To all who asked why I haven't posted Luke's look-alike... here it is.
=======================================
"Iyon ba iyon?" tanong ka Kuya Paolo pagkapasok sa kuwarto.
"Ang ano?" takang tanong ni Kuya Paolo.
"Si Catalina... siya ba yung babae mo?" medyo masakit sa loob kong itanong.
Natahimik siya.
"Siya nga..." ako na mismo ang sumagot sa tanong ko.
"Tapos na kami. Wala na sa akin si Cat... ikaw lang ang mahal ko." paliwanag pa nito.
"Bakit tumatawag pa sa'yo?"
"Ewan ko. Baka ayaw pa makipagkalas." sagot uli ni Kuya Paolo.
"Baka nga. Ang sarap mo daw para basta na lang iiwan." kunwari ay biro ko.
"Ano ka ba? AYan ka na naman sa mga iniisip mo." alo ni Kuya Paolo at niyakap ako. "Ikaw lang ang mahal ko."
Niyakap ko rin siya kahit medyo kinakabahan ako.
Mga bandang hapon ay nagmeryenda kami sa garden nang may tumawag sa telepono. Timing naman na kumukuha ako ng pagkain sa ref kaya ako ang nakasagot.
"Hello." sagot ko sa telepono.
"Hi. Si Paolo?" tanong agad ng babae sa kabilang linya.
"Wala po e." pagdadahilan ko dahil sabi nga ni Kuya Paolo, ayaw niya itong makausap.
"Saan siya?" mataray na tanong ng babae.
"Hindi ko po alam."
"Sino ka ba?" tanong uli nito.
"Pinsan po niya."
"Do you know what time he'll come back?" naiirita na ang boses niya.
"Hindi po e. Pero sabihin ko na lang po na tumawag ka."
"Sige. You better." sabi nito bago ibinagsak ang telepono.
Pagkarating ko sa garden ay binulong ko kay Kuya Paolo na tumawag si Catalina.
"Bakit ba tawag ng tawag yun?" tanong ko dito.
"Ewan ko. BUkas malalaman ko pag pasok ko."
"Sige po."
Kinabukasan naman ay balik-hatid na naman ako ng Kuya Paolo sa Mary Mart Mall at dumiretso na siya sa Hotel.
Di ko alam pero kinakabahan ako buong araw. Pansin din ni Luke na wala ako sa sarili dahil di ako masyadong nagpaparticipate sa lecture.
Pagkalunch ay doon na talaga siya nagtanong.
"You're distracted today." panimula nito.
"Huh? Bakit mo naman nasabi?" taka kong tanong dito.
"Siyempre no, magkasama tayo kahit ilang araw lang. Nakikilala na rin kita. Alam ko na kung malungkot ka o hindi." sabi pa nito.
"Halata ba talaga na distracted ako?"
Ngumiti siya.
"Yes." sabay ngiti nito.
"Ganun? Hay... di ko nga alam pero kinakabahan ako e." sagot ko kay Luke.
"Weird huh? Kinakabahan ka for something na di mo alam."
"E sa ganun e. Ikaw huh? Baka gusto mong i-wish ko na magkaaway na lang tayo para maging tahimik ka na uli." biro ko dito.
Itinaas ang dalawang kamay niya.
"Naku, wag. Ayokong mag-away tayo. I like you eh." sabi nito.
Napatawa ako.
Nanlaki ang mga mata niya.
"I mean I like you as my friend. Ayokong mag-away tayo." sabi nito.
"Ahhh... mabuti na yung malinaw. Hahaha. Baka naman iba na balak mo sa akin e." sabay kindat ko dito.
Sumimangot ito.
"Tumigil ka nga. Ano ako bading?" seryosong sabi nito.
"Bakit? Ano'ng masama sa pagiging bading?" panunukso ko pa dito.
"Wala. Ayoko lang sa bading." sabi pa nito.
"Ganun?" tanong ko sa kanya.
Di siya nakasagot.
"E paano kung bading ako? Ayaw mo na sa akin?" diretso kong tanong dito.
Tumitig siya sa akin sa sinabi ko.
"Totoo? Bading ka?" pag-uulit nito.
"E paano kung totoo nga?" di ako kumukurap na nakatitig sa kanya.
"Well.. I guess wala akong choice kundi tanggapin ka." sabi nito.
Tumawa ako.
"Nakakahiya naman sa iyo. Wala ka nang choice huh? Hahaha." sabay tawa ko dito.
Tumawa din siya.
"Pero pwera biro. Bading ka ba talaga?" pag-uulit nito ng tanong.
"Oo. Bading ako. Kaya mag-ingat ka sa akin." panunukso ko dito.
"Huh? Bakit naman?" dilat-dilat ang mata nito sa gulat.
"Kasi baka mamaya tsinatsansingan na pala kita di mo pa alam." pagbibiro ko sa kanya sabay hawak sa kamay niya.
Hinila nito ang kamay niya.
"Ano ba'yan?" agad na tutol nito.
"Biro lang. Wag ka mag-alala, di kita type." sabi ko dito.
Sumimangot siya.
"Bakit naman?" tanong nito.
Napangiti ako.
"Bakit? Gusto mo ba maging type kita?" nakangisi kong tanong sa kanya.
"Hindi ah. Tinatanong ko lang bakit ayaw mo sa akin." pagliliwanag nito.
"Asus... gusto mo rin ako no?" hinawakan ko uli kamay niya.
Hinawi niya ulit ito.
"Sige ka. Aawayin uli kita." medyo inis nang tono ng boses niya.
"Sige... sige... peace... bale kasi, ang mga gusto ko kasi ay yung mukhang malinis sa katawan. E ikaw kasi palang palagi kang emo, kung di lang kita katabi at di ko naaamoy na mabango ka, e iisipin ko na di ka naliligo sa porma mo e." paliwanag ko sa kanya.
"Ganun? Mukha ba akong marumi?" tanong pa nito.
"Bilang kaibigan mo, gusto ko maging honest sa iyo. Oo. Mukha kang marumi. Kung mag-aayos ka lang baka magustuhan pa kita. Baka ligawan pa kita." nakangiti kong sabi dito.
Kinurot ako nito sa kamay.
"Tara na nga. Kakainis ka. Ako na naman niloloko mo." medyo namumula na ito.
Ngumiti ako.
"Tara." sagot ko dito.
Naging tahimik na rin siya habang nasa klase kami hanggang matapos ang klase.
Mga alas-sais ay sinundo din ako ni Kuya Paolo. Humalik agad sa akin.
"O kamusta naman? Ano sabi ni Catalina?" bungad ko dito.
"Absent daw siya e. Masama pakiramdam." sabi nito.
"Ganun? Sayang. Di pa kayo nagkita para naman matapos na yang problema niyo kung ano man iyon."
Ngumiti siya.
"Sana nga." sagot naman nito.
Pagdating sa bahay ay balik-normal na naman ang buhay namin bilang mag-asawa. Punong-puno ng lambingan at kulitan.
-----------------------------------
Reminder:
!!!Not for reposting!!! Please? This is a personal story. Not fiction so please do not re-post as your own. Thank you.
Don't forget to follow.
Please message me for your comments at 09167719273. Thank you.
parang ang sarap kulitin ni Luke...
ReplyDeletehahaha
Hahhahaah buntis cguro si catalina kaya nangungulit kay pao.
ReplyDeleteoo baka buntis si Catalina!! my Gosh, if ever nga buntis siya and ako nasa kalagayan mo maglalayas talaga ako at hihiwalayan ko yang Paolo na yan. fcuk. nakakahiya sya.
ReplyDeletemasasaktan na naman ata ang bida ntn.... aixxtttt
ReplyDeleteYON!! nilagay din kamukha ni luke! gwapo ha!! haha!! patulan mona!!
ReplyDeletebadtrip.. ayoko ng buntis buntis na story. andaya, walang laban ang tulad natin pag buntis na babae na ang kalaban. haha.
ReplyDeletedi naman tayo nabubuntis eh! lols