To all who asked why I haven't posted Luke's look-alike picture... here it is again.
=======================================
Kinabukasan ganun uli. Medyo kabado pa rin ako pero inayos ko ang sarili ko. Hinatid ako ni Kuya Paolo sa mall saka siya dumiretso sa hotel nila.
Pagkapasok ko sa klase ay hinanap ko kaagad si Luke dahil nga paiba-iba kami ng upuan depende sa mauuna.
Wala pa si Luke, kunsabagay, masyado pa akong maaga. Umupo na lang ako sa puwesto namin kahapon. Hinintay ko ang kaibigan ko.
Maya pa ay may nakita akong pumasok sa klase namin, guwapo pero parang kilala ko. Tinitigan ko ito dahil sobrang cute. Nagulat ako nang ngumiti ito sa akin. Nanlaki ang mata ko.
Si Luke... iba na ang porma pati buhok. Tiningnan ko siya taas-baba. Di ako makapaniwalang si Luke iyon. Naka-gel na ang pinaikli nitong buhok. Inayos niya ito ng patayo. Ang mga dati niyang suot na dark colors at medyo kupasin ay napalitan na ng bagong t-shirt at jeans.
Naglakad ito papalapit sa akin. Ngumiti.
"Oh? Natulala ka diyan?" bati nito sa akin.
Saka lang ako kumurap at ngumiti. Kinurot ko ang pisngi nito.
"Aray!" sigaw nito.
Lumingon ang mga kaklase namin. Saka ko tinanggal ang kamay ko sa pagkakurot ng pisngi nito.
"Ano ba?" inis na sabi nito.
Ngumiti ako sa kanya.
"Ikaw nga yung kaibigan ko. Akala ko kung sinong impostor e." biro ko dito.
"Huh?" takang tanong nito.
"Ano'ng naisipan mo at nag-iba porma mo yata ngayon?" tanong ko dito.
"Wala." sabi nito pero biglang namula ang pisngi nito.
"Hmmmm... May pinopormahan ka na no?" tukso ko dito.
Di siya sumagot.
"Hmmmm... sino crush mo dito? Kilala ko ba? Classmate ba natin o hindi?" sabay siko ko dito.
"Wala." Di pa rin nakatingin sa akin.
"Naku... e bakit ka pumuporma ngayon?"
"Masama bang pumorma? Ikaw nga nagsabi sa akin kahapon na ayusin ko porma ko e. Tapos ngayon niloloko mo ako dahil sinunod kita." paliwanag nito.
"Ganun ba? Sensya na. Di ko naalala. Ikaw naman, sinunod mo naman ako. Alam mo namang loko-loko ako e. Kahit naman ano porma mo e okay lang sa akin, kaibigan kita e." sabay hawak ko sa braso niya.
Ngumiti siya.
"Pero alin ang mas gusto mong porma ko?" tanong nito.
"Hmmm... Wala yun sa akin. Kahit ano basta di ka asiwa, okay sa akin. Basta dapat, ginagawa mo yun dahil sa gusto mo di dahil sa gusto ko o gusto ng ibang tao." dugtong ko pa.
"Pero parang gusto ko ang ayos na'to. Kasi parang maraming napapalingon e. Parang maraming nagwagwapuhan sa akin." Sabay tawa nito.
"E gwapo ka nga naman kasi. Kahit pa yung dati mong ayos. Gwapo ka naman dun e." sabi ko sa kanya.
Napangiti siya.
"Thanks huh?" sabi nito sabay siko din sa akin.
"Thanks saan?"
"Thanks at sinabihan mo akong mag-ayos. Kasi dati akala ko pangit ako e kaya di na ako nag-aayos dahil pakiramdam ko walang kwenta. Mabuti na lang sinabihan mo akong mag-ayos. Tinry ko tuloy. Eto okay naman pala." sagot nito.
"Kulang ka lang kasi sa confidence e. Sayang, di nakita ng mga babaeng kaklase mo nung elementary ang kaguwapuhan mo." biro ko uli sa kanya.
"Asus! Bola na yan."
Biglang dumating si Sir Bryan. Lumapit ito sa amin at pinuna din ang ayos ni Luke.
"Naku, mukha na kayong kambal." sabi ni Sir Bryan.
Sumimangot ako.
"Mas gwapo siya sa akin no." sagot ko kaagad.
"Hindi a. Pareho lang kayong cute." sabay kindat ni Sir Bryan.
Saka ko tinitigan si Luke. Kunsabagay, halos magkasing-height kami, mas maputi lang ako sa kanya pero magkailong at bibig kami. Pwede na ring maging kambal.
"Naisip mo rin no?" biglang tanong ni Luke.
"Ang alin?"
"Yung sinabi ni Sir Bryan. Para na tayong kambal. Pareho pa ang porma natin. HAhaha." biro nito.
Ngumiti ako.
Mas guwapo nga ang Luke na katabi ko pero parang namimiss ko si Luke na dati.
Pagdating ng lunch ay sabay uli kaming kumain. Pero di na kami sa McDo kumain dahil parang nakakasawa na. Pumunta kami sa SM Delgado at doon ay may Shakey's. Doon kami nagtanghalian. Umorder lang kami ng pizza at softdrinks.
Nagbibiruan pa kami habang kumakain. Tinutukso ko siyang susubuan pero natatawa lang siya. Di ko alam kung bakit ganun ang biro ko.
Nang pabalik na kami ay inakbayan ako nito. Naramdaman kong nag-init ang katawan ko sa ginawa niya.
Inalis ko ang kamay niya.
"Sorry. Naiinitan ako." sabi ko kahit nasa loob na kami ng aircon na mall.
"Ahh... sorry." sagot na lang nito.
Hindi ko maipaliwanag ang sarili ko. Natahimik ako buong hapon. Kapag nagtatama ang mga siko namin habang nagdo-drawing ay agad kong binabawi. Naiilang ako. Bumibilis ang tibok ng puso ko.
Kapag ngumingiti ito ay para akong binubuhusan ng yelo.
"Hindi" sigaw ng isip ko. Hindi pwedeng maramdaman ko ito kay Luke. May boyfriend ako. Si Kuya Paolo. Mahal niya ako.
"Pero mahal mo pa ba siya?" tanong agad ng isip ko.
"Oo... yata... di ko alam..." sagot naman ng isang parte ng isip ko.
Nababaliw na yata ako. May nag-uusap na sa loob ng utak ko.
"Hoy... tahimik ka diyan." sabi ni Luke sabay akbay sa akin.
"W...wala... nahihirapan lang ako kung ano gagawin ko sa drawing ko." pagsisinungaling ko.
Tiningnan niya drawing ko.
"Nahihirapan ka pa niyan? E malapit ka nang matapos e." sabay ngiti nito.
Binawi ko ang mata ko sa pagkakatingin sa ngiti niya.
Nang matapos na ang ginagawa ko ay sabi ko mag-CR muna ako.
Pumayag naman si Sir Bryan.
Patakbo akong pumasok ng CR na nasa kabilang parte ng mall
Halos mabuwal ako pagdating sa CR. Humawak ako sa lababo at humarap sa salamin.
"NO!" dinuro ko ang sarili ko. "You can't be a two-timer. Don't fall for anyone else other than Paolo."
Malakas ang pagkakasabi ko nito.
Napayuko ako. Nababaliw na yata ako. Kinakausap kanina ng utak ko ang utak ko. Ngayon kinakausap ko ang reflection ko sa salamin.
Hinilamusan ko ang mukha ko para mawala ang tensiyon dito. Nang mahimasmasan ay bumalik na ako sa klase. Nagsimula nang magsialisan ang mga tao.
Hinintay ako ni Luke na makaligpit saka sabay kami lumabas ng klase.
"Anong nangyari sa'yo kanina? Nag-alala ako. Parang may problema ka." sabi nito.
"Wala yun. Sa init lang siguro." pagdadahilan ko.
"Okay. Sabi mo e. Pero kapag may problema ka sabihin mo sa akin huh? Baka makatulong ako kahit papaano." sabay ngiti nito.
Iyang ngiti mo ang problema ko, naisip ko. Paano ka makakatulong kung ikaw ang problema ko.
Tahimik pa rin ako hanggang sa maghiwalay na kami.
"Sige. Bukas uli." paalam nito.
Ngumiti na lang ako saka pumunta sa McDo. Hinintay si Kuya Paolo.
Maya-maya ay dumating si Kuya Paolo.
"Kumusta?" bati nito pagkatapos humalik.
"Okay lang po. Medyo masama pakiramdam ko. Ikaw Pao?" balik ko.
"Okay naman." sabi nito pero di nakatingin sa akin.
Ewan kung bakit parang di siya okay sa palagay ko.
"Kumusta sa hotel? Wala pa rin si Catalina?" pinangunahan ko na.
"Andun. Inayos lang namin ang usapan namin. Ayaw pa rin niya makipagkalas e." paliwanag ni Kuya Paolo.
"E paano yun?"
"Bahala siya. Basta sabi ko sa kanya, ayoko na sa kanya at may iba na akong mahal." sabay kindat nito sa akin.
Ngumiti ako. Di ko alam kung pinipilit kong paniwalaan ang sinasabi niya o dahil yun lang ang gusto kong marinig.
Pagdating sa bahay ay naghapunan lang kami, nanuod ng movies sa VHS at nagrosaryo kasama si Mama Tony. Tapos tumambay muna sa garden bago natulog.
-----------------------------------
Reminder:
!!!Not for reposting!!! Please? This is a personal story. Not fiction so please do not re-post as your own. Thank you.
Don't forget to follow.
Please message me for your comments at 09167719273. Thank you.
bagong love interest nanaman to...hehe
ReplyDeletemas type ko itsura ni luke kay sa kay paolo haha
ReplyDelete