ko na inintindi kung biro pa rin ba iyon o totoo basta tinanggal na niya ang kamay niya sa istante.
Nagpatuloy kami sa pamimili pero mas naging casual na ang usapan namin. Unti-unti nararamdaman ko na na nagiging close na kami sa isa't isa.
Pagkatapos naming mamili ay binalikan namin ang dalawang kaklase namin na naiwan sa food court. Kanina pa sila tapos kumain kaya parang naiinip na.
"Mabuti naman at natapos na kayo." Si Jonadab.
"Oo nga, nakadalawang order na itong si Jonadab ng La Paz Batchoy e." biro ni Renzie sa kaklase namin si Jonadab na mataba.
"E sa gutom ako e." Sabay suntok ng mahina sa braso ni Renzie. Tumingin agad sa amin. "Bakit nga ba antagal niyo? Nagdate pa yata kayo e." Sabay tawa ng malakas.
Tumawa na rin kami pero nagkatinginan kami ni Rexie.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
naalaala ko ag place na yan... gaisano mall sa la paz... that area is my first working experience as a merchandiser....miss ko na gumala sa gaisano mall... marathon reading ginawa ko......i graduated my educations from elementary to college in iloilo...i really miss my place... iloilo
ReplyDeleteramy from qatar