Copyright

myfreecopyright.com registered & protected

Wednesday, March 16, 2011

My Elementary Series (Part 7, Rexie)

Pagkatapos namin mamili ay umalis na kami sa mall. Pumunta kami sa multi-purpose hall ng school namin dahil pag nagdrawing ako gusto ko palagi nakadapa dahil komportable ako and besides malabo na mata ko kaya mas maganda pag malapit ako sa papel.

Pagdating namin doon ay sabay latag na ang illustration board at mga art materials. Sabay latag na rin ng meryenda.

As expected ko ako lang ang magdo-drawing kaya nung nakalatag na lahat at ako lang ang nakadapa ay di na ako nagtaka. Busy ang tatlo sa pagkukukwentuhan ng kung anu-ano. Wala na akong pakialam basta matapos ko na to.

"Meryenda ka muna, Gel."

Lumingon ako habang nakadapa at nakita kong nakaupo sa tabi ko Rexie. Hawak ang baso ng softdrinks at potato chips.

Dahil sa medyo napagod na rin ako konti nag-break muna ako at kinuha ko ang binigay niya.

"Wag..." Inilayo niya sa akin ang baso at chichirya. "... ako na lang hahawak. Pagod na yang kamay mo kaya di pwedeng mabasa. Marumi na rin kamay mo dahil sa cray-pas kaya di ka rin pwedeng sumubo. Susubuan na lang kita." Sabay kuha ng potato chips at akmang isusubo sa akin. Ngunit di ko binuksan bibig ko.

"O, bakit? Walang lason ito." Pabiro pa niyang sabi.

"Di yon. Naaasiwa lang ako." Nahihiya ko pang sagot.

Ngumisi lang siya.

"Wag ka nang mahiya. Wala namang malisya to e." Kaya binuksan ko na ang bibig ko at tinanggap ang subo niya.

"...Saka nahihiya ka pa sakin e iba pa nga sinubo ko sayo nun e."

Halos mabuga ko sa kanya yung chips. Buti na lang at napigilan ko.

Namula ako dahil sa pagpigil na mabugahan ko siya.

Tumawa siya ng malakas.

"Ano ba yan? Nagbablush ka pa ah." Pabulong niyang sabi sa akin

"Gago! Di ako nagba-blush. Muntik na akong mabulunan sayo." Sabay hampas ko pisngi niya ng kamay kong may cray-pas.

Huli na nung mapansin ko na nalagyan ko ng cray-pas ang mukha niya.

"Uy, sorry. Nalagyan kita ng cray-pas sa mukha."

Kinuha ko ang panyo ko para punasan yon. Kaso pinigilan niya ang kamay ko.

"Wag mong burahin. Hayaan mo lang. Para may palatandaan ako na nahawakan mo uli ang mukha ko."

Uminit ang katawan ko. Nanginig ako sa kilig. May sanlibong paru-paro yata ang nakawala sa tiyan ko kaya ganun ang naramdaman ko.

Natahimik na lang ako.

Pinigilan ko ang sarili ko.

Nasaktan na ako ng taong ito di ba? Tapos ngayon kikiligin na naman ako? Ano ito? Lokohan na naman?

Nangilid ang luha ko sa isiping iyon.

Napansin agad ni Rexie iyon.

"O, kanina tawa ka nang tawa. Ngayon naiiyak ka na naman. Pinaiiyak na naman kita." sabay pahid ng mata ko.

Hinawakan ko ang kamay niya. Hinayaan ko muna iyon sa mukha ko. Di naman niya binawi.

"Sorry ha?" Nasabi na lang niya. "Wag ka nang umiyak. Please?"

Parang kinurot ang puso ko sa pagkakasabi niya ng please. Andito na naman kami.

Inangat ko ang ulo ko at tinitigan ko siya. Ngumiti siya ng matamis.

"Sensya ka na ha? Iyakin lang talaga ako." paliwanag ko.

"Wag kang himingi ng pasensiya. Alam ko namang ako ang dahilan niyan e." binawi na niya ang kamay niya saka umalis sa pagkakaupo.

Tiningnan ko na lang siya habang naglalakad papunta sa dalawa naming kaklase. Nakipagkuwentuhan na lang siya dun.

Habang nagkukuwentuhan sila ay hindi na lumilingon si Rexie.

"Mabuti na ang ganito." sabi ko sa sarili ko. "Tigilan na natin ito. Bago pa masaktan uli ako dahil sayo."

Iyon lang at bumalik na ako sa ginagawa ko. Di ko napigilan na pumatak ang luha ko sa illustration board. Alam ko magmamarka iyon. Ang ginawa ko ginuhitan ko ang paligid ng patak ng luha ko at ginawan ng bulaklak sa paligid. Kahit papano, naisip ko, kapag makikita ko ito, maalala ko na masakit pala ang magmahal.

No comments:

Post a Comment