Antahimik na ng mga followers ko ah... Hindi na nagcocomment.
=======================================
Sumakay ako sa kotse ni Sir Bryan. Pero di naman pala kailangan dahil sa may Amigo Plaza lang din pala ang bilihan. Wala pang isang block. Tinuruan niya ako ng mga brand na magandang gamitin. Halimbawa sa Pastel, pili daw ako sa Sakura at Pentel. Hindi daw siya magbibigay ng idea kung alin sa dalawa dahil depende daw yun sa gumagamit pero ganun daw ang dalawang brand na pwede kong gamitin.
Sa Water color naman, Van Gogh at Prang daw ang magandang gamitin pero may kamahalan. Oo nga, mahal. Dahil ang Van Gogh na water color ay halos dalawanlibong piso.
"Mas maganda try mo yung both. Ikaw ang magdecide kung alin ang akma sa style mo." suggestion nito.
"Ah. Galing naman. Buti na lang po pala sinamahan niyo ako. Kung ako lang kasi e kahit ano na lang bibilhin ko."
Ngumiti din siya.
Pagkatapos noon ay bumili ako ng ilang Bainbridge na illustration board, mas maganda daw yun sa ordinaryong illustration board. Pag wala daw Bainbridge, pwede na rin daw Berkeley.
"Paano yan? Marami kang dala. Magji-jeep ka lang ba pauwi?" tanong nito.
"Hindi po. Hihintayin ko pa po yung kasama ko sa bahay na umuwi. Sasabay na lang po ako sa kanya."
"Ahhh... saan mo hihintayin. Ano'ng oras?"
"Babalik pa po ako ng Mary Mary e. Dun ko daw siya hihintayin sa may McDo."
"Sige. Hatid na rin kita pabalik." alok nito.
"Naku Sir Bryan, abala pa po sa inyo. Ako na lang po. Malapit lang naman e." sabi ko.
"I insist. Andami nang dala mo e." sabi nito.
Kinuha na niya ang mga illustration board sa kamay ko kaya di na ako nakatanggi.
Makulit si Sir Bryan... medyo kalog at maraming alam sa art. Makuwento din.
Pagkarating namin sa McDo ay pinaupo niya ako. Kaagad siyang tumayo at umorder. Pagkabalik niya ay may dala na siyang meryenda. Burger, fried at softdrink.
"Tara, meryenda muna tayo." aya nito.
"Sir Bry naman, nag-abala ka pa."
"Naku, mura lang yan, wala pang isangdaan yan kaya wag ka na tumanggi."
Kinuha ko na lang at kinain.
"So tell me. Are you a natural artist or a taught artist?" bungad nito.
"Huh?" nabigla ako sa tanong niya.
"Hmmm... sa tingin mo, may inborn talent ka o napag-aralan mo lang ang pagiging artist mo?" pagliliwanag nito.
"Hindi ko po alam e." sabi ko. Sa totoo lang e ayokong magsabi.
"Hmmm... sige... ganito. Kelan ang first time na nagdrawing ka at ano yun?"
Nag-isip ako.
"Maliwanag pa sa alaala ko yun." nagsimula akong magkuwento. "Noong bata kasi ako ang Kuya ko ang palaging pambato ng elementary school nila sa Poster-Making. Noong five years old ako ay papasok na ako sa elementary. E timing naman na may Poster-Making ang YMCA, pinasali ang kuya ko sa Intermediate Division. Gusto ng school na may representative din sa Primary Division. Kaso bakasyon noon at wala silang panlaban kaya ayun, sabi sa akin nina Mama ay sumali na lang daw ako para may representative ang school. Kahit daw ano gawin ko basta may participant lang daw."
Nakatingin lang si Sir Bryan habang kumakain.
"Tapos? Ano'ng nangyari sa contest?"
"Ayun... sumali nga ako. Natawa nga ako dahil first time ko humawak ng crayons nun. Natuwa lang ako sa dami ng kulay. Dalawa kami ng Kuya ko ang sumali. Ang theme nun e "Nature". Sa umpisa ay di ko alam gagawin ko. Mas matanda lahat ng kalaban ko sa akin. Mabilis silang nagkulay. Pero siyempre ako, first time ko humawak ng crayons kaya gumuhit guhit ako. Nagulat na lang ako na ang una kong na-drawing ay elepante." sabay tawa ako.
"Talaga? Elepante agad? Mukhang elepante o elepante talaga?" si Sir Bryan.
"Tingin ko elepante talaga yun. Kaya natuwa ako." ngumiti ako. "Sunod-sunod na ng gumalaw ang mga kamay ko. Guhit dito, guhit doon, nagkaroon ng maraming hayop, halaman, puno, ilog, bundok, araw at kung ano-ano pa. Tumigil na lang ako nang napuno ko na ang cartolina."
"Ano'ng nangyari?" excited na ang mukha ni Sir Bryan.
"Hmmm... Nanalo ako first prize. Ang kuya ko second prize sa division nila. Kaya nang magpasukan ay pinakilala agad ako sa school. First day of class pa lang e nakilala na ako ng principal."
Ngumiti siya.
"So natural artist ka... may inborn ka ngang galing." sabi nito.
"Huh? Paano mo naman nasabi?"
"E paano? Hindi ka nga nakahawak ng crayons e alam mo na pano gumawa ng mga hayop. Di lang hayop, mga hayop at kung anu-ano pa. Siguro in the future, magiging magaling ka na artist."
Namula ang pisngi ko sa papuri nito.
"Thank you po Sir." sabi ko.
"Ano ka ba? Pag nasa labas na tayo e Bryan na lang. Para di formal." sabi nito.
"Sige po... Bryan." ulit ko.
"Ayun."
Marami pa kaming napagkuwentuhan nang makita ko na sa malayo ang kotse ni Mama Tony. Nagpaalam na ako kay Sir Bryan.
Ngumiti lang siya.
"See you tomorrow sa klase ko huh?" sabi nito.
"Sige po. See you. Salamat sa meryenda." sabi ko bago lumabas ng pinto.
Pagkapasok ko sa kotse ay hinalikan ako ni Kuya Paolo. Nag-dinner muna kami sa labas bago umuwi.
-----------------------------------
Maaga akong nagising kinabukasan. Maagang inayos ang mga gamit ko sa bag. Hinintay ko ang pagbaba ni Kuya Paolo saka kami as usual umalis at nagpahatid ako sa klase.
"Baka gabihin ako mamaya huh? Hihintayin mo ba ako?" tanong nito bago ako bumaba.
"Gaano kagabi po?"
"Baka mga 9 or 10PM na." sabi nito.
"Waahhh.... masyadong gabi na po yan e. Saan ko po kayo hihintayin niyan?" sabi ko.
"Mas maganda siguro mag-commute ka na lang pauwi o pasundo ka kina Bon."
"Sige po tawagan ko na lang sila sa bahay." sabi ko.
Hinalikan niya ako bago ako lumabas ng kotse at umalis na siya.
Pagkarating sa klase ay hinanap ko ang upuan ko. Nakita kong may nakaupong ibang tao. Nalungkot ako.
"Hey... why the long face?" si Sir Bryan.
Tiningnan niya kung saan nakatuon ang mata ko.
"Aaah... didn't I tell you that it's free-sitting? That means kahit saan ka pwede umupo. Ayun, sa tabi ni Luke may mesa pa." turo nito.
Malayo pa lang ay kitang kita ko nang nakasimangot si Luke na tinuturo ni Sir Bryan ang mesa sa tabi niya.
Nang umupo ako sa mesa sa tabi niya ay di ko siya tinitingnan. Nagsimula na kaming mag-drawing gamit ang pastel. May model na mga prutas at bulaklak sa gitna ng kuwarto.
Nagsisimula pa lang akong mag-drawing nang biglang gumalaw ang table ko. Nakita kong biglang umurong ang paa ni Luke. Dahil sa ginawa niyang iyon ay kumalat ang pastel ko sa cartolina. Hindi na kayang takpan dahil black pa naman iyon.
"Ano ba yan?" malakas kong reklamo. Hinarap ko siya. "Ano bang problema mo?"
"Bakit? Inaano ba kita?"supladong sagot nito.
"Wag ka nang magkunwari diyan. Kitang-kita ko ang paa mo, sinipa mo ang mesa ko kaya tuloy nakalat. Hayyy..."
"Hoy! Hoy! Wala kang ebidensiya kaya wag ka magbibintang diyan. Kasalanan ko ba kung clumsy ka." ngingisi-ngisi pang sagot nito.
"GUys... guys... what's happening here?" biglang pagitna ni Sir Bryan.
"Ayoko na... uuwi na ako. Nasira na ang araw ko." sabi ko. Agad na kinuha mga gamit ko at nilagay sa bag ko.
"Angelo..." rinig kong tawag ni Sir BRyan.
Pero hindi ko siya nilingon. Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad. Wala akong maisip na puntahan kundi si Kuya Paolo. Dire-diretso akong naglakad papunta sa hotel na pinagtatrabahuhan niya. Papasok pa lang sana ako sa lobby nang makita ko si Kuya Paolo, may kausap na babae. Sobrang lapit ng katawan nila sa isa't isa. Nakahawak pa ang kamay ng babae sa hita ni Kuya Paolo. Mahilig pa silang magbulungan at magngitian. Kitang-kita ko sa mga mata ni Kuya Paolo na gustong-gusto niya at enjoy na enjoy siya sa pakikipag-usap sa babaeng ito.
Bigla na lang sumama ang pakiramdam ko. Tumakbo ako papunta sa sakayan ng jeep. Nag-commute na lang ako pauwi. Nang makarating sa bahay ay walang ibang tao kundi sina Feljan at Rey. Umalis daw ang lahat.
Dire-diretso ako sa kuwarto at nag-iiyak.
Di ko alam kung bakit pero masama ang pakiramdam ko sa mga nangyari.
-----------------------------------
Reminder:
!!!Not for reposting!!! Please? This is a personal story. Not fiction so please do not re-post as your own. Thank you.
Don't forget to follow.
Please message me for your comments at 09167719273. Thank you.
sad....:(
ReplyDeleteand hell with luke:)
syet tang ina n2ng luke na 2! kong ako sinuntok ko na sya ............ yayks! i2 na nga ba cnasabi ko eh lahat ng bf ni kua gel eh may sad scenes at may ending pa ..... sna di2 wlng ending
ReplyDelete