Copyright

myfreecopyright.com registered & protected

Monday, March 21, 2011

My Elementary Series (Part 10, Jan)

Nakakahiya man isipin pero napatigil talaga ako sa mukha niya. Kung kay Rexie nga na cute lang pero di naman masyadong gwapo e natameme na ako dati ano pa kaya dito sa heartthrob na nasa harap ko.

Aaminin ko nakaka-attract naman talaga siya dati pa. Kaso sa kulit niya at pagkamayabang, nakakainis lang bigla. Madaling napapalitan ang paghanga ng pagkainis.

Pero ngayon. Ngayon na malapitan ko siyang nakita at magkatabi kami, dagdag pa ng pag-shift ng pagiging mayabang sa pagiging simple at mabait na kaklase, biglang nawala lahat ng hinanakit ko sa kanya. Iba talaga ang karisma nitong taong to. (Habang iniisip ko ito ngayon natatawa ako.)

Anyway, wala akong ginawa kundi ngumiti na lang. For 15 minutes, wala kaming usapan. Tinuruan niya ako kung paano maglaro sa computer niya. Since first time ko at that time humawak ng mouse, bobo-bobohan talaga ako nun sa computer, hinahawakan niya ang kamay ko habang gina-guide kung paano gumamit nun.

"Ganito lang ang paghawak ng mouse." Pagturo niya.

Siyempre dahil hawak niya ang kamay ko, magkakadikit ang mga gilid ng katawan namin, naaamoy ko ang singaw galing sa katawan niya. At ngayon ko napatunayan na tama pala ang hinala ko. Mabango ito palagi.

"Uy, nakikinig ka ba?"

Naputol lang ang pag-iisip ko at pag-amoy sa kanya nang hinampas niya ang kamay ko na may hawak ng mouse. Kunot-noo siyang nakatitig sa mukha ko kung bakit parang antahimik ko at ang seryoso.

"O, may problema ka ba?" Tanong na lang niya.

"Natatae ako." BIgla kong nasabi.

Natawa siya ng malakas sa sinabi ko.

Ako naman ay hiyang-hiya sa naisagot ko. Kaso wala na akong magagawa. Huling-huli na niya na may iba akong iniisip habang hawak niya kamay ko.

Dahil na rin sa hiya at para mapatotohanan na natatae nga ako, dumiretso na ako sa banyo. Buti na lang at may sarili siyang banyo.

Pagkapasok ko ay agad kong nilock ang pinto.

Pinaagos ko ang tubig mula sa gripo para maghilamos. Nang tiningnan ko ang mukha ko saka ko napansin na namumula pala ako sa hiya.

Napangiti ako. Saka ko naisip na 'bakit ako nakangiti?'

"Hindi pwede ito." Saway ko sa sarili ko.

Kinikilig ako sa ginawa niya kaninang paghawak sa kamay ko. Natameme ako nung maamoy ko siya. At for once e nasabi ko ang word na 'tae' sa harap ng ibang tao.

"Di pwede ito." Saway ko ulit sa sarili ko.

Naalala ko si Rexie. Mabilis akong nagpadala sa kanya that time kaya ako ngayon, pagkatapos na magamit para sa isang gabi ng init e heto at kinikilig na naman bigla... agad.

"Control yourself." Utos ko sa sarili habang nakataas ang kanang kamay at dinuduro pa ang sarili sa salamin.

Inayos ko muna ang sarili ko sa harap ng salamin at nung medyo ok na ang mukha ko saka ko ini-flush ang toilet bowl para kunwari tapos na ako sa dapat kong gawin.

Pagkalabas ko ay nakahiga na siya sa kama. Nagulat ako dahil wala siyang damit pang-itaas. Di ko napigilan ang sarili ko na tingnan ang makinis at maputi niyang katawan. Payat man ito pero di katulad ni Rexie na medyo chubby, ito naman ay may konting mga umbok sa braso, halatang mahilig maglaro sa labas. Kunsabagay ay palagi din niya itong nakikitang nagbabasketball sa gym nila.

"Sensya ka na ha? Namatay ang aircon e. Ang init pa naman. Naghubad na ako ng damit kasi baka pagpawisan pa ako e." narinig ko na sabi niya habang nakatingala pa rin sa kisame.

"A ganun ba? Kaya ka pala nakahubad." Binawi ko ang aking tingin saka dumiretso ako sa upuan na nasa tabi ng kama.

"O, higa ka din kaya muna." sabay hawak sa bakanteng parte ng kama.

"A, hindi. Okay lang ako. Dito na lang ako."

"Sige na." Saka itinaas ang ulo para makita ako. "Di ba magkaibigan naman na tayo? Wag ka nang mahiya sa akin. Tsaka tumawag sa intercom si Mommy. Sabi 10 minutes pa daw ang pagkain e."

"Anong intercom?" inosente kong tanong.

Tinuro niya ang parang speaker na nakasabit sa dingding malapit sa pintuan.

"A, okay." yun na lang ang naisagot ko. Saka ko naramdaman na mainit pala talaga. Kaya palihim kong ginalaw ang t-shirt ko para mahanginan.

"Mainit di ba?" Tanong ni Jan. Ewan ko kung paano niya nalaman. "Hubarin mo na rin yang polo mo at humiga ka na rin muna dito. Medyo malamig pa ang kama dahil sa aircon kanina."

Nahihiya man ako pero wala akong magagawa. Mainit talaga. Dahan-dahan kong hinubad ang damit ko at pinatong sa upuan saka humiga sa tabi niya. Tama naman ang sinabi niya medyo malamig pa ang kama kaya napasarap ang higa ko.

"Di ba sabi ko sayo?"

Saka ko lang siya nilingon. Nakatagilid siya at nakatingin sa akin. Nakaunan ang ulo niya sa kanang kamay niya. Naalala ko wala pala ako sa kama ko at katabi ko pala siya. Na-conscious tuloy ako dahil nakikita niya ang dibdib at tiyan ko. Di yun kasingganda ng sa kanya kaya nahiya ako.

Dahan-dahan kong nilagay ang braso ko sa tiyan ko para matakpan iyon.

Natawa siya sa ginawa ko.

"Wag ka nang mahiya. Lalaki naman tayo dito e." saka tinanggal ang braso ko sa tiyan.

Naisip ko oo nga naman lalaki naman kami. Di ko pa naman inaamin sa sarili ko na bading ako e kaya okay lang. Wala namang nakakaalam na may nakahalikan at natikman na akong katawan ng lalaki e kaya ayos lang.

Pinikit ko na lang ang mata ko dahil sa sarap ng lambot ng kama niya.

"Alam mo ba, kahit minsan wala pa akong nakakatabi dito sa kama ko." dinig kong sinasabi ni Jan. Kahit nakapikit ako tumango ako para alam niya na nakikinig ako."

"Ayaw naman kasi ni Mommy na isama ko mga kaibigan ko dito kasi alam niya mga bulakbolero at mga pala-away mga iyon."

Saka narinig ko siyang humingang malalim.

Naramdaman ko na hinawakan niya ako sa braso.

Napadilat ako at tumingin sa kanya.

Tinaas ko ang mga kilay ko parang nagtatanong.

"Wala. Kala ko kasi tinulugan mo na ako e." Nakangiti niyang sagot

"Di a. Nakikinig ako sa iyo. Dahil gusto din naman kitang makilala." Sabay ngiti din sa kanya.

Natahimik muna siya. Saka tiningnan akong mabuti sa mata. Parang gustong malaman kung nagsasabi ako ng totoo.

"Wag ka mag-alala. Seryoso ako. Gusto din naman kitang maging kaibigan e."

"Cross your heart?" Tanong niya. Iyon yung ginagawa namin nung elementary para sabihin na di kami nagsisinungaling.

Ngumiti uli ako at inekisan ang dibdib ko.

"Hope to die." Iyon lang at tumahimik na kami.

Alam namin na from that day. Iba na ang turingan namin.

Magkaibigan na kami. Nagkakaunawaan sa isa't isa.

1 comment:

  1. Hayyyyyyyyyyy. Nakakakilig nmn. :))) Sayang lang at hindi nging kau at nagkahiwalay pa kau :( Kainis nmn kasi si Ivan eh. ://// Or maybe magkikita pa kayo ni Jan? Sana nga! Hayyyy. Gusto ko talaga maging kayo. Pati ako nasasaktan. Haha :( Hope ko po na happy na life nyo ngayon. Na nag-eenjoy na po kayo. May tunay na pic po b kau ni Jan? Parang ang pogi nya e. Type ko sya. Ay sayo na po pala yan, sori po. Mas bagay po kayo. :)))) Hayyyyy. Sana kau na lang talaga. BTW, ano po pala e-mail nyo? Thanks po. :)))))

    ReplyDelete