Copyright

myfreecopyright.com registered & protected

Tuesday, April 17, 2012

My Paolo Series... (Chapter 12... My Heartache and MyNew Friend



Fritz and Eugene... I think you can forgive Luke now.

Matt, Denzel, Hiya, ModernYouthSociety, Eugene, me, thanks for the comment on previous posts, at least you assured me na marami pa pala akong readers. =)

Philip, Andrian, Lalaa, Andre, Rio, Marvinvench, thanks for the wonderful messages sa chatbox ko.

=======================================

"Paano na yan? Ano nang plano mo sa inyo ni Kuya Paolo?" biglang naitanong ni Feljan habang nagpapahinga kami.

"Ewan ko.  Pero at least ngayon kung sakali mang makikipagbreak siya sa akin dahil meron na siyang iba e di na ako masyadong masasaktan dahil alam ko na kahit papaano." sabi ko.

"Kaya mo bang makipagbreak sa kanya?" si Rey.



"Siyempre di ako ang makikipagbreak maliban na lang kung nakita ko talaga sila sa akto na may ginagawa.  Pero at least ngayon may kutob na ako.  Di na ako mabibigla."

"Pero kaya mo bang iwanan o maiwan ni Kuya Paolo?" tanong ulit ni Rey.

"Kung ganun nga ang mangyayari, kakayanin ko.  Ayoko naman makipaglaban kung ang tao na mismo ang lumayo." saka ko tiningnan si Feljan.  Pinatamaan ko.

Ngumiti siya.

"Basta ha, pag may problema ka, dito lang kami, aaliwin ka namin... nang masarap." sabi ni Rey.  Saka naghalikan na naman kami.  Mga tatlong oras pa kaming nag-sex bago ako lumabas ng kuwarto nila.

Alas onse na nang dumating si Kuya Paolo.  Patulog na rin ako.  Nang marinig ko ang kotse niya ay nagtulug-tulugan na ako.

Pagpasok nito sa kuwarto ay dumiretso sa banyo, naligo at kaagad na natulog.  Medyo amoy-alak pa ito.

Di man lang ako niyakap.

Kinaumagahan ay maaga na naman ako nagising.  Dumiretso ako sa banyo at naligo.  Palabas na sana ako nang biglang napansin ko ang brief ni Kuya Paolo na nakasabit sa likod ng pinto.  Kinuha ko ito at tiningnan, kaagad kong napansin ang amoy tamod dito at ayun nga, may naninigas pang tamod sa loob ng brief nito.  Ang di ko lang maintindihan ay kung bakit may maliliit na pula sa gilid ng brief niya.

Kinabahan ako.  Ang ginawa ko ay kinuha ko ang brief niya at itinago sa mga gamit ko.  Nag-almusal na ako at nakiusap kay Kuya Bon kung pwede siya ang maghatid sa akin.  Sabi ko ay lasing na lasing si Kuya Paolo.  Pumayag naman si Mam Tony dahil wala naman siyang pupuntahan sa araw na iyon.

Ngumiti lang ako at sumakay na kami ng kotse.  Habang nasa kotse ay kinakausap ako ni Kuya Bon.  Ayokong maging bastos kaya nagkunwari na lang akong walang problema at kinausap siya ng maayos.

Pagkarating sa Mary Mart Mall ay bumaba na ako.  Hinatid ako ni Kuya Bon sa klase at wala pa masyadong tao, tatlo lang yata kami.  Masyado yata akong maaga.

"Paano? Susunduin na kita mamaya?" si Kuya Bon.

"Wag na Kuya.  Mag-commute na lang ako, di ko alam kasi kung susunduin ako ni Kuya PAolo o hindi e. Masyado na rin late kung tatawag pa ako nun." sabi ko.

"Sige ikaw bahala.  Basta kung alangan ka mag-commute ay tawagan mo lang kami sa bahay." sabi nito.

"Sige po."

Saka umalis na ito.

Friday ngayon.  Kapag Friday daw ay meron kaming mga tasks na gagawin.  Doon daw i-aapply ang mga natutunan namin buong linggo.

Maya-maya ay marami na ring nagsidatingan. Nakita kong palinga-linga si Sir Bryan pagdating.  Nang makita niya ako ay ngumiti siya.  Ngumiti na rin ako.  Pinili ko kasi ang table sa pinakadulo kaya matagal bago niya ako nakita.

"Okay, today is our weekly application day.  Buong araw ang gagamitin natin para magawa ang task niyo today.  However, since I know na medyo mahihirapan kayong matapos ito isa-isa, I want you to choose your partner.  This will be a partner activity." sabi ni Sir BRyan.

Agad na nagsitayuan ang mga tao at kanya-kanyang hanap ng partner.  Dahil bago lang ako ay walang lumapit sa akin.  Wala pa akong ka-close.

"So, does everyone have their partner?" tanong uli ni Sir Bryan pagkatapos makaupo na lahat.

"Yes!" sagot ng lahat.

"Are you sure? May mga nakita akong di tumayo kanina. Angelo and Luke, do you have a partner?" tanong nito.  Di ko alam kung nananadya si Sir Bryan.

Tiningnan ako ni Luke, matagal.  Tsaka tumingin siya kay Sir Bryan.

Umiling siya.

Walang magpa-partner sa'yo palibhasa sama ng ugali mo, naisip ko.

"Well, it's obvious, you'll both pair with each other." si Sir Bryan.

"What?!" halos masigaw kong tanong.

Nakalimutan ba niya na walang ginawa si Luke kundi isabotahe ang gawa ko kahapon, ngayon gusto niya partner kami?

"Sir Bry, can I just do it alone?" tanong ko.

"Why? Is Luke not good enough to be your partner?" tanong nito. Parang nanunukso.

"E kasi naman po... kahapon di ba?" sabi ko.

"Well, it's time for him to apologize to you. He already talked to me yesterday." paliwanag ni Sir BRyan.

Umiling ako.  Dismayado man ay kinuha ko ang mga gamit ko at tumabi kay Luke.

"Next time, kapag sinabotahe mo ang gawa ko, sasaksakin na kita ng lapis." babala ko sa kanya.

Di siya kumibo. Nag-eexpect pa naman ako na sasagot ito. Pero tahimik lang siyang nag-ayos ng gamit niya.

"Okay, now that you have partners..." sabay tingin nito sa amin ni Luke, nananadya talaga. "... let's start.  What I want you to do is Still-life in mixed media. I want you to use two out of these materials: crayons, pencils (including color pencils), pen and ink, pastel, or water color.  I don't suggest na mag-oil paint kayo.  Remember when I said pencil, that means you'll use the pencil to color and shade, not just pang-sketch. Same as with Pen and ink, you use it to color, not to draw borders."

Maraming nagbulungan sa sinabi ni Sir Bryan.

"Okay, you have until this afternoon to finish this.  You can't go home when you're not done with the exercise. Just approach me if you have questions." sabi pa nito.

Pansin ko kaagad na excited ang marami sa gagawin namin.

"Ano gagamitin natin?" tanong bigla ni Luke.

Nagulat talaga ako sa pagtanong nito.  Kakaiba ang tono niya sa mga nakaraang araw.

"Ahhh... sensya ka na huh? Nagulat lang ako sa iyo e.  Joke ba to?" tanong ko.

"Ang alin?" seryosong balik nito.

"I mean ito.  Kinakausap mo ako ng mahinahon? Bago yata yan huh?" sabi ko.

"About the past 2 days, I'm sorry. I thought kasi na gusto mo magpasikat to get the scholarship." sabi nito.

"Scholarship? What scholarship?" kunot-noo kong tanong dito.

"Oo nga, Sir Bryan told me yesterday na hindi ka kasama sa mga applicants for the Scholarship.  Every year kasi, during this Summer Workshop, may ilan dito na sumasali dahil sponsored ng school, yung iba e sumali dahil kaya nilang magbayad.  Nalaman ko kay Sir Bryan kahapon na di ka pala kasali sa scholarship.  I thought noong unang araw mo dito ay nagpasikat ka na para doon." paliwanag nito.

"I understand the scholarship, pero akala mo e kakompetensiya mo ako?"

Tumango siya.

Natawa ako ng mahina.

"Kakaiba ka, ambilis mo naman mag-conclude.  Andito lang ako para magpalipas ng bakasyon at para na rin maimprove skills ko sa pag-drawing kaya, you can keep that scholarship for yourself. Para saan ba ang scholarship na yan?" tanong ko rin.

"Hmmm... Libreng tutorial sa grupo nina Sir Bryan within 1 school year every Saturday and Sunday." sabi ni Luke.

"Ah... so gusto mo talagang masanay ang talent mo ng maayos." sabi ko.

Tumango siya.

"Okay, now that we're okay, pwede bang ngumiti ka naman minsan? Naaalibadbaran ako sa kakasimangot mo e." sabi ko.

Ngumiti din naman siya.

"Iyan... cute ka pala kapag nag-smile ka eh." sabi ko.

Tumawa siya.

"Sige balik na tayo sa activity natin. Anong gusto mong media na gamitin?" tanong nito.

"Hmmm.. mas maganda siguro pastel at water color.  Pastel ang focus natin, water color and background at foreground para lumulutang ang kulay ng main part." sabi ko.

Ngumiti siya.

"Buti na lang di kita kalaban." sabi nito.

"Bakit naman?"

"Kasi anggaling ng idea mo e. Ambilis mo mag-isip." papuri nito.

Binunggo ng balikat ko ang balikat niya.

"Asus. Bolero.  Porke may kasalanan ka sa akin." biro ko dito.

Tumawa siya.

"Cute ka rin e." sabi nito bigla.

"Huh? Ano?"

"Sabi mo cute ako pag naka-smile.  E ikaw din pala e." sabi nito.

"Naku, ayoko na. Sabihin ko na kay Sir Bryan na masyado nang manloloko kasama ko." nakangiti kong sabi sa kanya.

"Sige na. Sige na. Dito ka na lang.  Di na kita pupurihin."

Nagtawanan kami.

Magaling din pala si Luke mag-drawing.  Nahihirapan nga lang siya dahil share kami sa isang mesa kaya medyo gitgitan kami.  Kanina ay okay lang sa akin na magkadikit ang mga braso namin pero maya-maya, habang tumatagal kaming nag-uusap, nagkukulitan at nagkukuwentuhan ay medyo nailang ako.  Parang may kakaibang init ang braso niya.  Inilayo ko ang braso ko sa kanya.

Kaso masyado talagang maliit ang mesa para lumayo ako kaya nagkakalapit pa rin ang mga braso namin.

Hindi na ako umimik.

"Wow! Ambilis niyo guys." sabi ni Sir Bryan nang lumapit sa mesa namin.

Ngumiti lang ako.  Hinawakan kami ni Sir Bryan sa balikat.

"Nagsisisi ba kayo sa partner niyo?" tanong nito.

Ngumiti lang ako. Tumingin ako kay Luke.  Ngumiti lang ito sa akin.

"Good. Good job anyway.  Kahit di pa tapos e alam ko maganda ang kalalabasan niyan." sabi nito.

"Thank you po." mahinang sagot ko.

Lumayo na si Sir Bryan at pinagpatuloy namin ang ginagawa namin ni Luke.  Naghalo na ang style namin ni Luke pero maganda tingnan.

Maya-maya ay lunchbreak na.  Siyempre inaya ako ni Luke, tutal daw pareho naman daw kaming sa McDo kumakain.

"Sige.  Buti naman ngayon magkasama tayo di magkalayo." biro ko.

"Ano ba yan? Akala ko ba okay na tayo. Inuungkat mo na naman e." sabi nito.

"Binibiro lang kita. Cute mo kasi e." sabi ko dito.

Ngumiti na naman siya.

-----------------------------------

Reminder:

!!!Not for reposting!!! Please? This is a personal story. Not fiction so please do not re-post as your own. Thank you.

Don't forget to follow.

Please message me for your comments at 09167719273.  Thank you.


7 comments:

  1. HAYZZZ! cgeh papatawarin ku nayang lalaking yan! haha! ...... im sure may mangyayari din sa inyung dalawa haha!!

    ReplyDelete
  2. Iba ka talaga, Gel! Pwede ka bang samahan minsan para makita ko how your charms work? hehehe

    ReplyDelete
  3. @Scyther_man... naku... walang ganun... Una, bawal ako makipagmeet... tsaka wala ako charm nyehehehe...

    ReplyDelete
  4. ano yung pula sa brief ni paolo. :(
    ang sakit nmn sa puso.

    nothing lasts forever.

    ReplyDelete
  5. alam ko kung anu ung red ........ syempre virgin pa ung babae kaya kapag bago eh may dugo na lalabas haha!

    ReplyDelete
  6. haha syempre nanunuud ng PORN eh haha! MALIBOG!!!

    ReplyDelete