Wednesday, March 9, 2011
My Elementary Series (Part 2, Rexie)
Di ko pa rin mapigilan ang mapatingin sa mukha nito. Mas lalo itong gumagwapo dahil sa sinag ng araw na ewan ko ba kung bakit sa liit ng liwanag na nanggagaling sa araw na lumulusot lang sa konting butas ng dingding e sa mukha lang niya nakatuon. Ano yun? Kusang tinuturo ang mukha niya.
Iniangat ko ang tiyan ko para magising siya pero di man lang siya natinag. Binalik ko na lang sa pagkakahiga ang likod ko. Tinitigan ko na lang muli ang mukha niya. Bigla kong napansin, mali pala ang ginawa ko dahil sa pag-angat ko ng tiyan ko kanina e nadausdos ang ulo niya sa banda ibaba ko. Ambastos tuloy ng pwesto niya.
Natawa naman ang isip ko.
Binuhat ko ang ulo niya ang binalik sa tiyan ko. Pagkalapag ko ng ulo niya sa tiyan ko, di ko inaasahang hawakan ang labi niya. Ampula pala talaga nun gaya ng sabi ng mga babaeng kaklase namin. Ganun pala talaga kapula yun.
Pagkahawak ko sa labi niya biglang namulat mata niya. Hinawakan niya bigla ang kamay ko. Napamulagat siya nang wala sa oras dahil sa ginawa ko. Parang di niya alam kung nasaan siya. Nang sa wakas ay nahinuha na niya kung nasaan siya, tumingin siya sa akin at napangiti.
"Sensya ka na ha? Wala kasing unan kaya napahiga ako sa tiyan mo. Sana di kita naistorbo." Pupungas-pungas pa ito.
Akala ko ay babangon na. Umayos lang pala ito ng higa sa tabi ko. Nakaharap ang katawan niya sa akin. Mga ilang segundo din siyang nakatitig sa mukha ko. Kahit na di ako nakaharap sa kanya, nakikita ko sa gilid ng mata ko na titig na titig siya.
"O bakit ka naman nakatitig ng ganyan?" Nasabi ko na lang kahit sabay tingin na rin sa kanya.
"Ang taray mo naman! Masama bang nakatingin ako?" nakangisi nitong sagot.
"Masama no. Mahal yan. May bayad ang tingin." nasagot ko sabay tawa.
"Weh? Naku-conscious ka siguro no? Bakit? Ayaw mo bang tinititigan ka?" inilapit pa nito ang mukha niya.
"Uy, nagba-blush siya." sabay turo nito sa pisngi ko.
Hinampas ko ang kamay niya.
"Puwede ba? Di ako magbablush dahil wala akong pakialam sa sinasabi mo. At tsaka bakit naman ako mako-conscious e hindi naman kita type." napaka-ambiguous siguro nung sagot ko. Wala akong gusto sa lalaki o di siya ang lalaking type ko?
Biglang nalungkot ang mukha niya.
"Bakit? Sino ba type mo? Si Grace o si Sheenly?" seryoso niyang tanong.
"Wala ka na dun." Sabay bangon ako.
Hinawakan niya ang braso ko. Napalingon ako sa ginawa niya. Malungkot ang mukha nito.
"Anong drama na naman yan?" asik ko sa kanya.
"Wala." sabay yuko ito. "Dito ka lang muna. Pwede?"
Nagulat ako sa inasta nito.
"Teka lang..." Natawa ako bigla. "...bading ka ba?"
Bigla niyang binitawan ang kamay ko.
"Hindi ah!"
Sabay takbo siya palabas ng kuwarto. Sinundan ko siya. Nagmadali na siyang pumunta sa kabilang kuwarto na susunod naming nilinis. Natapos namin agad ang lima pang kuwarto na dapat naming tapusin dahil di kami nag-uusap. Panaka-naka'y nagsusulyapan kaming dalawa. Hinuhuli-huli ko ang mata niya para mag-usap kami pero di talaga niya ako kinakausap.
Pagkatapos naming linisin lahat ng kuwarto ay nagluto na rin kami ng pagkain para sa mga kasama namin.
Bandang alas-otso na nang bumalik lahat nga kasama namin at mabilis din silang nakatapos kumain. Dahil na rin siguro sa gutom.
Agad naman naming niligpit lahat ng pinagkainan namin.
Nakaugalian ko na na maligo bago matulog. Kaya siguro palagi akong inuubo dahil dun pero ayoko talagang matulog ng di naliligo.
Pagkatapos kong maligo e inayos ko na yung tutulugan ko. Foam lang ang tutulugan namin. Tatami-style daw kasi di naman pwedeng bumili ang school ng kama para lang sa camping. Kaya ang foam na ginagamit sa gym e yun ang pinagamit sa amin.
MAlaki ang foam kasya sa dalawang tao naman. Ngayon ko lang nalaman na may makakatabi pala ako. Kaya nung pumunta na ako sa foam kung saan katabi ang mga gamit ko, nakita kong may nakahiga na. Di ko na alam kung sino dahil nakatalukbong na ito ng kumot.
Di ko na inisip kung sino pa ito ang maganda, di siya naghihilik. Ayoko pa naman ng naghihilik.
Nahiga na ako. Ansarap pala ng pakiramdam ng kama sa likod pagkatapos ng mabigat na trabaho.
Napabuntung-hininga ako sa sarap ng paghiga ko.
"Anlalim naman nun yata."
Napalingon ako sa katabi ko na nagsalita. Nagulat ako na si Rexie pala yun.
Sinuntok ko siya nang marahan sa tiyan.
"Uy, para saan yon?" gulat niyang tanong na kahit sa konting liwanag ay alam kong nakangisi na siya.
"Wala." Ngumiti na rin ako sa kanya. "Akala ko kasi galit ka pa. Salamat naman at ok na tayo."
Bigla niya akong hinawakan sa kamay at saka pinisil ito.
"Ok naman tayo ah." Pinisil uli ang kamay ko at hinila sa labi niya. Nagulat ako nang bigla niya itong hinalikan.
"Ok na ok na nga ba tayo?"
Naguluhan ako sa bandang iyon.
"Huh? Anggulo mo naman." Iyon lang ang nasabi ko.
Nilapit niya ang labi niya sa tenga ko.
"Kung ok ako sayo... e di tayo na."
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment