Copyright

myfreecopyright.com registered & protected

Miyerkules, Marso 9, 2011

My Elementary Series (Part 1, Rexie)


Elementary series ito dahil of course nangyari lahat ito nung elementary ako.  Pero, heads up lang walang sex dito dahil siyempre bata pa ako nun.

Siyangapala, ako si Angelo ngayon ay 24 years old na ngayon.  Tubong Iloilo ako pero ngayon ay nasa Manila na ako.  Nangyari ang unang bahagi ng buhay ko noong nasa Iloilo pa ako.

Noong nasa elementarya pa lang ako, alam ko na na bading ako.  Kahit sabihin na natin na noong Grade 2 ako ay nagkacrush ako sa isang babae at noong Grade 5 ako ay niligawan ko ito pero buti na lang di ako sinagot.

Maaga akong nagsimulang mag-aral dahil accelerated nga daw ako.  Di na ako umapak sa kinder kasi siyempre maaga pa lang ay natuto na lang akong magsulat, magbilang at magbasa.

Sa lahat ng classmates ko, ako palagi ang pinakamaliit at pinakabata. Kaya ako palagi ang tampuhan ng tukso pero dahil sa ang mama ko ay nagtuturo din sa school na yun, di ko magawang maging masama sa kanila.

Anyway, enough of that part of my life.  At least may sneak preview na kayo.

Now, since this is my first post, I would like to share on this my first experience... as a gay.  Ito na rin siguro ang nagpatunay na di ako lalaki.  At lalaki ang gusto ko.

Grade 5 ako noon, uso pa sa probinsiya namin ang Boy Scout, di ko lang alam kung uso pa dito sa Manila noon, pero sa amin, required lahat ng estudyante na sumali sa Boy and Girl Scouts.

Dahil isa ako sa pinakamaliit at pinakamahinang boy scouts, ako ang nakatoka sa paghahanda ng pagkain at paglilinis dahil hindi naman ako pwede makisali sa mga field activities nila.

Ok lang naman sa akin yun dahil hindi kami nagugutom at lalong di kami napapagod at naaarawan.  Maputi pa kasi ako noon at ayoko talagang umitim.  Bata pa lang vain na.

Every month meron kaming camping pero siyempre mga bata pa kami, ang camping namin sa school lang.  Di yun by section kundi alphabetical kaya syempre may mga nakakasama ako sa room na mga di ko kaklase kaya medyo alangan ako makisalamuha.  Mahiyain pa naman ako.

3 day camping iyon na magsisimula sa Friday hanggang Sunday.

Anyway, first day ng camping namin ay na-assign na talaga akong maglead ng pagluluto at paglilinis.  Child labor na yata yun di ko pa alam.  Hay, siyempre as boy scout wala kang magawa kundi ang sumunod.

Tanghali iyon lahat ng hindi nagluluto o naglilinis ay nasa quadrangle ng school para sa mga activities.  Anim lang kaming tagalinis at 22 rooms ang kailangang linisin.  So, partner-partner kami.  Tatlong pares, isang pares e walong kwarto, yung dalawang pares, tig-pito.

Partner ko si Rexie, isa sa mga maliliit din na mga kaklase ko. Maputi, cute at bata pa lang e habulin na ng mga babae.  Pero maliit talaga siya.  Nung time na yun ang height ko siguro ay 4'5".  Liit no.  Siya mga 4'3".  Unang sabak ko sa paglilinis ng ganun karaming kuwarto kaya nakatatlong kuwarto pa lang kami ay napagod na ako.

Napansin agad ni Rexie ang panghihina ko.

"Gel, kung gusto mo higa ka muna diyan.  Marami-rami pa tayong lilinising kuwarto baka himatayin ka mamaya." sabay tapik sa balikat ko.

Siyempre dahil pagod na pagod ako ay pumayag naman ako.  "Sige Rex, sensya ka na ha.  Mahina ang naging partner mo."

Ngumiti lang ito.  "Okay lang yun, bumawi ka na lang."  Saka pinagpatuloy nito ang ginagawa.

Sa pagod ko ay agad akong nakaidlip.  Habang papikit ang mga mata ko nakikita kong panay ang sulyap niya sa akin at naiiling-iling pero nakangiti.

At tuluyan nang napapikit ang mga mata ko.

Medyo mahaba-haba na rin ang naitulog ko.  Nagising ako 2:30 na ng hapon nung tumingin ako sa orasan ko.  May tatlong oras pa kami para maglinis at makapagluto bago pa bumalik ang iba.

Babangon na sana ako nang maramdaman kong mabigat ang tiyan ko.  Napatingin ako sa bandang tiyan ko. Nagulat ako na nakaunan sa tiyan ko si Rexie.  Pagod na pagod din ang mokong.

Kaso sa di ko inaasahan, napatitig ako sa mukha niya.  Guwapo pala talaga ito.  Ang cute niya.  Nagulat ako sa biglang naramdaman ko sa dibdib ko.  Bakit ganito? Bakit ako kinikilig ng ganito?  Bakit ganito ang nararamdaman ko sa kaniya.

Di kaya... bading ako?

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento